Chereads / I am a Rebound / Chapter 93 - History Repeats Itself

Chapter 93 - History Repeats Itself

" pinapatay mo ang pag asa ko friend." nakangusong sabi ni Yen kay Gerald.

" pinapatay ko girl para hindi ka na mabigo. The more na umaasa ka, the more na masasaktan ka. "

Tahimik lang si Yen.

" three days? imagine that??! anong ipinaglalaban niya? Tingnan mo....ganyan ang itsura mo. Namamaktol ka samantalang siya nasaan siya ngayon? Baka kasama niya na yung babaeng yon diba?"

Naalala ni Yen na ngayon ang araw na nakatakda silang magkita. Gusto niya tumakbo papunta kay Jason at pigilan ito. Gusto niya itong tawagan pero para anu pa? Si Jason mismo ang nagpalayas sa kanya. Si Jason mismo ang nagtulak sa kanya palayo. Si Jason ang pumili nito. Muli nanaman sumungaw ang luha sa kanyang mga mata. Hindi nanaman niya mapigil ang sakit sa kanyang dibdib. Bakit kailangan niyang danasin ito? Hindi naman siya masamang tao. Wala naman siyang ginawang masama sa kahit kanino.

Nagkuyom ang kamay ni Rico nang malaman ang nangyari kay Yen. Pinasusubaybayan niya ito. At madalas ay si Manang Doray kanyang tinatawagan. Napag alaman niya na pinalayas ito ni Jason at hindi maganda ang nangyari. Nalaman niyang isang nang ngangalang Angeline de Guzman ang nagtatangkang agawin ang kasiyahan ng anak. Matalino si Yen pero pagdating kay Jason at Jesrael ay nagiging mahina. Naalala niya ang nangyari sa kanila ng ina nito. Hindi na niya gusto pang maulit iyon. Pero totoo nga yata na history repeats itself.

Tinawagan niya si Miguel at pinaalam ang nangyari. Alam niyang dis oras na ng gabi subalit hindi niya gusto na nasasaktan ang anak. Kaya naman ay agad niyang binalaan si Miguel na ayusin ang takbo ng utak ni Jason. May kahinaan ang lalaking iyon. Alam kiya iyon simula palang nang makilala ito ni Yen. Mabilis ito magtiwala at mamanipula. Hindi niya alam kung anong klase ang pagpapalaki dito ni Miguel pero hindi naman niya ito masisisi dahil husto na ang edad ni Jason para mag isip.

Naisip niya lang, hindi kaya hindi naman nito totoong mahal si Yen? Posible kayang dahil lamang kay Jesrael kaya nito pinakisamahan ang anak. Mahigit isang taon na silang nagsasama pero kahit si Miguel ay hindi niya naringgan na mag insist ng kasal ng kanyang anak. Bilang magulang ay dapat siya ang gumabay dito. Bilang ama ay siya dapat ang nagpapayo at nagtutuwid dito lalo pa at may pamilya na ito. Kaya siguro ganun na lamang ang pagkadisgusto ni Berto kay Miguel. Nakita niya kung papano umiismid si Berto tuwinang magsasalita si Miguel noong araw ng binyagan. Napailing si Rico. Mananagot ang dapat managot.

" hello..."

" amigo! mabuti at napatawag ka. Mayroon sana ako proposal. Maari kitang puntahan diyan para mapag usapan natin ito. " sagot ng malaking boses na nasa kabilang linya.

" Robert. Gusto kong mawalan ng trabaho itong babaeng nag ngangalang Angeline de Guzman. Iblock mo siya lahat ng sakop ng kompanya para hindi na siya makapag kalat pa. Dapat ay maitapon ito sa pinanggalingan niya. Ang mga ganitong uri ng tao ay cancer sa lipunan. "

" wait...si Angeline ang outstanding employee natin. "

" Mas marami ang pwedeng ilagay diyan na mas deserving Robert. Gawin mo lang ang sinasabi ko. "

Saktong alas sais ay nasa tapat na si Jason ng building na sinasabi ni Angeline. Balak niya lang na i-meet ito. Nag aalangan pa rin siya sa ginagawa. Pakiramdam niya ay hindi maganda ang mga mangyayari. Kakaiba ang kanyang pakiramdam parang gusto na lamang niyang umuwi at puntahan na lamang ang kanyang mag ina. Binuhay niya ang makina ng motor niya at akmang tatakbo na siya nang marinig niya ang tawag ni Angeline.

" Jaaaasoooon!!! is that you??!! OMG!! " patakbo itong lumapit sa kanya at humalik sa gilid ng kanyang labi na ikinagulat ni Jason.

" Hey girl! uuna na ako. Di mo sinabi na darating ang boyfriend. Infairness gwapo siya. Kaya naman pala kumikislap kislap ang iyong mga mata. " narinig ni Jason na sabi ng katrabaho ni Yen.

