Eloisa's Point of View
Kasalukuyan akong nasa kotse ng mokong nasi Paolo.
Wah! 2 minutes na lang magsstart na yung first class. Nagpapark na siya.
Out of nowhere bigla ako napatingin kay Paolo. Napatingin ako sa t'yan niya. Wah! Naalala ko nanaman yung nangyari kanina. Eloisa pede ba! Umayos ka! Abs lang yun. Pero wah! Wth? Pagkatapos kong tingnan yung t'yan niya napatingin naman ako sa lips niyang---kissable. Wah! Here it comes magflaflashback na naman sa utak ko. No~!
"H-hey! Paolo!" sigaw kong nauutal.
At shet, shet, shet bakit parang nagslow motion siyang tumingin sa akin. O ako lang talaga?
Ang hot niya
"Bakit, Eloi?" sabi niya. Shet, bakit parang tumigil bigla yung mundo. Yung tipong siya lang at ako yung nagalaw. Wah! Anong nangyayari?
"Hey? Psst, Eloi?" sabi niya. "Okay ka lang ba?" dugtong niya.
"H-Ha? A-Ahm okay lang ako. Lagay mo nga 'to!" sabi ko tapos kuha nung nakasabit na towel sa may rack. Kinuha niya rin ito tapos ipinunas niya sa kanyang katawan.
"Bakit? Wait..." pagpapasuspense niya, tss ano na naman kaya sasabihin nito. "Huwag mong sabihing nacoconsconscious ka sa abs ko oh di kaya nagiinis ka kasi hindi lang ikaw yung nakakakita ng abs ko." dugtong niya tapos nagsuot na siya ng sandong puti.
"H-Hey! H-Hindi a一" putol kong sabi kasi nadulas ako pero nasalo ako ni Paolo.
"Okay ka lang b一" putol niya ring sabi sapagkat naout of balance siya at dahilan para mahalikan niya ako. Mahalikan niya yung kaliwang bahagi ng pisngi ko.
Argh. Finally nagkawisyo na ako sa isang malagim na pangyayari. "Hey! Dito na lang ako. Ang bagal mo kasing magpark." akmang lalabas na sana ako kaso bigla siyang nagsalita.
"T-teka!" sabi niya pero too late nakababa na ako.
Nang makaland na ako sa earth(corny) nagmadali na akong maglakad at nagtatakbo pa ako, salamat na din kasi wala ng nga estudyante...patay! Ibigsabihin start na ng first class? Shet!
~*~
Pawis na pawis akong pumasok sa klase ni Mrs. Galang... ang pinaka... mataray na professor na nakilala ko.
"Aba? Ms. Ramos. Sa pagkakaalam ko late enrollee ka and wow. Just wow late ka rin ngayon. Hindi ka excuse sa pagiging late mo ngayon. One week ka ng estudyante dito sa Craeven kaya nararapat mong sundin ang mga rules dito," sabi ni Mrs. Galang. "your detention slip Ms. Ramos." I'm doomed. Paano na ang future ko? Arrgh! Kasalanan 'to ni Paolo, speaking of the devil.
Seriously? Prenteng-prenteng naglalakad si Paolo sa corrider ng building habang nakapamulsa siya. Shit! B-bakit ngayon ko lang narealize? Wet look pala ngayon si Paolo? At ang hot niya sa V-neck na white t-shirt. W-wait! Arrgh! Galit ako sa kanya. Galit ako. Galit na galit.
"Mr. Scott come in." shit! Seriously? Biased? Arrgh!
Lalagpasan niya sana ako kaso tumigil siya sa harapan ko.
"Ano pang tinatayo-tayo mo d'yan?" tanong niya sabay lingon sa akin ng konti and with a cold voice.
"Ahm一" I cutted-off.
"Mr. Scott. She's late, kailangan niya ng parus--" putol na sabi ni Ma'am.
"Late din ako, so anong parusa ko?" tanong ni Paolo. W-why is he doing this?
Kanya-kanyang reaksyon ang nabakas sa mga mukha ng kaklase namin.
"Y-yes, ito na ang iyong detention slip." mautal-utal na sabi ni Mrs. Galang.
"Tara na, baby." tss, ang sama talaga ng ugali ng lalaking 'to bigla-bigla na lang manghihigit.
~*~
Sa first minute nang paghigit niya sa akin ay wala ni isang nagsalita.
And it finally came... awkwardly.
"Ahm..." sabay naming sabi dahilan para mas maawkwardan kami sa isa't isa. Sino bang hindi mahihiya. Nahalikan niya ako sa pingi. O ako lang yung nabibigdealan sa nangyaring 'yon like duh? Si Andrei Paolo Scott ay isang casanova. Madami na siyang nahalikang iba't ibang babae. Tss.
"Anyway, going to the Detention wouldn't make any sense. Mag ditch na lang tayo."
