Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 79 - I'll Make Her Pay

Chapter 79 - I'll Make Her Pay

Shanaia Aira's Point of View

HINDI ako makakilos dahil sa paraan ng pagkaka-akbay sa akin ng kung sino mang hudyo na nasa tabi ko. Nakaipit ang leeg ko sa mga braso nya.

Maya-maya, inalis nya ang pagkakaakbay sa akin ngunit hinigit naman nya ang kamay ko at saka kami tumakbo.

Jusko Lord saan ako dadalhin ng taong ito? Baka dalhin ako sa gubat at chop-chopin ako.

Ang morbid naman ng naiisip ko. Erase. erase.

Lord please, ipadala mo po si Iron Man, si Superman, si Spiderman o kaya kahit si Snow man, or yung buong Avengers na kaya Lord para iligtas ako sa kamay ng taong ito na ayaw tumigil sa pagtakbo.

Teka lang bakit nga ba kami tumatakbo?

Lakas loob akong nagsalita.

" Kuya boy, saan mo ba ako balak dalhin? Bakit tayo tumatakbo?" tanong ko kahit medyo hinihingal na ako.

" Hinahabol tayo nung mga lasing." pabulong lang na sagot nya. Nangunot naman ang noo ko. Naguluhan.

" Lasing? Eh hindi naman tayo aabutan ng mga yon kasi susuray-suray na sila. Pwede bang huminto na tayo? Pagod na pagod na ako." request ko sa kanya. Huminto naman kami. Tapos pinagmasdan ko ang mukha nya pero nakatakip ng malaking panyo at mata lang ang nakalitaw tapos naka-jacket sya na may hood.

" Holdaper ka ba? Kunin mo na lahat ng pera ko sa wallet ko pati cellphone ko pero wag tong mga alahas ko ha? kasi bigay to ng asawa ko eh." nakuha ko pa talagang mag-request sa kanya.

" Hindi." simpleng tugon nya. Nalungkot ako, gusto rin nya yung mga alahas ko.

" Hindi? Naku please kuya boy wag naman yung mga alahas ko. "

" Nu ka ba? Hindi ako holdaper. " sagot nya. Yung boses nya parang boses ni FPJ.

" Kung hindi, ano ka? Rapist ka siguro noh? Naku kuya boy wag po. Ang totoo nyan matanda na ako, mukha lang akong bata. Dual citizen nako, hindi ka na mag-eenjoy sa akin, maganit na ako. " kung ano-ano na ang sinasabi ko dahil sa sobrang kaba.

Tiningnan ako ng matiim ni kuya saka....

" Hahaha. " humagalpak ng tawa si kuyang rapist. Hawak-hawak pa nya ang kanyang tiyan, mukhang gugulong na nga sa katatawa eh.

Pero teka, bakit parang pamilyar yung tunog ng tawa nya?

Sandali nga, masubukan nga...

Hiyaaa.. pak, bog, tsuk,blag! Ginamit ko yung natutunan ko sa Taekwondo sa mokong.

" Aray ko baby! Awat na!" o kitam sabi ko na eh. Yung boses pwedeng palitan pero yung tunog ng tawa, malabo.

" Bwisit ka bhi, pinakaba mo ko ng husto. Akala ko talaga holdaper na rapist ka, kainis ka aatakihin ako sayo sa puso kahit wala akong sakit sa puso! Pashneya ka talaga!" nanggigigil kong turan.

" Sorry na baby." mukha syang puppy na naka-tiklop palad.

" Ewan sayo! Ano ginagawa mo dito? Di ba nasa party ka? Paano mo ako nakilala? " sunod-sunod na tanong ko.

" Kanina pa kita binabantayan. Nakilala kaagad kita dahil tumibok yung puso ko nung titigan kita kanina. Kunwari lang hindi kita pansin dahil ayokong may makahalata. Nagulat nga ako nung sinaktan ka ni Gwyneth kanina. Kung hindi lang ako nakapag-timpi baka kung ano na nagawa ko sa kanya. Nagpaalam na lang ako sa producer namin na mauna na akong umalis, sinabi ko na na-bad trip ako sa inasal ni Gwyneth. Sinundan kita, hanggang sa mapansin ko yung mga lasing na balak kang lapitan kaya itinakbo na kita. " paliwanag nya.

" Naku bhi kung alam mo lang yung kaba ko kanina. Dasal ako ng dasal, hiniling ko na nga kay Lord na ipadala na yung member ng Avengers para iligtas ako, akala ko kasi rapist ka o holdaper. Papatayin mo ko sa sindak bhi.Para akong nakakita ng killer bride dun sa kaba ko kanina. " turan ko. Hawak ko pa yung dibdib ko na medyo humupa na yung mabilis na pagpintig.

