Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 72 - Protect

Chapter 72 - Protect

Shanaia Aira's Point of View

BABAE... boses ng babae ang narinig kong kausap ni Gelo. Ito talaga eh, ito talaga ang problema ko sa kanya noon pa. Kahit kaharap ako, walang pakialam ang mga babaeng yan kung pumulupot at magpa-cute kay Gelo. Kalaunan, nasasanay na rin ako pero lagi na lang ang ending ko ay beast mode ako. Meron pa lang ganon, nasanay ka na sa sitwasyon pero yung pakiramdam na naiinis ka, hindi nawawala.

" Oh ikaw pala Gwyneth. May kailangan ka?" narinig kong tanong ni Gelo. So, yung Gwyneth na naman pala. Ang beauty queen na mahinhin kumilos, pero nasa loob ang kulo, according to ate Shane.

" Ikaw ang kailangan ko Gelo." nanlaki ang mata ko.

" What?" hayan nagulat din yata si Gelo.

" Ah what I mean is, may kailangan akong sabihin sayo." hay, akala ko kung ano na. o di ba? nai-way pa nya.

" Then, what is it?" parang nagmamadali na yung tanong ni Gelo.

" Pwede ka bang sumama sa amin nila Rico mag bar?" tanong nya.

" Ah kasi may kausap ako sa phone. Kayo na lang. Next time na lang ako." sagot ni Gelo.

" Gaano ba ka-important yang kausap mo? Sino ba yan? " hala bakit parang galit sya? ang brat naman nitong babaing to.

" My best friend and she is important." mahinahon naman na sagot ni Gelo. Pero wag ka nagpapaka-gentleman lang yan.

" Best friend? She? Babae ang bestfriend mo? " gulat na gulat yata ang bruha. Ano masama sa babae ang best friend? Kung alam mo lang asawa ako nyang kausap mo. Tse!

" What's wrong with that. We're bestfriends since time immemorial kaya importante talaga sya. Kaya kung pwede kayo na lang muna dahil mahalaga ang pinag-uusapan namin. Goodnight Gwyneth." mahinahon at medyo may lambing pa yung tono ng salita ni Gelo, pero wag ka nagtitimpi lang yan dahil sangkot ako sa usapan.

" Grrr. Goodnight!" tila naaasar na sambit nung Gwyneth. Narinig ko na lang yung pagsara ng pinto tapos muling lumitaw yung mukha ni Gelo sa screen. Naiiling at natatawa.

" Hey, what was that?" tanong ko. Nangingiti na rin ako sa itsura nya. Halatang nagpipigil ng inis kasi.

" Sinadya kong hindi patayin ang video call natin para marinig mo ang usapan. Alam mo naman na madaling mag-init ang ulo ko kapag nasasangkot ka na sa usapan."

" Bilib ako sayo bhi, nagagawa mo pang maging mahinahon kahit naiinis ka na. Lakas ng temperance mo. Ang sweet mo pa rin kahit tinataboy mo na sya. Nainis lang yata kasi hindi nya nakuha yung gusto nyang mangyari."

" She's a spoiled brat. Only child kasi. Ayaw nya ng nire-reject sya. "

" Nagulat nga ako eh. Gaano daw ba kaimportante yung kausap mo? Kung alam lang nya bhi, kung alam lang nya kung sino ako sa buhay mo. " sabi ko.

" That's right. Kung alam lang nya na yung kausap ko ay ang karugtong ng buhay ko, ano kaya ang magiging reaksyon nya? Minsan baby parang gusto ko ng isigaw sa buong mundo na ikaw ang asawa ko. Kaya lang kapag naisip ko yung magiging resulta nun sayo at sa relasyon natin bilang mag-asawa, natatakot ako. Siguradong madadawit ka sa gulo ng mundong pinasok ko. At yun ang ayaw kong mangyari. "

" Bhi okay lang nga sa akin na secret yung marriage natin. Pareho naman nating gusto ng tahimik na buhay. Kaya ko pa namang tiisin yung mga babaing naghahangad sayo. At alam ko naman na kahit maraming nakapaligid sayo, tiwala ako na ako lang talaga ang nasa puso at isip mo. At the end of the day, sa akin ka pa rin uuwi. Kakain ng mga niluto ko at matutulog at magigising ka na ako ang nasa tabi mo. "

" Salamat sa tiwala baby. Alam mo na hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang yan na binibigay mo sa akin. Hindi rin naman ako mabubuhay kung wala ka. Nabubuhay at humihinga ako dahil sayo, at alam mo yan. "

" Hay bhi, bakit naging cheesy at dramatic yata tayo?"

" Oo nga baby. Rated spg naman tayo para exciting. " pilyong turan nya tsaka ngumisi ng mapang-akit.

