"Ang sabi ng mga kinauukulan, mag isa lamang si Jason sa sasakyan." Sabi ni Rico habang patuloy ang paghimas sa kanyang baba.
Madalas itong ganon kapag nag iisip.
Napa byahe si Rico pabalik ng Pilipinas pagkatapos niyang malaman ang sinapit ng anak. Kelan lang ay masaya sila. Sino ang mag aakala na mangyayari ito? Sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya man lang ito natunugan. Wala siyang kamalay malay na may nagtatangka na pala sa buhay ng anak.
Sa isang taon nito sa Villaflor ay wala naman siyang nabalitaang sinuman na nakabangga ng anak. Maliban kay Angeline na sigurado siyang wala nang magagawa at hindi na muling magtatangka na banggain pa si Yen. Maliban na lamang kung nakatagpo ito taong may potensiyal para tulungan siya.
Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kung sino ang maaaring gumawa nito. Kaya naman kinausap niya sina Berto at Criselda at ang mga magulang ni Jason.
" Kasama niya si Yen. Magkasama sila. Sigurado ako dahil tumawag sila bago nangyari iyon." sagot ni Berto na hindi maipinta ang mukha.
" Hindi sumabog ang sasakyan pero ang tama ay nasa drivers seat. Palagay ko ay si Jason ang target." Muli ay sabi ni Rico na bumaling kay Miguel.
" Simpleng tao ang anak ko. Wala akong natatandaang nakabangga niya maliban kay Angeline. Limitado ang taong nakakasalamuha ni Jason sa kompanya ko." sagot ni Miguel na wala ding ediya kung bakit si Jason ang gagawing target.
" Kung meron mang mainit sa mata maaring si Yen. Dahil mabagsik si Yen at walang takot. Marami ang naiinggit sa kanya kaya maaring siya talaga ang target ng mga ito." ani Rowena na nanay ni Jason.
Natahimik ang lahat.
Sa mahigit isang taon na pagiging CEO ni Yen ay hindi maikakaila na marami ang namamangha at naiinggit sa kanya. May mga iba na naiinis dahil sa pagiging prangka nito at istrikta. Subalit kung si Yen nga ang target nila, nasaan ang katawan nito? Wala man lang bakas na naiwan, kung namatay ito at nasunog, sana ay naroon ang kanyang katawan. Meron sana kahit konting bakas. Subalit wala. Tanging si Jason lamang ang naroon at natagpuan ng mga tagabukid. Na halos ikabaliw ni Jason.
Araw araw tuwinang magigising ito ay hinahanap nito si Yen. Kaawa-awa ang lagay nito bukod sa hindi siya makagalaw ay wala siyang makuhang positibong sagot. Sinisikap ng mga kinauukulan na hanapin kahit man lang ang konting bakas ni Yen subalit parang bula itong naglaho. Kung buhay pa ito, wala ni isa sa kanila ang nakaka alam.
Si Manang Doray at Jesrael ay nanatili na lamang sa poder nina Berto. Habang hindi pa malinaw kung nasaan si Yen ay minabuti na lamang ni Manang na manatili doon. Bukod sa panatag ang loob niya sa bahay nina Yen ay mas mainam na mapalapit din sa kanilang lolo si Jesrael. Hindi alam ni Manang na si Rico ang totoong ama ni Yen.
Kumikilos na maging ang mga tao ni Rico para mag imbestiga. Kinalkal nila ang mga lugar kung saan huling pumunta si Yen kaya naman maging si Gerald ay natanong.
" kinuha ko si Yen, tumira siya pansamantala sa bahay ko. Kasama ang aking pamangkin. Doon niya ginugol ang kanyang oras noong magkalayo sila ni Jason. Pagkatapos non ay umalis sila. Ang sabi niya sa akin ay magtutungo sila sa Amerika."
Tahimik na nakinig si Rico kay Gerald.
Kilala niya ito.
Alam niya na matalik itong kaibigan ni Yen.
Kaya hindi nakapagtatakang ito ang tinakbuhan ng kanyang anak.
Alam niya din ang lihim nito sa kanyang pagkatao.
Alam niya na sa kabila ng matipuno nitong ayos ay binabae ito.
" Si Gab! " bulalas ni Gerald.
Kumunot ang noo ni Rico. Napatitig siya kay Gerald.
" Si Gabriel Marasigan." ani Gerald
" Hayagan niyang nililigawan si Yen kahit alam niya nang may asawa at anak ito. Pero palagi naman itong binabara ni Yen."
" pero to the point na pagtatangkaan niya ang buhay ni Jason??? posible kaya? " muling sabi ni Gerald na hindi kumbinsido sa naisip.
