Eloisa's Point of View
Ilang minuto lang ang itinagal ko sa dean office, mabilis ding naibigay ang ID ko, binigay na rin sa akin ang number ng locker at ang passcode ko. High tech ang Craeven Academe dahil itatap mo lang ang ID card mo para makapasok sa school, there are also sensors in each class para malaman ang attendance sabi ng nakausap kong secretary ng Dean.
"Hi!" Bati ng isang babaeng may suot na salamin, nakabagsak ang buhok niya, may hawak siyang papers. "I am Andrea Mendoza, a first year student, you must be the transferee, tama?" Ipinakita niya ang ID niya sa akin at doon nakalagay nga ang pangalan niya.
Tumango ako.
Inabot niya ang kamay at nakipagshake hands sa akin. "It's nice to meet you, anyway, can I take your minute or two. We just need to ask some questions for your profile on our club and I can also give you some background of this school," inaya ako ni Andrea si sa isang bench, ilang minuto pa naman siguro bago ang unang klase ko.
Muling namangha ako, this place is refreshing! Hindi mainit dahil natatakpan ng mga puno ang lugar at masarap ang simoy ng hangin, it doesn't look like a part of a school. Busy ang mga tao sa kaniya-kaniya nilang business, mayroon ding mga nag-aaral, mayroon pang mga naglalaptop. Nakakarelax naman talagang magstay sa ganito lugar, masarap ditong magstay para mag-aral, tahimik at wala kang mariring na nagdadaldalan, katumbas ito ng library kung iisipin ang katahimikan.
"Ummm, you are Eloi Samantha H. Ramos, 17 years old," sinusulat niya ang kaniyang binabanggit sa papel na hawak kanina. "Do you have a nickname or AKA?"
I nodded. "Eloisa," hindi pa ako sanay masyadong makisalamuha, iisa lang naman kasi ang kaibigan ko sa America.
"Anong course mo, Eloisa?" Nakangiting tanong ni Andrea, napangiti rin ako, this is the first time I heared my name without any reasonable doubt.
"Business Administration," matipid lang ako sumagot dahil hindi ko pa alam ang dapat sabihin.
"Alam mo, I know someone na Business Administration din ang course, since both kayo ng course may tsansa na pareho kayo ng subjects at maging magkaklase doon, ngayon pa lang binabalaan na kita roon sa lalaking yon, babaero kasi," halatang inis siya dahil sa tono ng boses. "Ay, sorry, badtrip lang talaga ako, pagpasensyan mo na," tumawa ito.
"Ano bang nangyari?" tanong ko.
"He's actually the one na magiinterview sa transferees, pero sa akin lagi bumabagsak duty niya, ang sarap niyang tirisin noh, but, I am still happy to meet someone like you. You can call me Andy pala," Andrea is not a nerd para sa akin, siguro isa rin siya sa mga taong malalabo ang mata na ayaw mag-contact lense kaya nagsasalamin na lang, nerd means mahina, katumbas nito ay ang pagiging lampa mo, pero nararamdaman ko she's tough to be called one.
Ngumiti na lamang ako.
"Do you have your sched on you? Baka may same class tayo, first year ka rin naman, pare-pareho lang naman ang asignatura rito, 'yong focus lang ang nag-iiba."
"Yes, nasa akin na, here," kinuha ko ito sa bag, isa lang itong 1/2 ng bond paper, nakasulat doon ang mga subjects ko or units, building number, classroom number and time.
"See! Classmate tayo sa first class, sabay na tayo gusto mo? I know hindi ka pa pamilyar dito at tapos na rin naman interview ko sa'yo," aya ni Andrea, napagdesisyunan na naming pumasok sa una nilang klase.
Sabay kaming pumasok, Andrea reminds me of someone special, si Kian, ang kaibigan ko na sinabayan din akong pumasok dahil pareho ang first class, bigla ko naman namiss si Kian kahit ilang araw pa lang nagkahiwalay.
Mukhang hindi ata uso ang introduction dito sinabi lang ng professor ko ang pangalan ko at sinabi sa mga kaklase ko for her subject na I am that Eloi Samantha. I don't know if it is a good thing that I didn't have to embarrass myself or not.
Andrea and I have different second subjects and she told me to just go straight to the hallway and the College of Business Administration will eventually wave at me and after she told me what she said that's when we bid goodbye to each other, I hope I can see her frequently, she is a very nice person
Sinunod ko ang sinabi ni Andrea, diretso lang ang lakad ko sa hallway at hindi lumiko sa kahit saan, habang naglalakad ay napapansin ko ang dami ng estudyante rito and they are all wearing different type clothes, merong pang ootd at meron ding simple lang, siguro dahil na rin wala namang uniform na dapat sundin. When I arrived at the end of the hallway and the blinding sun arrived I saw a white building with a really really good landscape design, that's what first caught my attention but I looked for the name of the building too and Andrea's was right College of Business Administration waved at me.
Tiningnan ko muna ang papel na ibinigay sa akin ng Dean.
It says room 403, I looked at the building, there are 5 floors, if my guess is right, room 403 is on the Fourth Floor... I hope I am right. The class starts within 5 minutes that's why I decided to use the elevator rather than the stairs.
I tapped the close door of the elevator and it was already about to close but someone stopped it from closing.
That startled me, sino bang hindi magugulat kung biglang may kamay na sumulpot ng walang salita-salita, muntik na akong atakihin doon.
