Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

When The Fate Plays

🇵🇭margassi
66
Completed
--
NOT RATINGS
150.1k
Views
Synopsis
#1 WTF When The Fate Plays. Eloi Samantha Hidalgo Ramos was born with a silver spoon in her mouth. When she came back to the Philippines something happened while she's on the bus, she encountered a weird man, that even used her shoulder as a pillow; that was just the beginning. Who would have ever thought that the guy that she met on the bus is going to be her fake boyfriend to get away from a cliché wealthy family arrange marriage? Not to mention Andrei Paolo Lopez Scott need her too, they need each other, but she kept her identity and reason a secret. They met because of fate, but fate does love to play, and in their entire journey of being with each other, their destiny plays. When fate plays Eloisa and Paolo, will it make them have their happily ever after?
VIEW MORE

Chapter 1 - 1st Chapter

Eloisa's Point of View

I felt the sunlight on my face, I avoided it with my own palm.

Bigla naman akong napaisip. "Kapag naghari na ang araw ibig sabihin ay nakain na ang kadiliman, kaya naman kailan kaya kakainin ng liwanag ang kadiliman na nararamdaman ko?"

I left US after the death of my beloved grandmother samantalang ngayon naman lilisanin ko ang lugar na akala ko ay safe haven ko, lugar na akala ko ay mababaon ang isang masamang panaginip na karasanan.

Ipinikit ko ang  mga mata ko saka inalala sa huling pagkakataon ang lahat ng pangyayaring naganap noong bumalik ako sa Pilipinas.

-

Iniempake ko ang mga dadalhin, nang makumpleto na ang lahat saka ako lumabas. Pinikit ko ang mata ko habang naka-T ang kamay sa ere. "Mamimiss ko ang bahay na 'to. All of the memories with my grandmother are in here, even before she died," I whispered through thin air.

Why do people die? No one has ever know the real reason but for me and based on my observation it is because those people who died are already tired and deserves the need of rest.  Malungkot ako dahil iniwan ako ni Lola pero masaya rin dahil tapos na ang paghihirap niya. Masyado na siyang matanda at mahina na noong mga panahong nabubuhay pa.

-

Nang maglanding ang eroplano hudyat nang nakarating na sa kinalakihan na lugar, naalala ko bigla ang US ng walang pasabi. Nakakagulat na bigla kong mamimiss ito kahit hindi ako naging kumportable roon.

Sa dalawang taon ko sa US kailangang kong kumilos tulad ng kilos ng iba. Classy and feminine. Mahirap magpaclassy pero kung magpapakadown ka sa harap ng mga classmates mo mabubully ka.

Lumabas na ako sa eroplano, bumungad ang mainit na klima, nasa Pilipinas na nga ako.

Nang makapasok ako sa airport. Maraming tao. Out of nowhere that made me feel sad na lahat sa kanila ay iniintay ng kanya-kanya nilang pamilya. I have a family but they're not aware I'd be home this time, here, now. Dito sa Pilipinas.

When I left the airport sumakay akong taxi habang dala-dala ang medyo malaki kong maleta. Mas nadagdagan ang high rise buildings. I was expecting trees, and greens everywhere. But, I remembered, it's modernized here now already. There are still greens but not like in some provinces.

As a usual stop when I came from a long travel, bumaba ako sa Starbucks. I am quite tired, I stopped over here at nag-order ng Caffé Americano. Stayed for about 15 minutes just to finish the coffee.

Pagkatapos noon nag hintay ako ng Taxi para pumunta na sa pamilya ko at surpresahin sila. Sa totoo lang ay alam nilang uuwi ako by December, but I intended to make it early so they'd be surprised. Ngunit lahat ng dumadaan na taxi ay mayroong sakay.

I have a one more choice, isip ko.

Habang higit-higit ang pagka-laki-laking maleta, umupo ako sa bus stop at naghintay roon ng magsasakayang bus.

Wala pang ilang minuto ay may pumarada nang bus at doon ako sumakay, tinulungan ako ng kundoktor sa mga bagahe. Inilagay niya ito sa itaas. The seats on the front, middle are all occupied. Kaya't sa dulo na ako pumwesto, matagtag pero mapagtyatyagaan.

Binuksan ko ang phone ko, may message akong natanggap sa facebook kaya naki-connect ako sa free wifi ng sinasakyan kong bus.

Kian:

Eloisa! Safe ka bang nakauwi sa Philippines? Message me if nandiyan ka na, ASAP.

Napangiti ako sa chat ni Kian. I love it whenever my friend, Kian Montague, calls me Eloisa, there is something behind that name at masaya akong mayroong taong ganon ang tawag sa akin.

Tinatry kong mag-type pero medyo matagtag talaga sa lugar ko.

Eloisa:

Nasa iaang public trandlortation na ako ngayon, on the way sa vahay namin, I am safe, kalma!

