Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 68 - Bonding

Chapter 68 - Bonding

Shanaia Aira's Point of View

SABADO. Lahat kami ay naka-ready na para pumunta ng Tagaytay. Nasa labas na kami ng bakuran at hinihintay na lang sina Tita Mindy.

Dito kami kila mommy natulog ni Gelo. Na-pack up ang shooting nila ng maaga kaya nasundo pa nya ako sa med school at dito na kami dumiretso. Sinigurado talaga ni mommy na wala syang taping para makasama sya, gayundin si daddy at kuya Andrew. Tinapos na nila kahapon pa yung mga trabaho nila.

" Daddy bhi doon ako sa inyo ni mommy baby sasakay, doon na lang si mama kila lolo pogi pati si yaya." narinig ko si Dindin na kausap si Gelo. Napatingin ako sa kanila. Nakaupo si Gelo dun sa may swing at kumandong naman si Dindin sa kanya.

" Sure sweetie pie, whatever my baby wants. "

" Naku kaya ganyan yan, masyado mong ini-spoil. " sita ni ate kay Gelo.

" Hindi naman. Love ko lang talaga to. Hindi na nga kami masyadong nakakapag-bonding katulad noon." sabi ni Gelo na medyo ikinalungkot naman ni ate Shane.

" Yan nga ang mahirap sa trabaho natin, nababawasan na yung time natin sa pamilya. Kaya nga maganda yung may ganito tayong get together kahit once in a blue moon lang. You see, kahit si daddy at si kuya Andrew iniwan ang trabaho para makasama lang sa atin. Wala na kasi silang gaanong time sa pamilya.Ang mga artista at politiko ay pareho ng kapalaran and sad to say, sa parehong larangan nabibilang ang pamilya natin Gelo. " malungkot na turan ni ate kay Gelo.

" Si mommy Baby ko, hindi artista mama, doktor sya. " sabad ni Dindin.

" Yes, sweetie ayaw ni mommy baby mo sa showbiz."

" Anong pinag - uusapan ninyo dyan? Sali nyo naman ako. " lumapit ako sa kanila at tumabi kay Gelo sa swing.

" Wala naman baby, natutuwa lang si besty na magkakasama tayo ngayon— " napahinto sya dahil may bumusina na sa gate. " sina mommy na yata yan." napa-tingin kaming lahat sa harap. Pinagbubuksan na nung guard namin yung kung sino man ang nasa labas ng gate.

Nung makapasok na ang sasakyan, si kuya Andrew ang nagmamadaling tumakbo para salubungin yung dumating. Nagkatinginan kami nila ate Shane at Gelo.

Nagulat ako nung lumabas ang sakay ng kotse.

" O. M. G." bulalas ko sabay tutop sa bibig ko.

" Who's that?" nagtatakang tanong ni ate Shane.

" Dra. Faith."

" Faith? yung first girlfriend ni kuya?" tumango ako.

" W-why she's here? P-paano?" hindi magkandatuto sa pagtatanong si ate.

" Prof ko sya sa med school. Nagkita ulit sila dun ni kuya. " sagot ko.

" Really? My gosh, I'm happy for kuya. " masayang sambit ni ate Shane.

" Ako rin teh. Sana sila na ulit."

Natanaw namin na dinala ni kuya si dra. Faith dun sa pwesto nila mommy. Mukhang nagulat si mommy pagkakita sa kanya. Si dra. Faith naman ay parang nahihiya pa. Iniisip nya siguro na galit sila mommy sa kanya dahil sa pag-iwan nya kay kuya noon. Actually nung banggitin ko kila mommy yung pagkikita nila ni kuya, mas lamang yung excitement na makita nila ulit si dra. Faith. Sa pagkakaalam ko, hindi sila nagalit noon. Si mommy pa nga ang nagsabi na baka may matinding dahilan si dra. Faith kaya umalis ito.

Maya-maya lang ay may bumusina na ulit sa may gate. Nung buksan ng guard ay sasakyan na nila tita Mindy ang pumasok.

" Sorry we're late, na flat kami malapit dyan sa papasok ng village nyo, buti na lang may spare kaming dala." sabi ni tita Mindy ng salubungin namin sila ni Gelo. Nagmano kami sa kanya at dun sa husband nya. Kasama nila sa kotse si Ara at Arcel, yung mga younger sisters ni Gelo.

" It's okay mom. Kumain na po ba kayo? " tanong ni Gelo sa mommy nya.

" Oo tapos na. Aalis na ba tayo?" excited na tanong ni tita Mindy.

