Gaya ng sabi ni Jake, 7 am na ang pasok niya kaya mas maaga na siyang bumangon ngayon. Nagulat ang kanyang ama ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.
"Oh, ang aga mo naman yata." Sabi ni Ronnie na kanyang ama. "Yung toyo kong bossing, inagahan pasok ko." Sabi ni Lexi na dumiretso sa kusina para mag-init ng tubig na pampaligo. "Tulog pa ang nanay mo. Ano kakainin mo?" Tanong ng kanyang ama. "Ako na ang bahala Tay." Sagot naman ni Lexi. "Lalakad na ako." Sabi ni Ronnie. "Sige po Tay, ingat." Sabi ni Lexi ang nag-ayos na siya sa pagpasok.
Habang nagbihihis siya ay lumabas na sa kwarto ang nanay niya. "Bakit ang aga mo?" Tanong ni Tessie. "Maaga na po ang pasok ko Nay, 7 am na po." Sagot ng dalaga. "Akala ko ba ay alas-8 p." Takang tanong ni Tessie. "May toyo po kasi bossing ko." Sabi ni Lexi na ikinakunot ng kanyang ina. Natawa naman si Lexi sa mukha ng ina. Nagpaalam siya sa ina at umalis na.
"Napaaga yata ako." Sabi ni Lexi matapos magpark. Tumunog ang phone niya at tumaas ang kilay niya ng unknown number ang nakita niya sa screen. "Sino to?" Tanong niya sa sarili. "Hello?" Sabi niya. "Akyat ka muna dito sa taas." Sabi ng boses sa kabilang linya. "Sino po sila?" Alanganing tanong niya pero iba na ang tibok ng puso niya ng madinig ang pamilyar na boses.
"Jake." Iritableng sagot ng binata. "Paano niya nakuha number ko?" Tanong niya sa sarili na para namang nadinig ng kausap sa kabilang linya. "I got your number from your resume." Sabi ni Jake. "Umakyat ka na dito sa taas o baba pa ako diyan para sunduin ka?" Sabi ng binata. "Ang aga-aga ang init na naman ng ulo." Bulong ni Lexi. "What?" Asar na tanong ni Jake. "Wala po, aakyat na po." Sabi ni Lexi at pinindot na ang end call.
Nagtaka si Lexi dahil madilim pa ang opisina ni Jake. "Saan ang mokong na yun?" Tanong niya sa sarili. Tumunog na naman ang kanyang phone. "Bakit ang tagal mo? Malamig na ang pagkain." Tanong ni Jake. "Saan ba kasi? Nandito na ko sa opisina. Wala ka naman." Inis na sabi ni Lexi. "Dito sa bahay ko." Yun lang at nawala na ang binata sa kabilang linya. Umikot ang mata ni Lexi. "Hindi kasi nililinaw eh. Kakainis! Sungit-sungit." Sabi ni Lexi habang naglalakad paakyat sa bahay ni Jake.
"Hoy!" Sabi ni Bella ng makitang naglalakad si Lexi. "Ay nadapang palaka!" Gulat na sabi ni Lexi. "Saan?" Nakatawang tanong ni Bella. "Nagulat kasi ako sayo." Nakangiti din sagot niya. "Ang aga mo? Di ba 8 ka pa?" Takang tanong ni Bella.
Magaan ang loob niya kay Bella. Kahit ilang araw pa lang siya sa ospital ay ito ang isa sa mga staff na kabatian niya kapag nagkakasalubong sila sa hallway.
"Binago ni OIC time ko." Sagot ni Lexi. Makahulugang ngumiti si Bella. "Masyadong possessive si OIC." Nakangiting sabi ni Bella. "May toyo kamo." Sagot ni Lexi. "Sinong may toyo?" Nagulat ang dalawa ng biglang sumulpot si Jake. "Morning, OIC." Sabi ni Bella. Tumango lang si Jake. "Kanina pa kita iniintay. Malamig na niluto ni Aling Marie." Sabi ni Jake sabay hila sa kamay niya. Naiwang nakangiti si Bella.
"Aray ko naman! Dahan-dahan nga!" Sabi ni Lexi na pilit kumakawala sa hawak ni Jake. Huminto si Jake at hinarap siya. "Tuwing umaga, deretso ka dito." Sabi ni Jake na nasa harap na sila ng pinto ng bahay. Kumunot naman ang ulo ni Lexi. "Madami tayong mga dapat gawin kaya umaga pa lang ay magiging busy na tayo. Dito ka mag breakfast, mag lunch, at kung kinakailangan , dito ka na din mag dinner." Sabi ni Jake. "Eh kung dito na din kaya ako tumira." Sagot niya pero gusto niyang pagsisihan ang sinabi dahil nakita niya ang maluwang na ngisi ni Jake. "Pwede din." Sagot nito. "Heh!" Sabi na lang niya para itago ang pamumula ng mukha niya. Naiwan si Jake sa labas at hindi nakita ni Lexi ang pagtalon nito dahil sa tuwa.
