Chereads / I am a Rebound / Chapter 68 - Consequence

Chapter 68 - Consequence

Pag nadapa ka, magkakasugat ka. Pag nagkamali ka, may katapat na parusa. Para kay Yen, ang lahat ng bagay na ito ay kapalit ng kapusukan niya. May consequence ang lahat ng bagay. Kung anong tinanim mo, yon din ang aanihin mo. Napapailing si Yen sa mga nangyayari.

Sa pagbabalik tanaw niya ay naisip niya kung paano, at kung gaano kadaling naging magkarelasyon sila ni Jason. Minahal naman siya nito ramdam niya yon at pinaniwalaan niya noon. Subalit napapatanong siya kung totoo nga bang minahal siya nito?

Subalit nandito na siya sa sitwasyon. Ang tanging paraan na lamang ay lumaban at magpatuloy. Bilog naman ang mundo. Hindi naman habang buhay ay mamumuhay siya ng ganito. Darating ang araw na muli siyang babangon. Pero sa ngayon ay magtitiis muna siya dahil sa kanyang sitwasyon. Wala siyang pwedeng gawin kundi maghintay ng pagkakataon. Hindi siya pwedeng magpadala sa emosyon ngayon lalo pa at nanganganib ang kanyang anak.

Inayos ni Jason ang mga gamit niya. Pagkatapos ay naligo ito. Humiga ito sa tabi niya at yumakap.

" sorry, hindi ako nakakapag update. Matagal akong nakauwi dahil nahihiya ako magpaalam sa tropa. Birthday niya kase. Nahihiya ako magpaalam. "

" eh bakit hindi ka sumasagot? kagabi pa ako tumatawag.? "

" nakacharge kase ang phone ko sa kwarto."

Hindi na kumibo si Yen. Bakit parang iba ang kanyang pakiramdam? Inisip nalang niya na gawa ng hormones iyon kaya kung anu-ano ang nararamdaman niya. Hinayaan niya nang magpahinga si Jason dahil alam niya na maaga pa iton kinabukasan.

Dahil palagi nalang siyang nakahiga at tulog, Hindi na siya makatulog. Iniisip niya na na baka may problema din siya sarili. Palagi kaseng si Jason ang nakikita niya. Pero imposibleng guni-guni niya lang ang mga ikinikilos nito.

Bumangon si Yen binuksan ang ref. Naisip niya, tuwing maaga itong umuuwi, imbes na makipagkwentuhan sa kanya ay nasa labas ito. Nag titext. O minsan ay may kausap sa phone. Nag-iisip siya habang nag ngangata ng dried mango na binili ni Joseph para sa kanya.

Bigla niyang naisip ang cellphone nito. Hinanap niya iyon at binuksan. Tiningnan ang inbox. Walang laman. Sinilip ang messenger, wala din tiningnan ang call logs. Si Albert yon ang huli nitong kausap. Lagi nitong nababanggit si Albert sa kanya. Medyo nagtaka lang siya dahil sa puro lang si Albert ang laman ng call logs niya. Bakla nanaman ba ang lalaking napili niya?

Pinagwalang bahala niya ito. Papano ba magiging bakla eh nabuntis nga siya.

Inilapag niya ang cellphone kung saan niya ito kinuha. Siniguro niyang hindi nito mahahalatang pinakialaman niya yon at nag imbistiga.

Tumabi siya kay Jason para lang mag-isip at panoorin itong natutulog. Maya maya lang niyakap siya nito.

" mahal na mahal kita."

" talaga? ako lang? walang iba?" tanong ni Yen. Nakakunot ang noo niya dahil nakapikit naman ito.

" opo...promise."

Ang sarap pakinggan. Sarap paniwalaan. Ngunit kahit nagsalita ito ay tila mahimbing pa rin ang kanyang pagkakatulog. Malakas pa rin ang hilik nito.

Sleeptalk??

