Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 74 - Disguise

Chapter 74 - Disguise

Shanaia Aira's Point of View

" Aira Gallardo Montero?" nagulat ako sa taong nagsalita sa likuran ko. Medyo kinabahan naman ako.

Nandito na kasi ako ngayon sa Puerto Prinsesa airport at hinihintay si Gelo para sunduin ako.Nag-text sya sa akin na susunduin na lang daw nya ako baka daw kasi maligaw ako papunta sa hotel.

Hindi kaya reporter ang nasa likuran ko at sinusubukan ako?Bakit Montero ang tinawag na apelyido ko?

Dahan-dahan akong lumingon at sinino ang taong nasa likod.

Napabunghalit ako ng tawa ng makilala ko sya dahil sa suot nyang damit.

" Kainis ka bhi! Pinakaba mo ako dun ah!" panay ang hampas ko sa braso ni Gelo habang tumatawa ako.

Kung hindi dahil sa damit nya na pang hiphop with matching bling-blings, hindi ko talaga sya makikila kaagad. Mahabang buhok yung wig nya, naka-attached yung fake nyang kilay at bigote tapos suot nya yung malaking eye glass na pang nerd na wala namang grado. All in all, perfect ang disguise nya. Judging from the way he looks, no one can notice that he is the actor, Gelo Montero.

" Akala mo siguro reporter ako noh?" bulong nya.

" Oo nga po. Binago mo pa yang boses mo. Akala ko tuloy nabuko na tayo dahil Montero ang apelyidong ginamit mong pagtawag sa akin. Baka kako sinusubukan ako."

" Haha. Sorry kung pinakaba kita. Glad you're here now baby. Payakap nga. " niyakap nga nya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. I smell his familiar scent. Thank God, I'm home again.

" Sa ibang hotel kita pina-book. Naisip ko na mahirap pala kapag dun sa hotel na tinutuluyan namin. Mas lalo tayong mabubuko dahil madali nila akong makikita kapag pumuslit ako." pabulong lang na turan nya nung nasa taxi na kami papunta dun sa hotel na sinasabi nya.

" Okay. Kailangan ko na rin palang mag-disguise kapag mamamasyal ako. I'm sure may nagkalat na reporters dito dahil may shooting na nagaganap. " pabulong din na sagot ko, baka kasi marinig ni kuyang taxi driver ang usapan namin.

" That's good. May mga dala ka ba dyang paraphernalias for your disguise? " tanong nya.

" Yes. Ako pa ba? Naisip ko na yan habang nag-iimpake ako. " ngumiti sya ng malapad at ginulo ang buhok ko. I rolled my eyes, alam nyang ayaw ko na ginugulo ang buhok ko.

" Syanga pala, naka book tayong dalawa dyan sa hotel mo as Mr. and Mrs. Dimayuga. Para kahit maglabas-masok ako, walang problema. Nga lang ito palagi ang disguise ko para hindi tayo mabuko. " inform nya sa akin.

" Okay bhi. Dimayuga pa talaga ha?"

" Haha. wala akong maisip na ibang surname eh. Atleast yan, madaling tandaan." apelyido kasi yun nung prof ko dati sa Psychology na naging prof din nya.

" Alright. "

Maganda yung hotel kung saan sya nagpa-booked para sa aming dalawa. Maayos at malinis ang paligid nito. Sa harap pa lang ay nakaka-relax na dahil punong-puno ito ng mga halaman at ibat-ibang bulaklak na imported.Mayroon din itong fountain sa gitna. Parang nasa ibang country ako at wala sa sariling bansa.

" Yes sir, good afternoon. May I help you?" tanong nung receptionist sa front desk nung makapasok na kami.

" Ah, good afternoon miss, I'm Mr. Eric Dimayuga and this is my wife Elaine. Nagpa-booked ako dito ng room nung isang araw." sabi nya sa receptionist tapos kinumpirma ito ng receptionist sa pamamagitan ng pagtipa sa computer na nasa harap nya.

" Sir here is your key card with your room number. Suite room sa top floor po kayo sir. Enjoy your stay. " sabi ng receptionist habang inaabot kay Gelo ang card.

Nagpasalamat kami tapos humanda na sa pag-akyat.

Kinuha ng bellboy na nakaantabay doon ang aking mga gamit at nagpatiuna ng lumakad saka kami sumunod sa kanya. Walang nagsasalita sa amin nung nasa elevator na kami. Huminto ito sa ikalawang palapag at may sumakay na dalawang babae na sa tantya ko ay mga kaedad ko rin.

