Chereads / Eternal Infatuation / Chapter 4 - Kabanata 3

Chapter 4 - Kabanata 3

Nang makauwi ako sinalubong ako ng mga alaga kong pusa. Sila Kurochii at Aki-chan.

"Hi my babies!" I felt them purr while I petted them. Binuhat ko pa si Aki-chan. Their breed is Ragamuffin. I just love their tiny paws when I see them walk.

Binaba ko na si Aki-chan and entered our house. They are freely roaming kitties pero hanggang sa amin lang. Bawal lumabas sa territory ng bahay namin.

Kaya sila nasa labas kasi posibleng nasa labas si Mama. Sumunod na sa akin papasok ang aking mga cat.

I left my bags sa isang chair sa may dining table na ginawang work area ni Mama.

We have two dining areas. But the second is always at use. The first one is Mama's work area. Madalang namin gamitin ang unang dining area. Tuwing pasko at new year lang.

I lead my cats on our second dining area na nandun na rin yung dirty kitchen. I closed the door after I lead them sa room.

I started removing my school uniform. And before I go only in my sando and pantylette, I felt my phone vibrate.

I fished it out my skirt's pocket and I received a message saying, "Sa Monday Gf na kita."

I smirked and typed a reply, "Oo na, kulit lang."

I placed the phone on my computer desk.

'Hmp! hindi naman pala masama magka-insta bf, lalo na kung pogi naman.'

The next day, I felt energized and so I got inspired to do some yoga.

"Good morning, Quelly!" muntik na akong bumalikwas sa sahig dahil sa gulat.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita.

"Hahaha! Gulat ka no?" sabi ni Ryn Do.

Tinago ko ang aking dibdib dahil alam niyo na, no bra kapagka matutulog. Unless you are comfortable with bra while sleeping. You do you.

Kumaripas ako ng takbo pabalik sa kwarto ko. Hapong-hapo kong nilock ang pinto.

"My good dear JC!" (short for Jesus Christ)

Ok lang sana kung si Ryn Do lang ang nakakita sa akin kasi babae rin yun.

Ang di ok ay nandoon rin si Alfred chicken!!!!

Naku po!