Alam niyang babaero si Gabriel, pero yung magagawa nitong pumatay dahil lang sa babae? Maliban na lamang kung sobrang inlab ito.
Napamulagat si Gerald sa naisip. Hindi nga kaya lakas tama si Gabriel kay Yen?? ohhhhh no!!
Pero hindi pa rin...wala pa rin sa pagkatao ni Gabriel na magtangkang kumitil ng buhay ng iba. Hindi nga kaya? 7¹11
" Si Gabriel na anak Julius? "
Si Juluis Marasigan ang matalik na kaibigan ni Rico. Matunog din ang pangalan nito at matagumpay din ang kanyang negosyo. May ari ito ng Vapor Commercial na naka focus naman sa vape manufacturing. At si Gabriel ang nag iisang taga-pagmana nito.
Kung tutuusin ay mas lamang ito kay Jason sa lahat ng bagay. Sa murang edad ah bihasa na ito at naaasahan na dahil sa angkin nitong abilidad. May kayabangan nga lang ito at babaero pero talagang malakas ang personalidad nito kumpara kay Jason.
Ngunit para kay Rico, ayos lang naman si Jason dahil kahit na medyo may kahinaan ito ay sigurado siyang mabuti itong tao. At alam niya na mahal nito si Yen.
" Sir, nasa labas po si Sir Gabriel."
Nagkatinginan sina Gerald at Rico sa narinig. At dahil doon ay minabuti na ni Gerald na magpaalam. Ang sabi nito ay tatawag at bibisitang muli kapag nakasagap siya ng balita. Tumango lamang si Rico bilang pagtugon at lumabas naman si Gerald ng kanyang opisina.
Si Rico ay nakaupo sa office ni Yen.
Pansamantala siyang titigil doon. At tatayong muli sa pwesto ng anak. Dahil hindi din pwede umupo si Jason. Bukod sa hindi pa naman sila kasal ni Yen ay nakaratay pa ito miserable ang lagay. Hindi nito kakayaning mamuno sa kompanya dahil sa sobrang depresyon. Kung sakali man na kailanganin niyang umalis, walang ibang pwedeng umupo kundi si Miguel.
Si Miguel.
Nahintakutan si Rico sa naisip. Naputol ang kanyang pagbubulay bulay nang makita si Gabriel na sumungaw sa pinto.
" Good morning Tito Rico." bati ng baritonong boses pagkasungaw nito sa pinto.
Pumasok ito at naupo sa upuan na nasa harap ni Rico.
" I'm sorry tito, pero nabalitaan ko ang nangyari sa anak niyo. Meron na po ba kayong balita kung nasaan ang bangkay ni Yen? "
" what do you want?! " patanong na bulalas ni Rico na ikinagulat ni Gabriel.
" ah.....eh....makikibalita lang ho sana ako tito."
Nanatiling nakatitig lamang si Rico sa kanyang harapan. Mataman siyang nakikinig sa binata.
" ikinalulungkot ko po ang nangyari. Pero sa tingin ko ho base sa sira ng sasakyan nila, kahit hindi ito sumabog nang tuluyan, ay talagang target yung driver's seat. Milagro nalang ho kung mabubuhay pa ang nakapwesto roon." muling wika ni Gabriel.
" anu ba ang pakay mo iho?! kung makikibalita ka lamang ay halata naman na alam mo na kung ano ang nagyari. Alam mo, sa tingin ko ay hindi mo na kailangan pang mag abala. Gumagawa na kame ng aksiyon para mag embistiga at mahanap si Yen" hindi maiwaksi ni Rico ang pagkairita sa kaharap.
Hindi niya maunawaan kung bakit bigla na lamang itong susulpot. Sa totoo lang kahit na matalik na kaibigan niya ang ama nito ay hindi naman siya malapit dito. Nakakausap lamang niya ito pag ang usapan ay patungkol sa negosyo.
" maari po akong tumulong." wika ni Gabriel
" ikaw ang bahala. Salamat. Pero paumanhin iho, pero kung wala ka nang ibang sasabihin ay maari mo na akong iwan. Kailangan kong mapag-isa. "
Walang nagawa si Gabriel kundi tumayo at magpaalam.
Damang dama ni Rico ang pagkairita sa presensiya ni Gabriel. Sa pagkaka alam niya ay wala naman itong ugnayan kay Yen. Nais tuloy niyang maniwala na may kinalaman ito sa nangyari.
Nagdial si Rico sa kanyang telepono.
" hello" anito nang sumagot ang nasa kabilang linya.
" gusto kong magtalaga ka ng tao para manmanan si Gabriel. Maaring may kinalaman siya sa nangyari."
Pagkatapos ay pinutol ang kanilang pag uusap.