Makirot ang katawan ni Jason nang siya ay magmulat. At sa pagbukas ng kanyang mata ay nakita niya ang kulay puting paligid. May benda ang halos buo niyang katawan. At sa tuwinang tatangkain niyang gumalaw ay nakadarama siya ng kirot.
Pilit niyang inalala ang mga pangyayari.
Pumayag na si Yen na makasal sila.
Handa na silang harapin ng magkasama ang hamon ng buhay.
Nagsisimula na silang mangarap para sa hinaharap. At sa kinabukasan ni Jesrael.
Kalagitnaan ng kanilang biyahe mula sa airport. Doon sa lugar kung saan liblib at walang katao-tao. Bihira ang mga nakakasalubong na sasakyan at direcho lamang ang daan. Nag request si Yen na siya ang magmaneho dahil namiss daw nito mag drive. Magandang maganda ang mga ngiti nito. Kaya naman agad niya itong pinagbigyan. Talaga naman na naghahalinhan sila sa pagmamaneho kapag bumibyahe sila ng malayo. Kaya walang pagtutol na nagpalit sila ng pwesto.
Ilang minuto pagkatapos umupo ni Yen sa drivers seat ay biglang nakarining sila ng malakas ng pagsabog. Naaalala niya pa ang duguang si Yen na tila napuruhan sa pagputok. Kung anu at saan galing iyon ay hindi niya na alam dahil hanggang doon lamang ang kanyang naaalala. Pagkatapos ng malakas na pagsabog ay nilingon niya si Yen bago pa siya mawalan ng ulirat. Duguan ito. At tila wala nang malay. Iyon lamang ang kanyang nakita at hindi na niya nagawang magsalita pa dahil tuluyan na siyang nilamon ng dilim.
Luminga linga si Jason.
Walang tao maliban sa kanya.
Muli niyang ipinikit ang kanyang mata.
Pagkatapos ay sinubukan niyang gumalaw ngunit hindi niya magawang igalaw ang kanyang katawan.
Konting galaw ay grabe ang kirot na kanyang nararamdaman. Halos maihi-ihi siya tuwinang sisigid ito. Tila ba sugatan ang buo niyang katawan.
Iniisip niya si Yen.
Kailangan niyang makita si Yen.
Bakit walang tao?
Bakit walang nurse???
Nanlulumo si Jason dahil wala siyang magawa. Ni igalaw ang kanyang kamay ay hindi niya magawa.
" Yeeeeeennn!!! "
Napasigaw siya kasabay ng halo-halong emosyon na naglalaro sa kanyang isipan.
Nag-aalala...
Nagagalit...
Nalulungkot..
Natatakot...
Nanghihina...
Lumuluha....
Wala siyang magawa.
Iniisip niya kung papano at ano ang nangyari.
Iniisip kung ok lang ba si Yen at papano si Jesrael kung mawawala ito.
Sari sari na ang kanyang naiisip.
Maraming isipin ang bumabagabag sa kanyang isipan.
Marami ding tanong, na hindi niya masagot. At paulit ulit na BAKIT??
Bakit nila kailangang danasin ito?
Naisip niya na maaring hindi na siya makalakad.
Natatakot siya.
Papano pag nagkaganon?
Papano niya bubuhayin si Yen?
Papano ang mga pangarap nila?
Ang kanilang anak.
Naidalangin na lamang ni Jason na sana ay ok si Yen. Sana ay buhay ito. Kung kailan masaya na sila. Kung kailan maayos na ang kanilang relasyon. Kung kailan nagsisimula na silang mangarap nang magkasama...saka magkakaroon ng ganito.
" Sir! gising na po pala kayo."
Naputol ang pagmumuni ni Jason nang maulinigan ang kakapasok lang na nurse.
" Nasaan ang asawa ko? nasaan si Yen? "
" Sir wala naman po kayong kasama. Dinala po kayo dito ng isang magbubukid. Kayo lamang po mag-isa ."
Napanganga si Jason sa narinig. Papanong siya mag isa? Dalawa sila ni Yen. Kasama niya si Yen!! Nasaan si Yen?
" Nasaan ang asawa ko??!!"
" Nasaan yong nagdala sa akin dito??!
" Nasaan si Yeeeeennn!!!??"
Sunod sunod ang tanong ni Jason.
" Sir nakauwi na po si manong. Pero sabi po niya ay babalik siyang muli."
Halos magdugtong na ang kilay ni Jason sa sobrang inis sa kausap. Papanong mawawala si Yen eh dalawa silang nakasakay sa kotse nito? Papanong mawawala si Yen? Wala bang nakakita na may kasama siya? Hindi ba nakita nong nag-resque sa kanya si Yen?
