Shanaia Aira's Point of View
" Hi baby! What happened?" tanong agad ni Gelo nung sagutin ko ang video call niya.
" Huh!" gulat akong napatingin sa kanya.
" May hindi ka sinasabi sa akin baby." napanguso ako nung maalala ko kung ano yon. Hindi ako kumikibo, nakatingin lang ako sa kanya habang nanunulis ang nguso.
" Come on, tell me what happened." pangungulit pa nya.
" Paano mo ba nalaman?" tanong ko, nakasimangot pa rin.
" Nabasa ko. " sagot nya.
" Eh nabasa mo na pala, bakit tinatanong mo pa? Ang kulit rin eh."
" Hahaha. Bakit ang sungit yata ng asawa ko ngayon? Meron ka ba? " awtomatikong namula ako sa huling sinabi nya. Talaga tong taong to, diretsahan na ngayon.
" Wala! Alam mong katatapos ko lang nung bago ka umalis. Nayayamot lang ako dun sa nangyari nga sa mall. Bakit nadawit ako dyan sa tsismis nyo nyang beauty queen na partner mo? And now, it's all in the news, kahit sa tabloid yan na-released, marami pa rin ang makakabasa. Like you, hindi ka naman nagbabasa ng tabloid pero nalaman mo. "
" Pinakita lang sa akin nung isang crew dito. Anyway, bakit hindi ka umiwas, dati mo namang ginagawa yun?"
" Haler! Kinorner kaya nila ako. Kasama ko nga si Venice at Lot, pati nga sila hindi nakakilos dahil napaligiran kami. Wala akong choice bhi kaya sinagot ko na yung mga maling paratang nila sa akin. Ang hirap din kayang magsinungaling. "
" I'm sorry baby. Pero alam mo bang humahanga ako sa mga sinagot mo. You didn't confirm nor deny. Exact words to feed their curiosity. At yung sagot mo sa follow up question, plakadong-plakado. Mahihirapan talaga silang mag-isip kung sino ba yung pasok sa standards ko, si mommy kasi yung ginawa mong example. And you know what? Kaya mas lalo kitang minahal kasi marami kayong pagkakatulad ni mommy. Si mommy talaga ang pinagbabasehan ko sa babaing mamahalin ko, at ikaw lang ang pumasok sa standard ko na yun. I love you baby, from dusk til' dawn. " hindi ako nakakibo sa sinabi nya. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya sa screen. Medyo may namumuo ng luha sa mata ko. Sobrang na-overwhelmed ako sa sinabi nya.
" Baby? Are you crying?" nababahalang tanong nya.
" K-kasi—kasi naman ikaw bhi, kung ano-anong sinasabi mo. Ganyan mo ba talaga ako kamahal? Katulad ng pagmamahal mo sa mommy mo?" emosyonal na tanong ko.
" Yes. Kung magkadugtong kami ng buhay ni mommy gayundin ikaw ang karugtong ng buhay ko ngayon. May pagdududa ka pa ba sa pagmamahal ko? " tila nagtatampong tanong nya.
" Wala naman bhi. Hindi ko lang alam na ka-level ko sa pagmamahal mo si tita Mindy, kasi nanay mo sya at siya ang nagsilang sayo. " turan ko
" Magka-level pero syempre magka-iba ng paraan. " paliwanag naman nya. Tumango lang ako sa sinabi nya.
" Bhi?"
" Yes baby?"
" Ano problema ng kampo ni Gwyneth sa akin? Hindi naman nila ako kilala personally ni hindi pa nga nila ako nakikita. Saan galing yung paratang nila sa akin? "
" Baby, ginagawa yan ng ilang reporters. Nakakagawa sila ng kwento para may mapag-usapan. Pero minsan naman, totoo dahil may mga reliable source sila na nagbibigay sa kanila ng tamang information. In your case, baka totoo nga na galing sa kampo ni Gwyneth, wala namang nakakaalam na niyaya nya akong mag bar nung gabing yon kundi kami lang dito at siya lang din ang nakakaalam na kausap kita nung tumanggi ako. I know, she did that because she has feelings for me. Don't worry, I'll talk to her. "
" Really bhi? She has feelings for you? How did you know? "
" She confessed to me. Kasi nalaman nya na nabasa ko nga yung tabloid. " sagot nya.
" Anong sagot mo sa kanya? " tanong ko ulit.
" You really wanna know the details? " balik tanong nya.
" If you want to.Detail by detail. " tumango sya sa hiling ko. Ganyan naman kami, walang lihiman.
flashback :
" Gwyneth, can we talk? " tanong ni Gelo kay Gwyneth.
" Yeah sure. What about? " sagot ni Gwyneth.
" There's this news on tabloid, and it said, it came from your camp. Its about the wrong accusation on my bestfriend. Hindi mo lang ako napapayag sumama sa bar nung gabing yon, may ganong paratang na sa kanya? She has nothing to do about it, its my choice. Kahit na galing sya sa angkan ng mga celebrity, ayaw nya ng nadadamay siya sa gulo ng mundong ito. Kaya walang karapatan ang kampo mo na guluhin ang tahimik nyang mundo. "
" I'm sorry Gelo. I did it because I want to catch your attention. Nakikita mo nga ako pero hindi mo ako tinitingnan. Magaling kang umarte na akala mo close tayo pero ang totoo, iniiwasan mo ako. I want to know you better but you always keep on ignoring me. I like you Gelo and I think I'm uncontrollably falling in love with you. " pagtatapat ni Gwyneth.
End of flashback :
" That's it baby. " pukaw ni Gelo sa pagkatulala ko. Hindi ko akalain na magagawa ng isang beauty queen ang isang bagay out of desperation.
" Ano ngang sagot mo sa kanya bhi? "
" I told her that I'm not ready yet to have commitments dahil busy ako sa career ko.Yun lang ang sinabi ko dahil baka kapag dinagdagan ko pa, dadami lang ang nalalaman nya tungkol sa akin." tumango lang ako at hindi na kumibo. May bigla kasi akong naalala.
" Hey baby, are you okay? " biglang nag-alala si Gelo nung hindi ako kumibo.
" Yeah, I'm okay. Tama bhi, less talk, less mistake. Naalala ko lang yung nangyari noon kila ate Shane at kuya Andrew, sa sobrang lantad ng relasyon nila sa madla, tingnan mo kung ano ang nangyari sa kanila. Ayokong mangyari sa atin yon bhi kaya tama lang na wala silang alam tungkol sa ating dalawa. "
" Kaya dapat mag-ingat tayo. Kung kaya mong umiwas sa mga reporter, umiwas ka baby. At uulitin ko ulit sayo, huwag kang maniniwala sa tsismis, sa akin ka lang maniniwala. "
" Oo bhi. Pero paano pag pumunta ako dyan? Wala kayang makahalata sa atin? "
" Hindi ba bestfriends tayo? " may diin yung word na bestfriends nung banggitin nya.
" Oo nga pero hanggang kailan kaya nila papaniwalaan yon? " tanong ko.
" Kaya nga mag-iingat tayo sa pagsasalita kapag may nagtatanong. May kasbihan nga na ang isda sa mismong bibig nahuhuli. So less talk, less mistake. Nag-iingat lang."
Well, Gelo is right. I reminded myself to control my words. Dahil kapag nasabi mo na, you couldn't take them anymore.