Chereads / When The Fate Plays / Chapter 25 - 25th Chapter

Chapter 25 - 25th Chapter

Eloisa's Point of View

Traffic kaya imbis na ala una ay nasa condo na ako alas tres na kami nakarating.

Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ni Paolo. Bumaba ako at kinuha ang aking mga gamit. Pagkaraan ay isinarado ko rin ito.

Ang pangit siguro kung hindi ko siya aayain sa condo kahit maglunch man lang, panigurado ay hindi pa siya kumakain dahil kakadating niya lang sa Cafeteria nung nagkaroon ng eskandalo doon.

Binuksan ko ulit yung pintuan ng kotse niya. "Naglunch ka na?" agarang tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. hiindi pa, bakit hindi ka pa nga pala umaakyat?" pabalik niyang tanong.

"Hindi ka pa kasi umaalis if you're not busy aayain sana kita sa taas. Ipagluluto kita ng makakain mo," nanlaki ang mata niya sa sinabi ko. "Ayaw mo? Okay. Tataas na ako," he rejected me. How great, isn't?

Umiling-umiling siya. "G一Gusto ko." sambit niya at alis ng seatbelt.

Sinarhan ko na yung pintuan, bumaba na siya at sarhan na rin ang sa kaniya.

Nauuna akong maglakad sa kaniya. Nagkatapat lang ata kami ng magintay kami na magbukas ang elevator.

Nang nasa loob na kami ng hindi ko nakayanang hindi magsalita.

"Paolo..."

"Hmm?"

"May sinabi sa akin si Dominic," sabi ko. Pumikit ako dahil hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin iyon sa kaniya.

"Ano iyon?" tanong niya na agad nagpabalik ng nangyari sa grounds at garden kanina.

Lumabas agad ako sa kotse ni Paolo sa nagiisang dahilan... yun ay ang para kasing anytime mahihimatay na lang ako sa sobrang paghuhurmentado ng puso ko. Sobrang irregular ng heartbeat nito.

Nagdirediretso akong naglakad sa hallway. Naisip kong tingnan ang bulletin board dahil pabiguro ay updated iyon. Tatlong araw akong lumiban sa klase kaya I expect sa mga susunod na araw magkakaroon ng pangyayari dito sa school o programs.

Nang makita ko iyon. Ang mga nakadikit doon gamit ang isang pin ay papel na may nakalakip na pangalan r'on ng nagpaskil noon.

"Announcement

Friday, clubs meeting for Craeven Academy Day! Only the Presidents and Vice Presidents." -Andrea Mendoza

That means kasama si Paolo, but like I care. That's his life, I've mine.

"Announcement.

Wednesday, August 17 All year level students meeting on the Auditorium." -Bench Tyler

Who's Bench Tyler? Hmm, sino kaya 'yon.

"Important.

Craeven Academy Day 1, wear Craeven's P.E. Uniform.

Craeven Academy Day 2, wear whatever you want.

Craeven Academy Day 3, obviously wear a formal clothing such as gowns, tuxedo etc. Of course. Tsk. 😑" -Andrei Paolo Scott

Napanganga ako. Nilagyan niya patalaga ng emoji yun ha. It's printed. Lahat naman ay printed pero iba yung kay Paolo may emoji pa yung dalawang nakadikit simple lang sigurado akong parehong Times New Roman at may exact font size sa kaniya ang ibang-iba sa lahat.

Biglang pumasok sa isip ko iyong P.E. Hindi ko pa pala naibabalik kay Jared iyon. Gayung nakapunta naman na siya sa bahay nakalimutan ko pa ring ibalik.

Pagkatapos kong tingnan ang mga nasa bulletin board dumiretso-retso na ako sa paglalakad sa grounds...nang biglang may humarang sa aking babae.

"Hi!" bati niya. Nakakamangha ang ganda niya. Ang singkit niyang mata na para bang kumikinang, ang labi niyang mapula kahit na walang lipstick at ang perfect jaw line niya.

"Hello," bati ko na lang.

"I'm Jade Stacy Fernandez, you're Eloisa. Right?" tanong niya habang ngiting-ngiti.

Jade?

Napalingon-lingon ako dahil yung mga tao nagsisimula ng makiisyoso sa hindi ko malaman na dahilan.

Nagbubulungan sa na umuugong kaya naririnig ko.

"Oh my God! This is war. Past and present! Looks like it will end up bad!" sigaw ng isa sa may bandang kanan.

What's she talking about?

"Well, Jade's bitch. Masama talaga ang kakahantungan niyan," I don't get them this girl seems to be nice.

"Let's watch the show," sambit ng isa pa.

What show?

"Eloisa... hey? That's your name?" tanong niya napalingon tuloy ako sa kaniya at tumango. "Don't mind them, they're just... you know confused? I'm nice Eloi. Ex na ako ni Paolo. His past. Ikaw na ngayon ang mahal niya," dugtong niya at ngiti.

