Buong araw akong bad trip dahil kay Alfred.
Respect daw?! Hindi naman halata na bad vibes ako kasi tahimik talaga ako sa klase.
Nagpapaka-wall flower ako. Less talking more observing for me.
Eh sa tongue-tied ako palagi kapagka di ko ka-close and nasanay na rin ako na di masyado nakikichika sa mga nakapaligid sa akin. I just like listening to others talk with each other or I busy myself with thoughts.
Nang matapos ang klase, as usual dumiretso nanaman dito si Alfred chicken.
Napaka-papansin niya talaga.
"Hi bebe ko!" narinig kong tawag niya. Sino kaya yung tinawagan niyang bebe daw niya?
I just continued fixing my things. May kumalabit sa akin.
Tinignan ko kung sino at sumimangot.
"I forgive you bebe ko," nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinuro ko pa sarili ko to confirm kung ako ba yung bebe niya.
He just smiled. Napangiti rin ako pero deep inside I'm planning his funeral. Humanda ka talaga sa akin mamaya Alfred chicken.
I let him carry my bags and followed him downstairs para tumambay muna sa bleachers.
Nang makaupo na kami sa usual spot ko sa bleachers. Hindi na ako nag-alinlangan na pitikin yung batok niya.
"Aray naman, bebe ko!" angal niya.
"Who gave you permission to call me, "bebe ko"? Tumaas ang isa kong kilay nang tanungin ko siya.
He just rubbed the spot that I flicked.
Tinignan ko siya ng masama at nag-ala takot kunwari pa siya na expression.
"Bebe ko, is you and you can call me, bebe ko din." He smiled wider.
Bago ko pa siya mapitik ulit, bumusina na yung sundo ko. I picked up my bags and hurriedly went to the passenger seat of my service.
Hindi ko na tinignan pa yung bf ko. Bahala siya.
It was the middle of the week, I'm already exhausted because of the assignments and reviewing for the upcoming exams.
Nagpahinga muna ako kaka-aral at tinignan ang aking cellphone.
Kumunot ang aking noo dahil sa nag-iisang message na galing kay Alfred.
"Bebe ko, huwag masyado magpaka-pagod dahil sa kaka-aral, kumain ka para may energy. Tulog ka rin para di ka masyado ma-stress. And finally, kailan mo ba ako mamahalin? Willing to wait naman ako. Gusto ko lang malaman kung may balak ka na mahalin ako."
I sighed and rubbed my eyes.
Siya mamahalin ko? I pressed the reply button and texted: "You don't even love me, kaya stop expecting me to love you back."
Sinend ko na yung reply at wala pang 2 segundo nag-text back siya. "That's why we're dating diba, para maging love? So may balak ka ba na mahalin ako?"
I replied, "Maybe someday."
Nang ibaba ko na yung cellphone sa may desk kung saan ako nag-aaral, bigla na lang nag-ring.
"What?" I said as I answered the call.
"Excited na ako sa 'Maybe someday' na yan."
Hindi na ako nakasalita pabalik kasi binaba niya na agad.
I shrugged my shoulders and continued with my works.