Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 84 - Naughty

Chapter 84 - Naughty

Shanaia Aira's Point of View

NATAPOS na ang selebrasyon para sa Bagong Taon. Naghahanda na kaming buong pamilya sa aming pagbabalik bansa kinabukasan. Naghanda ng maliit na salu-salo ang mga anak ni lolo Franz na nakabase dito para sa aming pag-alis.

Gaya ng kanyang pinangako, dumating si Jaytee para sa mga ipadadala nyang pasalubong para kay Charlotte at Venice at para din sa iba naming kaklase na naging malapit sa kanya noon.

" Happy trip na lang sa inyo Aira. Ikaw na ang bahala sa mga pasalubong na yan. Alam na ni Charlotte ang gagawin, nakalagay dun sa note na sinama ko dyan."

" Thank you Jaytee." sincere na saad ko.

" You're always welcome Aira. Take care, okay?" tugon nya.

" Yeah, thanks. " akmang yayakapin nya ako ng may biglang tumikhim sa likuran.

" Oopps. Yayakap pa eh. Shake hands na lang brod. Akin yan eh. " turan ni Gelo. Napapakamot na lang ng ulo nya si Jaytee tsaka kinuha na lang ang kamay ko para sa shake hands.

Pinandilatan ko naman ng mata si Gelo. Possessive talaga tong tao na to. Friendly hug lang eh. Siya nga may humahalik sa kanya eh. Ano yun? Friendly kiss? Kakasora!

" Sige aalis na ko. May pasok pa ako. Ingat na lang.Brod?" paalam ni Jaytee na kay Gelo nakatingin.

" Sige brod. Ingat din. Salamat." sagot ni Gelo saka sila nag shake hands.

" Alam mo ikaw bhi, grabe ka talaga. Friendly hug lang yun eh. Ganun naman kami noon kahit sila Venice nung high school kami. "

" Basta, what's mine is mine. Period." nayayamot nyang sambit.

" Ah ganon! Eh kumusta naman yung mga nanghahalik sayo? Ano yun, friendly kiss? " napatingin sya sa akin saka napapakamot na nagsalita.

" Sabi ko nga, friendly hug lang yung kay Jaytee. Bakit ka ba kasi nagagalit baby? " kita mo na binaligtad na naman ako.

" Ewan sayo bhi! Butata ka na humihirit ka pa. Tara na nga sa kwarto. " sabi ko sabay hila sa kanya.

" Hala baby, nag-exercise na tayo kanina, nagyayaya ka na naman. " pang-aasar nya pa sa akin. Namula naman agad ako. Mamaya nyan marinig kami nila dad patay kami neto.

" Ano ba bhi, marinig ka nila dad dyan. Ano pinagsasabi mo? Mag-iimpake lang tayo. Aalis na tayo bukas, remember? "

" Ah yun ba yon? Akala ko ano na eh. Sumabay na tayo sa putukan kanina di ba?" nag-init na naman yung mukha ko. Hudas talaga tong asawa ko.Napaka-pilyo.Kinurot ko nga siya sa tagiliran.

" Aray baby! Awat na! "

" Hay nako! Kung alam lang ng fans mo na yung most promising actor na si Gelo Montero ay sobrang naughty, ano kaya ang reaksyon nila?"

" Ikaw naman, syempre ikaw lang nakakaalam ng weakness ko. Si Aira Gallardo Montero lang ang kahinaan ng isang Gelo Montero." turan nya sabay halik sa pisngi ko.

I just rolled my eyes on him." Oo na nga lang bhi! "

Mabilis lang kaming nakapag-empake. Naayos ko naman na kasi yung iba noong nakaraang araw. Yung mga pasalubong na lang na binili namin at yung padala ni Jaytee ang inayos namin sa isang maleta. At syempre pa, dahil mabilis kaming natapos, alam na ninyo ang kasunod ng kakulitan ni Gelo. Exercise with a twist.

Enebenemen yen.

KINABUKASAN magkakasama na kaming pumunta sa airport. Kasama rin namin sila lolo Franz, lola Paz, tito Nhel at tita Laine. Kung paanong nagkasabay-sabay kami sa isang flight, si kuya Andrew ang gumawa ng paraan.

Naging peaceful naman ang halos 16 hours na byahe namin. Pagdating namin ng NAIA, kanya-kanya ng suot ng aviators ang mga kasama namin pwera kaming apat nina lolo Franz, lola Paz at Dindin. Mga celebrity kasi yung pitong kasama namin, mahirap ng magkagulo pa dito sa airport dahil sa mga fans nila.

Sa condo na kami tumuloy ni Gelo samantalang sila lolo Franz ay kasama na nila mommy sa Dasma. Magkatabi lang naman ang bahay namin dun at kinabukasan na lang daw sila uuwi ng Sto. Cristo.

THE NEXT DAY. Back to work na si Gelo at ako naman sa med school. As usual magiging busy na naman siya sa dubbing at pagkatapos nun promotion na. Radio and tv guestings then before the playdate nung movie, may premiere night pa. Swerte na yung makasabay ko pa sya sa dinner.

" Wow besh ang dami naman nitong pasalubong mo." bulalas ni Venice at Charlotte nung iabot ko sa kanila yung dalawang malaking paper bag.

" Galing kay Jaytee yung iba dyan. May note dyan sa isang paper bag, ikaw na daw ang bahala Charlotte."

" Talaga! Nagkita kayo ni Jaytee besh? " tanong ni Venice.

" Yup. Accidentally, dun sa park na katabi ng house namin. Sila ng kuya niya ang nagma-manage nung pharmaceutical company nila sa US. "

" Really? Ang galing naman. " sabi naman ni Charlotte.

" Oo nga. Natutuwa ako sa kanya. "

" Ayiee, nagkita ang dating love team. " tukso ni Venice.

" Sira! alam nyang engaged na kami ni Gelo. At may iniwang girlfriend yun sa Canada. " sagot ko.

" Joke lang naman besh. " sabi ni Venice na nag peace sign pa.

" Tara na kayo andyan na yung prof natin." untag ni Charlotte.

Natapos ang klase namin sa maghapon na sobrang busy kami sa lahat ng subject. Sa haba ng bakasyon, bumawi ang mga prof namin.

Sumabay na lang ako kila Charlotte sa pag-uwi. Pagdating ko ng condo, nagligpit ako saglit tapos nagluto na rin ako para sa dinner kahit hindi ko tiyak kung dito ba kakain si Gelo.

Nung halos alas otso na ng gabi at wala pa sya, kumain na lang ako mag-isa. Siguro kakain naman yun dun kung nasaan man sya. Wala naman kasing text ang mokong, siguro busy sa dubbing.

Nung nagpapahinga na ako sa room biglang tumunog ang cellphone ko. May message na pumasok.

Gwyeth :

Hindi ka pa ba tapos sa dubbing? Hinihintay ka namin dito sa resto.

Oo nga pala, number ko yung binigay ni Gelo sa kanya. Mag-reply kaya ako?

Sumumpong ang kapilyahan ko kaya nag-reply ako.

Gelo :

Tapos na ako kaya lang umuwi na ako. Kayo na lang dyan.

Gwyneth :

What? paanong nangyari yon? Nandito si direk, sabi mo hintayin ka.

Naku po!

Patay na.

Kung bakit naman kasi ngayon pa umandar ang kalokohan ko? Akala ko kasi...

What to do? Isip-isip Aira.

Related Books

Popular novel hashtag