"Y-You're Jade?" ngayon ko lang napagtanto. Paolo's ex girlfriend's name is Jade Nd her name is Jade. She's Paolo's girlfriend...

Tumango siya. "I'm Paolo's ex..." sambit niya. "Don't get me wrong, okay? Hindi ako nagpapakilala sayo dahil gusto ko ng awa--" she cutted off dahil may pumagitna sa aming dalawa.

"D-Dominic," sambit ko.

"Dom," sambit naman ni Jade.

"I didn't see this one coming. What's your problem huh?" tanong ni Dominic at lumingon kay Jade.

"Nothing," may ngisi iyong sinabi ni Jade.

Dominic smirked. Nilingon niya ako. "Are you fine, Eloi?" tanong niya.

Tumango ako. "I'm fine, Domini一" I cutted off because Paolo showed up.

Sinigawan niya si Jade at hinawakan ang braso nito lalapitan ko sana siya dahil mukhang nasasaktan niya si Jade pero Dominic grabbed my arm and take me with him.

"Iaalis kita dito... let's go somewhere else," sambit niya habang patuloy pa rin sa paghigit sa akin.

Dinala niya ako sa Garden at umupo siya sa isang bench at tinap yung katabi niya at pinapaupo ako d'on.

"D-Dominic."

"Don't mind Jade," sambit niya.

Tumango na lang ako.

"Is there something happened between you and Paolo?" tanong niya. Bigla na lamang naginit ang mukha ko.

"W-Wala pang nagyayari n-noh," sambit ko sa kaniya at iwas ng tingin.

Humalakhak muna siya bago magsalita. "You're hilarious!" sabi niya at may ka dugtong na tawa. "That's not what I'm talking about," dugtong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Mas lalo tuloy naginit ang mukha ko pakitamdam ko nagbablush na ako.

Tumawa na lang ako para hindi niya mapansing naawawkwardan ako.

"What I mean is magkaaway ba kayo? Kasi bakit hindi kayo magkasabay? Paano kung nalate ako ng dating baka kung ano nang gawin sa iyo ni Jade," sambit miya ng may nagaaalalang boses.

"Magkasabay kami... nauna lang ako kasi..." I paused. "I felt something weird here," dugtong na sambit ko at turo sa dibdib ko.

"Then, stop it."

"H-Ha?" tanong ko.

"C'mon Eloi. Alam mo kung ano 'yan kung papatagalin mo pa. It's bad," sambit niya habang nakatingin sa kawalan. "Sa pag-ibig karugtong nito ang sakit. Kung baga. Love isn't love without heartbreaks, Eloi. Masasaktan ka lang lalo na't he's Paolo Scott. Kaibigan kong playboy. He plays every girls heart," he has a point.

Hindi pag-ibig ang pag-ibig kung wala kang mararanasang sakit.

"Pero paano?" tanong ko sa kaniya.

"Tingnan mo ang flaws niya," sambit niya habang nakatingin pa rin sa kawalan. "I think kailangan mong malaman ang pagmamahalan noon ni Jade and Paolo, Eloi," para akong binunutan ng tinik. Kailangan ko pa bang malaman iyon.

"K-Kailangan pa ba?" agarang tanong ko sa kaniya habang nakatungo.

Hiniwakan niya ang chin ko at ininangat ang tingin ko sa mapupungay niyang mata.

"You should." sambit niya at alis ng kamay niya sa panga ko. "Damn," dugtong niya, iwas at sabay buntong-hininga.

"Eloi, Paolo and Jade were best friends nung mga bata pa sila. Kapag nagaaway ang parents ni Paolo si Jade ang karamay niya," sambit niya. Parang nagpopopup sa akin yung kinukwento niya na para bang naiimahina ko sa utak ko ang sinasabi niya yung pag-aaway ng parents ni Paolo at laging nand'on si Jade para sa kaniya. "There were times na lagi sila ang magkasama dahil magkapitbahay lamang sila. Ako rin kapit bahay nila noon," dugyong niya pa.

"Then, dahil noon pa lang magkaibigan na kami ni Paolo sa akin niya unang sinabing he is starting to fall in love with Jade but that time Jade's have a boyfriend at the age of 12," sambit niya. "Nasaktan siya noon lalo na nung laging nagaaway ang parents niya pero wala na si Jade because she's busy with her boyfriend." its still popping on my head.

So it means na Paolo's first love is Jade. First love, first heartbreak.

"13 si Paolo naghiwalay ang parents niya sa hindi ko alam na dahilan. Hindi iyon sinabi ni Paolo dahil alam kong ayaw niya. Si Jade and yung boyfriend niya ay hiwalay na kaya silang dalawa ulit iyong nagkaramayan..." sambit niya. "for 2 years nanligaw si Paolo and at the age of 15 naging sila. 15 rin si Paolo nung umalis ang Dad niya kasama ang ate nito sa Paris. Naiwan siya sa Lolo niya dahil siya ang tagapagmana," dugtong niya. Ganun pa rin nagiimage pa rin ang mga kwento ni Dominic sa utak ko. Yung para bang nakikita ko iyong pangyayaring iyon sa utak ko.

