Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 83 - Powerful Wind

Chapter 83 - Powerful Wind

Shanaia Aira's Point of View

NAPAPAKAMOT pa sa ulo nya si Gelo nang iwan ako sa dining room at sumunod kay kuya Andrew. Natatawa na lang ako sa itsura nya. Pulang-pula ang loko at hiyang-hiya. Nahuli kasi kami ni kuya. Tiyak na aasarin sya nun pag nag-iinuman na sila.

Mabilis naman akong kumilos palabas ng dining para puntahan si Jaytee sa living room. Inabutan kong kausap sya ni ate Shane.

" Oh heto na pala si baby. Sige ikaw na munang mag-entertain kay Jaytee, niyayaya ako ni Dindin sa labas, may mga bata kasing namamasko na bibigyan namin ng gifts." paalam ni ate tapos pinuntahan na nya si Dindin para dalhin na yung mga gifts sa labas.

" Uh, pasensya ka na. Tumulong pa kasi ako sa pagliligpit sa kusina tapos kinulit pa ako ni Gelo. " hinging paumanhin ko.

" It's okay. Kausap ko naman yung idol ko kanina." sabi nya.

" Ah si ate Shane. Favorite teen actress mo nga pala sya noon." naalala ko. Dati kasi nung high school kami madalas nyang banggitin sa akin na favorite daw nya si ate. Pinadala pa nga nya sa akin yung binili nyang cd ni ate Shane para papirmahan.

" Hanggang ngayon naman favorite ko pa rin sya. Pinanood ko nga yung concert nya sa Canada years ago."

" Really? Nabanggit mo ba yan sa kanya kanina?" tanong ko.

" Yeah. Natuwa naman sya and she gave me this." pinakita nya yung latest album ni ate Shane na may pirma nito.

" Mabuti naman. Akala ko nainip ka sa paghihintay dito. " turan ko.

" Hindi naman. Nandito rin kasi yung bata kanina, si Dindin." sagot naman nya kaya ngumiti na lang ako.

" Kumusta ka? Kayo ni Gelo?" tanong nya.

" Ayos lang kami." tipid kong sagot.

" Kailan pa kayo na-engaged? Mukhang hindi yata nabalita sa mga entertainment news. "

" Nung magbalik showbiz sya, nun kami na engaged. Sikreto lang, family lang namin ang nakakaalam at ilang friends lang na mapagkakatiwalaan. Ayoko kasing I-publicised kasi magulo ang mundo nila. Kahit may mga balita sa kanya at inili-link sya kung kani-kanino, tanggap ko kasi walang katotohanan yun. Ako yung mahal nya at papakasalan. "

" Alam mo, ngayon ko lang naisip kung bakit over protective sya sayo noon. Kaya pala palagi syang galit sa akin noon. Alam mo bang pinagsabihan nya yung ka team ko sa basketball noon na huwag manliligaw sayo? " nagulat ako sa sinabi nya.

" Sino yun?"

" Si Tristan Viloria at yung kasama natin sa journalism club na si Nixon. Kinausap nya yun nung minsang sinundo ka nya. Ako lang naman yung nagpursige kahit galit na galit sya. Mahal ka talaga nya noon pa kaya siguro ganon." kwento ni Jaytee. What? hindi ko alam yun ah. Talaga tong si Gelo, hindi naman masyadong halata na patay na patay sya sa akin.

" Mahal ko rin naman siya. Alam ko naman na mas mahal niya ako. Minsan nga iniisip ko na hindi ako deserving dun sa sobrang pagmamahal nya sa akin. Kita mo naman, Gelo Montero na sya, samantalang ako, heto lang ako."

" Masyado mo namang dine-degrade yang sarili mo Aira. Kahit sinong prinsipe deserve mo kasi ikaw si Aira. Maganda, matalino, mabait at sobrang talented. Kaya nga na-inlove ako sayo noon di ba? " pahayag nya tapos medyo namula naman ako. Diyaskeng ito, ipaalala pa ba yung nakaraan.

" Noon? Meaning naka-move on ka na? " kahit nahihiya ako ay lakas loob akong nagtanong sa kanya.

" Yeah, but it took me years to finally moved on. Sabi ko naman sayo nung huling araw na magkita tayo di ba?"

" Oo Jaytee, sinabi mo na kapag hindi mo na ako makikita baka sakaling makalimutan mo rin ako. Nagka-girlfriend ka ba sa Canada?" tanong ko.

