Shanaia Aira's Point of View
NAKAMASID lang ako kay Gelo mula doon sa pwesto ko. Paminsan-minsan, tumutulong din ako sa ibang crew na nagse-serve.
Palakad-pakad ang mga reporters pero kahit isa ay walang nag-abalang lumapit sa akin. Marahil hindi sila interesado dahil waitress lang ako.
Sino nga ba ang mag-aakala na ako ang bunsong anak ng pamilya Gallardo. Maging ang sarili kong asawa ay hindi nga ako nakilala.
Bago kasi ako pumunta dito sa venue ng Christmas party nila Gelo, dumaan muna ako sa parlor. I heard na may make up artist dito na magaling sa transformation, just like Paolo Ballesteros. Binago nya ako from my make up to hair style. Binago hindi upang mas pagandahin kundi para ilayo sa totoo kong itsura. Nung matapos akong ayusan ay hindi ko halos nakilala ang sarili ko. Mukha lang akong kolehiyala na nangangailangan ng pang tuition kaya pumasok na waitress. Simple lang ang mukha at yung buhok ko ay naka-braid lang, hindi pansinin at malayong-malayo sa totoong ako.
" Elaine pakidala itong dessert dun sa table nila Gelo Montero." sabi nung head waitress sa akin. Yung pangalang ginamit ko ay yung pangalang binigay ni Gelo sa receptionist ng hotel na tinutuluyan namin.
" Sige po." sabi ko sabay abot sa tray na naglalaman ng chocolate cake, ube at leche plan.
Dinala ko yung dessert sa table nila Gelo. Tapos na silang kumain at mukhang naghihintay na nga lang silang i-serve ang dessert.
" Wow leche plan, my favorite!" mukhang takam na takam na bulalas ni Vanessa nang makalapit ako sa table nila.
Lihim kong sinulyapan si Gelo. Tiningnan lang nya ako saka nagpasalamat.
Habang inilalagay ko isa-isa sa table nila yung mga dessert, kinuha ni Vanessa yung isang platito ng leche plan pero hindi sinasadyang natabig niya yung kamay ko na may hawak na chocolate cake at nag-landing ito sa kandungan ni Gwyneth.
" Oh stupid! Wala ka bang mata?" sigaw agad nya sa akin. Napatingin lahat yung kumakain sa direksyon namin, hiyang-hiya naman ako. Kung bakit naman palagi ko na lang nakaka-engkwentro ang babaing ito sa hindi inaasahang pagkakataon.
" Sorry po ma'am. Natabig po kasi ng kasama nyo yung kamay ko." pagdadahilan ko.
" Nagdadahilan ka pa! Kaya mo bang bayaran ang skirt ko na to? Baka hindi mo alam kung magkano ang halaga nito. Baka kulang pa ang isang buwan na sweldo mo dito sa halaga ng skirt ko. " tungayaw nya pa. Ngayon lang ako nakakita ng beauty queen na tumutungayaw ng ganito.
" Gwyneth! " pigil ni Gelo.
" Why Gelo? Kinakampihan mo pa itong tonta na to? Look at my skirt! This is Versace kung hindi mo alam babae ka. " muli na naman nya akong hinarap.
Sus akala mo naman interesado ako sa brand nung skirt nya. Meron din ako nyan noh, baka magulat ka!
" Eh ma'am sorry po. Magkano po ba yan? Babayaran ko na lang po. " hinging paumanhin ko.
" Huwag na at hindi mo kakayanin ang presyo nito. Kung hindi ka ba naman tonta at estupida, hindi sana mangyayari ito. Ngayon, paano ako lalakad ng ganito karumi ang suot ko? Dapat sayo tinatanggal na sa trabaho dito, hindi ka naman efficient." sagad sa buto na panlalait pa ni Gwyneth.
" Ma'am sobra naman po kayo. Hindi ko naman po sinasadya. Ganyan po ba talaga kayong mga artista? Balewala na sa inyo ang mga mabababang katulad ko. Paano na po yung mga humahanga sa inyo kung ganyang asal ang pinapakita ninyo sa publiko? Sayang po ma'am, hinahangaan ko pa naman kayo. Nagkamali pala ako. " sabi ko saka akmang tatalikod na ng may humila sa kamay ko.
" How dare you to say those words to me like that? Who do you think you are? " galit na turan ni Gwyneth sabay sampal sa pisngi ko ng malakas na hindi ko nailagan. May nalasahan ako sa may labi ko na tila dugo. Pumutok yata ang labi ko sa sobrang lakas ng sampal nya.
" Gwyneth stop it! Sumosobra ka na!" galit na bulalas ni Gelo.
Mabilis akong lumakad palayo sa kanila papunta dun sa locker room. Kinuha ko ang gamit ko at nagmamadaling lumabas sa back door.
Panay ang punas ko sa labi ko na hindi maampat sa pagdurugo. Parang may tumama kasi na matigas na bagay sa mukha ko ng sampalin nya ako. Siguro yung suot nyang singsing.
Naglakad ako palayo, madilim na ang paligid at medyo maginaw pa naman. Buong tiyaga akong naghintay ng taxi pero sa malas wala yatang dumaraan dito kaya naglakad pa ulit ako.
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang hindi maisip yung ginawa ni Gwyneth. Kahit hindi ako yung direktang sinabihan nya ng pang-iinsulto dahil naka-disguise ako, masakit pa rin. Naisip ko na kung iyon palang totoong waitress na pinakiusapan ko ang nakatapon nung cake sa damit nya, kawawa naman ito sa pang-iinsultong ginawa ni Gwyneth. Kung ako nga na nagpapanggap lang ay nasaktan na, paano pa kaya kung siya talaga? Hindi naman kasalanan ang maging mahirap. Sadyang pinalad lang yung iba na makatikim ng ginhawa. Ngunit hindi naman passes yun sa mga naka-aangat sa buhay, 6ang mang-insulto at manakit ng kapwa. Lahat tayo nilikha ng Diyos na pantay-pantay, hindi tayo dapat magmalabis dahil hindi yon nakalulugod sa Diyos.
Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring taxi. Medyo natatakot na ako dahil madilim sa lugar na ito. Baka may adik pa o lasing dito at mapag-tripan ako. Magagalit si Gelo sa akin kapag napahamak ako. Katakot-takot pa naman ang bilin nya kanina. Ngayong may hindi magandang nangyari sa akin sa kamay ni Gwyneth, tiyak na sisisihin nya ang sarili nya dahil sa kagustuhan nyang makasama ako sa party na yon.
Nilalamig at nilalamok na ako kasabay ng pag-aalala ko na baka may mag-trip pa sa akin. Sana naman may dumaan ng taxi.
Napansin ko sa hindi kalayuan ay may grupo ng mga lalaking sumusuray-suray na ang lakad at papunta sa direksyon ko. Kinabahan ako.
Lord tulungan po ninyo ako.
Palapit sila ng palapit sa akin.Nakangisi sila na tila ako isang karne na nakahain sa hapag na pwede nilang pagpiyestahan.
Jusko po! Mukhang magagamit ko yung pinag-aralan namin ni Gelo noong araw sa Taekwondo.
Relax Aira, hayan palapit na sila.
Inhale - exhale.
Nagulat na lang ako at napahiyaw ng may biglang umakbay sa akin.
Naku po, katapusan ko na ba?