Saktong pag-send ko ng mensahe saka ko napansin ang mga typos, ang tagtag talaga kaya hindi ako makapagtype ng maayos, balak ko sanang icorrect ang mga typos ko pero may isang bagay na pumatong sa kanang balikat ko, isang ulo ng lalaki na katabi ko.

Sa tingin ko mas naging worse pagiging uncomfortable ko, hindi sa matagtag ngunit dahil sa katabi kong lalaki. He's sleeping beside her as if nobody's around, safe and sound, kulang na lang gawin niyang unan ang balikat ko.

"Great," bulong ko.

Pinagmasdan ko ang lalaki, sobrang hibing ng tulog niya at hindi alintala ang mga taong nasa paligid.

I can't believe it is true that some people are very easy to fell asleep on public transportation like this one, good for them, sarcastically.

Napadpad ang dalawang mata ko sa suot ng lalaki.

Medyo naweirduhan ako sa pananamit niya, nakaitim siyang jacket, itim na khaki shorts at isang pares ng sapatos.

Is he homeless? isip ko.

Ayokong matawag na judgmental kahit na ang pinopoint out ko lang naman ay ang nakikita ng naked eyes ko kaya hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin, siguro'y pagod lang siya mula sa trabaho o sa kung ano man ang dahilan nang pagkapuyat niya kaya nakalimutang isuot ang isa pang pares ng sapatos.

"Meron po bang Bissan Village?" ani ng kundoktor, naglalakad siya habang isa-isang dinadaanan ang mga nakaupo.

Nang marinig ko na malapit na ang Village namin, nakahinga ako ng maluwag.

I raised my right hand. "Ako po. Bissan Village lang," dahan-dahan kong inalis ang ulo nung lalaki. Pagkalingon ko ay nahikab ito ibig sabihin nagising ko siya, medyo nakita ko ang mukha niya at sigurado akong nakita rin ako nito ng sandali dahil parehong nagkatama ang aming mata.

Nakataas ang dalawang kilay ko habang tinititigan ang lalaki, gwapo ito, mapungay ang mga mata kahit bagong gising, matangos ang ilong at mapula ang labi, tila ba bumagal ang pag-usad ng oras, naging malabo ang lahat ng nasa paligid ko habang nakatitig kami sa isa't isa. Unang akong umiwas ng titig dahil pababa na.

"What was that?" tanong ko sa sarili nang makababa, nilingon ko ang bus na ngayon ay malayo na, hindi ko alam kung ano ang nangyari noong mga oras na tinitigan ko ang lalaki. I felt some sort of electricity all over my body. Umiling-iling na lang ako at inalog ang sarili upang magising.

Nakulangan ata ako sa kape.

Bumuntong hininga ako at gumaan naman ang pakiramdam ko.

For some reason, I started missing USA. I went in United States to study. Sa totoo lang hindi naman talaga pagaaral ang dahilan kaya ako pinadala doon, especially ni Lolo. Philippines have luxury schools too. Pinadala ako sa U.S para maging sosyalin. Like how Queens do to their daughter to be the next Queen.

This might sound fake but I am a heiress- a unhappy one. Hindi ako masayang tagapagmana ng pinakamayamang tycoon sa Pilipinas. Kilala rin ang pangalan ng Lolo ko sa ibang bansa dahil sa businesses nito. Gusto ko ng normal na buhay ngunit in the future sa tingin ko ay hindi ko yun matutupad dahil nga isa akong hamak na heiress. Kung maaari lang maiba ang tadhana, o di kaya'y magbago at bumaliktad.

I live with my grandma for 2 years there. She's strict at the same time classy. She always making me act like a decent women because I am kind of boyish, I grow up playing with boys, at kalaro't kaclose ko ang kuya kk, there was even a time pa na my brother join me to a basketball team, but everything went upside down.

At para kay Lola ayaw na niyang umalis sa US dahil nandon ang mga happy memories nila, kaya no choice ang Lolo ko kundi magpadala ng magkakasama nito. Masyado kasing busy si Lolo dahil sa mga business na nandito sa Pilipinas. Same as si Mama, busy rin sya sa mga businesses nila ni Papa.

I didn't realized that I am already in front of Hidalgo's mansion dito sa Bissan Village. One of my Lolo's land property.

***

Paolo's Point of View

Napamura ako sa isipan ko, ibinaba ko ang hood ng suot ko na jacket sabay gulo ng buhok.

Ang naalala ko lang ay nakipag-inuman ako sa bar kasama ang mga kaibigan ko pero nilasing nila ako tapos ito ako ngayon nagising na lang na nasa Bus. Ginawa na nila 'to dati kaso noon ay iniwan lang nila ako sa damuhan. Ngayon naman sa isang public transportation pang Bus, at tulog pa ako.

Lalo akong hindi mapakali nang maramdam ko ang malalamig na patak ng pawis mula sa sintido ko, yung titig nung babaeng bumama pagkagising ko alam kong hindi maganda!

