Chereads / When The Fate Plays / Chapter 7 - 7th Chapter

Chapter 7 - 7th Chapter

Paolo's Point of View

Napahiya ang kasama kong si Enbreen一 tama ba? Basta, ayun, napahiya siya kaya dumiretso na lang siya sa counter at umorder ng kakainin niya, ganun din ang ginawa ko, may nakasabay kaming kakilala niya kaya nag-uusap sila habang inihahanda na ang inorder namin.

"When did you guys get together?" masiglang tanong ng babae.

Kapit na kapit siya sa braso ko. Bullshit!

"Last night, he suddenly asked me out and I am so shocked, I love him so much! He loves me so much too, right Paolo?" aniya pa, napapikit ako, hindi ko na kaya, sorry, Endreen pero tapos na ako sayo.

Una, inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko. Pangalawa, I smirked. Pangatlo at huling-huli nagsalita ako.

"Don't you know me? I am the greatest player of Craeven Academe, are you stupid or delusional? I don't love you, and if you aren't aware I was only bored last night that's why I asked you out, since I am already finished with you, we're done, okay?" tumalikod ako pero may nakalimutan ako. "Ah! May nakalimutan ako, huwag mo na rin pala akong kulitin sa Chat, it's so annoying, Enbreen."

Napakunot ang galit niyang mukha. "Enbreen? I am Ambreen, you asshole!" sigaw niya sa harapan ko, ngumiti ako at tinalikuran siya iwinagayway ko rin ang kamay ko para magpaalam sa huling pagkakataon.

Hindi na sila nasanay. I'm Andrei Paolo Scott, I break hearts.

Narinig ko na lang may nagtatawanan, nagbubulungan at pinakamalakas? I heard someone hardly crying and which explains that is... whatever kung ano man pangalan niya.

It's no fun experience but a blessing-in-disguise accident.

I finally found the girl I am looking for.

Napagpasyahan klng mag-cutting, madali lang makalusot sa school ko, at kahit mahuli ako makakatakas pa rin ako. My grandfather's power is no joke.

Buti walang guard kaya agad akong dumiretso sa parking. Sumakay ako sa napakamahal at napakaganda kong kotse.

Pagkasakay ko saktong nagring yung phone ko.

Minura ko siya. "What?!" agad kong bungad sa conversation dahil si Warren ito.

"Gago! Wag mo kong murahin! Asan ka?" sigaw niya, nailayo ko ang phone ko. "Hiwalay na kayo agad ni Ambreen? Bilis dude!"

Inilagay ko sa passenger seat ang phone ko at iniloudspeaker ito.

"Papunta ako sa hideout, tungkol dun kay Enbreen hindi ko na matagalan, ayoko sa tulad niya," sagot ko habang pinapaandar ang kotse ko.

Bumuntong-hininga siya. "Dude, you should at least know your playtoys names."

"Fine, sandali, Warren, busy ka ba?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman, bakit?" sagot niya na nagpangiti sa akin.

"Kaya mong dalhin yung bagong transferee sa hideout?"

"Oo naman, bakit anong gagawin mo? Wag mong sabihing..." minura ko siya dahil alam ko na agad ang iniisip ng kaibigan ko.

"Gago! Mali ang iniisip mo, sasabihin ko sa kanya plano," sambit ko. "At iyong magiging siya girlfriend ko."

"Seryoso? Siya? Sige, akala ko kung ano na, daldalhin namin siya," sabi niya at pinagpatayan na ako.

*

Napamura ako. Bakit ang tagal nila?

Naiinip na ako at kung ano-ano nang ginagawa sa hideout namin, malaki ito pero naikot ko na ata dahil sa kakahintay

At nang biglang sa wakas bumukas na yung pinto.

Nanlaki ang mata ko dahil sa nakikita ko.

Anong kalokohan pinag-iiisip nila?

"What the? Bakit... bakit nakatakip mukha nyan? At damn bakit siya nakatali?" tanong ko and inupo nila yung transferee sa silya.

Nagtatakang napakamot sa ulo si Warren. "Ha? Sabi mo papuntahin dito 'di ba?" nalaglag ang palad ko sa mukha ko, ano bang mga kaibigan ang meron ako?

