Chereads / When The Fate Plays / Chapter 29 - 29th Chapter

Chapter 29 - 29th Chapter

Eloisa's Point of View

Nang matabunan ng isang kulay pulang rosas ang pagkain ko iniangat ko ang tingin ko sa naglahad noon.

"Kian," I said. Kinuha ko ang bulakak at ipinatong iyon sa table.

His eyes twinkled than usual. "You're my date how lucky am I?" ani Kian na nagpakalabog ng puso ko.

"Really?" I can't believe it. Pa'nong ako ang nabunot niya sa halos hundreds na student sa 1st and 2nd year? That's so unbelievable. Hindi ako makapaniwala.

"Nah. Just messing with ya." I felt embarrasement on me. And I think pumula ang pisngi ko sa hiya. Ugh, he've fooled me again. He's always like that noong sa Harvard pa kami. Ibinagsak ang tingin ko sa pagkain kong wala pang bawas. Feeling ko ay may tumatawang fangirls nitong si Kian sa aking likod. I closed my eyes. Eloi, don't trust anyone please too fast. Kahit na si Kian Montague pa 'yang bestfriend mo. "Hey, niloloko lang kita. It's true. Ikaw ang date ko. Hey... Eloi. Look up, please. Sorry."

Hinawakan ni Kian ang panga ko at iniangat ang tingin ko sa kaniya.

"Just messing with ya Eloi 'cause you're so cute when you blushed," ani Kian na palagay ko ay nagpapula ulit ng pisngi ko. "See. She is so cute, right?" tanong niya kay Andrea. Tumango na lang siya kay Kian.

"Kian. I'm sorry pero... hindi kasi ako makaka-attend. I still don't have a gown and if I'll have or I have... wala akong balak umattend sa ball," nakatingin ako sa kaniyang mata habang sinasabi iyon.

"Then, bibili tayo. Ako bibili pumili ka na lang. Tayo na, you'll make me sad if hindi ka aattend." ani Kian at higit sa sa 'kin.

"Oy, Kian saan mo dadalhin si Eloi?" tanong ni Andrea kay Kian.

"None of your business, Andy."

"Saan mo siya dadalhin?" boses ng paos na lalaki ang nagtanong niyon.

"None of you busine一" Kian cutted-off. Natigil siya sa pagsasalita ng makita kung sino yung nagtanong.

"I said saan mo dadalhin ang. girlfriend. Ko." halos magpintig ang dalawang tenga ko ng maging klaro ang boses na iyon. Paos siya pero ng diinan niya ang bawat salita ay narealize kong boses niya nga iyon.

"Paolo." ani ko sa kaniya. Ibang-iba ang aura niya ngayon kung noong linggo ay itim pa ang buhok niya ngayon ay kulay blonde na iyon. Wait blonde?

"Hey, bastard. I'm fucking askin' you." tanong ni Paolo kay Kian.

Kian chuckled. "I'm taking her with me."

"Ano ka ba niya?" Paolo smirked. "Sa pagkakaalam ko you're just Eloisa's bestfriend... and I'm her boyfriend."

"You're kidding. I know everything dude. Alam ko." nanlaki ang mata ni Paolo.

"Bullshit," I heard even more cursed word said by Paolo. Mas malulutong na mura pa habang higit-higit n'ya ako.

Hinigit niya ako papunta sa gitna ng grounds. Kita dito ang fountain. May mga benches sa paligid nito. May mga nakaupo doon iba't iba ang kanilang ginagawa.

"Bakit mo sinabi sa kaniya?" mahina ang boses nya na paos. That made him even more attractive. "You broke the rule," teka... oh God! Naisip ko na noong masisira ko ang deal. Pero bakit naman ganito kaaga niya nalaman? I'm not ready to end the deal. After 4 days makikilala ko na iyong lalaking ipapakasal sa akin. Mukhang mauuwi ang lahat sa wala.

"Let's end our dealn" sabi ni Paolo.

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"Ha?" I'm in shock now.

"You broke a rule. And 'di ba ang deal natin if you broke one of the rule matatapos na ang lahat ng 'to." seryoso ang kaniyang mukha na mas nagpakaba sa akin. Iyong tibok ng puso ko ay pabilis ng pabilis.

"But Paolo, pagkatapos ng apat na araw makikilala ko na yung naka arrange sa akin. Please kahit hanggang Linggo lan," nakatingin siya sa akin habang nasa gitna kami ng grounds.

