Isang buwan nang nakabakasyon si Yen. Ngunit kahit bakasyon ay walang tigil pa rin ang kanyang trabaho. Tambak pa rin ang papel na nakapatong sa kanyang lamesa na hinahatid ni Llyne sa kanya bago ito umuwi.
Nasa bahay siya ni Gerald.
Naisip niyang puntahan si Rico pero maaring maisip ni Jason agad na si Rico ang una niyang pupuntahan.Kaya mas pinili niyang manatili sa malawak na bahay ni Gerald na hindi niya alam kung bakit nagpatayo ito ng bahay na ganon kalaki. Mag isa lang naman siyang nakatira doon kasama ng dalawang katulong nito. Hindi din naman ito madalas mamalagi doon at wala pa itong balak mag asawa dahil bading nga. Napailing siya sa naisip. Palagay niya ay hindi akma na magkaroon ka ng bahay na ganun kalaki kung ikaw lang naman mag isa ang titira. Bukod sa mahirap linisin ay gastos yon at sayang ang pera. Hindi maaaring hindi kumuha ng tagalinis at taga bantay dahil di naman niya kakayanin maglinis mag isa. Nagkibit balikat si Yen. At muling tinuon ang atensiyon sa mga papeles na nasa harapan.
Hindi kilala ni Jason si Gerald. Wala siyang nabanggit kay Jason tungkol dito kahit noong mag boyfriend palang sila. Kaya sigurado na pag sa poder ni Gerald siya nanatili ay hindi siya nito maaabala. Hindi naman sa sumusuko na siya. Pero malapit na. Gusto niya lang mabigyan si Jason ng pagkakataon suriin ang sarili at limiin kung saan ba siya nalulugar. Gusto niyang maging malinaw sa kanya kung anu siya kay Jason. At kailangan ni Jason mapagtanto iyon nang mabuti. Ang sabi nila ay makikita mo ang halaga ng tao pag wala ito sa iyong tabi. Kaya naman naisip ni Yen na lumayo muna. Para mabigyan si Jason ng pagkakataong mag isip.
Dalawa ang pwedeng patunguhan ng kanyang pag alis. Magkaka ayos sila o tuluyan na silang maghihiwalay. At ang dalawang iyon ay nakasalalay sa choice ni Jason. Wala siyang balak na ipilit ang sarili dito. Kung sakaling marealize nito na hindi siya ang taong pinipili nitong makasama habang buhay ay handa na siya. Wala naman na siyang problema sa hinaharap. Ang pinansiyal na usapin ay kayang kaya na niyang punan. Kahit wala si Jason.
Pero hindi niya isinasara ang pinto para dito. Binibigyan niya ito ng pagkakataon na mamili. Hindi niya balak pahirapan ito. Ang gusto niya lang ay marealize nito kung ano ang kanyang gusto at kanyang priority. Isa pa, mahal niya si Jason at ang nais niya ay maging masaya ito.
Salamat na lamang kay Gerald na all out ang suporta. Nakarescue ito agad sa kanya. Sinabi pa nito na kung sakaling hindi mauntog at matauhan si Jason ay willing siyang maging ama ni Jesrael. Pero open relationship daw sila. Pwede daw siyang mag boyfriend at humanap ng ibang lalaki na magpapasaya sa kanya. At pwede din daw si Gerald na mamuhay nang malaya. Pero handa daw siyang tumayong ama ni Jesrael. Natawa si Yen. Pero totoo. Gusto ni Gerald maging ama ngunit ayaw niyang magkaroon ng koneksiyon sa kahit sinong babae. Nandidiri daw siya at nasusuka. Napailing si Yen nang maalala ang reaksiyon nito.
Matagal na niyang kaibigan si Gerald. Since college ay talagang sanggang dikit sila. Magkatulong sila sa lahat ng bagay. Magkasama sa mga raket at lakad. Anupa't masahol pa sila sa magkapatid. Pero hindi niya naikwento kay Jason ito. Mabuti nalang din.
