Chapter 3 - Unang Halik

Tumutulo ang pawis ni Bea dahil sa pagtakbo. Huminto muna sila sa 7 eleven para bumili ng maiinom. Seryoso ang tingin ni Jace sa kanya.

"Akala ko ba ay si Anthony ang trip mo? Bakit si Makisig ang nakita ko na naka-akbay sayo?" nagdududa ang tingin nito.

"'Wag mo na akong tanungin. As if, gusto ko siyang maging boypren" sagot niya dito.

Inilapit nito ang mukha sa kanya para tingnan ang mukha niya kung nagsasabi siya ng totoo. Dahil madalas naman na ginagawa iyon ng lalaki sa kanya, hindi siya nailang.

"E, bakit mo pala naging boypren ang isang iyon?" nakahalukipkip na tanong nito.

"'Wag ka na lang magtanong. Ang mahalaga maitago mo ako sa Makisig na mukhang manyak na iyon!" sabi niya sa kaibigan.

"Meron akong solusyon." sabi nito.

"Ano?" nakakunot ang noo na tanong niya dito.

"Jowa-in mo ako." sagot nito.

Kinutusan ito ni Bea.

"Jowa-in mong mukha mo! Dadag-dag ka pa sa problema." inis na sabi niya dito.

"Okay fine! So, anong gusto mo?" tanong nito habang namimili sa mga juices sa fridge ng 24 hours na tindahan.

"Gusto ko ng Mogu-mogu. Ibili mo ako." utos niya dito.

"Heto na po mahal na Prinsesang maganda."

….

Nakauwi na si Bea sa condo kung saan siya nakatira. OFW ang mga magulang niya, ang ate naman niya ay nag-out-of-town kasama ng nobyo nito.

Pero kahit naman nasa siyudad ang ate niya, hindi rin naman iyon doon tumutuloy. Kumbaga, nakipag-live-in na ang ate niya sa nobyo nito ng lihim sa mga magulang nila.

Nagbabasa siya ng komiks o manga sa cellphone. Hindi alam ng iba pero isa siyang Otaku (taong mahilig sa anime, maglaro ng computer games, nagbabasa ng manga at ang magsuot at gayahin ang character na paborito nila, ang mag-cosplay).

Sa mga nabanggit, bibihira lang siyang sumali sa cosplay event. Sa computer games naman, hindi niya gusto ang mga larong pangma-bigat-an. Ayaw niya kasi ng magugulong kalaro. At doon sila nagkasundo ng kapitbahay niyang si Jace.

Maya-maya nga ay nakarinig siya ng katok. Iniisip niya na baka si Jace iyon kaya niya ito binuksan. Nanlaki ang mata niya ng makita si Makisig. Nakangisi ito.

"Y-y-you! Bakit mo ko natunton dito?" tanong niya sa lalaki.

"Bawal ko bang dalawin ang girlfriend ko? Isa pa, Alam ko kasing na-miss mo ako agad." sabi nito.

"Sinong girlfriend mo?! Girlfriend mo ang mukha mo!" sabi niya dito.

Hindi siya nito pinansin. "Nagpunta ako dito para sunduin ka"

"I need my girlfriend. Kaya.. Let's go!" sabi nito

"Hindi ako sasama sa 'yo!" sagot niya sa lalaki at inismiran ito.

"Talaga? Ikaw din." tumalikod na ito.

"Sayang.. Kasama ko pa naman si… Anthony."

'Anthony?' nagliwanag bigla ang mukha ni Bea.

Oo nga pala, magkaibigan ang dalawa. Ayon sa nasagap niyang balita.

"ahh. Sige.. d-dahil mapilit ka, sasama ako." sabi niya dito.

Ngumisi naman ng pagka-tamis-tamis si Makisig. "Good girl!"

Hindi alam ni Bea na sini-simulan na siyang pag-tripan nni Makisig. Nagtanong-tanong na siya tungkol sa babae.

Napag-alaman niyang may gusto ang babae sa matalik niyang kaibigan na si Anthony kaya gagamitin niya ang kaibigan para sumama ang babaeng ito sa kanya. Hindi niya alam pero natutuwa siya kau Bea

Hindi niya alam kung ano ang mayroon ito para kulit-kulitin niya. Siguro dahil na-cha-challenge siya sa babae? O siguro dahil cute ito sa paningin niya. O kaya naman dahil halos ipamukha nito na ayaw nito sa kanya pero madalas naman na sumama sa kanya.

