Chereads / When The Fate Plays / Chapter 21 - 21st Chapter

Chapter 21 - 21st Chapter

Paolo's Point of View

Higit-higit ko si Eloisa, ano pa bang bago?

"Hoy!" sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay nagpatuloy lamang ako sa paghigit sa kanya.

Hanggang sa tumigil siya at napatigil rin ako.

"What?" tanong ko.

"Ano yon? Buntis ako? Seriously?" tanong niya. Ayoko ngang pag-usapan iyon dahil kusa lang talaga iyong lumabas sa bibig ko.

"'Wag mo nang gawing big deal yun," sambit ko na lamang.

"Anong 'wag? Hindi ko binibig deal, hindi naman kasi totoo per一" napahinto siya dahil naglakad ako papalapit sa kaniya.

Tsaka inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Shit her lips is seducing me.

"Then, what if totohanin natin?" sambit ko sabay kindat.

Nanlaki ang mata niya saka ako binatukan.

Napamura ako. "Tangina, Eloi! Ang sakit!" sigaw ko habang hawak-hawak ang batok ko.

"Dapat lang sayo yan. Manyak mo. D'yan ka na nga!" sigaw niya tapos nagdirediretso na siyang naglakad.

Baliw. Napangiti ako bigla.

Naglakad-lakad na lang ako. Ang boring. Napakaboring dito sa resort na 'to. Pagkatapos hanggang bukas pa kami ng hapon dito. Napakaboring talaga. Wala pa kong kotse at kinuha yung susi ng BMW. Tapos susunduin lang daw kami.

Tatawagan ko nga si Lance.

Nagriring na ang cellphone.

"Hello?" sambit ko sa kabilang linya.

"Ano?" ramdam kong naiiritang sagot niya.

"Anong ganap sa school?" may karapatan akong magtanong dahil vice president ako ng top club.

"Ahhh. Ito sinasabi na yung about sa Craeven Day." sambit niya.

Craeven Day. Isang pagdidiwang na nagsasaya ang lahat ng tatlong araw.

Tumango-tango ako. "Bakit hindi ako sinabihan ni Andrea? Teka nga so ano, anong meron sa first day?" tanong ko. Taon-taon kasi ay naiiba ang program or kaganapan sa Craeven Day.

"Simpleng program tapos may mga bazaar" sabi niya.

"Sa second day?"

"Booths, dude,"

"Astig, e sa third day?"

"Aquiantance ball." sambit niya.

"So gabi?"

"Alangang umaga," pilosopo rin.

"Whatever. S-Sandali." sambit ko.

"Ano?" tanong niya.

"Anong nangyayari sa akin?" tanong ko.

"Ha? Ano? Anong nangyayari sayo? Gago, aba ewan ko."

"Seryoso ako, Lance."

"Seryoso rin ako, Pao." sambit niya.

"Puta, ewan ko sayo." sambit ko at pinatay ko na agad yung call.

Wala akong matinong makausap.

Ginulo ko ang buhok dahil sa pagkainis.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Nang tumunog ang phone ko at may nagtext.

Ate Patricia:

Regaluhan mo si Trevor for his comeback. Kapag hindi ka bumili you're dead!

It's from Patricia. Wow, how great. Utusan ba naman ako bilhan ng regalo ang kapatid niya.

Dahil matinding magalit si Patty pumunta na lang ako sa mini mall dito sa resort at pumasok doon. Nagwindow shopping, hanggang sa may nakita akong shop ng mga relo.

Nakakita ako ng relong maganda. Napasinghap ako, ako nga hindi ako bumibili ng bagong relo tapos bibilan ko yung gago kong pinsan. How damn great?

"Magkano?" tanong ko sa babaeng nakawell-dressed sales lady clothes.

"Libre na lang ako for you, Sir na pogi." napatingin ako sa kanya. Ngumisi na lang ako. Ang gwapo ko talaga lahat ng babae nagpapapansin sa 'kin.

