Chereads / When The Fate Plays / Chapter 13 - 13th Chapter

Chapter 13 - 13th Chapter

Paolo's Point of View

Ang bilis ng oras parang kahapon lang ang sarap ng feeling ko na nagdate kami ni Eloisa. Wait? Rephrase that. What I mean is a dinner. Yeah, yeah dinner yon hindi date. And wth, I didn't mean to say ang sarap ng feeling ko.

Tss, nevermind. Humanda ka sa akin Bench Tyler. Tinanong ko si Jared kung may kilala siyang Bench Tyler sabi niya oo and ang President nga siya ng sumunod na sikat na club dito sa Craeven. I don't care...

Pumunta ako sa club nila.

I heard atleast 4 people laughing. Pumasok ako nang wala paalam.

Tumingin silang lahat akin. Mapa-babae o lalaki, nagulat ata sa kagwapuhan ko.

"So... sino si Bench Talyer?!" sigaw ko habang gumagawa pa rin ng tunog ang malakas na pagbukas ko ng pinto.

"Shít. Bro, it's Tyler," sambit ng isang lalaki. Siya pala yung Bench ha? Mas pogi pa ako rito.

"Don't bro me. Magkaliwanagan na tayo, bakit niyo pinagtripan ang girlfriend ko?" tanong ko sa kanya.

"Si Ramos? One reason. Warm welcome namin sa kanya ng club namin. 'Di ba Trip, Lucas? Stanley?"

Tumango yung dalawa.

"Like I care. Anyway, 1 week... no 1 month community service. Ciao, idiots." sabi ko then may humawak ng collar ko and isasandal sana ako sa pader. But too late mas nauna ko siya naisandal. Sino 'to? Stanley ata? Ewan.

"Fuck? Seriously? Back fighter? Dude, you can't defeat me. Bunch of stupids!" sabi ko at lumabas na ako sa walang kwentang club room na yon. Mga naives.

Asan kaya si Eloisa absent siya ngayon. Hey, hey, hey. I'm not looking for her. But I bet absent sya, baka natrauma sa kalokohan ng mga unggoy na 'yon.

*

Mas mabilis pa 'to sa inaakala ko. Nagdismiss na yung last proffesor ko ibigsabihin tapos na ang araw ko sa school.

Umuwi na ako sandaling nahiga.

*

"Lo, teka! Teka lang!" sabi ko habang pinipilit hindi masara yung malaking pinto.

"Layas sabi Layas!" sabi pa rin ni Lolo.

"Lo! Wag!" sabi ko pero tuluyan ng sinarado ni Lolo yung malaki ngang pinto.

"Lolo! Bakit, bakit!" sigaw ko

Taka kayo noh? Kung bakit ako pinalayas ni Lolo nalaman nya kasi. Kidding. Hindi talaga 'yon ang dahilan.

This what happened.

Hindi ko napansin naka idlip na pala ako.

Nagising ako dahil sa ingay ng pagkakalkal.

Nakita ko si Lolong nasa harap ng cabinet ko at may inillagay na mga damit ko sa isang maleta. "Lo!" sigaw ko kay Lolo.

"Bakit apo?" tanong nya. He stopped on what the heck he was been doing.

"Ano 'to? Bakit may ganito?" tanong ko sa kanya habang tinuturo yung mga maleta na nasa harap ko.

"Magbabakasyon kayong dalawa sa isang resort. Sunduin mo na ngayon si Eloisa, excited na ako don't worry nakareserve na kayo at ito ang susi ng BMW  gamitin mo at 'wag na 'wag mong pagtangkaang hindi pumunta, kung 'di alam mo na." sabi nya talagang hindi ayoko talaga.

What the heck? Pinapalayas nya ba ako?

"Ayoko nga, ano bang balak mo ha, este po?" tanong ko sa kanya.

"Wala ka talagang galang na bata, pupunta pa rin kayo." sabi nya.

"Talaga ats--- teka sabi ng ayoko!" sabi ko sa kanya.

"Hindi pede. Labas na labas!" sabi nya habang tinutulak ako palabas ng mansyon. This is bullshit.

"Lo! Teka! Teka lang!" sabi ko habang pinipilit hindi masara yung pinto.

"Layas sabi Layas!" sabi nya.

"Lo! Wag!" sabi ko pero tuluyan ng sinarado ni Lolo yung malaki ngang pinto

"Lolo! Bakit bakit!" sigaw ko.

Diba? Kung tatanungin nyo kung pupunta ako syempre hindi pero sayang yung reservation pero hindi ko naman talaga girlfriend yung babaeng 'yon kaya hindi ko sya dadalhin don.

Narealize ko lang kani-kanina lang naman bakit sa favorite ko pang resort kung saan kami laging nagbabakasyon ni Jade? Ang sama nya talaga.

Pero atleast magagamit ko ang latest na kotse ng BMW shit ang swerte ko.

Nakasakay na ako sa kotse kong BMW yeah kotse ko na 'to ngayon, magiging akin rin naman 'to at nailagay na yung maleta ko at pupunta ako kayla Warren tatawagan ko pa lang sya tumawag na sya. Asa pa si Lolo na susunduin ko si Eloisa.

