Chereads / I am a Rebound / Chapter 76 - Love is Blind

Chapter 76 - Love is Blind

Ngayon napagtanto ni Yen na muntik na siyang kumagat sa mga pakulo ni Trixie. Yung gabing iyon na nawala si Jason ay talagang pinag alala siya ng husto. Nagpaimbestiga na siya tungkol dito at nang malaman ang buong kwento ay nagkibit balikat na lamang siya. Marahil ay hindi nga husto ang tiwala niya kay Jason. Dahil na din siguro sa hindi magandang simula ng kwento nila. Naging panakip butas naman siya talaga. Nagkataon lang na nabuntis siya. Pero totoong minahal siya. At ramdam na niya, na mananalo siya. Napangiti siya sa kwentong nasagap niya noong mag outing si Jason. Ang sinasabi ni Trixie na siya daw nagpainit ng kama nito. Napalatak siya sa kabaliwan ng babaeng iyon.

Si Albert ang pinaka malapit na kaibigan ni Jason. Kababata niya ito at halos kapatid na kung ituring. Ang mga kababata ni Jason an naging karamay niya mula sa pagkabata. Sina Christian, Ren-Ren, Marco, at Albert.

Noong araw na ibinalita ni Jason sa mga ito ang na magiging tatay na siya, at inakala ng mga ito na si Trixie ang nabuntis niya.

" talaga pre? akalain mo yon sa tagal niyo ni Trixie ngayon lang kayo nakabuo." wika ni Christian dito.

" pre si Yen...hindi si Trixie." sabat ni Albert

" sino yon?" magkapanabay halos na tanong ni Christian at Ren-Ren.

Tumawa si Albert at si Jason.

" yan...abala kayo sa pambababae niyo kaya hindi kayo updated." sabi naman ni Albert.

" bakit hindi mo ipinakikilala samen pre? maganda ba? chick ba? "

" makikilala niyo. Next session sa bahay tayo. " sagot ni Jason

" eh bakit hindi mo nalang isinama? " ani Ren-Ren na panay ang subo ng pulutan nila.

" maselan pre. hindi pwede magkikilos at mahihirapan yon. Ayaw ko siya mapagod. Isa pa, naamoy ko na may mang gugulo satin ngayon. Mai-stress ang asawa ko baka pumangit anak ko. " wika ni Jason habang nakatuon ang tingin sa babaeng naka two-peice na naglalakad patungo sa dereksiyon nila.

" paktay!!" bulalas ni Ren-Ren

" pogi mo talaga tol hayoooop!! " sigaw ni Christian kasunod ng halakhakan ng lahat.

Nong araw na iyon ay hindi na sila nasorpresa nang malaman na nandoon din ito sa resort kung saan sila nag outing. Palagi naman itong ganoon. Parang asong malakas ang pang amoy at mabilis niyang nalalaman kung may session sila. Sanay na sila dito. Gayunpaman ay niri-respeto nila ito bilang babae. Lahat sila ay patay malisya nang lumapit ito sa kanila.

" hi guys...Natanaw ko kayo. hindi ko alam na nandito din pala kayo." bati nito.

" kamo, on time lang nagpasa ng impormasyon yung imbestigador na inupahan mo!" pabulong na wika ni Ren-Ren.

" ano? " tanong ng babae.

" kako saktong sakto lang pala ang dating mo, nagsisimula palang kame dito. Upo ka." sagot ni Ren-Ren

" salamat Renato." pang aasar ni Trixie.

Ayaw ni Ren ng Renato atas gusto nito ang Ren-Ren o Ren nalang.

Natural na malandi, at talagang pinili niyang kay Jason tumabi. Inakala niyang pag sisilbihan siya nito katulad ng dati pero ni isang tingin at salita ay wala siyang narinig dito. Hindi pa nag iinit ang pwet ni Trixie sa upuan ay nagpaalam si Jason para mag swimming muna. Nagsisunuran naman ang mga kasama nito sa pool na nila itinuloy ang inuman. Si Albert ang taga salin ng alak.

Si Trixie ay naiwan sa tent. Mag isa.

Maya-maya ay narinig nalang itong ng tropa na kumakanta sa videoke mag-isa. Ok naman ang tinig nito. Pero iba si Yen. Si Yen na nagagawang panuotin ang himig ng awitin tagos sa iyong kaluluwa. Puno ng damdamin at iduduyan ka. Sana lang ay mamana ng anak niya ang tinig nito. Napangisi si Jason at naisipin n itext si Yen. Walang reply.

Binuksan ni Jason ang camera ng cellphone at nag picture picture sila. Maya-maya ay tumakbo si Trixie para makisali. Ngunit ibinalik na ni Jason ang cellphone sa kanyang lukbutan.