" Have you heard, may shooting daw si Gelo Montero bukas dyan sa may malapit sa dagat? Gosh, pipilitin kong makapanood after ng class ko bukas." sabi nung girl number 1.Kilig na kilig at nakatingala pa na tila nangangarap. Nagkatinginan kami ni Gelo at lihim na napangiti.Salamat sa disguise nya at hindi sya nakilala. Mukhang mga fans pa nya ang dalawang babae.

" Yeah confirmed na. Punta tayo bukas para makapagpa-fansign sa kanya. Siguradong nandoon din yung leading lady nya. You know parang hindi sila bagay." sabi nung girl number 2.

" Ayaw mo lang kay Gwyneth kaya nasasabi mo yan. Ang ganda kaya ni Gwyneth, bagay siya sa ka-gwapuhan ni Gelo noh. Sila na nga daw eh. " sabi ulit nung girl no. 1. Napatingin ulit ako kay Gelo. Umiling lang sya. Fake news teh.

" Bakit pasok ba sya sa standards ni Gelo? Sabi nung best friend ni Gelo dun sa nabasa ko na newspaper , ang hinahanap daw nito ay yung katulad ng mommy nya. Mukhang hindi si Gwyneth yun. " sabi ni girl no. 2. Yes girl, mukhang kakampi kita.

" Sila na, kaya wala ka ng magagawa pa. " girl no. 1.

" Maghihiwalay din yan. Ipagdadasal ko. "girl no. 2.

Ting!

Bumukas ang elevator tapos lumabas na ang dalawang girl na nag-iiringan pa. Napapailing na lang kami ni Gelo at lihim na natatawa. Hindi kasi nila alam na yung pinag-uusapan nila ay nasa tabi na nila. Kasama ang asawa.

Bumaba na rin kami sa sumunod na floor. Dinala nung bellboy yung luggage ko sa mismong harap nung pinto nung suite room. Nagpasalamat kami matapos magbigay ni Gelo ng malaking halaga ng tip sa kanya.

Umalis na rin yung bellboy matapos magpasalamat ng may malaking ngiti sa labi. Ang laki ba naman nung tip na binigay sa kanya.

" Wow!" bulalas ko nung buksan ni Gelo yung room.

King sized bed. May table sa side na gawa sa de kalidad na kahoy. Napipintahan ito ng dark brown at barnisado. Pwedeng kainan ng dalawang tao. May malaking couch malapit sa glass window kung saan kita ang infinity pool ng hotel. Malaking cabinet para paglagyan ng gamit na nasa kabilang panig katabi ng kama. Malaki rin yung toilet and bath with complete amenities and good facilities. Not bad for my one week vacation.

" Like it baby?" tanong nya.

" Yes bhi. Siguradong makakapag-relax ako dito ngayong bakasyon ko." sagot ko.

" Good. Dito ako matutulog." anunsyo nya.

" Luh! Paano kaya yun? Wala ka bang shooting ngayong araw?" tanong ko.

" Tapos na yung scene ko kaninang umaga. Bukas na ulit ng hapon ang call time ko. " sagot nya.

" Babalik ka pa ba doon sa hotel nyo? "

" Hindi na. Nagpaalam ako na may pupuntahan ako at bukas na ng umaga ang balik ko. Kaya ngayon, I'm Gelo Montero your husband not the Gelo Montero, the actor. I'm all yours now baby. " saad nya sabay wink sa akin.

Lumapit ako sa kanya saka ko iniyakap yung mga kamay ko sa bewang nya. Tiningala ko sya at nginitian.

" Na-missed kita bhi. Sobra. "

" Ako rin baby. Siguradong maraming pawis ang lalabas sa exercise natin mamaya. " may pilyong ngiti sa labi na turan nya. Then he kiss me gently on the lips. Full of passion and longing.

Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ko na naglalakbay na yung isang kamay nya sa katawan ko. Pinaglaruan ang Mount Everest ng matagal. Muli na namang naglakbay pababa ang pangahas na kamay. Nawala na ako sa huwisyo ko. Tumigil pa dun sa perlas ng silanganan na nagpasinghap naman ng husto sa akin. Naramdaman kong natawa sya sa reaksyon ko.

" Ikaw talaga bhi, ang dami mong alam. " kinurot ko sya sa tagiliran matapos ang mapusok na halik nya at pagtsansing sa akin.

" At ang marami kong alam na yan ang gagawin ko sayo sa exercise natin mamaya." he said then claimed my lips again for another passionate kiss.

Oh this guy really knew how to completely sweep me off of my feet!