Chereads / I am a Rebound / Chapter 77 - The Reagent Rockstar

Chapter 77 - The Reagent Rockstar

Hindi na nga umabot sa kaalaman ni Jason ang nangyari sa bahay niya. Napakatok na lamang siya nang mapansin na iba na ang lock ng bahay niya. Agad naman lumabas si Yen at pinagbuksan siya.

" pinapalitan mo pala ito? mabuti naman at palagi kong nakakalimutan. Baka kase pasukin ka ng witch dito." may halong biro ang tono ni Jason.

" eto ang susi. Kahit ang pinto pinapalitan ng papa mo."

" ah si papa pala. Haha bakit kaya?"

" nagdadala ka daw kase ng babae dito madalas." biro din ni Yen kay Jason na nagpabilog lalo ng mata nito.

" hindi ah!!" bulalas nitong sagot.

" hahahaha oo na."

Masaya silang naghapunan at ibinalita ni Jason na ipakikilala siya nito sa mga kaibigan. Naririndi si Jason sa lakas ng pinatutogtog ni Yen.

" hinaan mo naman ang sounds mo mahal."

" ok yan...para masanay si Baby sa maingay. At magkaroon ng hilig sa music. Tuturuan ko siyang tumugtog at kumanta. At tatawagin siyang " The Reagent Rockstar! " puno ng enerhiyang kwento ni Yen.

Natawa naman si Jason sa tono nito. Sana nga ay manahin nito ang talent ng ina. Pero sabi daw nila, ang talino ng bata ay sadyang namamana ng mga ito mula sa nanay. Napangiti si Jason nang maisip na may maliit na Yen-Yen na nagtatatakbo sa bahay.

" papunta ang mga tropa ko dito mahal."

" naku bakit ngayon mo lang sinabi sana ay naghanda kame ng mama ko ng pagkain."

" worry not my love, keri na namen yan. Ikaw pagkatapos mo silang i-meet ay pwede ka nang magpahinga. Kame naman ay mag session muna ok lang ba?"

" sige pero wag kang nang lalayo kahit dito nalang kayo kase baka lumabas na ang baby boy ko."

Tumango si Jason. Talaga naman hindi na niya balak lumabas pa at nag usap na sila na sa bahay sila magba-bonding para makilala ng mga ito si Yen.

Ilang sandali lang ang lumipas ay nagsisulputan na ito. Nauna si Albert na kilala na ni Yen dahil palagi naman itong dumadalaw doon. Kasunod si Christian, Ren, at Marco.

Sandaling nakipag kwentuhan si Yen sa mga ito. At pagkalipas ng ilang oras ay nagpaalam na siyang magpahinga.

Iba ang pakiramdam ni Yen. Kahit habang nakahiga ay hindi siya makatulog. Parang unti unti ay humihilab ang kanyang tiyan. Masakit iyon. Pabiling biling siya ng higa. Nang sumigid na ang sakit ay napatayo siya at muling lumabas ng kwarto. Masakit na ang tiyan niya.

Nagulat ang mga lalaki nang muli siyang sumungaw sa pinto.

" manganganak na ako." ani Yen na hindi din malaman ang gagawin.

Nataranta naman ang mga kalalakihan. Nagsitayuan ito at sabay sabay na lumapit kay Yen.

" sasakyan boi!! " sigaw ni Christian.

Agad naman nagsitakbo ang mga lalaki palabas para ihanda ang sasakyan.

Gulat naman napalabas sa kabilang kwarto ang ina ni Yen. Ngumiti ito at inabot ang malaking bag na matagal na nilang ihinanda. Naglalaman iyon ng ilang gamit ng bata at ni Yen. Kinuha naman ni Marco ang bag sa nanay ni Yen. Bubuhatin naman sana si Yen ni Jason at tumanggi naman ang buntis.

" hay!! wag mo akong hawakan!!" pinagpag ni Yen ang kanyang kamay at nagpatuloy sa paglalakad.

Hindi niya maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman. Parang gusto niyang mangapit sa matigas na bagay, magbuhat ng mabigat... hindi niya pa nadanas ang gayong sakit kahit na kailan. Pakiramdam niya ay matatae siya na ewan.

Inalalayan siya ni Jason sumakay sa kotse. Nang makapwesto ito ay agad nang pinaharurot ni Albert ang sasakyan.