" Yeah. She's also a Filipina. Classmates kami sa ilang subjects. Matagal din kami, mga two years din. Nag-break kami nung bago ako ipadala ni dad dito. Ayaw nya akong umalis pero wala naman akong magagawa. Nakipag-break siya dahil ayaw nya ng LDR kami." malungkot na pahayag ni Jaytee.

" Oh, I'm sorry to hear that. Malay mo pagbalik mo ng Canada may babalikan ka pa pala. "

" To be honest, I'm hoping for that possibility. I still love her. I do. But for now, I just want to focus myself sa work na binigay ni dad. Malaki ang expectations nya sa akin. " nakangiting turan nya.

" You know Jaytee, I'm happy for you. Mukhang successful ka na sa career mo. I hope someday makita mo na yung tamang babae para sayo. I know you're a good man at maswerte ang mamahalin mo at magmamahal sayo. " napangiti sya sa sinabi ko.

" Ibig sabihin maswerte ka noon kasi minahal kita at malas lang ako kasi may iba kang mahal? "

" Sira, hayan ka na naman. Jaytee I thought were friends already? "

" I'm just kidding. Seriously, I moved on already. And yes, we are friends and that's all that matters now. "

Mga bandang 2am ng magpaalam na si Jaytee. Baka raw kasi nagwawala na yung aso nyang si Jigs dahil walang kasama. Pinadalhan ko pa sya ng dessert na ginawa ko. Nangako sya na dadalaw ulit bago kami umuwi ng Pilipinas. May mga ipapadala daw kasi sya para kina Venice at Charlotte.

Nung maihatid ko na si Jaytee sa gate ay dumiretso na ako sa likod bahay kung saan nag-iinuman ang mga kalalakihan.

" Hindi pa po ba kayo tapos? Ligpit-ligpit na po, masama yan sa kalusugan ninyo."

" Naku inaawat na tayo ng bunso. Mga anak, iligpit na yan at baka tayo paluhurin nyan sa asin. hahaha." sabi ni lolo Franz tapos nagtayuan na sila. Tinawag naman ni tito Drake yung kasambahay para magligpit na.

Inalalayan ko si Gelo habang naglalakad kami papasok ng bahay.

" Hala, daig ka pa ni lolo Franz. Hayun at tuwid na tuwid pa ang lakad oh. " biro ko sa kanya.

" Hindi naman ako lasing baby. Medyo nahihilo lang." katwiran pa nya.

" Sus bhi, alam ko naman na mahina ang alcohol tolerance mo. Kaya nga dapat kasama mo ako palagi kundi mapagsasamantalahan ka ng mga nahuhumaling sayo. " sabi ko na ang tinutukoy ay yung paghalik sa kanya ni Gwyneth sa bar.

" Tss! Pinaalala mo na naman yun baby. " naiinis nyang sambit.

" Sige na, hindi na. Lasing ka nga. Ang bilis mong mapikon. Paano yan eh di hindi mo na kayang mag-exercise? " pang-aasar ko pa.

" Hindi ah. Kaya ko pa. Patutunayan ko sayo mamaya na kaya ko pa. " nagmamalaki pa nyang wika. Sige lang tingnan natin.

Nung makarating kami sa kwarto ay naupo na siya sa kama.

" Ano kaya pa? " nangingiti kong tanong.

" Oo nahihilo lang." sagot nya.

" Okay. Maliligo lang ako ha? Sunod ka na lang pagkatapos ko. " sabi ko tapos iniwan ko na sya at pumasok na ako sa bathroom.

Mabilis lang akong naligo para siya naman ang susunod. Ngunit paglabas ko ng bathroom ay natawa na lang ako.

" Haha. hindi daw siya lasing. " sabi ko habang pinagmamasdan ang tulog na tulog na si Gelo na naghihilik pa.

Naalala ko yung gift nya sa akin. Inangat ko yung unan ko at nakita ko ang isang parihabang kahon na may tatak na Cartier.

Wow ang bongga naman ng gift nya.

Isa itong necklace na may pendant ng initials ko. S and A. Kinuha ko yung note sa box at binasa.

Baby,

Merry Christmas my Shanaia Aira. Your name suits you. You're my powerful wind. Because without you, I can't breath. I love you so much.

Gelo

Hay kinikilig ako. Ang swerte ko talaga sa pagkakaroon ng isang Ariel Angelo Montero.

Sana All.