Kaya naman may goal siya. Ang mailipat ang pagtingin nito mula sa kaibigan niya na si Anthony patungo sa kanya.

'Tingnan natin, Beauty...'

"Diyan ka lang ha, bawal pumuslit ng gamit!" banta ni Bea kay Makisig.

Gustong sakalin ni Makisig ang babae dahil sa nadinig. 'Ayos 'tong babae na to ah.'

Pumasok sa kwarto niya si Bea at naghanap ng susuotin. Makikita niya si Anthony kaya kailangan niyang magpaganda. Mabuti na lang at may padalang damit sa kanya ang Mommy niya na nurse sa Saudi.

Iyon ang napili niyang suotin. Paglabas niya ng kwarto, nabigla si Makisig nang makita siya.

Nakasuot kasi siya ng puting bestida at naglagay siya ng clip sa buhok niyang lagpas ng balikat. Iba ang awra niya sa oras na iyon kumpara sa Bea kapag naka school uniform siya.

'Okay, sabi ko na nga ba at cute talaga ang babaeng ito.' isip-isip ni Makisig.

Bea "Pwedeng magtanong?"

Napatuwid ng tayo si Makisig.

"Ano ang tawag nila sayo? Nawiwirduhan kasi ako sa Makisig"

Makisig "..."

Kaunting-kaunti na lang masasakal niya na ang babaeng ito. Ano daw? Wirdo ang pangalan niya?

'okey, Wirdo naman talaga' sagot niya sa sarili.

Humalukipkip si Makisig "May problema ka ba sa akin, Miss Beauty?".

"Bea!" pagtatama niya.

"Okay Bea. sige na. Bea, na! Be-ya" sabi ni Makisig.

"Tawag sakin ng mga malapit sa akin ay Maki. sige, dahil girlfriend kita... pinapayagan kita na tawagin mo akong Maki." dagdag nito.

Sinupladahan lang ni Bea ang lalaki.

Nagsimula na silang maglakad palabas ng unit.

Sa elevator habang nag-aantay, kinukuha ni Makisig ang bag ni Bea.

"Akin na ang bag mo." sabi ng lalaki sa kanya.

"Hindi na kailangan, salamat!" sagot niya dito.

Natahimik naman sila nang bumukas ang elevator.

Pagbaba nila ng gusali, tinanong niya si Makisig.

"Saan pala tayo pupunta?" aniya na nakatingin sa lalaki.

Kakaiba ang ngisi nito kaya kinabahan si Bea. "Mag-d-date." simpleng sagot.

"Hindi ako nakikipagbiruan." saka niya inirapan ang lalaki.

"Eh sino ba?"

Iniwas niya ang mukha niya dito. Nagulat si Bea nang dinala siya ng lalaki sa isang motor bike.

Tiningnan niya ito na baagyang nakataas ang kilay. 'Seryoso ba ito?'

Nakaputi kasi siya na bestida tapos mukhang wala pang helmet ang motor nito. Iniisip niya kung nagpunta ba ito doon nang walang helmet na dala.

"D-dito tayo sasakay?"

Humalukipkip ang lalaki. "Hoy Bea, makikisakay ka nalang, magrereklamo ka pa."

Gustong mainis ni Bea. Tinaasan niya ng kilay ang lalaki.

"Uuwi na ako." matigas na sabi niya at nagsimula nang maglakad palayo dito.

Pero bago pa siya makatakas, hinawakan nito ang damit niya para pigilin siya.

Umangat ang palda ni Bea at lumitaw sa mga mata nito ang puwitan niya. Naramdaman na lang ni Bea na lumamig ang binti niya..

"Ehhh!!" pinagpu-pupukpok niya ito ng dala-dala niyang bag.

"Bastos ka! Manyak! Bastos!" sabi niya sa lalaki kada pukpok niya dito.

Agad namang nakabawi ang nabiglang lalaki mula sa mga tama ng bag ni Bea.

Naubusan ng pasensya si Makisig. Pinangunahan ito ng init ng ulo. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya para pigilin at para hindi siya makakilos. Hinawakan nito ang jawline niya at saka siya hinalikan sa labi.