Chereads / I am a Rebound / Chapter 94 - Nasaan si Yen

Chapter 94 - Nasaan si Yen

Sarado ang bahay ni Yen nang pumunta siya doon. Walang tao kahit si Manang ay wala doon. Tanging gwardiya lamang ang nakabantay at ang sabi nito ay lumabas daw kasama si Gerald? Sino si Gerald? wala din idea si manong guard tungkol sa Gerald na iyon ang sabi niya ay bigla daw dumating iyon at pinatuloy naman ni Yen. Overnight daw itong nag stay sa bahay at umalis din kinabukasan.

Dahil may susi si Jason ay nanatili lang siya sa bahay ni Yen nang araw na iyon. Naglinis nagluto at naglaba ng mga damit. Hapon na nang maisipan niyang tawagan si Yen pero unattended ito. Naisipan niyang puntahan na lamang ito sa office niya. Gumayak siya at tumakbo para sunduin sana ito. Subalit motor ang kanyang dala at ang sasakyan ni Yen ay wala. Naisip niya baka ginamit ni Yen iyon dahil isinama nanaman ang anak sa trabaho. Madalas kaseng isama ni Yen si Jesrael sa office. Dala pati si Manang Doray na tagabantay nito habang may ginagawa siya. Pag nagutom si Jesrael na nagbi-breast feed pa din ito. Kahit isang taon na ang anak.

Kaya naman hindi kataka-takang walang silang lahat sa bahay. Ang iniisip niya lang kung sino si Gerald.Wala siyang nakikilalang ganon na konektado kay Yen.

Pagdating sa Villaflor ay agad siyang nagtungo sa elevator kung saan direkta sa opisina ni Yen. Pagbungad niya doon ay nagulat siya nang si Miguel ang naabutan doon.

" kahapon pa kita tinatawagan. Maaga akong pumunta sa bahay mo pero wala ka na. Nakipagkita ka kay Angeline? " bungad sa kanya ni Miguel.

" papanong??" hindi naituloy ni Jason ang sasabihin. Naisip niya na baka mahsumbong si Yen.

" walang kinalaman si Yen. Wala din siyang sinabi sa akin. Gusto ko lang malaman mo na si Yen ay hindi ordinaryong babae. Nakita mo naman. Nagawa niyang makuha ang kompanyang ito. Hindi siya basta basta at pag nagdesisyon siyang iwan ka ay wala ka nang magagawa pa. "

Biglang kinabahan si Jason sa narinig.

" Mayaman si Yen. Mas mayaman pa sa inaakala mo. Pamilyar ka ba sa YMR?"

Naalala ni Jason ang YMR kung saan siya bumili ng mga gamit para sa kwarto niya. Noon ay isang malaking tindahan iyon na ngayon ay isa nang building. Malaking building na pag-aari ng YMR.

" bakit pa?"

" all this time hindi mo kilala ang asawa mo. Si Yen din ang may ari ng YMR. Siya ang nagtayo noon. At well established na yon bago niya pa i-acquire ang Villaflor. "

Natigilan si Jason.

" hindi ko sinasabi ito para magkaroon ka ng interes sa yaman ng asawa mo. Sinasabi ko ito para mapansin mo na ang babaeng ina ng anak mo ay extraordinaryong tao. Hindi siya basta basta. Hindi mo siya pwede ihalintulad sa mga babaeng natitipuhan mo. Sa mga babaeng handang ibilad ang katawan mapansin mo lang. Matuto kang kumailatis ng tamang tao. Matuto kang piliin kung ano ang priority mo. Matuto kang ingatan ang pamilya mo. Alagaan mo ang asawa at anak mo. Wag mo hintayin na mawala ang lahat sayo bago ka pa magising. "

" nasaan si Yen?" tanong ni Jason.

