Nakangiti si Yen na bumati kay Sheryl. Sa tingin niya ay halos hindi nagkakalayo ang edad nito at Manang. May pagkakahawig nga ito kung iyong tititigan. Ang mata at ilong nito ay halos magkatulad. Naisip nga niya na baka magkapatid ito subalit nabanggit na sa kanya ni Manang Doray na matalik niya itong kaibigan at personal na katiwala. Naimagine niya ang kabataan nito. Matangos na ilong, bahagyang singkit na mga mata. Maliit at manipis na labi. Elegante kung kumilos katulad din ni Manang Doray na kahit sa kalsada niya natagpuan ay hindi mo maikakaila ang sopistikasyon sa kilos nito.
" Hello po Ma'am Yen." kasabay niyon ay inilahad nito ang palad sa harap ni Yen.
"Yen lang po Nang. " magalang na tugon ni Yen. Hindi niya pa rin maiwasang ma-miss si manang. Sa totoo lang ay halos ayaw niya din itong payagan. Subalit hindi niya ito pag-aari at may sarili din itong buhay. Masaya siya para dito. Na sa wakas ay nagbalik na ito sa pamilya nito. Nakakalungkot man ay pinipili niyang maging masaya para kay Manang na sa wakas ay makakasama na nito ang tunay nitong pamilya na matagal nitong itinago sa lahat.
Masyado nang marami ang nangyari sa buhay ni Yen. Mga pangyayaring hindi niya din sukat akalain. At sa huli ay nagpapasalamat pa rin siya sa may likha dahil sa buhay na meron siya ngayon. Sinubok man siya ng panahon ay malaking bagay pa rin sa kanya na nakasalba siya sa unos ng tadhana. Dumanas man siya ng hirap ay narito pa rin siya, buhay at humihinga. Bagamat nasa wheelchair siya ngayon ay hindi naman iyon hadlang para magpatuloy. Salamat sa kanyang matalik na kaibigan. Si Gerald.
Matapos ng maikling kwentuhan nina Yen at Nang Sheryl ay hinatid na ito ni Jason sa kwarto nito. Para maiayos nito ang kanyang mga gamit at makapagpahinga na rin. Alam niya na malayo ang pinanggalingan nito at napagod ito sa byahe. Si Jason naman ay sinamahan si Jess sa kwarto nito. Magdadapit hapon na at si Rico at ang asawa nito ang abala sa kusina para maghanda ng kanilang hapunan. Naiwan sila ni Gerald sa likod bahay habang si Yen ay nakatanaw sa malawak na pool, si Gerald naman ay nakaupo at nakatulis ang nguso.
" Anu yan? " tukoy ni Yen sa itsura ng mukha ni Gerald.
" Masaya ako. " nakangiti nitong sabi.
" Mas masaya bang nakanguso?! baklang to echosero! "
Natahimik si Gerald at nasundan ng malalim na buntong hininga. Desidido na siya na magtapat kay Yen. Alam niya na hindi na siya makakakuha ng gusto niyang katugunan dito dahil alam na alam niya na si Jason lang ang may ari ng puso nito. Ninais niya lang ilagtapat dito ang kanyang damdamin na matagal niyang itinago dahil nais niyang lumaya. At mamuhay sa katotohanan. Nais niyang ipabatid kay Yen anh lahat hindi para sirain ang kanilang samahan kundi para pakawalan ang damdamin niyang nais nang sumabog sa kanyang dibdib.
" May ipagtatapat ako." panimula niya.
Taas ang kilay ni Yen sa paandar ni Gerald bigla siyang kinabahan sa sasabihin nito. I
Maraming beses na niyang napapansin ang kakaibang tingin nito kapag kasama niya si Jason. Yung pakiramdam niya na nagsiselos ito pag nakikita nitong magkasama sila. Yung mga pagsuyod nito ng tingin kay Jason kapag hindi ito nakaharap sa kanya. Ang pagtutol nito na makipagbalikan siya kay Jason noong mga panahon na nagtago siya sa bahay nito. Nakagat ni Yen ang pang ibabang labi. May gusto kaya ito kay Jason?? Napangiti siya. Normal lang na hangaan nito si Jason dahil talaga namang gwapo ito at matipuno. Lalaking lalaki ang awra nito. Kahit ngayon na artificial na ang paa nito ay hindi pa rin maikakaila ang karisma nito. Kaya di niya din masisi si Sandra na labis na nahumaling dito. Noon pa man ay palaging may babaeng nagkakainteres kay Jason. Ilang lamang sina Trixie at Angeline at Sandra sa mga iyon. Kung warfreak at selosa nga lang si Yen ay siguradong madalas siyang mapapa away dahil dito. Pero dahil palagay siya na sa wakas ay nahanap na ni Jason ang lugar niya sa puso nito, ay napawi na ang lahat ng pangamba niyang maagaw pa ito sa kanya. Sapat nang rason na piliin niya ito dahil nagawa nitong maghintay at maniwala na babalik siya. Kahit wala na itong nakikitang pag-asa. Kahit ang lahat ay sumuko na na muli pa siyang magbabalik at muli nilang makikita. Saksi si Manang Doray sa lahat ng pinagdaanan nila. At si manang din amg nagsiwalat ng lahat ng pangyayari habang siya ay wala.
" Ayoko na masira ang samahan natin. Ayoko na magbago ang tingin mo sa akin. Hindi ko din balak na panghimasukan ang damdamin mo at hindi din ako umaasa na mahalin mo rin ako pabalik." sabi ni Gerald na derechong nagsalita. Walang landi. Walang bahid ng kabaklaan.
