Nanlaki ang mata ni Bea. Hindi siya makakilos dahil sa ginawa ni Maki. Libo-libong boltahe ang dumaloy sa buo niyang katawan at pagkatao.
Hindi siya pumiglas o kumilos, basta napatuwid lang siya ng tayo at nanlaki ang mata dahil sa ginawa ng lalaking ito.
"Hoy, huwag kayong PDA dito!" singhal ng gwardiya sa kanila.
Bigla siyang kumalas sa lalaki at namula ang mukha niya ng sobra-sobra.
"Sori po, Ser. He he . Aalis na po kami." nakangising sabi ni Makisig sa guwardiya ng Condominium.
"Mga kabataan talaga." bulong ng gwardiya na iiling-iling habang papaalis.
Tumingin sa kanya si Makisig.
"Tara na 'wag nang parang tuod diyan!" sabi nito.
Hindi makatingin si Bea kay Makisig.
Hinawakan nito ang kamay niya at dinala siya sa katabing sasakyan ng motor, isang magarang kotse.
Pinagtripan lang pala talaga siya ng lalaki. Kotse talaga ang sasakyan nila papunta sa kung saan man.
Isinakay siya nito sa Passenger's seat. Nakatingin lang si Bea sa paahan niya. Hindi pa kasi siya nakaka-move-on sa 'unang halik' na ibinigay nito.
Nakontento naman si Makisig nang makita na hindi pumalag si Bea at sumusunod lang sa nais niya.
Nakangisi ang lalaki dahil mukhang epektib ang pagbigay niya ng leksyon sa babaeng katabi. Bigla kasi itong tumahimik.
Nakuha niya ang address nito mula sa database ng school. Kaibigan niya si Elmo, Presidente ng student's council ng Mutya University. Pinahanap niya sa kaibigan ang address ni Bea.
Nakatingin lang sa labas ng bintana si Bea habang daan. Namumula pa kasi ang pisngi niya sa ginawa ni Makisig.
Napansin na lang niya na pumasok sa isang subdivision ang sinasakyan.
Dinala siya ni Makisig sa bahay ni Anthony dahil kaarawan ng kaibigan nito ngayon. Sikreto iyon sa buong school dahil gusto ni Anthony ng privacy.
Pagka-park ng sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay, inaya siya ni Makisig na pumasok sa loob.
Hindi naman siya natakot na may gagawin ang lalaki sa kanya dahil napansin niyang maraming tao. May mga namumukhaan siyang estudyante rin sa school.
May kinuhang box si Makisig sa likod ng sasakyan na nakabalot ng magandang papel (gift wrap).
Hindi niya mahanap ang sasabihin o ang itatanong sa lalaki. Lumakad sila papuntang pintuan.
Maingay ang loob ng bahay. May nagk-kwentuhan, nagtatawanan. Pumapailanlang din ang masayang musika sa paligid.
Nabigla si Bea nang lumapit sila kay Anthony. Nakangiti ito nang makita si Makisig.
Nag-apiran ang dalawa. "Regalo ko, Brod. Happy birthday!" ani Makisig sa kaibigan.
"Gustuhin ko man na magbalot ng babae, alam kong pagagalitan ka ng nanay mo." pang-iinis nito kay Anthony.
"U**l" mura nito.
Hindi maiwasan na mapatingin at magtaka si Anthony nang makita siya nito.
"this?"
Napalunok naman siya nang tumingin ito sa kanya. Iyon ang unang pagkakataon na bigyan siya nito ng atensyon.
Nahalata naman ni Makisig na nakatingin si Anthony sa kanya at nagtatanong ang tingin nito kung sino siya.
"Ahh... Girlfriend ko, si Bea" pakilala ni Makisig.
Tumango lang ang lalaki.
"Enjoy ka lang." sabi nito sa kanya.
Nawirduhan si Bea, hindi na kasi siya ganoon ka fan-ey sa lalaki. Para bang nawalan siya bigla ng gana dito bigla.
Inakbayan siya ni Makisig at inilapit nito ang bibig nito sa tenga niya.
Doon siya napatuwid at kinilabutan. Parang may kuryente ang pagdikit ng katawan nito sa kanya..
"Bea, ano? Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa 'yo?" bulong nito.
Iniwas niya agad ang sarili.
"S-saan tayo?" tanong niya dito para mag-iba ang atensyon nito.
Hindi ito nagsalita. Hinawakan lang nito ang kamay niya at inakay siyang lumabas ng bahay.