"No..."

Ihinilamos ko ang kanang kamay ko sa aking mukha.

"Paolo." I sighed. "Please. I'm begging you."

"Tapusin na natin ang lahat. Eloi."

"Paolo, pl一" he put his index finger on my lips.

He leaned. Tilted his head. And smiled like there's no tomorrow.

Inayos niya na ang sarili niya. Lumapit sya sa mukha ko at binulungan ang aking tenga.

"Let's make everything real..." feeling ko ay nahulog na ang puso ko... literally. As in sa kaniya.

"Paolo, w-what?"

"You know what I'm not good at saying cheesy words. Yung I really meant it. Kaya shit," malutong na mura niya. "Eloisa, mahal kita. When I first saw you, I think Cupid already shoot me. Manhid lang talaga ako para hindi maramdaman iyon ng napakahabang panahon, when I first saw you in the bus, I can't take you out of my mind. Then the scene in the cafeteria happened. I don't care to no one, Eloi. Kaya't narealize kong gusto na kita noon pa lang. Hindi kita susubukang tutulungan kung wala ka lang sa akin. I love you so much, I want you. I want to change your surname to Scott. I want to have babies with you. I want to live forever with you."

"Paolo..."

"I don't need your answer... I confessed dahil I want to broke the last rule. Para matapos na lahat ng ito. Para may way na akong ligawan ka ng totoo. Eloi. If your Lolo found out that why am I still courting you pero noon sinabi mo may boyfriend ka na pede mong idahilan na natense ka lang noon at nawalan ng choice na magkapagsabi ng hindi pa tapos. Nililigawan pa lang kita."

"Alam na ng Ate ko. Alam na rin ni Kuya pero hindi ka pa niya kilala paano na iyon? Paolo, kapag sinabi ko sa kanila yung deal natin if ever baka isipin nilang... you're not... You're not sincere."

"Mahal kita. Hindi pa ba sapat iyon? Eloi, teka nga. Nagtataka ka ba sa akin?" he asked.

I can't talk. Hindi ako makapagsalita. Yung gusto kong sabihin pinipilit kong hindi banggitin. Yea, yung sinabi ni Dominic nakatatak pa rin iyon sa utak ko. Bawat salita.

"Silence mean yes. Damn, Eloisa. Alam kong babaero ako pero 'di ako manloloko tulad ng inaakala mo, at hindi ako sinungaling, sincere ako sa sinabi ko." I heard sincerity on his voice.

"Paolo it's not like that."

"Eloisa, alam kong iyon yon. Alam mo mag usap na lang tayo kapag pumasok na sa 'yo yung puntong sincere ako." tumalikod siya.

I closed my eyes... Nang buksan ko ang aking mata blurred ang paningin ko. Vision ni Paolo ang nakikita kong naglalakad palayo. Hanggang sa unti-unti ng naging kulay itim ang buong paningin ko. I black out.

~*~

Paolo's Point of View

Nagising ako dahil may naghagis sa aking malambot pero medyo mabigat na bagay. It's a pillow for sure.

I opened my eyes. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Ate Patty.

"Tsura mo," I smirked. Ipinikit ko ulit ang mata ko at yung inihagis ni Ate Patty na unan ay itinabon ko sa aking mukha.

I heard a sarcastic sighed, if you can't imagine it I'll explain what's that. Yung para bang buntong-hiningang inis na ewan.

"Hoy, Drei. Hindi ka naman na masyadong paos pumasok ka na. Hindi ba importante ang araw na 'to? Ito yung araw na ipaghahalo-halo ang 1st and 2nd year na mga babae. Kawawa ka kung wala kang kapartner."

"Alam ko naman yun. May diskarte ako. Makikipagpalit ako sa nakabunot kay Eloi. At yung... kilala mo si Raegan? Yung patay na patay sa akin nung high school hanggang ngayon ayon ipapalit ko. Settled na iyon. Biniyayaan si Raegan sa likod at harap kaya panigurado hindi makakahindi yung lalaking makakabunot kay Eloi."