" Sir. Kumalma lang po muna kayo. Wala po kase kameng nakuhang details tungkol sa inyong identity. Meron po ba kayong kaanak na nasa City para po makontak namen?"
Sunod sunod ang pag iling ni Jason. Hindi niya alam kung papano siya sasagot. Inaalala niya si Yen at si Berto siguradong mag aalala ito nang husto. Subalit sa kanyang kalagayan ay talagang kailangan niya ng tulong. Kaya naman pinakontak na lamang niya ang kanyang kapatid. Si Joseph.
Matapos ang tanong na iyon ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Panghihina. At unti-unting nawalan ng lakas. Hanggang sa muli nanaman siyang nilamon ng dilim at nawalan ng ulirat.
Iba ang kaba ni Criselda.
Tila ba siya nininerbyos.
Ilang araw na siyang balisa hanggang malaman niya na si Yen ay nasa daan na patungo sa kanila.
Ilang araw na niyang hinihintay ito.
Pero wala pa rin siyang balita.
Iniisip na lamang niya na kasama nito si Jason at sinusulit pa ang panahon nilang dalawa dahil kelan lang ito nagka-ayos.
Nalaman ni Criselda na sinundan ni Jason si Yen sa Amerika. Napangit siya. Akala niya ay sasapitin din ni Yen ang kanyang dinanas mabuti ba lamang at marunong si Jason. Hindi katulad ni Rico noon na duwag at walang disposisyon.
Napukaw ang pagmumuni ni Criselda nang marinig ang iyak ni Jasrael. Kalong kalong ito ni ni Manang Doray at nilapitan niya ito.
" nang ako na muna." kinuha ni Criselda si Jesrael sa yaya nito.
" bakit ba kahapon pa aburido ang apo ko? " tanong ni Criselda sa bata na tila ba maiintindihan nito ang kanyang sinabi.
Sinalat ni Criselda ang noo nito pero wala naman itong lagnat. Panay lang talaga ang iyak nito maya't maya na tila ba may dinaramdam. Magdadalawang taon palang si Jes kaya hindi pa ito makapag salita. Nakakabigkas ng mama pero yong ibang dinadaldal ay hindi mo din maiintindihan.
Hinele hele ito ni Criselda saka naman bumalik si Manang na may dalang pagkain para dito. Saka lamang ito tumigil at napatawa si Criselda nang mapagtanto niyang nagugutom lamang ito.
" may balita ka na ba kay Yen Nang? "
Pagkuway tanong ni Criselda kay Manang.
" wala. Ang huling text sa akin ni Yen ay sa Legazpi daw sila lalapag. Tapos ay didirecho na dito para kame sunduin."
" wala pa bang tawag? "
Umiling si Manang habang nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain sa alaga.
" tatawagan ko na nga." ani Criselda na agad tumalikod para kunin ang cellphone na nakasabit sa may bintana.
Nakasabit ang mga cellphone doon dahil mahina ang signal sa lugar na iyon at pili lamang ang lugar na meron.
Nang maabot ni Criselda ang cellphone ay agad siyang nagdial ng numero ng kanyang anak.
" the number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try your call later."
Paulit-ulit ang pagsubok niyang kumontak pero talagang hindi ito nakokontak.
Naisip niyang idial ang cellphone ni Jason.
Ring....
Ring....
Nang marinig niyang nag riring ito ay nabuhayan siya ng loob. Subalit ilang beses na siyang nagda-dial pero wala namang sumasagot.
Nangunot na ang kanyang noo.
Bumuntong hininga si Criselda at nagpasya na lamang ipagpatuloy ang kanyang ginagawa. Hindi lang niya mapigil na mag alala dahil apat na oras lamang ang byahe galing sa Legazpi papunta sa kanila. Kung susumahin ay hindi iyon kakain ng apat na oras kung may sarili silang sasakyan. Isa pa kahit mamasyal pa sila bago sila makarating ay hindi naman aabot ng apat na araw.
Apat na araw nang wala silang balita sa mga magulang ni Jes.
Ni text ay wala silang natanggap dito.
Alam nila na paparating ito kaya inasahan na nilang dadating ito.
Isa pa, si Yen ay hindi mamasyal at magsasayang ng oras lalo pa't si Jes ang ipinunta nito sa kanila.
-----------------------------------------------------
Sorry po sa mabagal na update.
Hindi ko na halos magawang magsulat sa dami ng gawain. 😁
Salamat po sa pag unawa.
Salamat din po sa pag aabang.
Vote for the novel please thanks.
Love,
nicolycah