Chereads / When The Fate Plays / Chapter 6 - 6th Chapter

Chapter 6 - 6th Chapter

Andrea's Point of View

I just finished sorting out papers.

Papalabas na ako sa office pero nakita ko si Jared nakasabit yung DSLR nya sa leeg nya at kinukuhanan nya yung flowers dito sa garden.

Pagkalabas ng office ng dean, garden agad ang bubungad sayo. Si Jared K. Craeven ay anak ng may-ari nitong Craeven Academy. Kaibigan ko s'ya but it's my feelings towards him is more than that.

Habang siya, ayun.

Kaibigan lang talaga ang turing sa akin.

"Seryosong-seryoso tayo sa pagkuha ng litrato ah?" tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at parang bumagal ang mundo.

"Andy, ikaw pala, kilala mo naman ako 'di ba? Pagdating sa hilig at gusto ko nagseseryoso ko," alam kong dalawa yung ibig sabihin nya yung hilig which is yung pagkahilig nya sa pagphophotograph/pagkukuha ng pictures and yung gusto naman na hanggang ngayon kasi yung first love nya ay di nya pa rin nakikita.

Nakakaselos lang.

Eto ako, nasa harapan niya. Jared, andito ako! Ilang beses niya na akong na friendzone ng hindi nya alam. Katulad nung, mga linaya niyang-"Kaya mahal kita bestfriend eh," nakakainis.

"Oo nga pala. Pagdating sa isang bagay na willing ka you always try," pero bakit ang manhid mo? I wanted to say that words too pero naisip ko baka masira ang friendship namin.

Tumawa niya, ang gwapo niya pa rin. "Kilalang-kilala mo na talaga ako but athough I'm trying, patuloy pa rin ako sa paghahanap," sabi niya.

Ngumiti na lang ako. "Anyway, nag-lunch ka na?" tanong ko.

Umiling siya. "Mauna ka na, susunod ako," sabi ni Jared sabay ngiti.

Ngumiti rin ako kahit nasasaktan ako dahil sa kaniya. "Una na ako," kumaway ako sa kaniya bago tuluyan siyang iwan.

Naglalakad ako ngayon sa hallway pero napatigil ako nang makita ko ang apat na mga feelingero. Si Paolo, Lance, Warren at Dominic, nakaupo sila sa mahabang bench.

Likod lang nila nakikita ko dahil nakafaced sila sa may left side ng cafeteria. I thought Paolo's not around! Haynako ako tuloy umako ng responsibility niyang mag-get-to-know ng new students.

"Si Andrea na lang kaya?" dinig kong sabi ni Lance nang mapalapit na ako sa kanila.

Ano naman ang pinag-uusapan nila at damay ako?

"Hindi ko yun matatagalan, saka baka mahumaling sa akin一baka nga naahumaling na e!" sabi ni Paolo sabay halakhak... ang kapal ng walangya.

Mas lumapit pa ako sa kanila, umuubo para mapansin nila na nakikinig na ako at nasa likod na nila.

Nagulat yung tatlo habang si Dominic walang reaksyon.

"H-Hi Andrea!" bati ni Lance habang nakatayo pero hindi ko siya pinansin, kinakabahan ako sa pinag-uusapan nilang apat!

Sumunod naman si Warren. "Hi Andrea," awkward na tumayo siya habang nakaharap sakin pagkatapos ay sunod-sunod nang nagsitayuan yung dalawa pa, awkward din akong binati ni Paolo.

Napakunot ako, something's fishy! "Tigilan niyo ko, kaya sagot, ano yung naririnig ko kanina?" tanong ko habang naniningkit ang mata.

Nagtinginan naman sila.

"W-Wala lang yon, Andre一" hindi ko pinatapos ang sasabihin ni Lance dahil nagsalita ako.

"Ano?"

Napayuko si Lance, masyado ba akong disrespectful?

Biglang nagstrench ng kamay si Warren. "Nako! Nagugutom na ako, kain na tayo?" tiningnan niya ang mga kaibigan niya at hinihintay ang sagot nila.

"Hep, hep, hep, sagutin nyo muna ang tanong ko," sinubukan ko silang pigilan umalis pero hindi ko nagawa.

"Wala lang yon!" sigaw ni Paolo tapos hinigit na yung tatlo. Ang weiweirdo ng mga yun, mga feelingero pa, maliban kay Dominic, si Dom lang ang normal sa magtotropa na mga yun.

~*~

Paolo's Point of View

Mabuti na lang at nakatakas na kami kay Andrea, kapag nalaman niya ang pinaplano namin, baka magsumbong pa siya at ilaglag ako.

Nagustuhan ko ang plano ni Dominic kaya susubukan ko ito.

"Ayaw mo kay Andrea, si Lili na lang kaya?" tanong sa akin ni Lance, mahina lang ang boses niya dahil ayaw naming may makarinig sa aming pinag-uusapan.

Pinagpasyahan kong sabihin na rin sa dalawa dahil hindi ko rin naman matatago, lagi ko ba naman sila kasama.

Napailing ako.

"Ayoko hindi ko sya type."

"Kaya desente ang pinipili natin kasi matitino sila at kaya natin pinili yung mga hindi mo type para hindi ka ma-inlove di ba?" ekstra ni Warren, may punto siya.

"May punto ka pero gusto ko ay yung presentable, yung kahit nag-papanggap lang kami atleast mukang totoo ko syang girlfriend, hindi lang sa mata ni Lolo pati na rin sa mata ng lahat," matipuno kong litanya.

Nakarinig naman ako ng palakpak mula kay Lance

"Dude ang deepthroat nun," aniya habang napalakpak pa, nabulunan ako sa sinabi niya.

