Paolo's Point of View
Nabalutan ako ng malaking pagkainis dahil sa mga kaibigan ko. Lalo na kay Lance at Warren na sa tingin ko ay noong nagpaulan ng kawalangyaan sinalo nilang lahat. Si Dominic, okay pa pero yung dalawa? Wala ata ni katiting na kabaitang nakuha. Tinanong pa nila kung bakit parang pinagsakluban ako ng langit at lupa, sanay na raw dapat ako sa mga trip nila.
Dahil sa inis, inalis ko na lang din yung isang pares ng sapatos na suot ko. "'Yung isa kong sapatos wala! Nawawala!" Nagmura ako ng malutong dahil sa matinding pagkainis. Palagay ko ay pulang-pula na ngayon ang dalawang tenga ko!
Pumasok ako agad sa kotse, sa tabi ng driver's seat ako umupo habang katabi ang kaibigang kong si Dominic, kung tatabihan ko ang isa kay Lance or Warren baka sa prisinto ako malagay. Sanay na ako sa pranks ng dalawa pero napasobra na sila ngayon, ito ang unang beses na nadungisan ang napakalinis kong image, I am damn popular and every girl's dream, that is the first time na makita ko ang ganoong tingin na parang nandidiri sa akin.
I was accused as a man with dirty deeds, isip ko sabay mura ng pagkalutong-lutong. I am a perfectionist, ayaw kong napagbibitangan sa isang bagay na hindi naman totoo.
Hindi ko na lang kinibo ang mga kaibigan ko dahil maski sila ay walang imik, pakiramdam na siguro ng mga kaibigan na talagang nabadtrip ako dahil sa nangyari sa bus.
"Nasobrahan talaga siguro sa alak 'to kagabi," seryosong sabi ni Dominic. Tumawa naman ang dalawa sa likod.
"Marami talagang nainom 'yan, paanong hindi mo malalaman napaka kill joy mo, dude, isang inom lang labas ka na," sabat ni Warren. Hindi na nagsalita si Dominic at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Wala namang choice ang tropa kong iyon. Siya lagi ang driver ng barkada kaya hindi dapat siya malasing.
Hindi ko namalayan nakaidlip na pala ako.
Ginising na nila ako nang makarating kami sa mansyon namin.
"Bye, mga gago!" Sigaw ko, bumaba ako sa kotse at naglakad papunta sa aming gate, may passcode ito, ngunit bago ko buksan, kinuha ko muna sa bulsa ang cellphone ko na wala ng baterya at itinapon ito sa mga pilapil sa harap ng aming mansyon. Pati ang isang pares ng sapatos ay tinapon ko na rin.
Pumasok ako sa bahay, sinuot ko ang tsinelas ng pinsan na hello kitty na color pink na napakalambot, I am clueless what does this crap called.
"Young master," nakapagmura ako ng wala sa oras dahil sa paggulat sa Butler namin na si Mr. Gerer. Hawak ko pa nga ngayon ang puso ko dahil sa sobrang pagkabigla.
"Mr. Gerer, muntik na akong atakihin sa puso!" React ko, our Butler have been serving us since then, hindi naman ito katandaan pero ang tawag ko sa kaniya ay KJ dahil simple, kill joy siya. He's not actually a butler but my grandfather's most loyal secretary, but I decided to call him a butler.
"Hinahanap po kayo ng inyong Lolo," pormal na sabi nito, rindi na ako sa pagkakaroon niya ng malalim na punto sa pagsasalita ng tagalog.
Nag-init pa ulo ko dahil hindi man lang ito nag-sorry, mas malakas kapit nito kaysa sa akin, at pakiramdam ko ay mas close pa ito kay Lolo kaysa sa aking apo.
"Where is he? Is he in his room?" dalawang kwarto lang naman ang hide out ni Lolo, it is either sa kwarto niya sa second floor o 'di kaya ay sa opisina na nandito lang sa unang palapag.
"Si Master ay nasa kaniyang opisina," dahil sa inis inakbayan ko si Mr. KJ at binigyan ng advice, saan pa ba? Sa kung saan ako matinik, sa mga babae.
"Alam mo Mr. Gerer, YOLO, you only live once, you should be free to live like a dove in the sky, I believe you can fly!"
"Young Master, kung ano man po ang ibig mong sabihin, ipagpaumanhin mo ngunit wala akong pakpak upang makalipad," pinigil ko ang tawa sa sagot ni Mr. Gerer, malala na 'to, tatandang binata.
