Eloisa's Point of View
"So, anong booth ninyo ni Andrea?" tanong niya. Nasa pocket niya ang kaniyang dalawang kamay. Magkasabay kaming naglalakad sa covered walk ngayon. Napansin ko kahit nakablank red t-shirt lang siya ay bagay na bagay iyon sa kaniya. He's so handsome? Bakit ganoon?
"I want to know yours first." ani ko. I do really want to know his booth first. Ang balita ko ay ang kayla Lance, Warren at Dominic ay movie marathon booth. Hiwalay si Paolo kasi may puwesto siya sa top club.
He removed his one hand in his pocket. Ipinang gulo niya iyong inalis niyang kamay sa kaniyang buhok. Damn, that's hot.
"Ugh, guess it." sabi niya. Pagpapacute niya.
"Seriously? Okay, hmmm. Dating booth?" umiling siya. "Then, is it One Day Boyfriend Booth?" I saw that on the brochure of the list ng mga booths. Napakaraming booth dito.
"The fuck, hindi ah. Panigurado sila Benjamin Tyler at Lucas Anderson yun." anito. "They're jerks." parang siya hindi no? Jerk din siya, e. Yeah, casanova or playboy. But, that's just the same
"Oh, I thought sayo, you were once a jerk, e," bulong ko. "Baka naman kissing booth? Then kayo yung mangkikiss?" humalakhak ako.
"No... hays, kinda not my type." sambit niya. Not he's type?
"Ahh! Yung horror house?" umiling siya. "Wala na akong maisip. Napaka dami kasi pero hindi ko maisa-isa."
"Photo booth. Mr. Craeven asked me to help Jared. Kapalit ng pagpasok ko ngayon." he sighed. "Panigurado busy ako ngayong araw, syempre 'di ba dudumugin ang booth ni Jared dahil sa napaka gwapong photographer named Paolo," yabang talaga. Hays.
"I thought dudumugin kayo dahil kay Jared." ani ko.
"Talaga ba?" he rolled his eyes.
"Did you just... that is so gaytard, Paolo." ani ko. "Anyway, sinabi sa akin ni Andrea na gusto niyang tulungan si Jared kapag konti na ang pumupunta sa amin."
"I'd love that pero ano nga iyong booth ninyo?" tanong niya.
"Marriage booth."
"Woah... ikaw magkakasal? That's good atleast hindi ka makakasal." ngumiti siya sa dulo.
"Si Yeshua ang magkakasal."
"Yeshua? Sino yon?"
"Cousin ni Ambreen." sambit ko.
"I thought Ambreen's the one and only Buenavista here?"
"Siya nga lang, Montecastro ang apelido ni Yeshua."
"Ah. Basta kapag may nagpalista sa iyong gustong magpakasal sa iyo. Refuse. Ako lang ang dapat magpakasal sa iyo, got it? Kahit fake pa iyon." tumango na lamang ako. "O sige, pupuntahan ko na si Jared." anito. Humakbang na siya papalakad pero bago ko pa malaman ay hinalikan niya ang noo ko at saka tuluyan ng tumakbo papalayo.
Halos puno ng iba't ibang booths ang covered court pati sa grounds ay mayroon din. I saw some people have a paint on their cheek. Baka nine palang ay binuksan na iyong An Art Booth.
Hinanap ko ang may nakalagay na Marriage Booth.
I saw it finally merong mini aisle meron ring upuan and I dunno what does thing called na nasa gitna.
"Eloi! Finally! Hay, akala ko hindi ka papasok." ani Andy.
"Sorry medyo nalate ako."
"That's fine... try ko nga sa iyo ito." she putted veil on my head. "Wow, bagay, groom na lang ang kulang. Hmmm, aalisin ko na. Bagay talaga sa iyo ang kahit ano." sambit niya.
"Hindi naman." natawa ako.
"Bahala ka, Eloi. Basta bagay sa iyo lahat." sabi niya sabay talikod at lakad sa aisle. "Oy, Yeswa!" tawag niya kay Yeshua na tagalog na tagalog.
"Oh?" tipid na sagot niya.
"Where's Japs?" tanong niya.
"Ewan, baka pumunta sa booth ni Julian yung Beauty Salon Booth." napatap ang kanang kamay ni Andy sa kaniyang noo.
"So, tayong tatlo na lang dito." aniya. "Tara ayos na tayo. Eloisa, na ayos namin ang half ng booth kalahati na lang matatapos na natin. Yung mga disenyo na lang sa ceiling ang kulang, actually." I nodded.
"Umpisahan na natin." ani ko.
~*~
We've done putting some designs on the ceiling. Sabi ni Andy may kulang pa kaya naman yung natirang roses. Inalis namin isa-isa ang petal at ibinagsak namin sa carpet para sa aisle ang mga iyon.
"I think we're done." aniya. Tiningnan niya ang kaniyang relo. "9:51 na, 9 minutes na lang maguumpisa ng magbukas ang mga grand booths. Pahinga muna tayo."
Umupo kaming lahat. "Kapagod," ani Yeshua.
"Yeshua, bakit hindi ka sa booth ni Ambreen tumulong? I'm just curious."
