Isang buwan ang mabilis na lumipas.
Sa bahay pa rin ni Yen umuuwi si Jason araw-araw. Araw-araw siyang umaasa na makikita na maabutan doon ang kanyang mag-ina pero lagi din naman siyang nabibigo. Napabayaan na halos ni Jason ang sarili. Nanghahaba na ang kanyang buhok, balbas at bigote. Ni wala na siyang panahong mag-ayos at manalamin. Unti-unti na siyang kinakain ng lungkot at labis na pagsisisi. Ito ang kabiguan na hindi niya makayanang lusutan. Nasaktan siya kay Trixie noon. Pero mas masakit ito ngayon. Miss na miss na niya si Jesrael pati si Yen.
Sa bahay niya man o bahay ni Yen, bawat sulok noon ay naaalala niya ang mga ito. Luha ang kanyang kasama at bote ng alak tuwing siya ay uuwi. Hindi din siya makatulog ng maayos. Naiisip niya ang mga yakap ni Yen bago siya matulog. Tuwinang hihiga siya sa kama ay maaalala niya ang pagsiksik ni Yen sa kanyang mga bisig bago matulog ito. Yung mga halik nitong gumigising sa kanya tuwing umaga para pumasok sa trabaho. Yong haplos ng kamay nito sa kanyang likod tuwinamg uuwi siya ng pagod. Ano ba ang kanyang ginawa? Anong katangahan ba ang ginawa niya para maramdaman na tila siya nanakawan dahil sa kapabayaan?
Inilapat ni Jason ang likod sa kama nakatitig siya sa kisame. Pinapanood ang mga ilaw na magkasama nila ni Yeng minamasdan kapag sila ay patulog na noon. Naalala niya ang mini amplifier na nakakabit sa gilid ng kama nito. Pinindot niya iyon. Nais niyang marinig ang mga play list ni Yen.
Bukod sa mga praise ang worship songs, love songs, ay mahilig si Yen sa alternative. Napangiti siya nang maalala niya yung araw na nakita niya itong nagperform. Napanganga siya noon. Halos hindi niya ito makilala. Ang palagiang suot nitong t-shirt at shorts at rubber shoes ay tila boring tingnan sa iba. Pero gandang ganda siya doon dahil litaw ang bilugan at makikinis nitong legs. Hindi nag mi-make up. Kung mag make-up man ay simple lamang. Madalas ay lipstick lang ang ginagamit nito.
Mala Taylor Swift na pormahan. Yon ang nakita ni Jason noon. Habang nasa entablado ito ay natulala siya at talagang nagulat. Sexy si Yen. Hindi lang kalakihan ang dibdib nito pero yung hubog ng katawan nito at ang kurba ay maganda. Lalong dumagdag sa appeal nito ang talent sa musika.
Mahusay talaga ito at hindi niya alam kung bakit hindi nito sineryoso ang pagkanta. Talagang pwedeng karirin ni Yen ang singing dahil sa tunay na maganda ang tinig nito na umaabot tagos hangang kaluluwa tuwinang siya ay aawit. Naisip niya kung kelan niya ba huling nakitang humawak ng gitara si Yen. Simula nang magsama sila ay tila ba nakalimutan na nito iyon. Hindi na niya muling nahawakan ang kanyang gitara na nakita ni Jason na inaalikabok na sa sulok. Halatang matagal na itong hindi nagagalaw.
Totoong ibinuhos niya sa kanila ni Jesrael ang kanyang panahon. Dahil sa laki nang kain ng oras sa trabaho, ang natitirang oras nito ay ginugugol na lamang ni Yen para makasama sila. Na hindi niya napahalagahan.
Bahagyang natigil siya sa pagmumuni nang marinig ang awiting pumapailanlang. Recorded ni Yen iyon. Sponge Cola ang kumanta non ngunit nabigyan ito ni Yen ng kakaibang tunog. Muli niyang narinig ang tinig ni Yen. Hindi niya alam na may mga recorded na kanta din ito doon. Napangiti siya nang muling lumapat sa kanyang pandinig ang tinig nito. Sobrang miss na niya si Yen. Kung makikita niya lang ito ulit at makakasama ay iingatan na niya ito na parang hiyas. Babawiin niya lahat ng sakit na naidulot niya dito.
DI NA MABABAWI
Sponge Cola
Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi
Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin
'Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid
Ang ginugol na panaho'y na saan? (panaho'y na saan)
'Di ba't sayang naman? (Di ba't sayang naman)
Giliw yeah yeah yeah yeah
Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?
Napaluha si Jason sa kanyang narinig.
Tama... mahirap nang bawiin ang nasabi na. Pag nasaktan mo na, hindi na sapat ang sorry lang. Pag nasira na, lalo ang tiwala ay mahirap na itong buuhin pa. Kahit na anong gawin ang lamat ay hindi na mabubura.
Hiniling na lamang ni Jason na sana ay mapatawad at muli siyang matanggap ni Yen. Sana ay mabigyan siya nito ng isa pang pagkakataon. Sana ay magbalik na ito at mamuhay silang masaya. Sana ang lahat ng ito ay parte lamang ng kanilang pagsubok. Na malalagpasan din sa huli. Sana ay hindi siya tuluyang bitawan ni Yen. Sana...ay matanggap at mapatawad siya nito. Sana....Wala na siyang magawa kundi humiling. Humiling nang humiling. Umasa nang umasa... hanggat hindi niya ito nakikita at nakakausap, hanggat hindi nito hayagang sinasabi na wala na siyang balak balikan siya, at wala na siyang balak patawarin siya ay hindi siya basta susuko lang. Kailangan niyang ipaglaban ang kanyang mahal. Si Yen at ang kanyang anak. Ang kanyang pamilya. Pinahid ni Jason ang luha at bumangon sa kama. Nagtungo siya sa banyo para maligo at bigla niyang naalala si Berto. Ang tatay ni Yen.
Tama...
Marahil ay umuwi si Yen sa kanila. Maaring nagbakasyon ito kasama ang kanyang anak.
Akma niyang ida-dial ang numero ni Berto nang maisip niya na baka umalis lang si Yen pag nalaman na papunta siya. Kaya pupunta siya doon nang siya lamang ang nakaka alam. Hindi na kailangan malaman nina Berto na parating siya. Sa ganon ay maari niyang abutan si Yen kung naroon man ito.
Itinuloy niya ang pagligo at pinilit na magphinga. Mahabang byahe ang kanyang bubunuin kaya kailangan niyang mag ipon ng lakas. Dahil sa pag-asang nasa Bicol nga si Yen ay bahagyang napayapa ang kanyang kalooban. Idinalangin niya na lamang na sana ay naroon nga ang kanyang mag-ina. Naisip niya ang pagkasorpresa ni Yen. Ang ngiti ni Jesrael pag nakita siya nito. Napailing siya. Papano siya makakatulog kung excited siya? Nagpabiling biling siya sa kanyang higaan. At hindi na niya namalayan kung papano siya nakatulog.