Chereads / I am a Rebound / Chapter 97 - Second Chance

Chapter 97 - Second Chance

" Ayokong nasasaktan si Yen. Pero kahit anong ingat ko hindi iyon maiiwasan. Parte ng buhay ang kabiguan. Kung hindi ko siya hahayaan hindi siya uunlad. Dahil alam kong dahil sa sakit ay doon siya tatapang. Sa bawat pagkadapa niya ay babangon siya at may bago siyang matututuhan. At alam kong dala dala niya pa rin ang mga aral na iyon."

Muling wika ni Berto habang nakatanaw ito sa malayo.

" Sinasabi ko saiyo ang lahat ng bagay na ito para malaman mo. Na grabe na ang sakit na dinaanan ng anak ko. Grabe na ang hirap niya. Kaya sana ay itrato mo siya nang tama. Ibigay mo ang pagmamahal na nararapat sa kanya. Kung hindi mo ito kaya, mas mabuti nang hayaan mo nalang siya. Dahil batid ko na pagkalipas ng lahat ng unos sa buhay niya ay muli siyang mamumuhay na masaya. Hindi ako nagagalit sayo, hindi kita hinuhusgahan pero sana ay maging matalino ka sa bawat desisyong gagawin mo sa buhay. Matuto kang isa-alang alang ang iyong pamilya bago ka gumawa ng anumang hakbang. Dahil kahit malaya tayong magkamali, ang bawat pagkakamali ay may katapat na parusa Jason." mahabang sabi ni Berto.

Napayuko si Jason sa mga tinuran ni Berto. Ang bawat sinasabi nito ay tila punyal na tinatarak sa kanyang dibdib. Totoo...hindi niya naibigay ang pagmamahal na deserve ni Yen. Hindi niya natugunan ang pagmamahal na ibinigay nito sa kanya. Nabalewala niya ito. At pinagsisisihan niya iyon. Gayunpaman sa kabila ng kanyang kahinaan ay nais niya pa rin ipaglaban ang pagmamahal niya kay Yen. Nararamdaman man niyang hindi siya deserving para mahalin nito. Ay naghahangad pa rin siya na mapatawad nito at muli itong makasama. Si Yen at Jesrael...sila.. bilang isang pamilya.

Kahit na may pagkakataon na pinanghihinaan siya ng loob ay pinili niya pa rin na lumaban. Wala pa naman siyang nagagawa at maaga pa para sumuko. Sa pagkawa ni Yen sa kanyang tabi, sigurado na siya...siguradong sigurado na siya sa sarili niya na mahal niya ito. At kulang siya pag wala ang kanyang mag-ina.

Second chance.

Yun lang ang kailangan niya kay Yen para mapatunayan dito na mahal niya ang kanyang pamilya..

Naputol muli ang pagmumuni ni Jason nang muling magsalita si Berto.

" iniisip ko na maaring makatagpo si Yen ng taong sasalo sa kanya. Tatanggap sa kanya...Katulad ko sa kanyang inay. Pero hindi ako sigurado kung magiging gayon din ang pagtanggap nito sa aking apo. Magkakaiba ang tao. Walang sinuman ang nilalang na magkapareho. Kahit nga ang kambal ay may pagkakaiba. Hindi ako sigurado kung sakali man, na magiging maayos siya at mamahalin ang aking apo katulad ng pagmamahal na binigay ko kay Yen-yen noon hanggang ngayon." sabi ni Berto.

" magdesisyon ka. Suriin mo ang sarili mo. Siguraduhin mo kung ano ang gusto mo. Dahil habang ganyan ka, ay hindi lang sarili mo ang paulit-ulit na masasaktan. Makakasakit ka ng iba nang hindi mo namamalayan." dugtong pa nito.

Alam ni Jason sa tono ni Berto na malungkot at nasaktan din si Berto sa dinanas ni Yen. Hindi niya man ito nasaktan ng pisikal ay natorture naman niya ang emosyon nito. Marahil ay galit pa rin sa kanya si Yen. Pero patuloy pa rin siya sa pag asam na sana ay mapatawad pa siya nito. Isa pa, wala naman talaga siyang ginawa.