Naka-hoody na puti ang lalaking kasama ko ngayon sa elevator at nakahood yung hood sa kaniya, this is so damn awkward, why am I with a creepy guy like him? Napalunok ako, this reminds me of the guy from the bus but minus the stinky smell.
I could see in my peripheral vision that he is playing a game, what is that though? All I could see is a brown whatever it is.
Third floor na ngayon pero noong bumukas ang door hindi siya lumabas, he is probably on the fifth floor. This elevator is so weird though, bawat floor bumubukas ang pinto.
Nang tumunog na ang floor ko nagmamadali na ang paa ko sa paghakbang papalabas pero ang ang hindi ko inaasahan ay nagkasagi kami ng lalaking naka white hoody.
"Sorry," pagpapatawad ko dahil alam ko namang ako ang may kasalanan.
Walang tugon.
Natigilan ako dahil lumabas na lang bigla ang lalaking walang imik.
Walang manners!
Lumabas na rin ako. Tiningnan ko ang oras, isang minuto na lang bago magsimula ang klase.
"Room 401, 402... 403!" Masigla kong bulong sa sarili. "Sa wakas."
There's no doorknob on the first door I saw kaya naglakad ako papunta sa pangalawang pinto, mahabang glass ang window ng room kaya kitang-kita ang mga nasa loob, marami na ang nandito.
Pumasok na ako kahit nababalutan na ako ng hiya.
Since vacant ang upuan sa unahan malapit sa pintuan dito na lang ako umupo.
Sobrang awkward ng atmosphere!
May pumasok na matipunong lalaki sa room, he is wearing a polo and black slacks and he has an eyeglasses.
Is he our professor? But why does no one addresses his presence?
"Well, good morning, BSBA students," iginala niya ang mata sa buong kwarto, no one gave any respect to him, until he saw me. "Are you the transferee?" he asked.
I nodded. "Good Morning, Sir."
He smiled at me as if I did something precious to him. He looks younger than a professor should be, or is it just my eyes that my professor looks stunning?
"You are probably..." tiningnan niya ang mga papel na dala niya kanina hanggang sa may makita siyang isang papel. "Eloi Samantha H. Ramos, am I right?"
"Yes po."
"Do you want to introduce yourself?" tanong niya sa akin, may narinig kaming tawa. "What's funny Lucas Anderson?"
"Wala sir," sagot ng lalaki habang natatawa pa rin. Mukha siyang estudyante na halata mong troublemaker, unang kita ko pa lang sa kaniya ramdam ko nang puno siya ng kalokohan.
"Stand up," I can sense terror in my young professor's voice, I still have no idea what is his name.
"What's with the atmosphere Mr. Tolentino?" Napatingin kaming lahat sa boses sa labas, nakalimutan ni Sir na bukas pa pala ang pinto... Mr. Tolentino rather. Ang may-ari ng boses ah babaeng nakaformal attire at hindi naman ako magsisinungaling na maganda siya, pero sa tingin ko ay hindi siya estudyante, more like a professor too.
Umiling si Mr. Tolentino kasabay ng pagwagayway ng kamay sa ere bilang hudyat na walang nangyayari. "Wala lang ito, Ms. Guevarra, alam mo naman siguro kung gaano kachildish ang estudyante ko rito."
Ms. Guevarra nodded with class, she is so damn classy! "Fine, then, I'll get going, class pay attention to Mr. Tolentino, okay?" aniya, sumagot naman ang mga kaklase kong lalaki ng 'Yes, Ma'am' na parang mga kindergarden, wow, she's unbelievable, she was able to tame all the boys here, gorgeous people have some powers within them, I must say.
Napatingin naman ako kay Mr. Tolentino, gwapo naman siya at matipuno, kung siguro lahat ng estudyante niya ay babae baka sa kaling smooth pa ang daloy ng klase kaso, half-half, balanse lang ang bilang ng lalaki sa babae, e yung mga lalaki pa man din mukhang ayaw sa kaniya.
Naging tahimik na ang paligid at tinanong muli ako ni Mr. Tolentino kung gusto kong mag-introduce, kaso ay tumanggi na ako para makapagturo na siya.
*
I stretched my arms when my third class ended because finally it's break time! Gusto kong makita ang cafeteria ng bago kong school at kung gaano karami ang pagpipilian kong foods.
Sa ngayon mag-isa lamang akong kakain, wala rin kasi akong nagkaclose sa mga kaklase ko per subject,
Tiningnan ko menu, oh shoot! Lasagna!
Nalove at first sight ako sa lasagna kaya ito agad ang inorder ko, umorder din ako ng isang Orange Juice.
Nakangiti ako ngayong naghahanap ng table, I saw one at papunta na ako doon.
Habang papalakad papunta sa pwestong nakita kong bakante sa harapan ko ay may isang babae at lalaki, lalagpasan ko sana ang dalawa kaso ay nadanggil ko ang babae at bigla na lang naging epic ang lahat.
"No!" sigaw ko nang unti-unti kong nakikitang nababagsak ang lasagna ko mula sa era, nabagsak din ang juice ko.
When the juice was splattered on the floor, I accidently stepped on it, and of course fell, this is embarrassing for my first day.
Patayo na sana ako dahil alam ko namang ako lang din ang tutulong sa sarili kong tumayo ngunit ikinagulat ko nang may naglahad sa akin ng kamay.
And when our eyes met my heart beated fast.