Kumunot ang kanyang noo. Tama yata si Yen. Kahit walang malisya sa kanila ay may malisya sa mga nakakakita. Lalo pa sa kikilos ni Angeline ngayon. May masamang balak nga yata si Angeline. Ang magaslaw na kilos nito sa kanyang harapan ay nagdulot sa kanya ng pagka-irita. Hindi naman ganito ang inaasahan niya.

" so saan tayo? "

" I'm sorry, dumaan lang ako para i-meet ka. Pero hindi na kita masasamahan pa dahil papunta ako sa aking mag-ina."

" what?!!" akala ko ba ay hiwalay na kayo? "

" ano? " nagpanting ang tenga ni Jason sa realisasyon na ngayon niya lang naisip.

Dumating siya sa punto na pinalayas niya pa si Yen dahil sa pagmamaktol dito sa kawalan nito ng tiwala sa kanya. Palagi nalang itong nagdududa. Kahit wala naman siyang ginagawa. Puro trabaho na nga lang ang kanyang nasa isip. Tapos isisingit pa nito na mambabae siya. Pero sa puntong ito. Sa inaasal ni Angeline ay napagtanto niya na tama ito. Tanga nga siya. At siya din naman ang may gawa kung bakit ganoon ito mag- isip.

" i mean akala ko alam ni Yen na magkikita tayo." ani Angeline na nagpa-panic dahil sa pagkaprunada ng plano niya.

Kailangan niyang magawan ng paraan na mag stay si Jason kahit sandali para makumbinsi itong sumama sa kanya sa condo. Ewan niya lang kung hindi ito maligayahan ng husto. Kailangan na may mangyari sa kanila. Para magkaroon siya ng rason para habulin ito. At sa pagkakataong iyon ay magdedemand siya ng kasal. Para wala na talaga itong kawala.

" mamaya ka na pumunta. Sandali lang naman. Grabe ka."

" Sorry pero emergency to. Chat nalang kita ulit."

Hindi hinintay ni Jason ang sagot nito at pinaharurot niya ang kanyang motor. Dalawang gabi na siyang hindi makatulog dahil naninibago siyang hindi niya katabi si Yen. Walang yumayakap sa kanya. Malamig at malungkot. Pinili niya na huwag itong sundan dahil alam niyang galit ito. Galit din siya noon dahil nagmamaktol siya sa kawalan nito ng tiwala sa kanya. Ayaw niyang salubungin ang galit nito at nais niyang palipasin muna ang emosyon bago ito muling kausapin.

Hindi naman niya akalain na talagang aalis ito. Hindi din niya inaasahan na lalabas iyon sa kanyang bibig. Sobra na kase siyang nanliliit dahil walang wala siya sa kalingkingan ni Yen. At pakiramdam niya ay naiinsulto sa isiping mas maabilidad ito kaysa sa kanya. Pakiramdam niya ay wala siyang kwenta. Kahit na hindi naman pinaparamdam sa kanya ni Yen iyon. Totoo. Insecure siya dito. Pero proud siya sa achievements nito. Nahihiya lang siya na malaman ng mga friends niya ang kanilang estado. Ayaw niya na malaman ng mga ito na mas may "K" si Yen kesa sa kanya. Baliw na kaisipan at mataas niyang pride na nasagasaan. Napailing si Jason sa naisip. Yon mismo ang dahilan kaya wala siyang pinagsasabihan, at pinagkukwentuhan tungkol sa asawa at sa trabaho nito. Tanga nga siya.

Ngunit sa kabila ng insecurities niya ay pinapatunayan niya dito na mabuti siyang ama. Lahat ng tungkol kay Jesrael ay atendido siya. Maging sa detalye ng pagpapainom ng gamot pag sinisipon ito o nagkakasakit. Sa oras ng vitamins nito. Lahat ng sabon na ginagamit nito ay masyado siyang metikuloso. Daeg niya si Yen pagdating sa kanyang anak. Kaya nga mas malapit ito sa kanya kesa kay Yen.

Masakit ang salitang binitiwan nito at tinawag pa siya nitong tanga. Dalawang beses nitong isinampal sa mukha niyang tanga siya. Pero totoo yon pares ngayon. Isasakripisyo niya ang kanyang mag-ina para sa pakikipagkita sa ganong klaseng babae. Tanga nga siya. Muntik na siyang mapaikot ni Angeline. Kung nagtagal pa siya doon ay baka habang buhay niyang pag sisihan ang ginawa niya ngayon.

Binilisan niya ang takbo ng kanyang motor. Kailangan niyang makausap si Yen at makahingi ng tawad dito. Hindi niya mapapatawad ang sarili pag tuluyang nawala ito.