" yon ang hindi ko alam. Kahapon ay tinapos niya ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan. Kung meron ka pang magagawang paraan, gawin mo na. Habang hindi pa huli ang lahat. "

Nahulog si Jason sa malalim na pag iisip. Dati ay hindi ni Yen pinakikialaman ang kanyang cellphone. Subalit nitong mga nagdaang araw ay nagagawa na nitong mag imbestiga. Nagbago din ang pakikitungo nito sa kanya. Malamig at halosbparang hindi siya nito nakikita. Hindi niya ito pinansin dahil inakala niya na naghahanap lang ito ng issue. Pero nang makita niya si Angeline kanina ay tila ba naramdaman niya ang kakaibang motibo nito.

Napaka tanga niya kung bakit niya piniling makipag kita pa dito. Napaka tanga niya dahil pinatanggol niya pa si Angeline kay Yen. Ngayon ay nauunawaan niya na kung bakit ganon na lang ito kaabala sa trabaho. Kung bakit halos gabing gabi na ito makauwi. Dalawang kompanya ang minononitor nito? Hindi niya alam na pati pala ang YMR ay pag aari nito. Gaano na ba kalayo ang nararating ng kanyang asawa? Hindi biro ang magmanage ng isang kompanya. Pero sa kanya ay dalawa at nagagawa pa rin nitong gampanan ang pagiging ina at asawa.

Naalala niya na kahit antok na antok na ito ay nagbabangon ito para asikasuhin siya. Nagagawa pa nitong bigyan siya ng massage tuwinang pagod na pagod siya sa trabaho. Totoo ang sinabi nito. Wala siyang ginawa na ikakagalit niya o kahit ikasisira pa ng kanyang emahe sa kung kaninong tao. Kahit na nga pinalayas na niya ito ay hindi pa rin ito nagsabi kanyang ama.

Ngayon niya lang napagtanto. At ngayon lang siya nakarinig na may kaibigan itong lalaki. Hindi niya yon alam. Dahil simula nang magsama sila ay wala na halos siyang nakikitang kaibigan nito. Ni hindi ito lumabas at nagpaalam na mag sa-shopping na katulad ni Trixie noon. Galing sa trabaho ay direcho ito sa anak. At magiging ina sa bahay.

Napayuko si Jason sa kanyang pagiging pabaya. Hindi niya iyon sinasadya. Hindi niya din namalayan na kinakain na pala ni Angeline ang kanyang oras. Hindi niya napansin na mas madalas nang ai Angeline ang kanyang kausap.

Maraming messages si Yen na hindi niya nasasagot dahil kausap niya si Angeline na maghapon katatawag sa kanya. Kahit nasa gitna siya ng trabaho ay kausap niya ito. Na hindi niya naman nagawa kay Yen kahit noon. Pag oras kase ng trabaho ay hindi naman siya nito iniistorbo.

Marahil ay dahil sa mga bagay na iyon kaya nagduda si Yen. Nabalewala niya ito nang hindi niya namamalayan dahil nalilibang siya kay Angeline. Totoong kaibigan niya si Angeline. Noon ay ito talaga ang sumbungan niya kapag meron siyang mga dinidibdib. Dahil dumating si Trixie ay nakalimutan niya ito. Pero kahit kailan ay hindi naman siya nagkagusto dito. Nakilala niya ito sa text. Hanggang naging friend sa FB. Madalas silang magchat noon pero nung dumating si Trixie ay nawalan na siya ng panahon. Naexcite siya nang muli itong tumawag. Marami siyang naikwento dito. Pero hindi niya nabanggit dito na si Yen ang may-ari ng villaflor. Wala ni isa man sa mga kaibigan niya ang nakaka alam noon.

Napabuntong hininga siya. Lumabas siya ng opisina para magtungo sa YMR. Ngunit wala din ito doon. Nakita niya si Llyne na secretary nito at sinabi na naka leave daw si Yen. At meron daw itong business trip. Business trip? Kasama ang anak niya? At hindi man lang nagsabi sa kanya? Pero naalala niya na siya nga pala ang nagpalayas dito. Marahil ay dinibdib iyon ni Yen. At wala yata talaga itong balak na magpakita sa kanya.