" anak, wag ka muna umiri ha... tiis ka muna. pag nasa ospital na tayo saka ka umiri nang umiri." sabi ng kanyang ina na hindi na din maipinta ang mukha. Animo'y ito ang nasasaktan para sa kanya.

Naisip ni Yen, mabuti nalang at lalaki ang kanyang anak. Kung babae ito ay kawawa naman. Baka maging mas masahol pa siya sa nanay niya ngayon. Napakasakit pala niyon. Napakahirap talaga maging babae. Buwan buwan pag nireregla ay namimilipit sa sakit ng puson. Tapos pag nanganak ay ganito pala. Kaya pala ang sabi nila, pag ang babae daw ang nagbuntis ay nasa hukay ang kabilang paa nito. Dahil kung mahina ka ay baka ikamatay mo. Gayunpaman ay nanatiling tahimik at kalmado si Yen. Tuwinang sasakit ito ay napapahawak siya sa kamay ni Jason nang sobrang higpit. Si Jason naman ay panay ang himas sa kanyang likod at balakang. Ang pag aalala sa mukha nito ay hindi maitago.

Hindi niya hiniwalayan si Yen. Hindi niya din binibitawan ang kamay nito. Mabuti na lamang at nandoon sa bahay niya sila Albert. Meron siyang driver at moral support.

Malapit lang naman sa kanila ang ospital

Ilang saglit lamang ay narating nila ito. Dinala nila si Yen sa labor room. Kung saan isang buntis din ang naroon at nagle-labor.

Sinamahan ni Jason si Yen sa labor room. Hindi talaga siya umalis sa tabi nito. Ang nanay naman ni Yen ay naroon din at nag ko-coach kay Yen kung papano umire. Nag uusap sila gamit ang kanilang lengwahe na bahagya namang naiintindihan ni Jason.

" baby...." alalang sambit ni Jason

Liningon siya ni Yen habang nakasimangot ito. Salubong ang mga kilay at tila galit.

" ok ka lang ba? "

" oo!! ok lang ako." sabay kagat sa labi at pumikit.

" kaya mo ba?? kaya mo diba? " hindi pa rin maialis ni Jason na mag alala.

" oo naman! natural ito at dinadanas talaga ng babae ito." nakakunot pa rin ang kanyang noo at halos magsalubong na ang kanyang kilay.

Medyo nayamot si Yen. Pakiramdam niya ay lalo siyang nahihirapan pag nasa tabi niya si Jason. Kaya sinabi niya na puntahan muna nito ang kanyang mga kaibigan sa labas. Ngunit hindi naman ito natinag. Ok lang daw ang mga yon doon at bahala daw silang maghintay.

Hindi sumagot si Yen at nag isip kung paano ito aalis sa paningin.

" Gusto ko ng kape. Ibili mo ako ng kape." sabi niya dito.

Hindi niya kailangan ng kape. Naisip niya lang humingi para mawala ito sa paningin niya kahit sandali.

Nang tumalikod ito para maghanap ng kape ay tila nagihawaan si Yen. Pero ilang minuto lang ang lumipas ay muli nanaman itong sumulpot sa harapan niya dala ang mainit na kape.

" eto na ang kape mo." seryoso ang mukha nito.

" inumin mo na yan. Ayaw ko na magkape."

" pero sabi mo..."

" makakapagkape ba ko sa lagay ko sige nga?!!! alis ka muna. Doon ka sa labas o sa lugar na hindi kita makikita" inis na sabi ni Yen.

Ayaw niyang nakikita si Jason dahil pakiramdam niya ay lalong sumisigid ang sakit pag naroon ito. Ayaw niya din itong makitang nag aalala dahil nahihirapan siya lalo. Kaya naman sinungitan niya ito bagama't awang awa siya dito. Maging ang kanyang ina ay pinasama niya kay Jason. Nag aalala siya na baka ma-highblood din ito sa sobrang pag aalala sa kanya. Pero hindi pa ito nakakatalikod nang...

Muling sumigid ang sakit. At naramdaman niya na may kung anong tila nakabukol sa pwerta niya. Pakiramdam niya ay nadumi siya. Sumilip ang kanyang ina. At nagtawag na ng nurse. Nang makita siya nurse ay agad siyang pinaupo sa wheelchair at dinala sa delivery room.

" patanggal ng panty mo misis." wika ng doctor. At tumalima naman si Yen.

Pagkaalis ng panty niya ay tumambad ang mga malalaking buong dugo. Natakot si Yen ngunit nang makita niya ang reaksiyon ng doctor ay umayon na lamang siya sa sinabi nito na humiga doon.