Napasimangot naman si Trixie sa ginawa nito at kinuha ang sarili niyang cellphone at nagpicture kasama ang tropa pero si Jason ay tumalikod at sumisid na sa tubig. Lantaran ang pambabalewala nito. At ang tanging nakaka unawa dito ay si Albert lamang.

Nakisali si Trixie sa kanilang usapan. Bagamat naiinis ang mga lalaki sa presensiya nito ay wala naman silang magawa. Walang naglalakas loob na palayasin ito.

" pre, anu? kelan tayo kila Jason? gusto ko ma-meet yung asawa nito. " ani Christian.

" nakita ko na siya. Hindi naman maganda, mukhang manang. hahahaha! " sabat ni Trixie sa mga lalaki.

" i-search mo kase sa FB para makita mo. hahahaha" nakakaloko pa rin ang tawa nito.

Tumalim ang tingin ni Albert kay Trixie. Naisip niya na mabuti na lang at hindi ito ang nakatuluyan ni Jason. Dahil utang-uta na silang makita ito tuwinang may pagtitipon sila. Minsan naisip niya na itulak nalang ito sa pool. Kung hindi lang ito babae sinapak niya na talaga ito.

Nakita niyang sumisid si Trixie at dumako papalapit sa kinaroroonan ni Jason. Nang masiguro nito na hindi naman na ganoon kalayo ang distansiya ay naglaro laro ito doon. At nagkuwaring pinulikat at hindi makagalaw. Nagsisigaw ito at kumapag kapag. Dahil malapit si Jason ay sinambot siya nito. Ramdam ni Albert ang pagka-irita ng kaibigan. Kaya naman ay patakbo niyang nilapitan ito at nilapitan nang mailapag ni Jason si Trixie sa gilid ng pool.

Kilala niya si Trixie. Magaling ito umarte. At sa ngayon ay tila gagawin nito ang lahat makalapit lang kay Jason ng husto. Alam niyang labis ang pagmamahal ni Jason sa mag ina niya at ingat na ingat itong masaktan si Yen. Hindi niya pa nakikita si Yen pero base sa kwento ni Jason, si Yen ay hindi basta simpleng babae.

Napanood niya din ang videos nito habang nagpeperform. Maging siya ay hanga sa babae. Kung huawak ng gitara ay bihasang bihasa. At mala-tailor swift ang porma. Kung ganda ay walang wala si Trixie sa kalingkingan nito. Si Trixie ay plain face mahaba ang baba at nabubuhay ang itsura sa make-up. Kung hindi nga lang ito naka two-piece ngayon ay hindi mo ito lilingunin. Maganda lang at makinis ang katawan nito. Dahil sa dami ng ginagamit sa balat. Kung papano nito napaibig i Jason yon ay dahil siguro sa galing nito sa kama. Napaismid si Albert nang makita itong kunyaring lumuluha. Nag iiyak ito dahil daw sa masakit ang binti. Para magtigil ito ay nagtawag siya ng medic. Para bigyan ito ng lunas at dalhin sa ospital kung masama talaga ang lagay nito.

Matagal na niyang hinihiling na sana ay hindi ito ang makatuluyan ni Jason. Tuwinang makikita nila ito ay napapaismid sila sabay may babanat na love is blind sabay maghahalalhakan sila. Lingid sa kaalaman ni Jason, ang secret name nito pag pinagchi-chismisan nila ay " love is blind."

Sinamantala sana ni Jason ang pagkakataong iyon dahil alam niya na pag lumabas na ang kanyang junior ay hindi na siya makakasama pa sa mga ito. Yong araw na yon ay para sa kanila lamang. Subalit tila langaw si Trixie na umaaligid sa kanila. Kung umakto pa ito ay tila baga may relasyon pa rin sila. Gustong gusto na niya magpaalam pero may naisip si Albert na magandang idea.

Gumawa ito ng bagong chat group at doon nag message.

[ sa di kalayuan dito ay ibang resort pa. lipat tayo doon. Mauna ka Jason.]

Sumang ayon naman ang lahat. Para hindi mahalata ni Trixie ang ginagawa nila. Si Albert at Christian ay umalalay kay Trixie para dalahin sa kwarto nito.

" nasaan si Jason? " tanong nito.

" nasa labas lang. Kung ayaw mong mahalata manatili ka lang muna dito kahit isang oras." ani Albert na sumenyas kay Christian na umalis na.

" anong?..."

" maang maangan ka kala mo naman hindi ko alam. Wag ka nang pabebe, EX ka na ee."

" siraulo ka ah...pakyu ka Albert!! lumayas k dito!"