"Wow ha. Si Raegan Xavier? Of course hindi talaga makakahindi ang lalaking hindi gusto si Eloi o di kaya ay takot sayo. Eh what if isa kay Dom, Kian and... Eros ba? Basta ang nakabunot kay Eloi? Syempre hindi nila ipagpagpalit si Eloisa sa isang Raegan dahil first she's not Eloisa. Pangalawa hindi siya si Eloisa. At Pangatlo, hindi nga yun si Eloisa. Oh ano? Ano ka, madiskarte ka kamo? Are you nuts?"

Tumayo ako. "Hindi ako nuts. Basta. Layo mangyari nun. At 'di ako papayag." that's just to impossible.

"You're too desperate, yung usapan natin ha? Walang makakaalam na nandito na sa Pilipinas si Trevor. And anyway, coincidence nga naman."

"Huh?" she's a weirdo. Pero mas weird at nakakatakot ang Ate Pauline ko.

"Sa Hidalgo Luxury Condominium ang piniling tirhan ni Trevor doon din si Eloisa hindi ba? Gosh, nakita nga daw ni Trev si Eloi eh. Ganda daw." she giggled.

"What the fuck. Ano?"

"Nahumaling daw si Trev kay Eloi! Atsaka si Eloisa daw namula pisngi! Pogi talaga ng kapatid ko!" tngina.

"Tangina. Anong unit ng gagong si Trevor? Sisirain ko mukha nun!"

Imbis na tumigil pagtawa itong si Patricia mas nilakasan niya pa iyon.

"Gosh, Paolo. Nakakatawa boses mo. Nababasag eh! Yan kasi! Sinabi ko naman sa 'yo 'di ba? Huwag mo masyadong pagurin boses mo! Narinig kita nung gabi ng linggo kanta nang kanta. Kung hindi may maling tono. Mali yung lyrics mo. Seriously? Para saan ba yung pagprapractice mo?"

"Pake mo ba? Tangina talaga. Ano ngang unit ni Trevor gago!"

"Alam mo gusto kong ipagtanggol kapatid ko kasi sinasabihan mong gago kaso totoo naman and yung boses mo nakakatawa," tumawa pa siya.

"Puta makaligo na nga!"

"Oy, pakulayan mo na ulit buhok mong itim hindi bagay sa'yo blonde trip mo nga pala kahapon?"

"Pucha, Ate Patty, tanong ka nang tanong! Para 'to sa program sa Wednesday. Lumabas ka na nga napaka ingay mo!"

She rolled her eyes. "Fine. Pero pangit talaga ng blond一" tiningnan ko siya ng masama and I narrowed my eyes. "Okay fine! Shut up na ako. Ito na oh lalabas na po," at lumabas na nga siya.

~*~

I'll use Lolo's Ford Ranger. Nang makarating ako sa garahe ng mga kotse ni Lolo binukasan ko iyong Ford. Sumakay ako doon at nag drive na ako.

Pagharurot lang nga mga sasakyan ang naririnig ko. May nagbubusina rin. Halos nagflashback lahat. Yung una naming pagkikita hanggang sa nangyari noong sa Lamesa Eco Park.

Umabsent ako sa tatlong dahilan. Napaos ako kakapractice ng kanta para sa program sa Miyerkules. Nagkaflu rin ako na ewan nilalagnat ako tas inuubo dahil sa paos tas barado pa yung ilong ko hindi pa ako makatayo. Effing life. Kahapon ng umaga iyon pero mga alas tres ng hapon umayos pakiramdam ko. At iyung isa. Dahil sa kakaisip kaya tinamad ako. Kakaisip kay Eloisa. Tngina hindi ko na kayang magmanhid-manhidan pa na hindi ko mahal si Eloisa. Mag pakatorpe dahil hindi naman ako iyung ganung tipo ng lalaki. Nung inaya ko siya ng date may plano na akong umamin sa kaniya kaya nung sa pauwi na kami galing Park hindi ko na napigilan sarili kong umamin. Kaso... wrong term at naputol. Nakapagisip naman ako ng maayos kahapon tatapusin ko na ang deal dahil yung rules na ginawa ko nabreak ko. Mas okay na yung matapos na ang kasinungalingan dahil totohanin ko na... kung papayag siya pero liligawan ko muna siguro. siya.