"Nevermind, Mr. Gerer, huwag mo nang alalahanin sinabi ko, sige! Papuntahan ko na si Lolo," dumiretso na ako sa opisina ni Lolo.
Pagkapasok ko ay amoy kaagad ang air refresher dito, napapalibutan din ng lamig ang lugar, nakaupo sa swivel chair si Lolo habang nakatalikod.
"What's the matter, Lo? Hindi na ba ako grounded sa paggamit ng kotse?" Umupo ako at umakbay sa isa pang upuan. Nag-dekwatro rin akong upo. Ginagalaw ko pa ang nakataas kong isang paa.
"Ano ka sinuswerte? Ilang araw ka pa lang walang kotse, pagkatapos ay sa tingin mo ay maaari ka na ulit gumamit? Pinatawag kita upang ipaalam na ipapa-arrange marriage ulit kita," sabi nya. "And this time, Paolo, you can't get away with it," bigla akong napalunok. Ito ang ayaw ko kay Lolo maliban sa oldies pa rin ang pag-iisip dahil uso pa ang pagpaparusa, inirereto rin ako sa kung sino-sino at isa na ang pag-aarrange sa isang babae.
Iyan na naman ang pakulo ni Lolo na hindi na ako makakawala, kaso ay talagang matinik ata ako, mas matalino pa sa isang matsing pero kahit ilang beses nang hindi nagwagi si Lolo, hindi pa rin sumusuko.
Ang lagi ko lang namang ginagawa ay hindi ko nirerespeto ang babaeng inibablind date sa akin, kung ano-anong kabulastugan ang ginagawa ko mainis lang sa akin ang mga ito. Alam ko kasing first impression matters, ganoon naman lagi hindi ba? Ibabase mo sa unang pagkikita kung paano mo pakikitunguhan ang isang tao, bigla akong napangiti nang mayroon akong nakakatawang naalala.
Kaharap ko ang isang babae ngayon na may suot ng salamin, she absolutely looks like a nerd to me. Pagkatapos ay ang suot nitong damit ay dress na lagpas tuhod. May suot pa itong coat to cover up her bare shoulders. Typical nerd, right?
Marami na akong nakasalamuhang ganitong tipo ng babae, kaya sanay na ako sa kabaduyan. Hindi ito ang type ko pero kahit pa gusto ko o hindi ang ireto sa akin, hindi ko pa rin ito papatulan dahil isang tao lang naman ang nasa puso niya at ang taong yon ang unang nagwasak ng puso ko.
Gusto ko ng takpan ang tenga ko dahil puro business ang pinagsasabi ng babaeng kaharap ko, and ang lugar pa namin ay nakakaantok din, so to cut the boring conversation, if matatawag man itong kumbersasyon, may naisip akong idea na sa tingin ko ay magpapaalis o magpapatikom sa babae.
"Are you open minded?" relaxed lang pustura ko, nakaakbay ako sa katabi kong upuan, at mahahalata sa mukha kong pinagtritripan ko ang kasama ko.
"What do you m-mean?" Nauutal na tanong ng babae, napabuntong hininga ako at nagpigil ng ngisi.
"Tutal tayo lang namang dalawa ang nasa restaurant na 'to, why not talk about something fun? Medyo nababagot na kasi ako sa business," I gave the girl a smirk, my voice sounds flirty. The girl clears her throat, she obviously doesn't like this kind of getaway which is why I am loving it.
"I am sorry, but, this is too much. My dad told me, I just need to get along with you and that's it," umugong ang tawa ko sa buong restaurant, pinareserve ang buong restaurant para sa date na 'to. May pacandle light and classical music sa background pa. There is even rose petals on the floor. Masyadong ginalingan ni Lolo.
"May ishashare ako sa'yo, 1, 2, 3, 4, 5, 6... I'm sorry pero 'di ko na matandaan kung ilan na nakama ko. At halos araw-araw hindi mawawala sa akin makipag-sex. Minsan pa nga 3 times a day. So ikaw, I guess, virgin ka pa?" binigyan ko siya ng grin, wink and even an evil smile.
Ngayon ay namumutla na ang kadate ko na para bang naubusan ng dugo.
Ang sunod na ginawa ng babae ay hindi inasahan, pagkatapos maglip bite ng babae ay tumayo ito, kinuha ang shoulder bag, at ang sunod na ginawa ay, kinuha ang inorder na kape at ibinuhos ito sa gwapo kong mukha.