"I mean this wrist watch." sambit ko.

"Ay, I'm sorry po. 3,999 po iyan," ang mahal, putek.

Pero wala namang akong choice.

"Sige, bibilhin ko." sambit.

~*~

Nabili ko na iyon. Habang naglalakad ako papabalik ng tinutukuyan ko. May nangbunggo sa akin. At yung gagong lalaki kanina sa coffee shop iyon.

"I'm sorry, bro," sambit niya.

"Don't bro me." sagot ko.

"Teka... ikaw yung sa coffee shop hindi ba? Eloi's boyfriend?"

"I'm not her boyfriend," sambit ko.

"Then. Ano kaniya? Akala ko ba buntis siya? Well, better. May pag-asa pa pala ako sa kan一" I cutted him off.

"We're live-in partners. Tinanan ko siya dahil nabuntis ko siya. Fulfilled now? Ciao," sambit ko at alis roon.

Pagkabalik ko dahil sa sobrang init, naligo na lang ako.

~*~

Eloisa's Point of View

When tiredness strike me. Napagpasyahan ko ng bumalik sa kwartong tinutuluyan namin ni Paolo. Patience, Eloi. Ngayon na lang ang huling pagsasama niyo si Paolo. Makakauwi ka na. Makakauwi ka na.

Tama naman ako hindi ba? Tatlong araw lamang kami dito. O mas maiintindihan kung 3 days and 2 nights.

Huminga akong malalim. I hope matapos na 'to. Pero...yung lalaking tinutukoy ni Mama. Yung lalaking iaarrange sa akin hindi ko siya maalala... hindi ko talaga siya maalala. Ngunit sa pagkakatanda ko mababait ang kaibigan ni Kuya kaya siguro mabait din siya pero hindi ko kayang pakasalan yung taong hindi ko naman mahal

My phone rang.

"Hello?" bati ko sa kabilang linya.

"Eloi? Si Andy 'to. Kamusta ka na? Teka. Papaalala ko lang yung para sa Craeac Day."

"Ha? Anong meron dun?" tanong ko.

"Basta. Pagdating niyo sa friday ni Paolo ididiscuss ko sa iyo. Madami pa kasi akong paaalahanan. Kinamusta lang kita. Bye!" sambit niya at patay ng call.

Hays. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

Pagkatapat ko sa kwarto hindi na ako kumatok dahil alam ko namang wala doon si Paolo.

Nang makapasok na ako nagulat ako paglalingon ko.

Oh my Gosh.

Si Paolo, half naked!

At yung tuwalya lamang ang nagtatakip sa kalahati pa ng katawan niya. Kitang-kita ko ang abs niya mula sa kinatatayuan ko. Nagsitayuan ang balahibo ko ng tumingin siya sa akin. Ang itsura niya ay gulo ang kaniyang buhok na basa at may tumutulo pang tubig doon. Yung hawak niyang maliit na towel ay ipinunas niya sa ulo niya.

"Anong problema mo? Parang nakakita ka ng multo ah?" sambit niya.

"W-Wala." sambit ko.

"Halika."

"Ha?" sabi ko. Wala ako sa sarili ko hindi alam kung bakit.

"I said. Come here," sambit niya.

"Ayoko. Magbihis ka na lang."

He chuckled. "Fine. Kahit alam ko namang sa kaloob-looban mo ayaw mo," aniya pa sabay ngiti ng nakakaloko.

He's getting in my nerves. But, hindi ko na lang siya pinansin. Nakatungo lang ako.

"Hey!" sigaw niya. "Pakuha naman ng damit diyan sa tabi mo yung nasa maleta," dugtong niya. Shoot.

Tumingin ako sa kaniya. "Ano akala mo sa akin katulong mo?!" patanong kong sigaw sa kaniya., wrong move nakita ko na naman abs niya para na naman akong tutumba na ewan.