"Hello Ren?" tanong ko

"Bro umalis kaming tatlo see you na lang sa school sa Monday." sabi nya.

"What?" tanong ko.

"Ha? W-wala lang sige bye kitakits na lang. Ciao." sabi nya tapos pinatay nya na yung call.

Sigurado ako sinabihan sila nila Lolo yung matandang yon talaga ganon ang laging ginawa sa akin kasi kapag naglalayas ako or umaalis sa bahay ng wala pasabi alam nya na isa dun sa tatlo or kahit na sinong kaclose ko yung tutulugan ko natang_na lang nalaman nya yon kaya lagi nyang tinatawagan ang lahat ng kaclose ko para sabihan na wag akong patulugin sa kanila.

Fúck talaga wala akong choice kundi makitulog kay shít fúck--- makitulog kay Eloisa ano pa bang choice ko diba? Hinding-hindi ko sya dadalhindun sa favorite resort ko noh yung mga mahal ko lang ang dinadala ko don at special person para sa akin at hindi sya nabibilang d'on.

Nasa elevator at saklap out-of-service? Pagaari to ni Stephen Montefalco diba? Tss, pero ang low-tech ng mga pagaari niya. Pch, si Montefalco daw ang pinakamayamang tycoon sa Pilipinas. I doubt it. Walang kwenta pagaari niya mas mayaman parin ang mga Scott. Wala na akong pakielam d'on.

Eloisa's Point of View

Nasa rooftop ako ngayon, gusto ko lang magpahangin.

Meron namang hangin kahit papano.

Bababa na ako para pumunta sa unit ko.

Out-of-service nanaman yung elevator pero okay lang atleast makakapag exercise ako.

Habang humahakbang ako pababa at tatlong hakbang na lang bago yung huling hagdanan, di ba parang pazigzag yung hagdan? May lalaking naman akong nakitang kakahakbang lang sa pinakahuling steps pataas at halatang pagod na pagod sya habang hinihila yung maleta nyang itim tanaw ko sya mula dito sa taas pero not literally na kit ko sya kita ko lang likod nya hindi sya tumitingin sa taas.

Nakatalikod parin sya ngayon at papunta ata sya sa katabing unit ko, baka kapitbahay ko sya? Baka nga.

Pero I didn't expect what he did next. Tumigil sya sa harap ng unit ko at nagdoor bell kaya dali-dali naman akong bumaba sa huling tatlong steps at nagtanong habang nakatalikod parin sya.

"Ahm. Anong kailangan mo?" tanong ko.

"O ayan ka pala..." sabi ni Paolo, tss. Habang hinahabol yung hininga niya. "Akala ko na sa loob ka." sabi nya anong ginagawa nya dito? At bakit sya may dalang maleta? Don't tell me... no way.

"A--" putol kong sabi.

"Please naman uhaw na uhaw na ako, dami pa ng hinakbang ko." sabi nya nakaluhod sya ngayon sa harap ko.

"Tss. Oo na tara na." sabi ko tapos binuksan na yung pinagtatakpan ng pindutan ng passcode.

Pipindutin ko pa lang yung passcode ko nakita ko si Paolo nakatingin ng mabuti.

"Hey, pede tumalikod ka? Private property 'to." sabi ko

"Sus ang arte mo marami kaya akong condo unit." sabi nya.

"E 'di sana dun ka pumunta. Ano ba kasing ginagawa mo rito.

"Sa loob ko na sasabihin, please, maawa ka." aniya habang may gesture pa ng kamay. "Pede mo ng buksan." sabi nya, nakatalikod na sya ngayon pero sumisilip pa rin. Hays.

"At pede bang wag mong tingnan?" sabi ko.

"Tss. Oo na." sabi nya tapos tumalikod na talaga sya.

Naenter ko yung passcode ng mabilis.

"Ang bilis naman sisilipin ko pa dapat." sabi nya.

"Bakit ba?" tanong ko sa kanya.

"Tss. Bakit masama bang malaman ang passcode mo para atleast makapasok ako ng hindi mo alam tapos---" sabi nya mahaba talaga yung tapos.

Bigla naman akong napaisip sa tapos nya. Tss.

Hanggang sa narealized ko. "H-hoy! Huwag mong balakin!" sabi ko tapos hinarangan yung pinto para din sya makapasok.

"Tss. 'Wag kang magalala hindi ako interesado sayo, tabi!" sabi nya tapos inalis nya yung pagkakaharang ko kanina.

Sinara ko na yung pinto at take note nakita ko naman si Paolo humiga sa sofa.

"Ang ka一" putol kong sasabihin kapal talaga nito.

"Don't worry kahit huwag mo nang sabihing maging feel at home because I already, atsaka pangalawang beses ko na rito ."

Nalaglag ang aking panga, ng kapal nya talaga, grabe.

"Hindi halata. Anyway, you're welcome pa rin, be feel at home ha!" I said sarcastically with a despise.