Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 67 - Moments of Love

Chapter 67 - Moments of Love

Shanaia Aira's Point of View

HINDI na nga kami umuwi ni Gelo sa condo unit namin. Doon na kami sa Tagaytay matutulog pero bago yun lumabas muna kami nung dinner time na. Sa isang bulaluhan malapit sa village namin kami napadpad. Parang gusto ko kasing humigop ng mainit na sabaw, medyo malamig na ang panahon dahil malapit na ang December.

" Sigurado kang ayos na yan sayo? Baka gusto mong umorder pa ako ng pork barbecue?" tanong ni Gelo sa akin. Gusto kong matawa sa disguise nya ngayon.Pinag-suot ko sya ng wig na mahaba. Mukha tuloy syang rock star. Naka-hood shirt sya na kulay black, maong pants at boots.

" Sige bhi, feeling ko gutom na gutom ako. Ang intense kasi ng exercise natin kanina, sumuko ang katawang lupa ko." medyo pabulong pa ang pagkakasabi ko na ikinatawa naman nya at naiiling na pumunta na sa counter para bumili ng pork barbecue. Minsan kasi sinusumpong din ako ng pagka-naughty ko at kung ano-ano lumalabas sa bibig ko.

Magana naming pinagsaluhan ni Gelo ang mga pagkaing inorder nya. Alam ko gutom at pagod din sya. Syempre sya yung instructor ko. Haha. kung ano-ano kaya tinuturo sa akin nyan.

Matapos kumain ay naglakad-lakad muna kami bago umuwi. Pagdating naman sa bahay ay sabay na kaming naligo. Don't get me wrong ha? walang exercise na nangyari sa loob ng bathroom. He is true to his words, at natulog din kami na magkayakap lang.

Madaling araw pa lang ay lumuwas na kami ng Metro. Mahirap kasi kung ma-stuck kami sa traffic, may klase pa ako ng 10am.

Alas sais na nung paliko na kami sa daan papunta sa condo unit nang may tumunog na cellphone.

Shane's calling.....

Nagkatinginan kami ni Gelo.

" Sayo yan bhi, Shane lang nakalagay eh." sabi ko, kasi sa akin ate ko ang naka-registered na pangalan.

" Baby pakikuha, I-loudspeaker mo na lang. Ano kaya problema, hindi yan tatawag ng ganyan kaaga kung wala lang?" turan nya. Kinuha ko ang cellphone at ginawa ang utos nya.

" Yes, besty? "

" Saan ka Gelo?" tanong ni ate sa kabilang linya.

" Condo. Why? "

" Ang aga-aga, tumawag si mama D. May nakakita daw sa atin dun sa bar, nung sinundan mo ako sa parking lot. Wala na daw tigil ang phone nya sa dami ng tumatawag para magtanong. Ano daw ba meron sa ating dalawa?" si ate Shane.

" Ano sagot mo? " tanong ni Gelo.

" Syempre sabi ko alam naman nya na mga bata pa lang mag-best friend na tayo. Alangan namang sabihin ko na fiancé ka ng kapatid ko. "

" Good. "

" Pa good-good ka pa dyan! Akala mo nakalimutan ko na yung nangyari dun sa bar? Alam ba ni Aira yun? Naku sinasabi ko sayo Ariel Angelo, once na umiyak yang kapatid ko dahil dyan sa mga babaeng naghahabol sayo, hindi lang Hermes bag ang ihahampas ko sayo!" napangiti ako sa sinabi ni ate, talagang love nya ako. Wala syang pakialam kahit makita sya ng mga taga media na namimisikal.

" Besty alam lahat ni Aira ang mga nangyayari sa akin. Wala akong tinatago sa kanya at hindi ako naglilihim sa kanya ng kahit ano." sagot ni Gelo. Napansin ko na nakahinto na kami sa parking lot ng condo.

" Mabuti kung ganon. At heto pa pala Gelo, nagtatanong daw kay mama D yung leading lady mo kung may something daw ba tayo. Mukhang type na type ka kaya hindi na nakapag-pigil na halikan ka. Sinamantala yung kalasingan mo." napatingin si Gelo sa akin. Yung tingin na parang sinasabi na see, I told you.

" So, alam mo na hindi ko sinasadya yun? "

" Oo na. Nakita ko yung video eh. Kung hindi nila nahalata, ako halata ko. Ilang taon na tayong magkaibigan kaya alam ko kung normal ka o hindi."

" Haha. grabe ka. Parang madalas akong hindi normal kaya nakabisado mo ah. "

" Oo kaya. Oy Gelo, tumawag ako para sabihin sayo na mag-ingat ka dun sa leading lady mo, matindi ang tama sayo. Baka magka-problema kayo ni baby dahil dun. Hayaan mo na lang na mag-assume sya na may something sa ating dalawa. Don't deny or don't confirm either. Mas mabuti na yung ganon kaysa madamay pa ang kapatid ko sa gulo ng mundo natin. "

" Yun din sana ang sasabihin ko sayo sakaling may magtanong. Thank you besty. "

" Okay, ingatan mo yang kapatid ko. Huwag mong pinapagod lagi, mahirap ang pumapasok sa med school ng puyat. " shock akong napatingin kay Gelo na mukhang na-eskandalo din sa sinabi ni ate.

" Besty! "

" Hoy Gelo! kilala kita. Sa ganda ng kapatid ko, alangan namang nakatingin ka lang. "

" Grabe ka ate sa amin. " hindi nakatiis na sabad ko.