Lulugo lugo siyang umuwi sa bahay ni Yen. Doon muna siya mamamalagi at hihintayin niya itong umuwi. Paulit ulit niya pa rin itong tinatawagan pero hindi pa rin ito nakokontak. Nag message na siya sa messenger nito na tila hindi nito binubuksan ng ilang araw na. Araw araw ay nagsisend siya ng message at nangungumusta pero ni isa sa messages niya ay hindi pa nito na seen.

Mababaliw na siya sa kakaisip. Ilang gabi na din siya hindi makatulog. Mahirap pala ang ganon. Yong hindi mo alam kung galit ba talaga siya sayo o hindi. Ying hindi mo alam kung babalik pa ba ito o tuluyan na siyang iiwan. Hindi niya alam kung mababawi niya pa ba ito at makakasama pa ba niyang muli.

Unti-unti ay tumulo ang kanyang luha. Nagagalit siya sa sarili niya dahil sa katangahan niya. Nagagalit siya dahil hindi niya nagawang ingatan at mahalin ng tama ang kanyang mag-ina. Miss na miss na niya ito. Pati ang halakhak ni Jesrael ay hinahanap hanap niya. Dalawang linggo na pero wala pa rin siyang balita. Hanggang kailan ito mawawala? Babalik pa ba siya? Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataong mag sorry. Bakit kase hindi niya na agad sinundan ito nang umalis? Bakit pinalipas pa niya ang tatlong araw na hindi ito nakakausap? Mababaliw na siya sa kakaisip.

" sir!! Anong kasalanan ko bakit mo ko tatanggalin??!! kailangan ko ng trabaho para sa mga anak ko sir!!"

" sa akin wala. Sa trabaho, very good naman. Ang mali mo? ikaw lang ang nakaka-alam. Hindi ko alam kung sinong tao ang binangga mo nitong nakaraan. Pero isa lang ang masasabi ko. Ang taong na-offend mo ay hindi basta basta simpleng tao lang. "

Napanganga si Angeline sa narinig. Maliban kay Yen ay wala na siyang sinaktan. Sino ba si Yen? Wala naman nabanggit si Jason kung sino at kung ano ito. Sa fb account nito ay wala namang info. Imposibleng si Yen yon.

" si Rico mismo na may ari ng kompanyang ito ang nag utos sa akin. Sinabi niya na mas marami ang deserving ng trabahong to kesa sayo. Anong ginawa mo Angeline?"

Hindi na siya nakasagot tumatakbo na sa isip niya na mag apply na lamang sa iba. Iniisip niya na kailangan niya makakuha ng trabaho kaagad. Dahil kawawa ang kanyang mga anak.

" kahit sa ibang kompanya ay naka block ka na. Kahit mag apply ka ay wala nang ibang tatanggap. That's an order. Mahalagang tao siguro ang iyong binangga Angeline. Malas mo. Kailangan mo nang magbalik sa pinanggalingan mo."

Nanakit ang ulo ni Angeline sa kaka isip. Sino bang binangga niya maliban kay Yen na binalak niyang sulutan ng asawa.

Si Yen??

Hindi siya naniniwala pero wala naman siyang nasaktang iba. Maliban dito. Pero sino ba si Yen?

[ Son... natanggal ako sa trabaho. 🙁😢😭😭]

[ pesensiya ka na, may sarili akong problema at hindi kita matutulungan.] sagot ni Jason

[ si Yen. pinatanggal niya ako sa trabaho. 😭]

[ hindi si Yen ganoong klaseng tao. tigilan mo na ang paninira mo. ]

[ son...😭 ]

[ sino ba si Yen? ]

[ siya ba yon? bakit nagawa niya akong ipatanggal? 😭 son..magugutom ang mga anak ko son...😭😭 ]

Hindi na nag abala pang sumagot si Jason. Para sa kanya ay sapat lang yong parusa dito. Dahil kahit siya mismo ay nagdudusa sa ginawa nitong pakikialam sa tahimik nilang buhay. Pero sigurado siya, hindi si Yen ang gumawa noon. Kung sino man iyon, marahil may koneksiyon kay Yen o sadyang nakarma lang talaga ito.