Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 85 - You're My Life

Chapter 85 - You're My Life

Shanaia Aira's Point of View

WRONG move Shanaia Aira. Bakit ba kasi nag-reply ka pa eh. Baka magalit si direk kay Gelo. Naku naman!

What to do now? Isip-isip.

Wala na akong maisip na paraan kundi ang tawagan si Gelo.Ang problema baka nasa dubbing pa sya.

Bahala na nga!

Sinibukan kong tawagan sya.

Ring... ring... ring.... salamat naman nagri-ring.

" Hello baby?"

" Bhiiiiii!!!" tili ko.

" Ouch! Anong nangyari bakit tumitili ka dyan? Baby may problema ba? Kinakabahan ako sayo." parang nagpa-panic na sya sa kabilang linya.

" Nasaan ka?"

" Dubbing room. Why?"

" Bhi sorry." sabi ko.

" Bakit ka nagso-sorry?" tanong nya.

" May kalokohan akong nagawa. huhuhu. "

" Hey stop crying. Anong ginawa mo ba? " tanong nya.

" Kasi nag text si Gwyneth. Hinihintay ka daw nila dun sa resto. Ewan ko kung anong sumapi sa akin, nag-reply ako. "

" What? Hindi mo naman ginagawa dati yun ah. "

" Yun nga. Parang nag—ahm, nag—"

" Nag—ano yun? Linawin mo nga baby. "putol nya sa sinasabi ko. Feeling ko lihim nya akong pinagtatawanan sa kabilang linya.

" Nagseselos. " mahina kong sambit.

" Ano baby, hindi ko marinig?" tanong nya. Parang narinig naman nya dahil maayos at malinaw naman yung reception. Pinagti-tripan na naman ako nito.

" NAGSESELOS! Hayan narinig mo na?"

" Hahaha. Hay sarap naman marinig na nagseselos ang asawa ko. Bihira yan ah. " masayang turan nya.

" Sus kinilig ka na naman dyan. Yun nga, dahil dun nasabi ko na umuwi ka na."

" What? Bakit mo sinabi yon? Magagalit si direk dahil nagpahintay ako. May mahalaga kaming pag-uusapan. Baby naman, wrong timing yang pagseselos mo eh. " mukhang problemado na sya sa kabilang linya.

" Yun nga bhi eh. Sorry na.. huhuhu. wag ka na magalit." naiiyak ko ng turan.

" Sige tatawagan ko si direk. "

" Gusto ko bhi marinig yung usapan nyo. Hindi ako mapapakali. Wag mo patayin yung tawag ko tapos yung isang phone mo gamitin mo pantawag mo sa kanya. "

" Okay, hold on. I-loudspeaker ko na lang para marinig mo." tapos narinig ko syang kumilos sa kabilang line.

After a while may narinig akong nagri-ring sa kabilang linya.

" Hello Gelo! " boses ni direk Cathy.

" Ah direk nandyan pa ba kayo sa resto?" dinig kong tanong ni Gelo.

" Oo kumakain na kami. Bakit ba kasi umuwi ka? Alam mong naghihintay kami dito." parang galit yung tono ni direk. Patay!

" Ah eh direk sorry po.Na-wrong sent po ako. Nasabay yung text ng kapatid ko dun sa text ni Gwyneth. Kinukulit po kasi ako na pumunta daw kami ng mall. " palusot ni Gelo. Naku sana gumana naman yung alibi nya.

" Ay ganon ba? Sige sumunod ka na dito. Tapos ka na ba dyan sa dubbing? " tanong ni direk. Hay salamat.

" Tapos na po. Sige sunod na ako dyan. " sagot ni Gelo at ibinaba na ang tawag nya kay direk Cathy.

" Solve na. Ano baby nakahinga ka na dyan?" tanong nya sa akin.

" Oo bhi. Buti na lang nakaisip ka kaagad ng alibi. Ang galing mo po."

" Kaya next time wag paiiralin agad ang selos. Mabuti na lang tinawagan mo agad ako kundi malaking problema kung umalis na sila direk dun sa resto. Magagalit kasi yun."

" Sorry na bhi. " sincere kong turan.

" It's okay Mrs. Montero. Alam mo naman na hindi ako nagagalit sayo. You are my life, obviously I can't get mad with my life. " napangiti ako sa sinabi nya.

" Sus, pinapakilig mo na naman ako Mr. Montero. "

" Yun naman ang goal ko, yung pakiligin ka."

" Oo na. Effective naman. "

" O paano baby, mamaya pa ako makaka-uwi. Matulog ka na, maaga pasok mo bukas. May susi naman ako." paalam nya.

" Wait bhi!" habol ko.

" Ano yun baby? "

" Wag kang magpapahalik ha? "

" Hahaha. Opo mahal ko. Hindi naman kami iinom. "

" Nagpapaalala lang ako. "

" I know. I love you baby. "

" I love you too. Ingat ka pauwi. "

Nakahinga na ako ng maluwag matapos naming mag-usap ni Gelo. I reminded myself, not to reply on Gwyneth 's message next time.

Hatinggabi na nung makauwi si Gelo. Hindi na niya ako ginising pero naalimpungatan naman ako nung madaling-araw na may nakayakap na sa akin.

Kinaumagahan, nagising ako na mahimbing pa rin ang tulog nya. Matapos kong mag-pray kay God ay dahan-dahan akong bumaba sa kama para hindi siya magising.

Nagluto ako ng breakfast namin. Hotdogs, bacon and eggs then fried rice. Nagsalang na rin ako ng kape sa coffee maker.