" Sorry baby. Hindi ko naman hahayaan na may masamang mangyari sayo. I will do everything to protect you. Yung ginawa ni Gwyneth sayo, hindi ko palalampasin yon. Pagsasabihan ko talaga sya sa susunod na magkita kami." medyo may galit yung huling salita na binitawan nya.

" Naku ako man muntik ng humulagpos yung pagpipigil ko sa sarili ko kaya lang ayoko naman na gantihan ng masama ang masama. Makakalikha lang yon ng hindi magandang impresyon sa restaurant na pinakiusapan ko para magpanggap na waitress." sabi ko.

" Siyanga pala paano ka naging waitress dun sa resto? " tanong nya.

" May waitress kasi dun na chinika-chika ko. Pinakiusapan ko na papalitan ko muna sya kahit yung natitirang oras na lang nung shift nya. Sabi ko babayaran ko ng buo yung araw nya ng doble. Hayun pumayag naman. Tapos nagpaalam sya dun sa manager na kunwari may emergency sa kanila pero may ipapalit sya sa pwesto nya, yun nga pinakilala nya ako. Pero bago ako pumunta dun nagpa-make up transformation muna ako sa parlor para walang makakilala sa akin. Effective di ba? Kahit ikaw hindi mo ako agad nakilala. " kwento ko sa kanya.

" Oo nga pero kung napansin mo, tiningnan kita mula ulo hanggang paa. Alam mo ba na kaya ko nakumpirma na ikaw yon, bukod sa bumilis ang tibok ng puso ko, nakita ko rin sa kamay mo yung wedding ring natin. "

" Hindi ko naman kasi inaalis sa kamay ko ito. " tinaas ko yung kamay ko at pinakita yung singsing. " Hindi tulad ng isa dyan. "

" Hoy baby hindi ko din inaalis to sa kamay ko. " sabay pakita rin nung ring nya. " Nagkataon lang na nakita mo sa bathroom dahil hinubad ko kasi naligo ako, nakalimutan ko lang isuot ulit nun." pangangatwiran pa nya.

" Pero natatawa ako sayo kanina, pinipigilan ko lang. Kung ano-ano talaga lumalabas sa bibig mo pag ninenerbiyos ka. The situation is nerve racking but you can easily turned it into a laughing situation. Seriously, nagawa mo pang idahilan na senior citizen ka na sa inaakala mong rapist at ano nga yon, maganit ka na? Hahaha. what a word. Paano kung totoong rapist nga ako? Imbes na halayin kita, matatawa muna ako. Ibang klase talaga tong asawa ko. " natatawa sya na pailing-iling pa ang damuho.

" Tse! Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko aber? Alangan namang magngangawa ako, syempre kailangan umisip ako ng paraan kung paano ako makakaligtas sa sitwasyong yon. Bakit ba kasi nakatakip yang mukha mo tapos nag-ala FPJ pa yang boses mo? At hindi rin yan yung suot mo kanina. Na-karate tuloy kita. "

" Nagpalit muna ako ng damit na nandito sa bag ko. Syempre baka may makakilala sa akin pag nilapitan kita. Hindi ko naman intensyon na magpanggap sayo kanina kaya lang sinakyan ko na lang yung maling akala mo, naaaliw kasi ako sayo. Pero baby ang galing mo pa rin sa self defense ha, hindi mo nakalimutan yung training natin sa Taekwondo noon. "

" Oo naman. Kung totoong rapist ka, talagang babalian kita ng buto. "

" That's my wife. Halika nga rito payakap nga. " sabi nya tsaka ako niyakap ng mahigpit.

Matapos ang ilang sandali ay kumalas sya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Hinalikan nya ako pero napadaing ako. Masakit kasi tinamaan nya yung putok nung labi ko gawa nung pagkakasampal ni Gwyneth sa akin.

" Why? Oh shit!" hindi sinasadyang napa-cuss sya. Nagmamadaling kinuha nya yung panyo nya sa bulsa saka pinunasan yung labi ko na dumudugo na naman.

" Hindi ko mapapatawad si Gwyneth sa ginawa nyang ito sayo." may matinding galit na mababakas sa tono ng pananalita nya.

" Parang may tumamang matigas kanina dyan sa labi ko nung sampalin nya ako. Must be her ring."

" I hate her. I make her pay for what she did to you. And that's a promise! "