"Are you serious? Paanong naging Rank #3 kasa buong academy? Wow, just wow." sabi ko. Paano ba naman naalala ko nung minsang napadaan ako sa bulletin board which is nand'on yung last year's ranking. Pangatlo siya, pumapangalawa si Jarrd, at nangunguna naman si Andrea.
"Matalino lang talaga." sabi niya. Arrgh! Yabang.
"Hay nako! Hindi na ako magtataka kung nung nagpaulan ng kayabangan si God, maraming punong drum ang nakuha mo. Tss." sabi ko.
"Sure 'bout that? Ask me kung nasaan ako nung nagpaulan ng kagwapuhan si Lord." psh, alam ko na 'yon. Kayabangan na naman 'yon panigurado.
"Ano? Nasa langit namimigay? Napaka yabang mo talaga. Arrgh, sobra一sobrang yabang."
"Tngina! Eloisa! Napaka KJ mo! Tngina mo talaga." gago nito.
"Minumura mo ako ha?"
"Tngina hindi, mahal yun! Mura lang hindi mo alam? Hindi mura yung tngina mahal ibig sabihin n'on." I can't take it anymore. He's getting in my nerves. Arrgh! Nakakainis niya seryoso naman yung sinabi ko ah? Then he answered with a sarcastic way.
Tumalikod ako, at pumunta sa school bulletin board baka nakalagay d'on kung nasaan yung detention room.
"H-hey! Uy! Eloisa! Joke lang 'yon." sabi niya habang sinusundan ako.
"Joke? Tss, minura mo ako. Yung parents ko nga never pa ako minura tapos ikaw? Tss."
"H-hey! I didn't mean that, babe! Hey babe." tss, disgusting babe? Kadiri.
Hindi ko na lang siya pinansin nagdirediretso na lang ako at bahala na kung saan ako mapadpad.
~*~
Dominic's Point of View
Ang boring. Tss. Wait? Si Andrea 'yon at Jared ah? Tsk, kung 'di lang sila magbestfriend iisipin kong magkarelasyon sila. But, mabuti nga 'yon dahil kahit papaano may pagasa si lance. Tss atleast hindi isang Jarred ang makakatapat niya.
Naglalakad-lakad ako tutal vaccant na ang 2 periods ko.
But, someone caught my attention. It's her. Yung babaeng nagpapagulo ng utak ko. Ugh! Ang laki ng impact niya simula ng dumating siya. Si Eloisa. I saw her, she's sleeping. Sa bench siya natutulog what's with her.
Akmang ipapat ko na sana yung ulo niya pero natigilan ako...w-what the? Anong nangyayari sa heartbeat ko? Bakit sobrang bilis?
Shit, this isn't good. Kapag inagaw ko si Eloisa matatapos na pagkakaibigan namin ni Lance, Warren at lalo na si Paolo. Tss, nakakabading lang pero halos since birth kaibigan ko na yung gagong 'yon. Rebelde na talaga siya noon pa lang. Mahilig maglasing pero fvck hindi naman pala kaya. Sobrang bilis nung gagong 'yon malasing tapos kung mamalasin kapag may ginawa siyang kung ano man hindi niya matandaan. Kaibigan ko yung gagong 'yon 'di ko kayang agawin yung taong sa kanya na kahit ba nagpapanggap pa sila.
Then realization came, she's already awake.
"Dominic, what are you doing here..." she paused. "don't tell me, tinitingnan mo ako habang natutulog?" tss, seriously. Me? Titingnan siy--shit I actually staring at her.
"H-hey? Tss, I'm not. Teka may klase ka pa ba?"
"Ah wala na. Kagagaling ko lang detention and hindi ko inexpect na dito pala kain yung almost 6 ng subject mong meron and I'm lucky cause vaccant naman yung klase ko ngayon yung next naman cut na wala naman si Mr. Ferrer." sya? Sa detention, paano--? Tss. Andrei Paolo Scott is living with her now. Mister not-so-early-bird. I know him, sobrang bagal maligo parang kala mo laging may nagshoshootng Tvc niya. Pch. And, bakit ko alam na nakatira siya temporarily with Ramos--? Well, kaming tatlo alam namin. Wala na siyang choice. Dahil kami at lahat ng kakilala ni Paolo ay tinatawagan ng Lolo niya para hindi pagstay-in sa bahay nila and pati narin sa amin.
"So. Ahm wanna have fun?" I said out of nowhere. Tss, this is something... bad. Am I falling to someone I can't take?
~*~
Andrea's Point of View
Kasama ko ngayon yung lalaking halos tatlong taon ko ng kilala at kaibigan.
Mahal ko siya...yes mahal niya ako pero as a friend yun naman ang purpose ng pagiging magkaibigan 'di ba? Magmamahalan kayo as friends pero ako? I loved him as who he is. Kung sino siya hindi bilang si Jarred na bestfriend ko kundi bilang si Jarred. Si Jarred na student photographer.
Naalala ko na naman dito ko siya laging nakikita at kung saan una kaming nagkita.
