Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 9 - Kabanata 8

Chapter 9 - Kabanata 8

Hinihintay ko siya mag-react and then nung magsasalita na siya, tumawa ako.

"Joke lang, as if! M1ukha mo!" napahawak pa ako sa tiyan ko kakatawa. Aww! Umalis siya and padabog sinarado ang pintuan.

Akala niya ah. Tsk. My loyal heart is for Kard!!! Bleah!

The next day came and I was still sick.

Pero masaya ako kahit na may sakit pa rin ako. Why? Kasi more tv time!

I'm a tv-holic. Usually yung mga namimiss kong pang-umagang cartoons ang pinapanuod ko ngayon.

Kung bibilangin ang times ng panunuod ko ng anime/cartoons since childhood days, baka mayaman na ako ngayon.

Baka bukas pa ako pumasok kasi I'm not that well yet. Siguro kung ijojoke time ko ulit si Alfred chicken, baka gumaling na ako.

Nah. I-eenjoy ko muna itong temporary rest ko from school.

After lunch, tumawag sa cellphone ko si Ryn Do. Kinumusta ako. And I said I'm kinda okay na.

Tapos she asked if break na daw ba kami ni Alfred Beet. And my answer was: "Sana, sana makipag-break na lang siya sa akin."

I realized na hindi dapat ako nakipag-relasyon sa kanya, he's better off with girls na gusto talaga siya.

After the call, manunuod na ulit ako ng Tv nang magring ulit cellphone ko.

Wow! Si Alfred! Sinagot ko naman.

"Hello?"

"I won't break up with you." Binaba niya na yung tawag after niya sabihin yun.

Tsk! Edi huwag makipag-break. Akala niya ba natatakot ako sa kanya?

Hah! Mukha niyang pogi! Asa siya.

Nawala na ako sa mood manuod ng Tv kaya natulog na lang ako.

Another next day, nakasimangot nanaman akong pumasok sa school.

Haist! Nakakainis talaga! Nanaginip ako na ikinasal daw kami ni Alfred Beet. Siya daw yung bride, hindi na ako nagulat, may pagka-bakla yun eh. Hindi naman siya baklang-bakla.

May 'pagka' lang. Anyway, so yun na nga, siya yung bride at ako ang bride number 2.

Para tuloy kaming nagka-lesbian wedding.

Pero in fairness ang ganda ng mga suot naming gown. Buti naputol yung panaginip nung magkikiss na kami. Yuck!

Naupo na ako sa fave spot ko sa school. The bleachers. Sa pinakababang step.

Si Alfred ang unang sumalubong sa akin as usual. "Good morning, Bael!"

"Good morning!" Bati ko sa kanya nang hindi tumitingin.

May quiz yata kami mamaya, kaya kinuha ko yung irereview ko.

Tumabi siya sa akin at nagsimula nanaman siya dumaldal.

N'ong mairita ako sa kadaldalan niya, sinarado ko yung nirereview.

"Do you mind?" tinignan ko siya diretso sa mga mata niya.

"Sige lang, ok lang, nagkekwento lang naman ako." Really? That wasn't what I meant.

Aangal na ako pero dinampi niya ang kanya hintuturo sa aking mga labi.

"I'm still your boyfriend, Quelly, respect me."

And after that, iniwan niya na ako.

Uminit na lalo ulo ko.

I harshly wiped my lips with my handkerchief.

Grabe! Ano ba itong pinasok ko?!