Hindi naman niya gusto si Angeline. Close lang talaga sila noon. Hindi niya lang din maintindihan kung bakit nito ginawa iyon. Araw araw siyang china-chat nito. Araw araw ding tinatawagan. Nahihiya siyang babaan ito ng telepono kaya kahit nasa trabaho ay kausap niya ito. Maghapon ito kakadaldal at dahil doon ay nalilibang din siya at hindi niya namamalayan ang oras.

Kaya naman pag tawag ni Yen ay nagmamadali na siyang matapos ang gawain niya para makauwi kaagad. Hindi niya alam na dahil doon ay unti-unti na itong naaapektohan.

Inakala niya na maayos ang trato ni Angeline kay Yen. Sa totoo lang ay palaging si Yen ang laman ng kanilang usapan. Halos lahat yata ng kilos ni Yen ay alam ni Angeline. Maliban sa trabaho at estado nito. Paulit-ulit niyang pinupuri si Yen tuwinang magkukwento pero sa bawat puri nito ay laging may " kaya lang" sa dulo.

Magaling magkwento si Angeline. Nagawa pa nitong palabasin na inaaway siya at pinagsiselosan ni Yen. Na ikinagalit niya. Dahil wala naman siyang masamang ginagawa.

Ngayon na lamang niya napagtanto na dahil mismo sa ikinikilos niya kaya ito naging maduda. Lalo pa't habang tumatagal ay palalim nang palalim ang kwentuhan nila ni Angeline. Tungkol sa buhay nito. Tungkol sa asawa at sa pinalit sa kanya. Tungkol sa pagtataguyod ng anak niya nang mag isa. Awang awa siya noon kay Angeline.

Muntik na siyang mapaikot nito. Naramdaman niya nalang na tila may iba itong motibo nang itinuloy niya ang pakikipagkita dito. Marahil ay naisip na ni Yen iyon. Kaya gayon na lamang ang pagtutol ng huli na makipagkita siya kay Angeline. Dahil dito, ipinangako ni Jason sa sarili na hindi na siya maglalalapit sa kahit na sinong babae. Maliban kay Yen.

Nanlulumo si Angeline nang makita ang lahat ng impormasyon nakalap niya tungkol kay Yen. Kung sana ay kinaibigan niya na lamang ito at hindi na tinangkang i-bully at sulutan ng jowa ay sana nakatulong pa ito sa kanya para makahanap siya nang mas magandang trabaho. Hindi niya akalain na ito pala ang may ari ng sikat na Villaflor na pinapangarap niya noon. At ang YMR? Bagong kompanyang nakikilala na ngayon. Balak niya pa naman sana na doon mag apply ng trabaho nang siya ay matanggal sa pinapasukan, subalit tila malabo na ito.

Walang nagawa si Angeline kundi muling bumalik sa probinsiya. Kung papano niya bubuhayin ang kanyang mga anak, bahala na. Ito ang kapalit ng kanyang kapalaluan. Ito ang kapalit ng kanyang pagmamagaling. Inakala niyang simpleng tao lamang si Yen dahil sa paraan ng pamumuhay nito. Maging sa pananamit ay hindi mo aakalaing presidente ito ng isamg kilalang kompanya.

Napabuntong hininga si Angeline.

Looks can be deceiving.

Do not judge the book by its cover.

Nag impake siya at hinanda ang sarili para umuwi sa probinsiya. Subalig naisip niya na maaari naman siyang humingi ng tawad kay Yen. Baka sakaling pag pinatawad siya nito ay maging maayos ang lahat. May bagong planong nabuo sa kanyang isip.

------------------------------------------------------

everything is unedited.

unang kwento ko po ito.

salamat po sa pag aantabay niyo.

hindi na po ako makakuha ng oras para mag edit.

Pero aayusin ko naman po yan 😊

salamat sa pang unawa.

please comment down your thoughts.

umabot na tayo dito.

nakakarami na ako. haha!

penge power stones salamats

Godbless us all

Ingat ingat

love,

Nicolycah

Related Books

Popular novel hashtag