Umiwas na lang ako.

"S-San ba? Ano bang kailangan mo?" tanong ko.

"Underwear, boxer, tshirt and pants," sambit niya. Kadiri.

I don't have a choice. Kinuha ko yung mga kailangan niya. At kadiri! Hinawakan ko yung boxer niya. Kadiri!

Ibinigay ko iyon sa kaniya. Aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang kamay ko.

"Wag ka munang umalis. May pupuntahan tayo," sambit niya.

Yung mukha niya seryoso kaya um-oo na lamang ako.

Pagkalabas niya ay nag-aya agad siyang lumabas kami pumunta kami sa swimming pool.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kaniya.

"Wala," sambit niya. Ang narinig ko na lamang ay tunog ng paglitrato ng phone niya.

"Pinipicturean mo ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. "tingnan mo ang ganda ng kuha ko."

Maganda nga ang kuha niya. Stolen picture.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"Kain muna tayo," sambit niya.

Kumain kami at naggala sa resort. Punta rito, punta roon. At kumain kami nang kumain hanggang sa narealize na lamang namin ay malapit na mag gabi dahil sa sunset.

"Samahan mo ako," sambit ni Paolo at higit sa akin. Lagi na lang niya ako hinihigit.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang siya naman ay hinihigit pa rin ako.

"Place where nobody's there," nagsitindigan ang balahaibo ko at idagdag mo pa ang pagaaway ng kung ano man sa tiyan.

"A-anong pinagsasabi mo?" tanong ko.

"Basta!" sambit niya "You'll feel heaven," dugtong niya na mas lalong nagpalaki ng mata ko. WWhat is he trying to say?

He's playful with his words.

~*~

Tatawid lamang mula sa resort yung lugar na sinasabi ni Paolo na "Place where no one's there." and "You'll feel heaven."

Sunset. Ang ganda ng sunset isama mo pa ang malamig sa breeze dito sa dagat.

Umupo kami ni Paolo sa isang bato na malapit rito sa dagat. Hindi ko kayang hindi mamangha. Sobrabg ganda ng sunset, walang halong biro at ang ganda pa dito sa dagat na ito.

"This is the reason why I love this place." sambit niyavhabang nakapikit. Akala ko ba ay yung resort ang dahilan nagtataka na ako.

"Akala ko ba dahil sa resort?" tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "this is the reason. And lahat ng taong mahalaga sa akin dinadala ko dito." hindi ko alam pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin.

Humangin ng malakas dahilan para magulo maharangan ng buhok ko ang akin mukha.

Next shocking thing happened is inayos ni Paolo ang buhok ko at ipinirmi ito sa gilid ng tenga ko.

"W-Why are you doing this to me?" tanong niya.

Hindi ako makasagot dahil hindi ako makagalaw at makapagsalita. Yung tingin niya. Yung tingin niya sa akin ang dahilan. Ano rin ba ang nangyayari sa akin. Sana... sana false alarm lamang ang lahat ng ito.

Hindi pede. Hindi kami pede ni Paolo.

"I'm sorry," sambit niya. Ang sunod ko nalang nalaman ay yung labi niya nakalapat nasa labi ko. Hindi ako makagalaw sa nangyayari ngayon. Hindi ko siya maitulak. Hindi talaga ako makagalaw, parang wala ako sa katawan ko, parang wala ako sa sarili ko at higit sa lahat parang nilalamon ang mundo ko ng halik ni Paolo. Damn, anong nangyayari?

Sumasabay ang breeze sa paghalik niya.

Hanggang sa magkawisyo ako. Tumayo ako... ngunit.

Bigla akong nawalan ng balance at nasalo ni Paolo.

Nakita ko yung mga mata niyang maganda. Yung labi niya mapula.

Am I falling? Am I falling in love to Andrei Paolo Scott? This is ridiculous一 I know. This is ridiculous.