Minura ko siya. "Dude! Hiindi ko naman sinabing kidnappin niyo siya!" sigaw ko, magkakahigh-blood ata ako ng wala sa oras.

"Shoot?! Patay!" Lance and Warren started panicking except Dominic.

Napatigil kaming tatlo nang may biglang gumalaw at gunawa ng tunog.

Napatingin kaming lahat kay transferee.

Pinipilit niyang magsalita. Putik talaga! Bakit pa nila kailangang lagyan ng tape yung bibig? Baka hindi niya ako pagkatiwalaan nito.

Nakablindfold din siya, naggesture si Dominic na aalisin na niya yung blindfold, um-oo na lamang ako.

Inalis na ni Dominic ang blindfold at halatang nagulat sya sa amin dahilan para matumba sya kasama yung silya.

"Are you alright?" tanong ni Dominic kasabay ng pagtaas nya ng upuan. Inalisan niya na din ng tali ito.

Gentleman mo dude! Saka bakit kung makatitig si Transferee kay Dominic wagas? At nakatingin din si Dominic. Eye to eye ba.

"Hey! What the heck! Ang sweet," dahil sa badtrip walang isip-isip kong inalis yung tape sa bibig niya.

"Aray!" sigaw nya sabay ng paghawak sa bibig nyang namumumula.

"Hey! Okay ka lang?" tanong ni Gentleman guy ulit. Sakit sa mata.

"I'm fine. Grabe ang sakit! Teka nga... anong ginagawa ko dito? Anong kailangan nyo sa akin?!" nanlalaki ang mata niya ngayon. "Tulong kinidnap ako!" sigaw nya pero unfortunately tinakpan ko bibig nya.

"Wag ka ngang maingay! Baka marinig ka sa labas!" sabi ko.

"Bitawan mo nga ako! Baka kung saan mo isinuksok yang kamay mo!" sigaw niya pa, napatawa ako. "Kadiri!"

"Kadiri? Tama ba ang dinig ko?" tanong ko.

"Oo, bingi ka ba?" mataray na sagot niya. This girl is something. Kumunot ang noo niya. "Wait, you look familiar? D-Didn't you ride the bus with me? The guy who smell stinky?" aniya pa na nagpalaki sa mata ko.

"Ano raw?" pagtatanong ni Lance.

Nanlaki ang mata ko at napamura sa isipan ko.

Ngayon naalala ko na!

Siya yung nasa bus!

Kailangan kong magpanggap na hindi ako iyon. "W-What? What are you talking about?"

Kung alam ko lang na siya yon, damnit!

"I am pretty sure it's you, magkapareho kayo manamit at naalala ko ang mukha mo," nakakainis, napamura ako.

"Zip your mouth. Whatever! I'm sure hindi ako yon," sambit ko sa kaniya. "Oo nga pala, from now on girlfriend na kita."

"Ikaw talaga yon! I'm sur一 Wait, what? Excuse me?"

"Daan na," pamimilosopo ko at naggesture pa ang dumaan na siya.

Umirap siya. "Pede ba istraight to the point mo na? Galing mo rin noh? Ako girlfriend mo? Grabe! Wala man lang tanong-tanong? No way!"

"Okay! Would you like to be my girlfriend?" sabi ko ng seryoso, bite it, bite it.

~*~

Eloisa's Point of View

"Pede ba istraight to the point mo na? Galing mo rin no? Ako girlfriend mo? Grabe! Wala man lang tanong-tanong? No way!" sabi ko.

This is unbelievable I kinidnap ako tapos ito pa ang maririnig ko? Pathetic.

"Okay! Would you like to be my girlfriend?" aniya na nagpatigil sa akin sa pagwawhine.

Loading.

"What?" is he serious?

He looked at me with those pitiful eyes. "I said would you like to be my girlfriend, bingi ka ba?" napairap ako, I could tell he looks normal but he's crazy.

Kumuha siya ng upuan at umupo sa harapan ko. "Fine, I will rephrase it... would you like to be my fake girlfriend?" sabi nya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Fake?" tanong ko. It's still damn processing.