" Jusme, Ariel Angelo bakit naging ganyan ka na ngayon? "

" Hahaha. Tayong dalawa lang naman dito mahal ko. Magka-asawa ka ba naman ng maganda at sexy, natural lang na para akong isang teen ager with raging hormones."

" Grabe ka bhi. Bangis mo!"

Matagal pa kaming nag-usap ni Gelo. Nagpapaalam ako na magbibihis muna dahil naka-bath robe lang ako pero hindi sya pumayag. Ang siste, nagbihis ako sa harap nya habang nag-uusap kami. Ang tindi nya di ba?

KINABUKASAN, panay kantyaw ang inabot ko sa dalawang kaibigan ko. Umabsent daw ako kasi nagmukmok ako maghapon dahil umalis si Gelo para mag-shooting sa Palawan.

" Naku besh, beauty queen pa naman yung leading lady nya. Baka mamaya akitin nun si Gelo at maiwan kang luhaan." asar ni Venice na may pagka-taklesa talaga.

" Besh, umandar na naman yang pagiging taklesa mo, hindi ka nakakatulong. Alam mo naman na malungkot itong besh natin ngayon dahil wala ang baby boy nya. " sita ni Charlotte sa kanya.

" Joke lang naman. Hindi na kayo nasanay." kakamot-kamot pa sya habang naka peace sign.

Nagyaya na lang sila na mag-mall kami nung matapos ang klase namin. Pumunta kami ng bookstore at bumili ng medical books na kailangan namin. Matapos dun ay nag-shopping kami ng mga damit at accessories. Bumili rin ako ng dalawang pares ng sapatos, yung nakita ko noon nung huling mag-mall kami ni Gelo, binalikan ko lang.

Matapos naming mag-shopping ay kumain kami sa isang Korean restaurant. Ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ng dalawang ito ang Korean foods. Masarap naman pero hindi ko lang talaga hilig. Hindi tulad nitong dalawang babaing to, lahat na lang ng tungkol sa Korea, pagkain, damit, mga oppa updated sila. And take note, pinag-aagawan nila si Park Bo Gum.

Palabas na kami ng mall ng biglang may nag-corner sa amin. Tingin ko reporter siya ng isang tabloid base sa ID na nakasabit sa leeg nya.

" Shanaia Aira Gallardo? younger sister ni Shane?" tanong nya directly sa akin.

" Yes po." atubili kong sagot.

" Ah may gusto lang akong itanong sayo. Pwede ba?" gusto kong sumagot ng hindi pwede pero nakapalibot na sila sa akin. Wala akong choice. Bahala na.

" Sige po pero hindi po ako nangangako na sasagutin ko lahat." sagot ko.

" Okay lang naman. Mga ilang katanungan lang naman ito. " sabi pa ng reporter.

" Alright. "

" Ayon sa isang source, bilang bestfriend ka ni Gelo, hindi daw nagkakaroon ng girlfriend si Gelo dahil pinagbabawalan mo? " nagulat ako sa tanong nya. Saan nanggaling yun?

" Bestfriend po ako ni Gelo pero wala akong karapatan na pagbawalan siya. Choice po ni Gelo yun. Wala pa kasi siyang makitang babae na pasok sa standards nya. Kung sino man po yung source nyo, nagkamali po sya ng paratang, unfair naman po yata sa akin yun. " mahinahon kong sagot sa tanong nya.

" Eto last na question na to, ayon sa kampo ni Gwyneth, tinanggihan ni Gelo ang paanyaya ni Gwyneth na mag bar sila dahil may importante daw syang kausap nung araw na yon, at ikaw daw yon. Ang tanong, ano ang masasabi mo sa sinabi ng kampo ni Gwyneth na hadlang ka daw sa umuusbong na pagtitinginan nung dalawa? " na shock ako sa tanong nya. Again, saan nanggaling yon? Ako? hadlang? tapos umuusbong na pagtitinginan ni Gwyneth at Gelo? gusto kong matawa.

" Paano po akong naging hadlang eh si Gelo mismo ang tumawag sa akin. Importante talaga ang pinag-uusapan namin dahil marami syang inuutos na gawin ko dun sa condo nya. Ako ang taga bayad ng bills nya at nagpapa-sweldo sa mga tauhan nya kapag wala sya. Again, choice po ni Gelo ang hindi sumama kay Gwyneth sa bar. Hindi lang po talaga sya mahilig mag bar. "

" Okay Ms. Gallardo, maraming salamat at pinaunlakan mo kami.Follow up question lang, ano ang hinahanap ni Gelo sa isang babae? "

" Simple lang po ang sagot, yung katulad po ni tita Mindy, yung mommy nya. " pagtatapos ko sa tanong nya. Hinila ko na yung dalawa saka nagmamadaling sumakay na kami sa kotse ni Charlotte.

Kaya ayaw ko sa showbiz eh, napipilitan kang mag sinungaling dahil hinihingi ng sitwasyon. Para ma-protektahan din yung kung ano ang dapat protektahan.