Kusot ang noo ko habang tinitingnan siya, napamura ako at tinawanan siya. "Deepthroat?!" sigaw ko at tawa pa ulit wala akong pakialam sa mga tao sa paligid basta tawang-tawa ako sa kaibigan ko.

Akala ko ay napikon si Lance pero tinatanong niya pala si Dominic tungkol sa deepthroat, siya pa talaga ang pinili niya?

Nagkibit-balikat lang siya habang dismayado naman ang mukha ni Lance, balak ko na sanang sabihin kaso ibinuka na ni Warren ang malaki niyang bibig.

"Dude, deepthroat, ayun yung kapag ipinasok ng lalaki yung ari niya sa bibig ng babae ng buo一" napatigil si Warren dahil nagsalita si Dominic.

Anong problema?

"Can't you see we're at the cafeteria? And a lot of people are listening?" aniya pa at saka lang namin napagtantong nakatingin nga ang mga tao malapit sa aming table, si Lance na katabi ko parang gusto nang magpalamon sa lupa.

Natawa ako pati si Warren, wala lang sa amin pagtinginan, bumagsak naman ang palad ni Dominic sa sarili niyang mukha.

Bigla akong inakbayan ni Warren. "Paolo, balita ko may bagong salta sa Business Ad ah, maganda ba? Sexy smoking hot lady?" nagniningning ang mata niya habang nakaakbay sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Meron? Hindi ko alam na meron."

"Seryoso? Narinig ko lang kay Andrea kanina, hinanap ka sa akin sa room, sabi niya tinakasan mo na naman ang gawain mong magorient ng bagong estudyante."

Sa wakas nasa room na ako, matutulog na lang ako wala namang pakialam sa akin si Mr. Tolentino, mas malaki ang inis niya kay Lucas kaysa sa akin, idinukdok ko ang ulo ko pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan.

Bumukas ang pinto at yapak pa lang niya alam ko ng si Sir yun, binati niya kami pero wala ni isang bumati, lagi namang ganito wala ng bago.

"Are you the transferee?" rinig kong tanong ni Sir, may transferee? Pero hindi ko na tiningnan antok na antok talaga ako ngayon.

"Good Morning, Sir," boses lang ang nadidinig ko at bilib na ako agad sa kaniya, siya lang ang bumati.

Dinig na dinig ko ang kanya-kanyang mundo ng mga kaklase ko sa subject niya.

"You are probably... Eloi Samantha H. Ramos, am I right?" tanong ni Sir.

Boring.

"Yes po," sagot niya.

What happened next is not interesting either kaya nanatili lang nakadukdok ang mukha ko, I am wasted!

"Ah! Ayun ba? Tanda ko na. Hindi ko napansin, pero tanda ko ang pangalan niya."

"Tanda mo? Ikaw? Imposible," nagdadalawang isip si Lance sa sinabi ko, tanda ko naman talaga, hindi ko nga rin alam kung bakit.

Kinalabit ako ni Dominic.

"Your girlfriend's coming, dude," deklara ni Dominic at hindi nga siya nagkakamali paparating na ang naging girlfriend ko sa bar.

"Teka, girlfriend? Sino?" nagtatakang tanong ng dalawa kong kaibigan, hindi nga pala nila alam dahil hindi ko sila inaya noon.

"Ano ngang pangalan niya, Dom?" nakatingin ako sa babaeng papalapit sa amin na sobrang lawak ng ngiti.

"Ambreen," sagot niya, tumayo ako para salubungin niya. "You remember the transferee's name but you don't know you girlfriend's?" nilingon ko si Dom at kinitian ng nakakaloko.

Nagulat ako dahil niyakap niya ako at hinalikan si pisngi, I don't like her, ayoko sa clingy, I have to break up with her.

"I missed you Paolo! Why aren't you answering my chats?" ngumuso siya at nagpacute, ayoko talaga sa gantong babae at siya pala iyong nangungulit sa akin, Ambreen Buenavista, huh?

Bakit hindi niya madama na hindi ko siya gusto? Manhid ba talaga ang mga babae? Palagi na lang.

Pinilit kong ngumiti at hawakan ang kamay niya. "I'm sorry, I am busy with school works."

"I see... are you hungry? Let's go grab some lunch, it's my treat," hinigit niya ako habang nakapulupot ang braso niya sa akin.

Napamura ako, ano ba itong pinasok ko! Kung alam ko lang ganito siya hindi na sana ako nagbalak laruin siya, bored lang naman ako.

Magkatinginan kami at ngiting-ngiti siya pero biglang nag-iba ang mukha niya nang may makabangga sa kaniya, natapon ang pagkai at nadulas sa sahig ang babaeng nakabangga sa kasama ko.

Iaabot ko pa lang sana ang kamay ko sa babae pero nauna na si Jared, bigla na lang siyang sumulpot. Anong kdrama ito?

Tinayo niya ito at napakunot ako bat ang lalim ng tingin nila sa isa't isa.

Tiningnan ko ang babae at pamilyar siya, san ko ba siya nakita?

"Hey, you bumped into me!" sigaw ng kasama ko, nakakabingi naman ang boses niya, ano pang nakakabadtrip sa akniya? Lahat na lang ata.

Nagbow ang babae sa harapan ko ng 45 degrees. "I am sorry! I didn't saw you because I was too focused on my foods, I am really sorry!" aniya ng malakas.

Napangiti ako ng wala sa oras, she's down-to-earth and humble, kung ako sa kaniya baka nasapak ko na itong babaeng katabi ko, mas agrabyado siya dahil halatang nadumihan ang damit niya kaya dapat siya ang magtaray pero ito pang kasama ko ang mukhang naperwisyo.

Sandali, mas lalong lumaki ang ngiti ko.

I think I found the perfect person for the role.