Tumango si Gelo at sinabing sila na lang ang hinihintay.

Bumiyahe na kami papuntang Tagaytay. Yung Hi-Ace na lang ang ginamit namin at yung SUV ni Gelo dahil hindi magkakasya sa garahe namin sa Tagaytay kung lahat sila magdadala ng sasakyan.

Bago mag-lunchtime ay nakarating na kami.Namangha silang lahat nung makita nila ang bahay.

" Napaka-ganda naman pala ng bahay nyo dito mga anak. Hindi ko akalain na makakapag-pundar kayo ng ganito kagandang bahay. Ang ganda pa ng garden, saan mo ba binili ang mga halaman na ito Aira?" tanong ni tita Mindy. Tuwang-tuwa sya habang hinihipo ang bawat bulaklak na madaanan.

" Mayroon pong flower farm dyan sa malapit sa palengke tita. Kung gusto nyo po, puntahan natin bago tayo bumalik ng Metro. " sagot ko.

" Ay oo, gusto ko yan. Mamimili ako ng ibat-ibang klase para sa garden sa bahay. Gusto mo rin ba Elize?" tanong ni tita Mindy kay mommy.

" Oo, bibili rin ako. Nakaka-relax ang maraming bulaklak sa paligid. " sagot ni mommy.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Mas lalo silang na-amazed ng makita nila ang interiors nito.

" Iba na talaga ang architect, ang ganda ng ayos ng bahay eh." turan ni ate Shane kay Gelo.

" Si Baby ang bumili ng mga furnitures at appliances, kaming dalawa din ang nag-ayos dito." sagot ni Gelo.

" Bilib na talaga ako sayo Gelo. Kaya mo na talagang bigyan ng maayos na buhay ang bunso ko. I knew it from the start that you will be a good husband for her. " wika ni daddy.

" Thank you po tito. Alam nyo po na mahal na mahal ko ang anak nyo. Lahat po ng pagsisikap ko ay para sa kanya at sa pamilyang bubuuin namin sa hinaharap. "

" That's good. I know she's in good hands. "

Maraming hinandang pagkain ang caretaker ng bahay. Lahat ng binilin namin ni Gelo na lulutuin ay nailuto namang lahat. Mukhang satisfied naman sila kasi nakailang balik sila sa table para kumuha ng pagkain.

Marami kaming activities na ginawa. Nagyaya pa sila daddy na mag horseback riding nung mawala na ang init ng araw. Sinakay ako ni Gelo sa kabayo tapos si kuya Andrew at dra. Faith naman sa isang kabayo. Nagkarera kami. Tawa ng tawa si kuya kasi takot na takot si dra. Faith, panay ang hampas nya kay kuya at pinatitigil na ang kabayo.

Masaya ako para kay kuya Andrew. Yung ngiti kasi nya ngayon ay umaabot na hanggang sa mata nya. Sana magkabalikan na sila ni dra. Faith tutal pareho naman silang single.

Nung dinner naman ay nagtulong-tulong kami sa pagluluto habang nag-iinuman naman yung mga lalaki. Tumigil din naman sila nung nag-anunsyo na kami na kakain na.

So far, masaya ang naging unang araw ng bonding namin.Masarap ang naging tulog ng lahat dahil pare-parehong pagod.

Kinabukasan, maaga kaming nagising para umattend ng mass. Doon kami sa picnic groove tumuloy dahil gusto nilang mamili ng mga souvenirs. Tapos namin dun ay pumunta na kami ng palengke para mamili ng baka para sa ulam namin ng lunch at mga sea foods. Bumili na rin sila ng mga halaman dun sa flower farm na malapit sa palengke para dalhin sa Metro pag-uwi namin mamayang gabi.

Pauwi na kami galing sa flower farm ng may masalubong kami na hindi namin inaasahan. Nung tingnan ko ang pamilya ko, nakita ko na nakakuyom ang mga kamao ni kuya Andrew habang mahigpit ang kapit kay dra. Faith samantalang si ate Shane naman ay masama ang tingin sa mga nakasalubong namin. Tila nagpipigil din ng galit katulad ni kuya.

Nagkatinginan kami ni Gelo. Agad syang lumapit kay kuya Andrew at ako naman ay kay daddy.

Hindi pa natatagalan si Gelo sa tabi ni kuya Andrew ng biglang sumigaw si mommy at tita Mindy ng sabay.

Halos takasan ako ng ulirat ng makita ko si Gelo na nakahandusay sa semento.

Siya ang tinamaan sa suntok na dapat sana ay kay kuya Andrew dadapo.

Related Books

Popular novel hashtag