Saktong naglalagay na ako ng plato sa mesa nung dumating si Gelo sa dining room.

" Morning baby!" bati nya sa akin. Niyakap nya ako mula sa likuran tapos hinalikan ako sa pisngi. Naamoy ko pa yung sabong mabango na ginamit nya. Medyo basa pa yung buhok nya.

" Morning bhi. Ano oras ka aalis?"

" Wala akong gagawin ngayon. Kalahati na ng eksena ko yung na-dubbed ko kahapon. Pahinga daw muna ako sabi ni direk baka malatin naman daw ako."

" Ah okay. Halika kain na tayo." untag ko sa kanya. Kumalas naman sya sa akin at sabay kaming naupo sa hapag.

" Ihahatid kita sa school. " sabi nya.

" So, yung McLaren ang gagamitin natin? " tanong ko sa kanya.

" Yeah. Baby? "

" Hmm.? "

" Gusto kong ibili ka ng sarili mong sasakyan, para hindi ka na nagta-taxi at nakikisakay kila Charlotte kapag wala ako." turan nya.

" Akala ko ba ayaw mo akong nagda-drive mag-isa?" tanong ko. Kasi nagka-phobia na sya nung mabangga kami ni Dindin years ago.

" Oo pero mas nag-aalala ako kapag nagta-taxi ka. Pwede ka naman mag-ingat. "

" Ikaw ang bahala bhi. Kelan tayo bibili?"

" Kung pwede ngayon na. " nagulat naman ako sa sinabi nya.

" Agad-agad bhi?"

" Yup. After ng klase mo." sagot nya. Umaga lang kasi ang class ko kapag ganitong araw, hanggang before lunchtime lang kaya pwede nga kaming bumili.

Hinatid ako ni Gelo sa school matapos ang breakfast namin. Babalikan nya ako mamaya para sunduin. Doon muna daw siya kila tita Mindy habang hinihintay nya ako.Dadalhin na rin nya yung mga pasalubong namin sa kanila. Gusto ko nga rin sanang dumalaw kila tita Mindy kasi hindi kami nakapunta nung Christmas at New Year sa kanila dahil nasa US nga kami. Siguro kapag libre na lang si Gelo ngayong weekends, yayayain ko sya dun.

Mabilis lang naman na natapos yung klase namin. Tinatanong ako ni Charlotte kung sasabay ba ako sa kanila ngayon.

" Hindi besh, susunduin ako ni Gelo."

" Really? Wala syang shooting?" tanong ni Lot.

" Wala. Tapos na yung movie. Nagda-dubbing na lang sila." sagot ko.

" Ah sige. Goodluck na lang sa date nyo." asar pa nya.

" Uy hindi kami magde-date."

" Sa condo lang kayo? Uy ah! " pang-aasar pa nya sabay kurot sa tagiliran ko.

" Sira kung ano-ano na naman yang tumatakbo sa isip mo. Bibili kami ng sasakyan." inporma ko.

" Dalawa na yung car nyo ah. Para saan pa yang bibilhin nyo? " tanong nya ulit.

" Yung isa, yun ang madalas gamitin ni Gelo. Yung McLaren, alam mo naman na secret vehicle namin yon. Itong bibilhin namin para sa akin daw. " paliwanag ko.

" Kayo na ang maraming pera. Sabagay pabor yan kasi pwede na ulit tayong gumala pag gusto natin." natutuwang saad ni Lot. Lakwatsera talaga to kahit kailan. Buti na lang nakauwi na si Venice dahil may date sila ni Clyde kundi makukulili na naman ang tenga namin ni Charlotte katitili nya pag excited sya.

" Sinabi mo. O hayan na pala si Gelo pwede nyo na akong iwan. " sumakay na si Charlotte sa kotse ng naghihintay na si Kevin. Alam naman nila na kapag yung McLaren ang dala ni Gelo, hindi ito bumababa. Secret car kasi ito, hindi ito kilala ng mga fans at taga movie industry. Kapag may nakakita kay Gelo, hindi malayong maghinala ang mga taga media na hindi lang kami mag best friend.

Umuwi muna kami sa condo para makapagpalit ako ng damit. Yung kotse ni Gelo ang ginamit namin.Sa may Greenhills kami nagpunta para malapit lang ito sa condo namin.

Habang pumipili kami ng bibilhing kotse sa napili naming car shop, may biglang nagsalita sa likuran namin.

" Oh hi Gelo, hindi ko alam na nandito ka rin pala." sabay pa kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses.

Nilingon lang sya ni Gelo at tinanguan. Mukhang hindi pa rin sya masyadong kinakausap ni Gelo dahil dun sa nangyari sa akin sa Palawan bilang waitress.

" Bhi, wag kang rude. Mas makakahalata yan pag ganyan ka." bulong ko kay Gelo.

" Bakit hindi mo naman ako ipakilala dyan sa kasama mo?" hirit muli ni Gwyneth.

" Ah this is Aira Gallardo, my best friend." pakilala ni Gelo.

" Oh, the bestfriend." sarcastic na turan nya. Naalala nya siguro yung naging interview ko sa tabloid.

" Yes. And Baby this is Gwyneth Faelnar. "

" BABY? " gulat nyang sambit.As in nanlalaki pa yung mata nya at naka-nga-nga pa. Pasukan kaya ng langaw yan, sira ang poise nya.

Ano ka ngayon? Bahala kang mag-assume kung bakit baby tawag nya sa akin.

Manigas ka sa selos babaita ka!