Naputol ang kumunikasyon nila ni Gerald noong mag umpisa na siyang mag trabaho. Nagkaroon sila ng kanya-kanyang mundo. Pero ito ang taong kahit matagal na hindi sila mag usap ay memoryado ang takbo ng kanyang utak. Sa labis na depresyon niya nong pinalayas siya ni Jason sa bahay nito ay nagsend lang siya ng "hi.." dito sa pamamagitang ng messenger, na hindi nito sinagot at nagulat na lang siya nang kumatok ito sa kanyang pintuan. Normal na gawain ni Gerald iyon. Surprise visit. Pero hindi akalain na kahit ilang taon na ang lumipas ay ganun pa rin ito.
Natawa si Yen. Noong college pa sila, ay number one hater ito ni Jeff na ex niya. Sabi niya ay bakla daw iyon at sigurado siya. Kaya nagkaroon si Yen ng pag aalinlangan sa gender nito. Tuwinang magmumukmok siya at nagtext siya kay Gerald ay agad itong sumusugod para daw may kukwentuhan siya. Hindi talaga ito mahilig mag chat mag text... tumatawag oo. Pero madalas kapag kinukontak niya ito ay talagang bigla itong sumusulpot.
Kasalukuyang nasa business trip si Gerald. Tatlong araw lamang silang sinamahan nito sa bahay na iyon at iniwan sila dahil sa sariling lakad nito. Gayunpaman ay hindi naman sila pinababayaan ng mga katiwala nito. Naroon din si Manang Doray na hindi humihiwalay kay Jesrael. Si Jesrael na nag aaral nang maglakad. Nasa bakuran ito ng bahay ni Gerald kung saan ay nalalatagan ng maberdeng bermuda grass. Akmang akma iyon kay Jesrael na nagsisimula nang mag aral maglakad. Inaalalayan ito ni Manang Doray doon sa damuhan. Kitang kita niya ang tuwa sa mukha ni Manang habang sinusubukan na humakbang ni Jesrael at sa tuwinang matutumba ito ay tatawa si Manang ng malakas at mapapasigaw. Napangiti si Yen. Kitang kita niya ang pagmamahal ng kanyang kaibigan sa kanyang anak. Talagang ibinigay na ni Manang Doray ang buhay nito sa kanila. At ipinagpapasalamat iyon ni Yen.
Mabuti nalang din at may kaibigan siyang katulad ni Gerald. Napaka swerte niya sa lahat ng bagay. Maliban siguro sa taong napili niyang mahalin.
" Yes ma'am how may I help you? " magalang na salubong ni Llyne kay Angeline.
Alam ni Llyne na si Angeline iyon. At talagang napapabilib siya sa tapang nitong tumapak pa sa teretoryo ni Yen.
" Ammm.... Can I talk to Miss Yen? " direchong sagot nito kay Llyne.
Umusbong naman ang pagkainis ni Llyne dito. Lakas ng loob. Hindi man lang nahiya sa kanyang ginawang panunulot na hindi natuloy. Naisip ni Llyne na maaaring may bago nanaman itong plano.
" I'm sorry ma'am. But the C.E.O is not around. She's on her business trip now and she never notify us yet when will she come back. "
Pinagdiinan ni Llyne ang salitang C.E.O para kahit papano ay makaramdam ito kahit konting hiya sa katawan.
May konting inggit na naramdaman si Angeline. C.E.O?? Sa murang edad ni Yen? Hindi talaga siya makapaniwala. Pero hindi na niya maitatatwa ang katotohanan. Si Yen ang dahilan kung bakit siya natanggal sa kanyang pinapasukan. Si Yen ang gumawa noon at sigurado na siya. Napangiti siya sa naisip na isang hamak na katulad niya ay kayang kaya i-treathen ang isang C.E.O? kailangan niyang makapasok sa YMR. Pero bago yon, ay hihingi muna siya ng tawad kay Yen at kukuhanin ang loob nito. Dahil mabilis itong mamanipula, alam na niya madali niya lang itong itumba.