"It's an art booth. Yung papaintan iyung mukha? Wala akong alam sa art. So nung sinabi ko iyon. Sabi niya tulungan ko na lang daw ang bestfriend niya." oh, kay Ambreen pala iyon. Mamaya ay magpapapint ako sa kaniya.
I nodded.
"First year ka lang hindi ba?" tanong ni Andy.
Tumango siya. "Oo."
May cellphone na nagring alam kong hindi akin iyon dahil iba ang ringtone.
"Hello?" ani Andy. Sa kaniya pala. I saw her smiled. "Yeah, sure. Yeah, yeah. Okay, bye. Bye, Skye. Okay."
"Sino 'yon?" tanong ko.
"Si Skye."
"Jimenez?" agarang tanong ni Yeshua.
"Yeah, at may first customer na tayo. Wait, classmate mo ba si Skye sa isang sub?"
Umiling siya. "Nah. Almost everything."
"Ah. Okay, let's ready ourselves. Teka lalabas na ako para sunduin iyong bride, Eloi. Wanna come?"
I nodded. "T-Teka? Maiiwan ako dito?" nagtatakang tanong ni Yeshua.
"Yah." sabi ni Andrea. "Tara na." sabay higit niya sa kin
"Teka yung bulaklak." ani ko. Tsaka kuha yung flowers para sa bride.
~*~
"Si Yeshua?!" sigaw ko ng sabihin ni Andrea kung sino yung groom.
"Oo, yung girl ewan ko kung sino pero sabi ni Skye, kaibigan niya ewan."
"Sino magkakasal?" tanong ko.
"Ako, o 'di kaya'y ikaw." aniya. Hays.
"Skye, huy. Ano 'to?" sambit ng babaeng tulak-tulak ng isang babaeng nakasalamin.
"Hay nako. Lia, basta." narinig kong ngumisi iyong I think ay Skye Jimenez... Jimenez?! Kapatid niya si Dominic? Siya ba yon?
I looked at the girl. She is wearing a glasses. Pero hindi mo pa rin maiiwasang mapansin ang ganda niya. At halatang Jimenez ang kutis niya. No wonder.
"Ate, Andrea!" ani Skye. Inabot ni Andy iyong veil.
"Skye... Teka, ano yan?"
"Suot mo na. Dali." ani Skye sa kaibigan niyang Lia ang ngalan.
"Fine. Hay." sambit ng babae.
"You'll enjoy this Aliah." sambit ni Skye. I gave the flower to the bride.
"Andy. Ako unang papasok." ani ko.
Doon ako sa kabila pumasok. Actually, open space ang booth namin may kurtina lang na nakaharang sa bawat sides.
"Ayun na ba yung bride? Asan yung groom?" tanong ni Yeshua sa akin.
I smiled to him. "In front of me."
"Huh?" takang tanong ni Yeshua sa akin.
Hinawi na iyon curtina sa pagpasok. Nakaveil na si Aliah habang hawak-hawak ang bulaklak.
Inangat niya ang kaniyang mukha at halos manlaki ang mata ng makita ang katabi ko na si Yeshua.
"Eloi, what do you mean? Hey!"
"Wait for your bride mister. Stop talking. I know you're nervous. Just calm down." ani ko sabay ngisi.
~*~
Paolo's Point of View.
"Woah, never thought ganoon kadaming tao ang magpapicture dito. They have their own phones." aniya. "Well, nandito ka kaya marahil hindi iyong printed pic ang habol nila."
"Well, said. But, ugh, your dad used me, damn." sambit ko umupo ako sa upuan dito sa loob ng napakakipot na photo booth na 'to. Napaka liit! "Fuck napagod ako."
"You chose to join me than to do a community service tama? Mas okay pa ito, Scott, kesa sa paglilinis ng buong Craeven ngayong araw."
"You're right."
"Drink." sabi ng pamilyar na boses mg babae. I smiled when I saw her.
"Thanks."
"Alas-tres palang pagod ka na?" sabi ni Eloisa. Napansing mayroon siyang paint sa mukha butterfly iyon. She's beautiful as always.
"Oo, dami kayang costumer yung galing ibang school na outsider ako lang ipinunta dito sa Craeven. Pati na rin yung taga dito sa Craeac ako lang ang habol dito sa Photo booth." ani ko.
"Yabang talaga. Nah, hindi ikaw ang habol ko dito. Jared! Can you take a photo of me and Andy?" tanong niya.
"Sure. It'll be my pleasure."
"Good shot. Ipriprint iyan hindi ba?" tangina ang lapit niya kay Jared.
"Oo." anito. "Tapos na. Oh."
"Ang bilis." sabi ni Andrea.
"Oh, nakuha niyo na habol ninyo. You can leave now."
"Hindi lang photo booth habol namin. Tutulungan ko dapat kayo kaso mukhang wala ng custo一" putol kong sabi ni Andrea.
"Actually, may maitutulong ka pa kay Jared. Ang pagliligpit. Aalis na kami ni Eloisa. Bye!" ani ko.
Hinigit ko si Eloisa doon. Finally, we'll be alone now. I'm planing to have fun with her today. We'll play all the available booths to play here like drop the can, missile launcher and etc.