"Para lang nanalo sa lotto." Nagulat si Jake ng madinig ang boses ng kapatid. "At bakit ang aga-aga mo?" Tanong ni Jake para itago ang pagkapahiya. "Bakit? Bawal ba saka kasama ko sila Dad at Mom. Dito kami mag breakfast." Sabi ni Rhian. "What?" Sabi ni Jake. "Anong what what?" Takang tanong ni Rhian at diretso ng pumasok sa loob.
"Aaaaatttteeeee!?" Tili ni Rhian ng makita si Lexi na tinutulungan si Nanay Marie sa pag-aayos ng lamesa. "Rhian, dito ka din mag breakfast?" Nakangiting tanong ng dalaga. "Yep at may kasama ako." Sagot ni Rhian sabay hila sa kanya.
"Iho." Sabi ni Mila sabay yakap sa anak. "Mom! Parang ang tagal naman natin di nagkita." Sabi ni Jake. "Aba, matagal na sa akin ang isang buwan ah." Sabi ni Mila. "Dad." Sabi ni Jake sabay yakap sa ama. "Tingnan mo! Sa Daddy mo kusa ka ng yumayakap tapos sa akin hindi." Kunyaring tampo ni Mila. Natawa naman si Daniel sa asawa. Niyakap naman ni Jake ang ina kaya ngumiti na ito at sabay silang tatlo na pumasok sa loob.
"Mommy, Daddy, si Ate Lexi!" Bungad agad ni Rhian sa mga magulang. Hindi malaman ni Lexi kung ano gagawin. "Iha, kamusta ka na? Halika ka nga dito." Sabi ni Mila at niyakap ng mahigpit ang dalaga. "Tama nga mga kwento sa amin ni Rhian. Lalo ka ngang gumanda at saka sexy ka na nga." Sabi ni Mila na nakatingin ng makahulugan kay Jake. "Salamat po, Tita. Kamusta na po kayo ni Tito?" Tanong ni Lexi na tumingin din kay Daniel para magbigay galang.
"Ok naman kami iha. Eto nag-iintay kung sino ang unang makapagbibigay ng apo sa amin galing sa mga iyan." Sagot ni Mila na itinuro ang dalawang anak. "Nako Mom, mauna muna si kuya. Enjoy pa ko sa pagiging single ko noh." Sagot naman ni Rhian.
"Ikaw, kamusta ka na? May boyfriend ka na ba?" Kamusta na ang Tatay at Nanay mo? Namiss ko ng makipagtsismisan sa Nanay mo. Ganoon ang trabaho namin dati habang iniintay kayo makatapos ng mga klase ninyo." Nakangiting tanong ni Mila. "Ok naman po sila." Sagot ni Lexi. "May boyfriend ka na ba?" Patuloy ni Mila. "Ma, mabuti pa siguro kumain muna tayo. Hindi ako nakakain ng maayos kanina sa eroplano." Sabi ni Daniel na ikinahinga ng maluwag ni Lexi pero nagkamali siya dahil sa pagsisimula nilang ng pagkain ay nag-umpisa ulit itong magtanong.
"Sabi ni Rhian ikaw ang Secretary nitong masungit kong anak. Ok ka lang ba? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni Mila. Gusto sanang isagot ni Lexi na, "Opo, napakasungit po talaga ng anak ninyo at toyoin pa". "Ok naman po ang trabaho ko. Madami nga lang paper works pero masasanay din po ako." Sagot ni Lexi. "Saka Mom, pansamantala lang naman siya sa office ni kuya. Once na magkaroon ng slot sa laboratory ay doon na siya." Sabi naman ni Rhian. "I don't think magkakaroon ng slot ang lab." Sabi ni Jake at nagkatinginan ang mag-asawa pati si Rhian at Makahulugang ngumiti.
