" Apo ko ang dinadala ni Yen. Pag may nangyari sa bata, mananagot ka saken." tiim bagang si Miguel sa pagpipigil ng galit.
" Pero tito..."
" Nakita ko. Para hindi kita ireport sa pulisya, umalis ka na. "
Nasukol si Trixie. Hindi niya alam na darating si Miguel. Hindi din niya alam na dinadalaw nito si Trixie. Ibig sabihin ba non ay tanggap na nito si Yen? Bakit? Anong pakinabang ang makukuha niya sa babaeng katulong na mukha nang inahin sa laki ng tiyan? Pinukol niya pa rin si Yen ng matalim na tingin. Bago siya tumalikod at umalis.
" bagay sayo ang malaki ang tiyan. Mukha kang patabaing baboy na malapit nang katayin." bulong ni Trixie kay Yen.
" maganda ako. Pinili nga ako ni Jason ee. Ganon talaga ang talunan.Wala nang mailaban kaya bunganga nalang. Alis na!!
Mabigat ang paa ni Trixie na lumabas.
Sinundan nalang ni Miguel si Trixie hanggang makaalis. Wala na siyang sinabi pa rito. Hindi niya inakalang magagawa nitong saktan ang taong nagdadalang tao. Napailing na lamang siya sa naisip na reyalisasyon. Sila ni William ay parehong nagkulang sa kanilang mga anak. Si Trixie ay nakulangan ng gabay ng magulang kaya ang ugali nito ay ganoon na lamang kagaspang.
Lulugo-lugo si Trixie nang sumakay sa kotse. Kinakain siya ng inis at hindi siya matatahimik hangga't hindi siya nakakaganti. Kaya naman muli siyang nag isip ng bagong plano. Kailangan niya malaman kung kailan manganganak ito.
Naalala niya ang itsura ni Yen. Kahit na anong sabihin niya ay hindi nagbabago ang eskpresyon ng mukha nito. Kahit anong gawin at sabihin niya ay tila hindi ito apektado. At ang nakakainis pa ay ang banta nito na kukunin daw ang lahat ng kanya? Haha lakas ng loob magsalita. Akala mo naman kung sino. Isa lang naman siyang mahirap na nilalang na nangangapit sa Jason niya para lang guminhawa sa buhay. Saan ba kase galing yung lintik na yon? Galing sa squatter??
Ibinaba lamang ni Rico ang telepono nang marinig niya na nag uusap na sina Miguel at Yen. Nakahinga siya nang maluwag nang sinabi ni Miguel na papapalitan niya ang lock ng gate at pinto nila. At gagawan niya ng paraan para hindi na muling makalapit si Trixie sa kanya.
Sa kanyang palagay ay mas safe kung sa bahay nalang ni Yen mismo siya mananatili. Doon ay nandoon si Manang Doray. At pwede na din siya magtalaga ng ng tagabantay nito. Gayunpaman ay nagbilin siya kay Miguel na kumuha ng bantay mula sa security agency. Para masecure ang manugang at apo nito. Na inayunan naman ni Miguel.
Nangako si Miguel sa ama ni Yen na siya ang bahala dito.Hindi niya ito pababayaan. Katulad ng kanyang anak ay pinilit na lamang niyang tanggapin sa sarili niya na si Yen ay mapapabilang na sa kanyang pamilya. Ang pangako ay pangako. Kaya hindi niya hahayaan na masira iyon. Napagtanto na niya na si Yen ay mula sa mahirap ngunit maprinsipyong tao. Hindi ito nananamantala at inaalagaan ang kanilang dignidad. Unti-unti ay nauunawaan niya kung bakit gayon nalang ang pagpapahalaga dito ni Rico. At sa palagay niya, naka-jockpot ang kanyang anak ng ginto. Mabuti nalang at palaban ito.
" kailangan na natin umuwi sa states hon. sa lalong madaling panahon." sabat ni Rowena habang si Rico ay nahuhulog sa malalim na pag-iisip.
" nauunawaan ko Wen. pero kailangan ko pa ng konti pang panahon. Kahit kalahating taon siguro."
" masyadong matagal yon."
" ang Villaflor Corp. ay bunga ng aking dugo at pawis. Pinaghirapan ko kung anuman ang estado nito ngayon. Dito ako nag-umpisa, at dito ako nahubog. Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ito sa kung sino nalang na wala namang concern sa iba kundi sa sarili lang nila. May mga manggagawa akong pinoprotektahan."
" bakit hindi mo nalang kase iwan ang pwesto mo sa isa sa mga pinagkakatiwalaan mong subordinates? mas may experience na sila. Hindi mo na din naman ito mababalikan. ibenta mo nalang. "
" marami ang willing na sumalo ng pwesto ko. Isa don si Miguel. At si William. maraming willing pero walang deserving maliban sa alaga ko." sagot ni Rico.
" hindi kaya maging kalbaryo naman ang maging buhay ng ating Yen-Yen kapag nagkaganon? Hindi kaya paikutin siya ni Miguel lalo pa at anak ni Miguel ang tatay ng anak niya? "
" hindi nila mapapaikot si Yen. Wen, natrain ko si Yen nang mabuti. Naturuan ko siya. Nakita mo naman, kahit nakakulong siya sa bahay ni Jason ay parang rocket na bumubulusok pataas ang takbo ng kanyang negosyo. Hindi hahayaan ni Yen na mauwi sa wala ang pinaghirapan ko." wika ni Rico.
" alam mo pati ang profit ng negosyo niya?" Nakakunot si Rowena nang maisip kung pano nito alam ang nangyayari.
Tumango si Rico.
" Nakasubaybay ako kay Yen. Simula nang umalis siya dito sa atin. Alam ko ang bawat niyang desisyon at alam ko din ang takbo ng kanyang isip. Inuumpisahan ko na siyang iexpose ngayon. Bilang pangalawa sa may hawak ng pinakamataas na shares sa company, kailangan niyang maging parte nito."
" papano niya nakuha ang shares?"
" binigay ko ang kalahati ng shares ko. Binayaran niya mula sa katas ng ipon, profit ng maliit na tindahan niya noon. At sweldo niya. Masipag siya, at masinop. Kaya ung ibinayad niya ay inilagak ko din sa bank account niya ng hindi niya nalalaman."
" bakit kase hindi mo nalang pormal na isalin sa pangalan niya at sabihing ipinapamana mo nalang. Andami mong pakulo ee."
" Dahil gusto ni Yen na makuha ang mga bagay bagay na gusto niya mula sa patas na laban. Pinaghirapan at pinagbuhusan ng panahon, pawis at dugo. Hindi siya naniniwala sa swerte. Ang swerte daw ay nakadepende sa deskarte. Pag basta ko nalang sinabi yon, mahihirapan na akong makumbinse siya. Lalo at may mga anak tayo." napangiti si Rico sa naisip. Kakaiba si Yen. Simple, pero palaban.
" papayag kaya siya sa plano mo? "
" sa mga nangyayari ngayon, wala siyang rason para hindi pumayag. Lalo na at anak ni William ang nagtatangka sa buhay nilang mag-ina."
Napatiim bagang si Rowena nang malaman mula kay Rico ang ginawa ni Trixie. Salbahe ang babaeng iyon at darating ang araw na aanihin niya ang lahat ng kawalang hiyaan niya. Iniisip niya ang magiging itsura nito pag kinuha ni Yen ang lahat sa kanya.