"1 year ago was the biggest suprise ever, Eloi," sambit niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Si Jade iniwan niya si Paolo for Kian," damn, what? Si Kian and Jade? Wait! Ayun para ang pinagusapan nila sa Mall dati! "But, Jade have a reason."

"Ano iyon?" tanong ko.

"Sabi niya. Mas gusto niyang saktan si Paolo by cheating kesa iwan ito," I don't get it.

Mukhang na halata ni Dominic ang itsura ko.

Bumuntong hininga sya. "Okay. Pumunta si Jade sa London para doon magstay, may rason siya kaya pumunta siya doon, dahil her parents were there andon din ang business nila at yung lalaking nakaarrange sa kaniya. Ayaw niyang masaktan daw si Paolo kapag umuwi siya na kasama na ang fiancé nito. Kaya gusto niya hiwalay na sila bago siyang pumunta sa London," sambit niya so. Nakaarrange pala itong si Jade sa London?

"So, the question here is alam ba ni Paolo iyon?" tanong ko. Tumango siya.

"Pero, wala siya pake doon dahil para sa kaniya kung mahal mo ang isang tao, never ever let its heart to be broken. Kaya mas prefer niyang tanggapin iyong niloko siya ni Jade with Kian," what the. What a life. Okay, Paolo's first love was Jade and she's also his first heartbreak.

"Paolo decided to be who he is now."

"Playboy? Playful casanova? A jerk?" tanong ko.

Tumango siya. "Yep." sambit niya. "But, that's not just because of Jade, Eloi," dugtong niya.

Binigyan ko siya ng nagtatakang itsura. "His Mother." sambit niya.

"What?"

"Hindi man sinabi ni Paolo, alam ng lahat iyon. Lalo na't family friend namin sila kaya alam iyon ng parents ko iyon."

"Ang alin?"

"His mother has an other man,"  what? "Kaya, gusto niyang paglaruan ang puso ng mga babae, gusto kita iwarn, Eloi. Paolo is who he is. A player, a playboy, a casanova."

"W-Why are you telling me these?"

"To see his flaws, para malaman mong ang laki ng tsansang isa ka din sa saktan niya lalo na't alam mo at ko na dahil lang sa deal kaya siya sweet at nagpapakaboyfriend sa iyon," that slapped my senses,

Dapat nung umpisa pa lang naisip ko na iyon! Tama si Dominic, Paolo's who he is. Siya ay isang playful casanova maaaring yung mga kilos niya ay isa lang sa pagiging casanova niya. So all this time. Yung kiss, yung pagdala niya sa akin sa favorite place niya yung sa may dagat, yung lahat that's just part of the deal. Kailangan iyon dahil malaki ang tsansang baka pinapasundan kami.

"Thanks, Dominic, I'll try to get rid of something inside me. Yung nararamdaman ko dito," sambit ko at turo sa puso ko.

"Don't just try, do it." sambit niya hababg nakatingin sa itaas. "Hindi ko sinasabi 'to dahil gusto kita. I'm saying this 'cause I don't want you to be hurt," dugtong niya.

Nanlaki ang mata ko.

Ngumisi siya. "Seems like napaamin ako ng wala sa oras."

Uminit ang pisngi ko. Nang tingnan niya pa ako lalo at ngumisi siya. Biglang naghutmentado ang puso ko.

"Tumango siya. "I like you Eloisa," sambit niya pa. "Anyways, tara na? Malapit na magumpisa ang klase," tumayo siya at naglahad ng kamay sa akin. Kinuha ko iyon at itinayo niya ako.

Dominic's right. Kailangan ko ng maliwanagan at pigilan ang nagbabadyang nararamdaman ko kay Paolo.

But seryoso ba siyang gusto niya ako?

"A-Ah wala,"" agad kong sagot ayokong sabihin sa kaniya.

Bumukas na ang elevator at agad akong lumabas. Pumunta sa unit ko na no. 75 at binuksan iyon.

Nakayuko lang ako dahil biglang may tumawag sa akin at kailangan kong kunin ang cellphone ko.

Si Ate Cass tumatawag.

Bago ko pa ilagay sa tenga ko ang cellphone. Biglang bumulong si Paolo.

"E-Eloi," sambit ni Paolo na nasa aking likuran.

"Ate Cass?" lumaki ang mata ko ng makita ko si Ate Elle na nakatayo sa loob ng unit ko at nakalagay ang phone sa tenga.

Paolo's here!

"Eloisa!" masiglang sambit ni Ate pero napawi rin ito ng makita niya ang nasa likuran ko. "And Paolo... wait! You're living with each other?!" sigaw ni Ate.

I'm so so so dead!