Napanganga si Yen sa tinuran ng kaharap. Ikinurap niya ang kanyang mga mata. Kumurap siya ulit. Pero hindi pa rin nagbago ang reaksiyon ni Gerald. Tama ba ang kanyang narinig?? Nakatitig lang siya dito. Nanatili lang siyang tahimik habang ang kanyang mga mata ay nagtatanong.
" Oo. Mahal kita Yen. "
Kumunot ang noo ni Yen.
" Mula pa noong una tayong magkita. Gustong gusto na kita. Ikaw ang pangarap kong makasama habang buhay. Ikaw ang araw araw kong iniisip. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa buhay. Pero naduwag ako Yen."
Muling napanganga si Yen. Hindi niya maintindihan si Gerald. Wala pa rin soyang masabi. Hinintay niya lamang itong muling magsalita.
" Hindi ako bakla."
Napamulagat si Yen sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa naririnig.
" Torpe ako at duwag akong magtapat. Matagal kong itinago ang bagay na ito. Pinanindigan ko na bakla ako sa paningin mo dahil yon lang paraan para mapalapit ako sayo. Alam kong katangahan pero talagang hindi ko masabi na gusto kita ee. Hanggang sa makagraduate tayo at naghiwalay."
Nanatiling nakatikom ang bibig ni Yen. Nabigla ba siya? Hindi. Hindi niya matukoy ang nararamdaman niya. O dahil hindi niya lang din alam kung ano ang isasagot niya.
" Alam kong useless na din na malaman mo. Pero para sa ikatatahimik ng loob ko ay pinili kong sabihin ito saiyo. Nais kong maging totoo. Makilala mo ako bilang ako Yen. Sorry. Sinungaling ako. Niloko kita sa parteng iyon pero sana mapatawad mo ako. "
" Bakit?? " tanong ni Yen.
" Bakit mo ito sinasabi sa akin ngayon? Anong gusto mong maging sagot ko? " dugtong niya pa.
" Para sa akin. Para lumaya ako sa kasinungalingan. Para makita mo ako bilang ako. Hindi ako umaasa na mahalin mo pabalik. Alam ko na mahal mo si Jason at wala akong balak na sirain ang inyong relasyon. Ayoko lang na tumanda tayo na hindi mo alam ang totoo kong pagkatao."
Walang makapang emosyon si Yen sa kanyang dibdib. Wala din siyang maramdamang galit o anuman. Nauunawaan niya ba si Gerald o sadyang wala lang siyang pakealam sa pagkatao nito? Dekada na niyang pinaniwalaan na bakla ito. Naniwala siya at tinanggap iyon. Hindi niya ito hinusgahan at minahal bilang matalik na kaibigan. Pinaka unang taong pinagkakatiwalaan. Dapat ba siya magalit? Pero wala. Hindi siya galit at hindi din nagbago ang tingin niya dito.
" Ok. Nadali mo ko doon. Napapaniwala mo ako. Pero bakit kailangan mong umabot sa ganoon? "
" Dahil naduduwag akong magtapat Yen." sagot ni Gerald.
" Ok. Ngayon nasabi mo na. Ok ka na ba? "
Nakatitig lamang ito kay Yen. Tila inaaral ang kanyang reaksiyon.
" Hindi ako galit. Sa dami ng sakripisyo mo para sa akin wala akong karapatan magalit. Tanggap ko kahit ano ka pa. Pero patawarin mo ako dahil hindi ko kayang ibalik at suklian ang pagmamahal na tinago mo ng isang dekada. Alam ko na nauunawaan mo. Di ba? Salamat pa rin. Dahil nanatili ka hanggang ngayon. At sana manatili ka pa rin sa kabila ng rebelasyon mi ngayon. " Nakangiting sagot ni Yen dito.
Marahang tumango si Gerald. Napangiti siya at nakadama ng ginhawa nang masabi niya ang lahat. Alam niyang huli na. Pero nais na din niyang pakawalan ang kanyang sarili. Nais na din niyang mag move on at hanapin ang kanyang kapalaran. Marahil ay sadyang hindi si Yen ang babaeng nakatakda niyang makatuluyan.
Nong gabing iyon ay lumisan siya sa bahay ni Yen na magaan ang loob. Mas lalo niyang hinangaan ang babae. Dahil sa kabila ng kanyang mga sinabi, ni katiting na pagbabago sa pakikitingo nito sa kanya ay wala siyang naramdaman dito. Hindi na ito natinag dahil alam niya, walang duda na tanging si Jason lang ang may ari ng puso nito. May kurot nanaman siyang naramdaman sa kanyang dibdib. Sanay na siya doon. Alam na niya kung paano iyon dalahin. Maraming beses na niya naranasan ang kirot na iyon. Una noong naging boyfriend ni Yen si Jeff. Sumunod ay nong nalaman niya na may anak na si Yen noong muli silang nagkita. At noong nagpasya si Yen na lumisan sa kanyang tirahan at balikan si Jason. Noong nakita niya si Yen na kalunos-lunos ang kalagayan nang pinasabog sasakyan nito. At nang muli niya itong makita na masayang kasama si Jason matapos nitong magising mula sa coma. Paulit ulit na parang pinipiga ang puso niya pero dahil duwag siya, marapat lang na masaktan siya. Kung sana ay nagtapat siya ng maaga. Kung sana ay hindi siya naduwag noon, baka nadanas niya din na mahalin ni Yen. Kahit hindi pang habang buhay kahit saglit lang. Kahit hindi sila magkatuluyan. Kaso huli na. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob. Wala na. Masaya na si Yen kay Jason. May pamilya na ito. At wala siyang balak na sirain iyon.