Nakatingin lang si Bea sa kamay na hinawakan nito.
Dinala siya ng lalaki sa isang malaking bahay.
Hindi niya maiwasan na tanungin ito nang nasa tapat sila ng gate.
"Ahm.. Kaninong bahay ito?" tanong niya kay Makisig.
Humalukipkip ang lalaki. "Malamang sa akin."
Nanlaki ang mata ni Bea. "Sa 'yo?"
"Ay hindi.. Sa 'yo" sarkastikong sabi ni Makisig.
Inirapan lang ito ni Bea bilang sagot sa pang-aasar nito.
May pinindot na lock code si Makisig sa gate na kulay itim.
Nang bumukas iyon, hinila na siya nito papasok. Hindi alam ni Bea, pero nawala ang kaba niya sa presensya ng lalaki. Hindi niya inisip kung may gagawin ito sa kanya na ikapapahamak niya o kung ano pa man.
"Sino ang kasama mong nakatira dito?" tanong niya.
"Ako lang." sagot nito.
Doon kinabahan si Bea, hindi naman siya pumasok sa bahay ng isang rapist, tama?
Tinaasan siya ng kilay ni Makisig.
"Hoy! Alam ko ang iniisip mo. infairness ha, nag-a-upgrade ang iniisip mo sa akin, iniisip mo bang re-reypin kita?" sabi nito sa kanya.
Na-guilty siya dahil iyon talaga ang iniisip niya.
"Hoy ka din! Natatandaan ko pa kung paano mo ko ninakawan ng halik!" galit na sabi niya dito.
'Ayos to ah!'
"Okey! Fine! Dinala lang kita dito dahil ayoko ng matao at maingay na lugar." katwiran nito.
Dinala siya ni Makisig sa isang computer room na napakalaki. Halos sinasakop nito ang buong kwarto
May mga pinindot na code si Makisig at bumukas ang napakalaking screen ng computer sa bungad nila.
"G-game room 'to?" tanong niya kay Makisig.
"Miss Beauty, gusto ko lang malaman mo kung anong sikreto ang mayroon ako. Maaring iniisip mo na estudyante pa lang ako sa Mutya University. Pero gusto kong sabihin sa iyo na hindi." Sabi nito sa kanya.
Pinindot nito ang isang Game console. Nanghingi ng password ang nasa computer. May mga pinindot pa si Makisig sa keyboard. Nagulat si Bea sa sobrang bilis ng kamay nito.
'Astig!'
"Nakita ko sa bahay mo kanina ang poster ng isang laro na binuo ng tatay ko." sabi ng lalaki.
Napatingin siya sa lalaki. 'Poster?'
Nakita ni Bea ang logo sa screen na parehas na logo ng poster niya sa bahay.
May pinasok itong computer files.
"Natatandaan mo ito?" tanong sa kanya ng lalaki.
Nanlaki ang mata ni Bea. Ipinakita kasi sa kanya ni Makisig ang napakadaming laro. Inilipat niya ang paningin sa lalaki mula sa malaking screen.
"Ako ang may ari ng mga laro d'yan, kumikita lang naman ako ng milyon sa isang araw. Ako rin ang top player sa mga larong iyan." mayabang na sabi nito.
"Wow!" walang nasabi ni Bea kundi 'wow'
"'Wag excited, baka tumulo ang laway mo." sabi nito sa kanya. Hindi maiwasan na magtaka ni Bea kay Makisig.
Pinasukan nito ang 'Legend of Troy' na computer game.
"Alam kong alam mo ang laro na ito. Ako ang top player dito." mayabang na sabi nito.
Napataas ng kilay si Bea.
"H'wag mo 'kong lokohin." ang tangi niyang nasabi.
Gusto na talagang sakalin ni Makisig si Bea. Pataas ng pataas ang mga hinala nito sa kanya habang nagtatagal na magkasama sila nito.
Kanina ay rap*st siya, ngayon naman ay manloloko na.
"At kailan kita niloko?" tanong nito sa kanya.
"Kilala ko ang top player ng 'Legend of Troy' na laro. Nakakausap at nakakalaro ko siya nang madalas." Sabi ni Bea sa lalaki.
Humalukipkip ito. "Miss Beauty, mukhang sinusubukan mo ang galing ko." sabi ng lalaki sa kanya.
Humalukipkip din si Bea. "Ang pangalan ng best player diyan ay si.."
"Android Maki1" sabay na sabi nila.