" Oy baby nandyan ka pala. Joke lang, binibiro ko lang si Gelo. hehe." bawi ni ate sa sinabi nya.

" Sige na besty, aakyat na kami sa taas. " paalam ni Gelo kay ate.

" Aakyat? Bakit saan ba kayo galing? " tanong pa ni ate.

" Sa Tagaytay."

" Ay ang daya. Kailan ba ninyo ako isasama sa Tagaytay? Hindi ko pa nakita yung bahay nyo dun ah."

" Kung free ka this weekend pwede tayo pumunta dun. Wala rin akong shooting this weekends. " sabi ni Gelo kay ate Shane.

" Oo wala akong taping o guesting ngayong weekends, punta tayo sama natin silang lahat parang bakasyon na rin. " suggestion ni ate.

" Uy okay yun ah. Kapag nalaman nila mommy na kasama sila tita Elize, tiyak na sasama rin yung mga yun. Hindi pa rin nila nakikita yung bahay namin dun. " sabi ni Gelo.

" Sige maganda yan. Paminsan-minsan naman magpahinga tayo bilang normal na tao. Baby ayos lang ba na guluhin namin yung bahay ninyo ? " tanong ni ate Shane.

" Oo naman teh, gusto ko nga yung magbakasyon tayo ng sama-sama kahit ilang araw lang. Ang problema lang 3 bedrooms lang yung bahay namin . " turan ko.

" Kasya tayo dun lahat, don't worry. " sabad ni Gelo.

" So, it's settled then. Sa Saturday na lang ng umaga tayo umalis. I'll hang up na, may taping ako mamaya. Bye. " binaba na ni ate ang tawag tapos umakyat na kami ni Gelo sa unit namin.

Hinatid ako ni Gelo sa school tapos umuwi rin sya para matulog. Nung hapon ay siya rin ang sumundo sa akin. As usual naka-disguise na naman ang mokong. This time, naka wig sya na kulot na parang afro tapos may panyo na nakatali sa noo nya. Hiphop ang suot na damit at may bling-bling pa. Naka-shades din sya na dark. Tawa nga ako ng tawa pagsakay ko sa McLaren. Kung hindi ko lang kilala ang kotse namin iisipin ko na namali ako ng sakay dahil hindi ko sya nakilala sa ayos nya.

" Sige baby tawa pa. Ginagawa ko lang naman ito dahil ayokong ma-tsismis tayo." naiinis na turan nya. Hindi kasi maampat ang tawa ko kaya napikon na sya.

" Sorry na bhi. Kasi naman bakit ka ba nag-disguise eh pauwi naman na tayo?"

" Yayayain kasi kita na mag-grocery. Wala na tayong stocks sa condo. May shooting ako bukas hanggang Friday, siguradong puro fastfood na naman ang kakainin mo pag wala ako."

" Hindi ka ba makakauwi? Kung gusto mo kila mommy muna ako para siguradong hindi fastfood ang pagkain ko. " sabi ko.

" Uuwi naman. Kaya lang usually napa-pack up kami gabi na or kapag hindi okay sa panlasa ni direk yung acting namin, pinapaulit nya yun. Okay lang naman na umuwi ka muna sa inyo kaya lang ——gusto ko kasi pag umuwi ako ng condo, makikita agad kita." napatingin ako sa kanya. Ako rin naman hindi ako sanay na hindi siya nakikita araw-araw. Malaking sakripisyo na sa aming dalawa yung nagkakalayo kami ng matagal dahil sa mga shootings niya. Nung hindi pa kasi siya bumabalik ng showbiz, literal na araw-araw kami na magkasama, halos sa amin na sya nakatira dahil dalawa kaming nag-aalaga kay Dindin noon.

" Ako rin naman bhi, ayoko na hindi ka kasama sa araw-araw. Sige sa condo lang ako habang may shooting ka, magluluto na lang ako para hindi ka nag-aalala na fastfood ang kakainin ko. Okay na ba tayo dun?" natawa naman sya tsaka ako hinila para halikan sa labi.

" Okay na okay baby. Alam mo naman na kapag hindi kita nakikita para akong pusa na hindi mapaanak. "

" Oo na mister. Akala mo ako hindi ganon. Pareho lang tayo noh! "

Dumiretso na nga kami sa isang supermarket malapit lang sa condo unit.Habang namimili kami ay pinagtitinginan si Gelo ng mga taong namimili rin. Pinipigil namin pareho ang tawa namin. Alam naman namin na natatawa sila sa ayos ni Gelo.

Kumain kami ni Gelo ng dinner sa isang sikat na restaurant sa may Ortigas. Para hindi na raw kami magluto dahil gabi na halos. Kailangan kasi siya bukas ng maaga sa set. 7am nga ang call time nya at kailangan 6am pa lang aalis na sya sa condo kahit na wala pang 30 minutes ang layo nito sa location nila.

Ganoon din ang eksena nung nasa resto na kami. Pinagtitinginan din sya ng mga kumakain. Lihim lang kaming natatawa. Nung papasok nga kami, parang ayaw pa nga kaming papasukin nung guard. Iniisip siguro nito na hindi namin afford ang mga pagkain dito dahil sa gayak namin. Pero nung makita nyang McLaren ang kotse namin, nawala yung pag-aatubili nya.

Kahit ganito paminsan-minsan ang sitwasyon namin ni Gelo, we really don't mind it at all. What is important to us is, we're together. Moments like this, bringing us closer together and more in love with each other.

And that's more important.