Lagi ko siyang nakikita noon na laging naglalakad habang nakasabit ang isang dlsr sa leeg niya at kukuha ng litrato. Simple, gwapo, at mas lalo pang nagkakaattract yung pagiging photographer niya. Nung una wala pa akong nararamdaman sa kanya hanggang sa dumating ang Intramurals nung 3rd year ako sa pinagaaralan ko nung high school. I saw his smile para itong kumikinang bituin ng una kong makita hanggang sa mafall ako...
Then one day nalaman kong close pala ang parents namin dahilan para mas mapalapit kami sa isa't isa. Akala ko n'on crush lang talaga pero 3 months after mahal ko na pala siya. Sinikreto ko hanggang sa matapos na yung taon pero nagkaroon ng truth or date na pangyayari bago kami tuluyang magbakasyon dahilan para umasa akong ako, ako yung tinutukoy niya pero I'm wrong iba 'yon, iba yung babaeng tinutukoy niya hindi ako. Tandang-tanda ko pa 'yon I'll never forgey that day.
"Hey! Pa'no ba 'yan Jared, ikaw yung natapatan." sabi ni Alexis.
"Anong gagawin ko?" pagmamataray ni Jarred. Attitude niya 'yan lalo na kung napipilitan o 'di kaya inis siya.
"Sus, taray mo. Papaliwanag ko ba? Oo na nga! Pipili ka truth or dare tapos mag sesecond spin tayo ang matapatan n'on siya ang maguutos if dare ang napili mo at magtatanong naman kung truth ang napili mo." sabi ni Alexis.
"Truth."
Inisspin ulit nila yung bote, unlucky...sa akin tumapat. Bakit sa akin pa.
"Andrea! Dali tanungin mo na si Jared."
"Ahm, ano. Wala ako maisip, ay teka--sino ang first love mo." hindi ako umaasang ako, kasi alam ko bestfriend lang talaga...bestfriend lang niya ako, hanggang d'on lang yung turing niya sa akin kung more than man d'on he said that parang bunsong kapatid niya ako.
He giggled. "You really want to know it, An?" he asked.
I just nodded.
"Well, long story. I met her then I felt something weird. And the next thing I realize is that I'm in love with her." sabi niya while looking at me eye-to-eye. It isn't me, right? O ako yung tinutukoy niya.
"What's her name?" Devine asked.
"I...I actually don't know. She's still a stranger pero I now makikita ko siya I gave something to her. I hope tinago niya 'yon para makilala ko siya." sinampal ako ng katotohanan. Kaya ayokong magassume dahil alam ko namang 'yon at 'yon pa rin naman ang kalalabasan ng lahat. Masasaktan ako, masasaktan at masasaktan ulit. That's the cycle of my life.
"Okay ka lang, An?" he asked.
I nodded.
Nakatungo ako habang nagbabasa ng lessons namin.
"Remember? First meeting place natin. Lugar na hinding-hindi ko makakalimutan. Haha! Thanks for being my bestfriend, Nathalie." sabi niya then tap my head.
"Tss, Jarred pede ba." nagulat ako sa sinabi ko. First time kong tinarayan si Jarred. At sigurado akong nagulat din siya.
"Oh, I'm sorry did I bother you?" tanong niya.
"A-ah hindi. Masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko ang totoo niyan alam kong ang totoo ay anytime maluluha na ako, naalala ko kasi yung past. Hays, ang hirap umasa.
"I see, gusto mo dalhin kita sa clinic?" he's exaggerating again. See? Paano ko mabubura yung feelings ko sa lalaking 'to kung ituring niya ako parang girlfriend niya, as if naman.
Anyway, sa lahat I know gentleman si Jared. Yun nga lang manhid, tsaka tanga. Hinahanap pa rin yung taong ayaw silang pagkitain ng tadhana, and there's a possibility na patay na 'yon. I'm not bitter. Posible naman 'yon 'di ba?
"Okay lang ako," yung puso ko nga lang basag na basag na dahil sa 'yo.
"Andrea." he said. What's with him again? That voice. Yung boses niya yun, yung parang nagaalala na may problema.
"W-what?"
"I'm falling..." what? I don't get him. "I'm falling in love to a wrong person, what should I do?" this is it. He's in love again? Tss after 7 years. Right now hindi ako aasang ako ulit 'yon, sa akin maiinlove siya? Well, I know it is impossible.
"To whom?"
"Eloisa Ramos." my eyes widened open pero hindi na ako nagsalita hindi imposibleng hindi niya magustuhan si Eloisa, she's perfect pero sa pagkakaalam ko sila na ni Paolo ah?
"May something sa kanyang wala yung ibang babae," so I'm one of that 'ibang babae'. Ano kaya yung wala sa akin at sa iba pa na meron kay Eloisa?
My life is full of drama. Lagi na lang akong nasasaktan. Jared, please... tumingin kang diretso.
Andito ako kasama, katabi at kadamay mo kaya pede bang tumingin ka sa akin... and try not to look on others.
Mahal... na mahal kita, Jared Craeven. Please try to love me back.