" lalayas ako talaga baka madamay ako sa kalokohan mo. Paalala ko lang mamaya ka na lumabas para hindi naman masyadong halata. Palipasin mo naman kahit kalahating oras man lang para may effect ang acting." kinindatan ito ni Albert bago nito isara ang pinto.

Nagsisigaw si Trixie sa sobrang pikon dito. Dinampot niya ang flower base at ibinato sa may pinto. Wala itong ginawa kundi magmukmok ng kalahating oras sa kwartong iyon. Sinunod niya si Albert ngunit paglabas niya ng silid ay hindi na niya matagpuan ang kahit na sino sa kanila. Naisip ni Trixie na baka nasa kwarto na ang mga ito. Ngunit hindi niya alam kung saan iyon. Naisip niyang mag ikot ikot pero naubos na ang oras niya ay wala talagang bakas. Napamura na lamang si Trixie dahil naisahan siya. Pero wala naman siyang magawa.

Nakalipat sila Jason ng resort at hindi na iyon natunugan ni Trixie. Kaya imposible ang sinabi nito na magkasama sila sa buong panahong iyon na three days and two nights kuno. Hindi siya utak lugaw para paniwalaan ito. Napailing na lamang si Yen. Nagsayang siya ng panahon para sa walang kwentang iyon.

May punto naman din si Trixie. Kahit siya ay pakiramdam niya ay mang aagaw siya. Pero kung siya ang nasa lugar ni Trixie ay hindi niya gagawin ang ginawa nito. Dahil kung totoong mahal siya ni Jason ay walang pag aalinlangan siya nitong babalikan. Gaano man kalaki ang kanyang kasalanan. Kumbinsido na siya na wala na ngang puwang si Trixie sa puso ng kanyang asawa.

Hindi deserve ni Trixie ang oras niya. Hindi niya din ibaba amg lebel niya sa babaeng iyon. Totoong nakaka angat ito sa kanya. Noon. Pero hindi na ngayon.

Sa edad ni Trixie na hindi naman nalalayo sa kanya ay isa pa rin itong dependent sa magulang. Iresponsable, walang pangarap, makasarili, at walang ginawa kundi magbigay ng sakit ng ulo ng mga tao sa kanyang paligid. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Makalait wagas. Kahit anong yaman mo kung hindi ka marunong makipag kapwa tao at bulok ang ugali mo, wala ka pa ring kwentang tao.

Ang sitwasyon nila ni Trixie ay patunay na hindi hadlang ang kahirapan para mangarap at abutin ang pangarap. Na ang pera ay ibinigay sa mundo hindi para magmanipula ng tao kundi tao ang magmanipula nito. Ang pera ay waring kapangyarihan na kapag napunta sa mahinang nilalang ay magbubunga ng kasamaan. Para itong punla na ang pagtubo nito ay nakasalalay sa kung sino ang humawak at nagtanim. Maari itong magbunga ng maganda, at maaring magbunga ng masama. Katulad na lamang ng tipikal na halamang napeste ng balang... Walang ibinubunga kundi dusa ng nang sino mang may-ari ng taniman.

Nakaka-awa si Trixie.

Kung nagtagpo sila sa ibang panig ng mundo at sa ibang sitwasyon ay maaring ginising niya ito at tinuruan para sa kanyang ikalalago. Subalit si Trixie ay tumatayo ngayon bilang balakid sa kanyang kaligayahan. Maninira ng kapayapaan. Kaya naman pag ito ay sumagad, ay mapipilitan na siyang patulan ito. Nang maturuan.

Hiniling ni Yen na huwag nang ipaabot ni Miguel kay Jason ang nangyari. Dahil alam naman niya na walang magagawa si Jason kay Trixie. Magkakaroon lamang ng panibagong rason si Trixie na makalapit kay Jason. At ramdam ni Yen na sadyang ginagawa ni Trixie iyon dahil sa huli ay kokomprontahin siya ni Jason. Hahanapin siya nito. At pag nag tagpo sila, saka nanaman ito gagawa ng milagro.

Naintindihan naman siya ni Miguel. Bilang pagtugon ay nagpakuha ito ng bagong security na magbabantay sa bahay nila. Pinapalitan niya din ang lock ng ng bawat pinto nila. At itinimbre niya din sa gwardiya ng subdibisyon na huwag na huwag papayagang makalusot papasok ang babaeng iyon. Wala naman na siyang pwedeng sadyain doon dahil bukod sa pamilya ni Jason ay wala nang kakilala ito doon.

Bully.

Pero si Yen ang tipo ng taong hindi nabu-bully.

Related Books

Popular novel hashtag