In the near future...
Naisip ko na, paano nga kaya kung within ten years, nothing happened to my life?
Paano kung manatili ako sa bahay and miss out on things that I should've done and achieved through the years?
And here I am, bored to death in my laboratory. Waiting for the damn rain to stop.
Suddenly, I noticed a person outside my window. He seems injured.
"Ay! Teka, parating na ako." I said to myself rather than the person who's in the window.
Nawalan pala ng malay at mukhang mabigat siya. So, I left him for a minute. I brought him a wheel barrow at doon ko siya nilagay.
Di ko nga lang akalain na pagdating namin sa mismong lab room ko, I recognized him.
"Sparkles?" nagising na siya and he looked at me. Since, basa siya dahil sa ulan, inangat ko ang shirt niya. Nang makita ko ang nakabenda niya dibdib. Muntik na ako magmura. "You're a girl?"
Tinignan niya lang ulit ako. Okay! think think!
"I'll you some change of clothes, wait here!"
And so I went to my room and got out a yellow dress. Pretty ito para sa kanya. 😍
So, I went back and noticed that she's having trouble moving. "Huwag ka na gumalaw, ako na bahala."
Kahit nagreresist siya pinalitan ko pa rin siya ng damit. I only left her underwear and bandage niya sa chest area.
Nang nasuot ko na sa kanya ang dress, kulang na lang, patayin niya ako sa sindak.
Grabe naman ito, nagmagandang loob na nga na palitan siya.
Sinimulan ko gamutin ang mga sugat niya and pinahiran ng cold ointment yung pasa niya sa tiyan. Mababaw lang yung mga sugat niya pero kung di ko kaagad siya nakita at magamot, baka magsimulang magka-infection ang mga ito.
Lucky her! She had me. Nang tanungin ko siya kung ano pangalan niya. She motioned her hands like writing on something.
"Oh alright! Pen and paper?" she nodded.
I gave her a notepad and a pen.
Nang matapos niya magsulat. Binigay niya sa akin yung notepad. "Demetria."
Nice name, I thought to myself.
Back to the past...
As the final semester of the our high school senior year ends, everyone seems to watch each other like they were reminiscing through the last fours years together.
Akala ko nga may iiyak na. But, nah! If they cry, mahahawa ako sa pag-iyak nila. Kaya sana huwag.
As I stood up outside my class room, saktong nandoon rin sa tapat na room sa left side nung room ko, sila Alfred Beet.
Kaya naman may narinig akong, "Yiee! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!"
Like ewww!!! I rolled my eyes and crossed my arms. Papunta ako sa comfort room nang mga oras na yun. "Bael! Can we talk?"
Aba't pinigilan ako. "No." I shook off his old on me and continued to walk to the CR.
"I still like you a lot!" At dyan nagsimulang mag-hiyawan nanaman yung mga chismoso niyang mga kaklase.
Still crossing my arms, I glared at him. Next, tuluyan na ako pumasok sa CR.
'I still like you a lot?' Liar!!!! Kung gusto pa rin niya ako, edi sana niligawan niya ako, but, I guess, mahirap ako ligawan kahit na I like him too. My heart is too loyal to Kard Saige.
During graduation, hindi na maiwasan ng iba na maluha. Muntik na ako maluha, kung di lang ako mapagpigil. Strong ako no! Strong magpigil ng emosyon.
I can't blame anyone kung gusto nila umiyak.
It's a natural feeling, when you feel upset. Mas ok pa nga na umiyak, kaysa pigilan para malabas mo yung stress, kahit konti.
May humawak sa isa kong balikat at muntik ko na siya baliktarin. I studied self-defense that one summer before I became a third year in high school.
"Relax, Raine Quelly Bael!" Napataas ang isa kong kilay, sinabi niya buo kong pangalan!
"What?" I uttered. He smiled, "Saranghaeyo!"
And since it's graduation and I'm never gonna see him again, "Nado Saranghae!"
Nanlaki at na-speechless siya sa sinagot ko.
Bago pa siya maka-react pa sa akin, I briskly walked towards where my parents are.
"Tapos na ako, i-susurrender ko lang 'itong Toga namin."