"Ibig sabihin lang ng fake hindi mo alam?" aniya. "College ka ba?" Napaka pilosopo ng nilalang na 'to! Nakakairita!

"My friend has a situation, he needs you," sambit ng lalaki na tinulungan ako sa pagtayo.

Napatango ako. "I see."

Pinalo ng lalaking baliw ang braso ng kaibigan niyang mabait.

"Hey! Why use words like that?"

Napataas ang kilay ko, ano ba talagang trip nila?

"So, hindi mo ako kailangan?" tanong ko sa kaniya.

Lumapit ang isa pang lalaki sa baliw na lalaki. I really want to leave this place, kaya ko dahil hindi naman na ako nakatali pero yung isang lalaki mukha namang mapagkakatiwalaan.

"Dude, you said she is the one, san ka hahanap ng tulad niya?" narinig komg bulong niya.

"Una na kami, dude, pag-usapan niyo iyang mabuti," sabi nung kasama nyang kinidnap ako, I am sure it's him, kinalabit niya pa nga ako saka inilagay ang panyo sa ilong ko.

I can't believe this happened to me on my first day of school!

"No don't leave! I can't sta一" napatigil ako dahil nagsalita ang mabait na lalaki.

"You can trust him, he's not a bad guy," aniya pa at binigyan ako ng ngiti. "Una na kami, Paolo."

Sumunod na rin yung dalawa pa.

Paolo pala ang pangalan mo, huh? isip ko habang nakatingin sa kaniya.

Yung prente niyang upo kanina naging normal na pag-upo na. He sighed. "My grandfather wants to arrange me to someone I don't love what would you feel about that? ako iniisip ko pa lang nasasaktan na ako," sabi nya habang nag-aakting na masakit ang dibdib, napairap ako.

"Then?"

"I really need you..." he said. My heart skipped a beat, wha the? "Ikaw lang yung babaeng sa tingin ko ay akma sa palabas na ito, I really need you, can you please be my fake girlfriend?" pagmamakaawa niya.

Tumayo ako. "Fine," sambit ko, biglang nagningning ang mga mata niya. Napangiti ako. "Joke lang, ayoko, I have no time for this," papalabas na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"You will be my fake girlfriend whethee you like it or not," natawa ako sa sinabi niya.

Inalis ko ang paggkakahawak niya sa akin.

"Alam mo bang pede ko kayong kasuhan ng kidnapping?"

"I did not kidnapped you," napairap ako sa sagot niya,he's getting on my last nerves!

I chuckled. "Really? Pinatulog ako ng kaibigan mo, dinala rito sa isang unfamiliar place, itinali, tinakpan ng tape ang bibig at iniblindfold. Does that sound aren't kidnapping?" tinaasan ko siya ng kilay.

Relaxed siyang humiga sa sofa, may sofa sila, wow, what's this place anyway? Ngayon ko lang iginala ang paningin ko, it's not that strange.

"File a case, then. Hanggang sa maubos ang lakas mo."

Feels like nagdidilim ang paningin ko at may masasaktan ako.

I sighed, he won't let me getaway easily. "Okay, fine. Anong kapalit ang makukuha ko?" kaya makikisakay na lang ako.

"You will be with me," nanlaki ang mata ko, what the hell.

Natawa ako ng wala sa oras.

"Anong nakakatawa?" tanong niya, tumigil ako para sagutin siya.

"Ikaw."

"Just please, be my fake girlfriend, hindi kita aagrabyaduhin, I just need your body," napayakap ako sa sarili ko. Napakunot ang noo niya. "I-I mean I just need you, we don't need to do what normal couples do anyways."

"We don't even know each other that much, how can you choose me?"

Napaubo siya, bakit bigla siyang naubo?

"T-Then, what's your name?"

I really don't like this nonsense.

"Alis na ako," sagot ko na lang at tumalikod. "Where am I by the way?"

"Fine, Alisnako, kung ayaw mo osige, but my proposal is still available in case you need it," he's crazy, or should I say stupid? But what does he mean about I might need it? Impossible.

Arrange marriage is not a thing to us.

Hindi na lang nakipagtalo para mapalaya na niya ako. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto at hinayaang umalis.