Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 7 - Kabanata 6

Chapter 7 - Kabanata 6

Oh my gosh! yan ang nasigaw ko sa isip ko.

Siniko si crush ng magaling kong bf.

Lumapit ako kay Alfred at pinitik ang noo niya. Napangiti lang siya.

It was currently Foundation Week and we were playing against the Juniors in a basketball match.

At itong si Alfred nakita kong siniko niya si Kard.

"Relax, Bael! It's just a game." As if maniniwala ako sa kanya. Naka-time out sila saglit kaya ako nakalapit sa court.

Nang marinig ko na ang pito ng referree, I was about to return to my seat at the bleachers,

"Good luck kiss ko?" Aba! Hinarap ko siya and kissed my left palm, then I slapped him on his cheek.

Nawindang siya sa ginawa ko and that made me smirk. I returned to my seat and continued watching the game.

Akala niya siguro, mauuto niya ko ah?

Dating a school heartthrob and basketball player is kinda cool. Everyone was shocked when they learned about us.

Tumahimik na lang ako dahil ang dami nila tanong. Hindi naman nila kailangan malaman kung paano, bakit at kailan naging kami.

Hindi sila parte ng relasyon namin. Mga chismoso!

I rolled my eyes while relieving those times.

It's been months and I told Alfred to not go and tell everyone about our relationship.

Alam na nga eh. So hanggang dun na lang.

Why I feel like not boasting about our relationship? Kasi ayoko maging talk of the town. Biruin mo isang napaka-ingay na lalaki naging boyfriend ng isang napaka-tahimik na babae? Opposites attract.

I want to be low profile and not talk too much baka kasi mabati. Saka, paano na lang kami ni Kard? Magiging kami pa kaya?

Ngumuso ako at di namalayan na tapos na ang laro. Nanalo ang Juniors. Minalas ata yung dapat good luck kiss ko kay Alfred. Hahaha!

Ngiti-ngiti ako nang makababa from the bleachers para i-comfort ang busangot kong boyfriend.

"Ayos lang yan, may next time pa naman." Tinapik-tapik ko ang isang side ng shoulder niya na 'di basa ng pawis.

Dahil tuwang-tuwa ako asarin si Alfred, bigla niya na lang akong niyakap. And of course, may narinig akong naghiyawan.

"Salamat Bael, Maasahan talaga kita as my girlfriend." Nagpumiglas agad ako at sasampalin ko na sana siya, nang hinigh five ba naman niya ako.

After that, kinausap niya na ang kanyang friends. Naiwan akong nagngingitngit sa inis.

Now, I'm full of his yucky sweat. Arrgh!!!

Lumapit sa akin si Ryn Do na tatawa tawa.

"Hala siya, iiyak ka na?" Sinong hindi maiiyak kung intensyunal kang nabasa ng pawis.

Naglakad takbo na ako papunta sa CR.

Naghugas ako ng mga kamay hanggang sa mga arms ko. Buti na lang talaga at hindi mabaho si Alfred. Nakakapagtaka nga eh.

Pawisan na siya at lahat, mabango pa rin.

Amoy sabong panlaba yung pawis niya.

Uhm! Seriously? Bakit kaya? Sabong panlaba rin siguro ginagamit niyang panligo.

Pati yung leeg ko hinugasan ko. Using my tiny handkerchief. I rubbed it on the wet hands and arms. Tapos yung leeg ko. I wringed the handkerchief on the sink and returned it to my pocket.

Nag-toilet na rin ako para di na ako pupunta mamaya ulit dito sa CR.

Since it was Foundation week, we don't have regular classes and we're free to roam around the campus. It was currently lunch time and so, I went to the cafeteria.

Grabe! Dami tao! Muntik pa ako maging sausage in a can dahil nasiksikan ako ng mga student.

Gosh! Buti na lang may humablot sa akin para matabi sa isang side na wala masyadong tao.

Tumingala ako at nang makita ko ang tumulong sa akin, I almost fainted.

As usual, kahit pa I almost fainted, umepal si Alfred. "Ako na dito, Kard."

Tumango lang si Kard sa amin at umalis na.

"Saan ka galing Quelly?" tanong niya habang hawak pa rin niya ako sa aking balikat.

"I was washing off your sweat at the CR." After I said that, hinatid niya na ako sa table ng kanyang friends and told me to wait for him.

Bibili siya ng lunch namin. Ano ba yun? Hindi man lang ako tinanong kung ano gusto ko!

Tatayo na sana ako para humabol sa kanya sa pila nang, "What's up Quelly Bael?" si Faizer ang nagsalita.

Nilingon ko siya and nodded. Hindi ko na siya sinagot kasi 'di naman kami close.

Narinig ko siya tumawa and nagchismisan na sila ng friends niya.

I can never be used to being in a group.

Yes, Loner ako pero approachable naman.

It's just that, I feel pressured when I talk to others. Unlike my two friends, Ryn and Alfred, I chose them as friends just because I like their energy.

We hang out sometimes here at school.

Other than that, I like being alone. And they understand that. Naiba lang this few months kasi naging kami ni Alfred.

"Beet! You didn't ask me what to eat." Sabi ko kay Alfred nang maabutan ko siya sa pila.

He just smirked and said, "You like chicken strips diba?" Nagtaasan ang aking mga kilay at may idadagdag sana, "For drinks, you like chocolate shake."

And so, I went back to the table and waited again.

His friends tried to talk to me but as usual I nodded at them.

I'm so awkward.