"Iha, bakit sa Skylab ka nag-apply? Sabi ni Rhian ay mahusay kang medtech. Bakit di ka magtry sa ibang hospital?" Tanong ni Daniel na ikinatingin sa kanya ng anak na lalaki. "Malapit lang po kasi sa bahay saka bago po kaya sabi ko tiyak na bago din ang mga machines and equipments." Sagot ni Lexi. Tumango-tango naman si Daniel. "Sa dati pa din ba kayo nakatira?" Tanong ni Mila. "Opo." Sagot ni Lexi. "Pa, puntahan natin sila Tessi ng makapagkwentuhan ulit kami." Sabi ni Mila. "Mom, pupunta ako sa kanila sa Sunday,doon ako maglunch, gusto mong sumama?" Tanong ni Rhian. "Sure! Sure! Nako, nakakaexcite naman." Sabi ni Mila na kinangiti ni Lexi.
Tapos na silang magbreakfast ng bumukas ang pinto. "Dre, pass 8...Tita! Tito!" Sabi ni Anthony ng makita ang mga magulang ni Jake. "Kailan pa kayo dumating?" Sabi nito pagkatapos yakapin si Mila at kamayan si Daniel. "Kanina lang iho." Sagot ni Mila. "Kamusta naman ang States Tita?" Tanong ni Anthony. "Ganoon pa din naman, walang nagbago. Mas masarap pa din dito." Sagot ni Mila. "Kamusta na sila Pare at Mare?" Tanong ni Daniel. "Nasa bakasyon din Tito pero sa Cebu lang. Ayaw na din nila lumabas ng bansa." Sagot ni Anthony. "Sabihin mo na magkita kami pagbalik nila." Sabi ni Daniel. "Makakarating Tito." Sagot ni Anthony.
Matapos ang sandaling kwentuhan ay bumaba na sila Jake, Lexi, Anthony, at Rhian sa kani-kanilang opisina. "Lex, ano ang mas ok, magpaluto sa canteen o mag-order na lang ng food para mamaya sa meeting sa mga doctors." Tanong ni Jake. Namula si Lexi dahil sa tawag sa kanya ni Jake pero hindi siya nagpahalata. "Masarap naman ang pagkain sa canteen pero kung bigatin ang mga consultants mo, then mag-order na lang." Sagot ni Lexi. Tumango-tango si Jake. "Anong ipapaluto na pagkain kung sa canteen tayo oorder?" Muling tanong ni Jake. "Pupunta na lang ako para tingnan kung ano available." Sabi ni Lexi sabay tayo sa kinauupuan. "Teka, sama ako." Sabi ni Jake. Sabay silang lumabas ng opisina.
"Morning OIC, morning Ma'am." Nakangiting bati ng tindera sa canteen. "Lexi na lang po, Manang." Sabi ni Lexi. "Morning OIC!" Sabay na bati ng dalawang dalaga kay Jake na halatang kilig na kilig. "Tumigil nga kayo. Kasama ni OIC ang girlfriend niya, mahiya nga kayo!" Saway ni Manang sa dalawa. "Nako Manang, hindi po..." Hindi natapos ni Lexi ang sasabihin dahil nagsalita si Jake.
"Manang, ano po pwedeng merienda para sa mga doctors natin mamaya?" Tanong ni Jake. "Ano po bang gusto ninyo ihanda ko OIC?" Tanong ni Manang. "Ano sa palagay mo?" Tanong ni Jake na nakatingin sa dalaga. "Merienda naman, pwede na siguro ang spaghetti at sandwich o kaya burger." Sabi ni Lexi. "Pwede din po ang pizza. Masarap pong gumawa ng pizza ang bagong chef natin, OIC." Nakangiting sagot ng isa sa dalagita kanina. "Sige, pizza na lang Manang." Sabi ni Lexi. Tumingin ang matanda kay Jake na may tanong sa mukha.
Ngumiti si Jake. "Pizza na lang Manang gaya ng sabi niya." Sabi ni Jake sabay turo kay Lexi. Para naman napahiya si Lexi dahil pinangunahan niya ang kanilang OIC. "Sorry, Sir." Nakayukong sabi ni Lexi. "Ano?" Tanong ni Jake. Nagulat si Lexi ng hawakan ni Jake ang baba niya. Si Manang at ang dalawang dalagita ay parang nag-iintay din ng mangyayari. Tinakpan ni Lexi ang bibig niya.
"Anong tawag mo sa akin?" Malapit na ang mukha ng binata sa dalaga. Ramdam ni Lexi ang pag-iinit ng mukha niya. Ganoon pa din ang itsura ng tatlong babae. Nakatulala sa dalawa na nasa harap nila. "Jake! Jake!" Sabi ni Lexi. "Good." Sabi ni Jake at binitawan na ang baba ni Lexi. "Pizza, Manang." Sabi ni Jake. "Ha? Po? Ah, opo!" Sagot ni Manang. "Tara na." Sabi ni Jake sabay hila kay Lexi.