Naramdaman ko ang mahinang pagkakuryente ng katawan ko.

Alam ko sa sarili ko na hindi na kaaya-aya ang amoy ko dahil sa dami ng nainom na alak kagabi, kaya ba bumaba na yung babae para makaiwas sa amoy ko? Meron akong iniingatang dangal pero mukhang mababaliwala iyon dahil sa prank ng mga kaibigan kong kulang sa aruga.

Mas malulutong na mura pa ang isinigaw ko sa utak ko.

Mga gagong iyon, isip ko.

Kinapa ko ang bulsa ng shorts, nakahinga ako ng maayos dahil nandoon pa ang cellphone ko.

Sinubukan kong buksan pero mukhang lowbat, mas lalong nag-init ang ulo ko, kaso may isa lang mali at nakapagtataka. Bakit napakagaan nito?

I opened the back cover of my phone, bumungad ang walang lamang battery.

Napamura ulit ako.

I cursed my friends deep inside my thoughts.

Anong gagawin ko ngayon?! sigaw ko sa isipan sabay mura.

Tumayo ako at nasa kalahati na ako ng bus nang biglang makarinig ng mga bulungan.

'Kaya siguro bumaba yung babae dahil sa katabi niya kanina sa likod, iyong nakaitim, sumandal ba naman sa kaniya, mukha ring manyakis e.'

'Dapat pala binidyuhan natin at ipost sa social media para mabalaan yung ibang babaeng nagcocommute sa bus, tsk tsk'

Tumigil ako at napakunot ng noo, ako lang naman ang nasa likod kanina at nakaitim?

"Ser," bumagsak ang lumilipad kong isip dahil sa isang lalaking nakasuot ng pang-kundoktor na uniporme.

"Po?" magalang na sagot ko. Parang totoo, Paolo, mabait ka ba talaga? isip ko sa sarili ko.

"Yung bayad mo po, Ser? Kanina ko pa po kayo ginigising pero ayaw nyo pong gumising kaya yung bayad niyo po?" napapikit ako at hindi malaman kung anong gagawin.

Tatakbo ba ako at tatalon sa bus o magpa-alipin sa kundoktor para ibayad muna? Pero masyado akong gwapo para magpaalipin kaya tatakbo na lang at tatalon sa bus pagpipilian ko.

Kinapa ko ang likod na bulsa ng shorts ko dahil nagbabakasakaling may perang naitabi, ngunit wala.

Ang sunod ko naman kinapa ay ang bulsa ng jacket na suot ko, jacket 'to ng kaibigan kong si Lance kaya hindi na akong umaasang mayroon pera kaso nagulat akong may papel akong nahawakan, asul at tumataginting PHP1,000 peso bill.

Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan kong may awa rin pala, pero minura ko pa rin ito sa isipan ko.

Kung nakakamatay lang pag-isipan ng masama ang mga kaibigan, baka dead on arrival na mga kaibigan ko... kanina pa.

Inabot ko agad yung isang libo dahil babang-baba na ako. "Keep the change."

Naglakad ako papuntang pinto.

"Para po," sabi ko sa driver ng Bus at hininto niya na nga at ibinaba ako sa hindi ko alam.

Ngayon hindi ko na talaga alam gagawin ko, isip ko.

Pagkababa ko sa bus, nagawi ang mata ko sa semento, saka ko lang na pansin na isang pares lang ng sapatos ang suot ko, the other one is bare. Mas lalo akong nabadtrip.

Binigkas ko lahat ng mura na pede kong ibigkas!

Mayroong pumaradang kotse malapit sa akin. Lumabas doon ang tatlong lalaki, ang isa ay nagpipigil ng tawa, ang isa ay pumapalakpak habang tawang-tawa at isa naman ay seryoso lang at para walang pake sa mundo.

Mga gago kong kaibigan waved at me.

Dumaloy ang dugo ko sa mga dumating.

"Paolo, you're a legend!" pang-aasar ng kaibigan ko.  "Alam mo bang kaninang alas tres ka pa namin sinusundan?" dinagdagan pa ni Lance ng napaka-lakas na tawa.

Muli akong nag-mura. "Alam niyo rin bang may babaeng-" napatigil akk.

Biglang akong nabilasa, hindi ko maintindihan kung bakit, basta ay naalala ko ang mukha ng babaeng nasa bus, naalala ko iyong naramdaman kong pagkakuryente. Pinagpawisan ako bigla.

"Magbabayad kayo, mga gago!" ang nasabi ko na lang, kinakabahan talaga ko sa mukha noong babae.

"What happened bro? May nangyari ba sa bus?" my friend who didn't gave me a single laugh, which is Dominic, asked.

Teka ano bang pakialam ko sa babaeng iyon?

Nagkibit-balikat ako. "Wala."

Kinalimutan ko na lang ang nangyari, nagpanggap na walang naganap at umiling.