Hindi ko napansing nandito na pala ako nipark ko ang kotse at agad na lumabas bahagya akong napatigtig nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa bintana. Blonde na ang aking buhok. Pinakulayan ko ito kay Patricia para sa gagawin namin sa Program sa Craeac Day 1. Diring-diri siya dahil ang baduy daw ng blonde request niya ay Pink. Pink? Mas baduy iyon para sa isang lalaki. Kadiri. Hanggang ngayon pangit na pangit pa rin siya sa pinakulayan ko sa kaniya kahapon. Sabi ko nga ay sa nagdadala ng blonde hair yan kung 'di gwapo, napaka baduy at yung lagi nilang sinasabi Jeje pa yun? Basta, tas kapag gwapo mas gugwapo pa.

Kita ko ang mga nakalaglag na panga ng mga tao. See? Napaka gwapo ko.

Nakasuot akong grey na V-neck t-shirt at black pants.

Dumiretso ako sa Audi. Kokonti na lang ang nadoon. Pero pinakapumukaw sa atensyon ko ay ang naparaming roses. Para saan iyon? Baka ayun yung ibibigay sa babaeng mabubunot mo.

Nakita ko ang pamilyar na mukha nung Talyer.

"Paolo? Oy! Absent ka kahapon ah!"

"Oo. Asan nga pala yung mga names ng girls?"

"Iba na ngayon! Nakalakip na yung pangalan sa roses kukuha ka lang ng isa atsaka mo buksan iyong nakafold na name doon."

"Ah. Benjamin Talyer, di ba? May nakabunot na ba kay Eloisa?"

Umigting ang panga ng gago. "Tyler, dude. OO! Meron na, nakalista na dito oh... Eloisa Ramos and..." aba ginagalit ba ko nito? Nag paused pa!

"Inaasar mo ba ako?!" iritado kong tono.

"Ito na! Eloisa Ramos & Kian Montague."

"Putngina, ano?"

"Eloisa Ramos and Kian Montague sabi ko!"

"Oo! Narinig ko! Bat inulit mo? Fuck where's that bastard."

Hinanap ko ang gagong si Kian. Paanong rose na nakalakip ang pangalan ni Eloisa ang napili niya? Damn, paano nangyari yon?

I saw Kian giving a rose to Eloisa. Nakatingin siya sa kaniya. I'm wondering anong pinaguusapan nila. Pagkatapos ay tumungo ulit siya I can see her blushed. What the heck? Gagong Kian talaga! Alam naman niyang girlfriend ko yung tao一yes, fake. But she'll be my real girlfriend soon!

Crowded ang lugar kaya hindi ko masyadong makita ang nangyayari.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong sumiksik sa mga taong nakaharang.

Nag-init ang ulo ko ng hawakan ni Kian ang panga ni Eloisa at iangat ito sa kaniya.

~*~

Nang hindi siya sumagot sa tanong ko if nagtataka ba siya sa akin alam ko ng Oo iyon.

Tumalikod ako at naglakad na hindi ko siya nilingon ng tinawag niya ang pangalan ko.

Nakarinig ako ng takbo sa aking likod hindi ko iyon pinansin pero ng marinig ko ang sigaw ng pamilyar na boses.

"Eloisa!" sigaw ni Dominic.

Halos magpanic akong tumakbo papabalik kay Eloisa na nakahandusay sa sahig.

"Shit, what happened to her!" tanong ko kay Dominic.

"She collapsed," ani niya.

Dinala namin si Eloisa sa Clinic nag umpisa ng makiusisa ang mga tao sa labas dahil naiwang bukas ang pinto ng clinic agad iyong sinarado ni Dominic ang pinto at narinig ko ang mahinang smirk niya.

"Dude, okay lang sa iyo hindi ba?"

"Na ano? Ang alin?"

"Nevermind, aalis na ako." sambit niya at alis na nga.

"Kumain po ba si Ms. Ramos? Maputla po siya. Marahil ayun ang dahilan ng pagkahimatay niya ang hindi siya nagbreakfast." tiningnan ko si Eloisa. Tama ang nurse ng clinic namumutla si Eloisa at isa pa ay mukha siyang pagod.

When Eloi's eyes opened, sinadya kong ibungad ang sarili ko sa pagbukas niya ng kaniyang mata.

"Paolo."

"Thank God you're fine," nahimatay lang siya pero hindi ko kayang hndi mag-aala. "Sorry for leaving you behind. I'll never leave you behind again, tandaan mo iyan. Hindi kita tatalikuran pa ulit. Mahal kita. Mahal na mahal," niyakap ko siya. At hinalikan ko ang noo niya.