"Kung ikaw lang din naman ang papakasalan ko, I'd rather be a nun, I will never marry a person like you. And based on my research, there is a possibility na may aids ka! Kadiri!" Malakas niyang sabi, wala lang 'yon sa akin dahil wala namang mawawala, kami lang dalawa ang nandoon. I am lucky enough na hindi na gaanong mainit ang coffee, kundi, sira ang pinaka-importante sa akin, ang kagwapuhan.
"Anong itinatawa-tawa mo riyan, Andrei Paolo!" Nagulat ako at nagising sa pag-rereimagine ng isang katatawanan.
Inayos ko ang sarili at sumagot. "Wala, Lo, may naalala lang," napa-ngisi ako. Isa iyon sa hindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko, mukha kasi talagang takot na takot iyong babae at inisip na totoo ang mga sinabi ko. I love playing minds.
"Mayroon na akong iaarrange sa iyo na sigurado akong hindi mo aayawan, takot mo lang, dad mo na ang nagplano nito, apo," noong marinig ko ang salitang kinaayawan ko biglang nag-init ang ulo ko.
"I will not let you manipulate me just like a little kid, Lolo, maski pa si dad 'yan, at ang tanda ko na para sundin pa mga inuutos niyo," kating-kati na akong umalis dito pero ayoko namang pati credit card ko ay makuha.
"See, sa'yo na nanggaling, apo, matanda ka na para umasta pa bilang bata, alam mo ba noong panahon ko kapag gusto mo ang isang babae at hiling mong pakasalan siya, hahawakan mo lamang ang kamay niya, pero sa panahon ngayon, nabuntis mo na't lahat ang isang babae, 'di pa rin kayo magpapakasal, nakakalungkot na ngayon," kumunot ang noo ko sa sinabi ni Lolo.
Ano ang koneksyon noon sa akin?
Natawa ako. "Lo, alam ko ang limitasyon ko, hanggang labas lang ang make out ko, and in fact, gusto naman ng mga babae na lokohin sila, alam na nilang nililinlang sila patuloy pa rin naman sila, kasi nga gusto nila."
"Apo, ang babae minamahal hindi pinaglalaruan, hindi sila materyal na bagay na maaari mong itapon lang pagkatapos pagsawaan," hinawakan ni Lolo ang temple ng ulo niya, naiistress na siguro sa akin 'to.
"Teka, Lolo, sa inyo na po nanggaling 'diba? Gusto mo si Lola kaya siya ang pinakasalan mo, hindi ba ibig sabihin noon dapat mahal ko rin ang pakasalan ko?" Kahit na makitid ang utak ko matalino pa rin ako.
"Bakit, may babaeng iniibig ka na ba? Siguraduhin mong mahal mo siya bago mo sabihin sa aking mayroong rason para ipatigil ko ang plano ng dad mo," kilala ako bilang playboy, I play every girl's heart, napakarami ko ng napaiyak na babae, hindi rin ako nagseseryoso dahil ang tingin ko sa lahat ng babae ay manloloko rin. I am just playing a fair game.
"She's actually like Lola Librada, that made me fell for her so hard," pagsisinungaling ko, my grandmother is a perfect Maria Clara for my grandfather, kahit na nagmula sa mayamang pamilya si Lola ay napaka-simple pa rin nito at napaka hinhin, and a conservative Dalagang Pilipina noong mga panahon nila. Kahit na napakaraming babae ang pumipila para kay Lolo Peter, isang babae lamang ang itinitibok ng puso nito at iyon ay si Lola Librada.
Fifty-fifty si Lolo Peter, halata ko iyon, iniisip soguro niya na nagsisinungaking ako na totoo namang nagsisinungaling lang ako.
I hope he buys it.
"Can we meet her? Kailan ba siya pede? I want to meet the girl who captured my grandson's stoned-heart," nagpantig ang tenga ko, hinukay ko ata ang sarili kong libingan.
Kung magsasabi ako ng totooi papakasal ako sa hindi ko kilala at kung magsisinungaling naman paano ko lalagpasan ang bitag ni Lolo?
"Oo, naman, Lolo, pupunta kami kung may freetime sa school, alam mo namang hand-ons na ang gwapo mong apo sa Acads," dahilan ko, pabulong akong napamura, paano ako lulusot?
"Pupusta ako arrange marriage rin ang bagsak mo," tumayo na ako at nagmano kay Lolo.
"Hindi pa ako pumalya, Lo," huli kong mga sinabi bago lumabas ng opisina at umakyat sa kwarto ko.
Isa lang ang paraan para makaiwas sa bitag ni Lolo, I have to come up with a plan on how to leave the conflict of being fixated in that stupid arranged marriage.