Napangiti si Yen nang marealize na nagsasalita nga ito ng tulog. Umiling siya at inisip. Para sa kanya kaya ang mga sinabi nito?

Naku Yen masyado ka nang over thinking! Kaya ka nai-stress ee. Mababaliw ka sa ginagawa mo. Gumising ka nga. Sabi ng kanyang konsensiya. Pinilit na lamang niyang libangin ang sarili sa paglalaro ng candy crush. Naglaro siya hanggang mapagod ang kanyang mga mata at makatulog.

Umikot ang mundo ni Yen sa bahay na iyon. Tila siya isang bilanggo na hindi man lang makapagliwaliw dahil sa kanyang kalagayan. Ilang linggo ang lumipas at umigi ang kanyang pakiramdam. Muli ay kinailangan niyang bumalik sa doktor para naman sa ultrasound.

Syempre, wala ulit si Jason kaya ang kapatid pa rin nitong si Jonathan ang kanyang kasama. Sa totoo lang ay parang mas excited pa ang tito kaysa sa ama. Natatawa siya dito dahil sa sobramg excitement nito ay nagpaalam pa ito sa doctor kung pwede niya ding makita ang baby. Natawa si Yen dito. Gayunpaman ay pinayagan pa rin itong sumama dahil inakala ng mga tao doon na ito talaga ang kanyang asawa.

Tuwang tuwan naman si Jonathan nang makitang gumagalaw ang baby. Masayang masaya ito at sabik na sabik.

Ugali na nitong abangan ang pag galaw ng bata sa tiyan ni Yen. Pag nakikita niyang bumubukol ito ay kinikilig kilig pa itong kinakausap ang sanggol.

Nakakatawa na sa huling balik niya sa OB ay si Jason na ang kasama niya sa wakas. Ang attendant sa clinic na iyon ay kumunot nang makita si Jason. Nakahawak ito sa kanyang kamay at naka alalay sa kanyang bewang. Kaya naman hindi napigil ng attendant ni doc na magtanong kung sino ito.

¯\_(ツ)_/¯

" siya ang asawa ko."sagot ni Yen.

" eh yung..."

" kuya niya."

tumango naman ang babae saka siya nito inasikaso.

Sa kanuna-unahang pagkakataon ay nasamahan siya ni Jason sa doktor yon ay ang araw na malapit na siyang manganak. Huling buwan ng kanyang pagbubuntis. Akala ni Yen ay simula na iyon ng maayos na takbo ng pagsasama nila. Dahil ilang araw itong naka alalay sa kanya at ilang araw na din silang wañang alitan na dalawa.

Sinasamahan siya nito maglakad lakad. Ipinapasyal para makapag exercise din siya. Nakapag mall sila at nakapamili ng mga gamit ni baby. Dahil alam na ni Yen ang gender nito, ay alam na niyang lahat ang gusto. Lingid sa kaalaman ni Jayson ay under make over na din ang kwarto nito sa bahay ni Yen. Siyempre ay nakahanda din ang kwarto nito sa bahay ni Jason. Nagdesisyon si Yen na iayos ang isang kwarto sa bahay niya para sa anak. Yon ay para ready sila in case na magdesisyon siyang umalis at iwanan na lamang ang ama nito.

Oo...naghahanda pa rin siya sa mga posibilidad. Pinipili niyang magtiis dahil alam niyang ginusto niya iyon. Subalit may hangganan din naman siya at may limitasyon. Kung hanggang saan ito, hindi pa niya alam sa ngayon.

Nasa isip niya kase na ang lahat ng kanyang dinadanas ngayon ay bahagi ng kanyang pagsubok. Kaya kahit ang kanyang puso ay durog, ay patuloy pa rin siya sa pag asam na maging maayos ang lahat balang araw. Umaasa siya na kapag nakita na ni Jason ang kanyang anak, ay magbabago din ito. At baka kahit papano ay maibilang na silang mag ina sa mga bagay na pina-priority nito sa buhay.