Nakabukaka siya. Dahil sa sakit ng tiyan ay hindi man lang siya nakaramdam ng pagkailang kahit ang lalaking nurse ay nakatingin din doon at ang isa namang tila bading ang humihimas ng kanyang tiyan.

Ilang saglit lamang ay sumigid ang sakit nito at biglang may pumutok na kung ano sa loob at umawas ang napakaraming tubig.

" ayan na!!! pumutok na umiri ka ha?" sabi ni Doc.

Bawat guhit ng sakit ng tiyan ay umiiri si Yen sabay hinga ng malalim. Sandali niya lamang iyon ginawa at naramdaman niya ang paglabas ng munting sanggol mula sa kanyang sinapupunan. Namasdan niya ito at kakaibang saya ang kanyang nadama. Ang ginhawa ay tuluyan niyang naramdaman at napawi ang siyam na biwang paghihirap nang ilapag ito sa kanyang dibdib. Ang unang iyak nito ay kanyang narinig. At nang ito ay nayakap niya sa kanyang bisig ay nasilayan niya ang maganda nitong ngiti. Ang pagod ni Yen ay napawi nang ganun kabilis.

Napatayo si Jason nang makitang isinasakay si Yen sa wheelchair. Sumunod siya dito nang hindi namamalayan ni Yen. Hindi siya pinapasok sa delivery room kaya nanatili siyang nakatayo sa may pintuan niyon. Pasilip silip at tila ba hindi ma-ihi sa sobrang pagkabalisa. Tuwinang bubukas ang pinto ay manghahaba ang leeg niya. Sobrang nag aalala siya dahil baka mamatay si Yen at hindi nito kayanin. Pero malakas ang loob nito at pipilitin daw niya ang normal delivery.

Ilang minuto na siyang pabalik balik sa hallway ng delivery room. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Christian.

" pre kumusta? pag may kailangan tawag ka lang ah." wika nito.

" oo pre sige salamat."

Hindi pa rin umalis ang mga kaibigan niya sa labas. Kahit anim na oras nang mahigit sila doon ay naroon pa rin ang mga ito at matiyagang naghihintay ng resulta.

Maya-maya ay muling bumukas ang pinto ng delivery room. Pagkatapos ng kulang kulang isang oras ay si Yen na ang iniluwa niyon at nasa ibabaw ng dibdib nito ang napakaliit na sanggol.

Bumaha ng tuwa sa puso ni Jason. Nakita niya si Yen nang nakangiti. Dinala na sila ng nurse sa ward at matapos bigyan ng maikling paalala si Yen ay iniwan na ito. Ang sabi ng doctor ay magdamag pa daw ito sa ospital para sa checking at test ni baby. Jesrael... Jesrael ang ipinangalan nila dito.

Napa cute nito. Ang ilong na matangos ang labi, ang hugis ng mukha...si Jason. Hindi maikakailang anak niya nga ito. Nakangiti pa rin si Jason habang hinahaplos ang maliliit na kamay ng bata. Kinakausap niya ito na tila ba nauunawaan siya nito. Dahil sa tuwa ay nakalimutan na niyang tawagan ang mga kaibigan. Nakita na lamang niya itong kasunod ng ina ni Yen.

" langya ka kinalumutan mo kame pre." nakangiting sabi ni Marco.

" congrats pare. Ninong here." ani Ren.

Panay ang picture ng mga ito sa bagong silang na sanggol. Kinarga naman ni Jason si Jesrael at nag pose ito sa camera ng mga friends.

Congrats pre.

" walang magpopost sa social media." malamig ang tono ni Yen.

" ha?"

" walang lalabas ng picture ni Jesrael sa FB. Keep it to yourself. Sana maintindihan niyo ako." sabi pa ni Yen.

Ang pag popost nila ay maaring maging mitsa ng buhay nilang mag ina. Mahina siya at hindi pa pwedeng lumaban. Baka maisipan nanaman ni Trixie mambuysit at baka kung ano pa ang gawin nito sa kanyang anak.

Napatanga si Jason sa reaksiyon ni Yen. Kahit siya ay nagulat sa sinabi nito. Ayaw niyang ipaalam ang tungkol sa kanyang anak? At walang makaka alam na nanganak na siya maliban sa kanilang naroon sa ospital. Pinagdiinan nito na kailangan nilang sumunod at least hanggang sa makauwi sila ng bata.