Chereads / I am a Rebound / Chapter 69 - Pagdududa.

Chapter 69 - Pagdududa.

Dahil sa nalalapit na panganganak ni Yen ay lumuwas ang kanyang mga magulang. Para mameet sina Miguel at Rowena at para alalayan din siya. Nahihiya si Yen sa kanyang magulang dahil sa paraan ng kanyang pag aasawa ganun pa man ay inunawa naman siya ng mga ito.

Nakiusap si Yen kay Jason na sunduin ang mga magulang niya. May mga edad na ito at ayaw niyang mapagod pa mag commute. Kung maari lamang siyang magdrive ay siya mismo ang susundo dito subalit sa kalagayan niya ay hindi pwede ang gayon.

Ilang araw na niyang napapansin na kakaiba ang kilos ni Jason. Kapag dumating ito, bago pumasok ng bahay ay nagtatagal muna ito sa labas. Hindi nito mabitawan ang cellphone niya. Nagtataka siya kung bakit pero pakiramdam niya ay may katext o kachat ito na bago pa siya pumasok ng bahay ay binubura nitong lahat ang convo. Naisip niya lang base sa kinikilos nito.

Isang araw bago lumuwas ang magulang ay umuwi si Jason na aburido at napakasungit. Ang sabi nito ay masakit lang daw ang ulo niya. Hindi na nga ito naghapunan at dumirecho na lamang sa higaan. Mabilis itong nakatulog at nalate ng gising kinabukasan.

Akala ni Yen ay wala itong pasok. Dahil nang mag alarm ang cellphone nito ay pinatay lamang nito at muling natulog. Alas 6 ng umaga ang pasok nito. Mag aalas otso na ng ito ay magising. Nagmamadali itong gumayak at inawat naman ni Yen. Masyado na siyang late kaya naman nag suggest na lang siyang huwag na itong tumuloy. Subalit nagpumilit ito. Napakasungit pa nito sa kanya.

Benalewala ni Yen iyon. Saktong alas dyes ng umaga nang maka-alis ito. Nag-isip si Yen. Saan kaya ito pupunta? alas sais ng umaga ang pasok niya at pumasok siya ng alas dyes. Kung siya ang nasa kalagayan ni Jason ay babalik na lamang siya sa pagtulog. 4 na oras na late? Umalis ito, gamit ang kanyang motor.

Muling bumisita si Miguel at si Rowena. May dala itong ulam. Madalas siyang bigyan ng pagkain ng kanyang byanan. Halos araw araw mula ng mabedrest siya. Hindi naman niya ito hinuhusgahan, kahit amoy na amoy niya ang pagkapeke nito. Hinahayaan lamang niya ito at pinakikinggan ang bawat nitong sinasabi.

" nasaan si Jason? " tanong ni Miguel

Ikwenento ni Yen ang ginawa nitong pagpasok sa trabaho kahit na apat na oras itong late.

Umiling si Miguel.

" papasok ba talaga yon? hmmm pansin ko ang hindk niya pag bibigay sayo ng sapat na panahon. May problema ba kayong dalawa? " sabi nito.

Amoy nakikisimpatya ito pero nagdududa pa rin si Yen dito.

" wala naman."

" kakausapin ko si Jason. Hindi tama na pinababayaan ka niya. Dala mo ang anak niya. Saka suggest ko lang, pag nanganak ka, wag mo siyang ilalayo sa tabi mo. Hayaan mong makita ka niyang naghihirap. Para maintindihan niya ang hirap ng pagiging ina. " wika nito.

Si Rowena naman ay nakikinig lamang sa kanila.

Hindi niya alam kung anong pakulo ng kanyang byanang hilaw pero pinakinggan niya lamang ito at hindi siya nagpakita ng anumang disrespect dito. Kahit na hindi magaan ang loob niya kay Miguel, tatay ito ni Jason at kailangan niya ding irespeto.

Maghapon si Yen sa kakahintay sa nobyo. Nagluto siya ng hapunan para dito. Subalit nagtataka siya dahil alas otso na ay hindi pa ito dumarating. Ang regular na oras ng uwi nito ay alas otso. Nakamotor ito kaya posibleng makauwi ito ng maaga.

Naghintay si Yen. Dumating na si Joseph. Panay na din ang tanong nito. Maya't maya ay kinakatok siya nito sa kwarto para itanong kung nagtext man lang ba si Jason.

Alas dyes ng gabi, nakatanggap siya ng text mula rito.

[ mahal, late ako ng uwi kase inabutan ako ng ulan. Natrap ako dito sa may Sta.Rosa.]

Naisip ni Yen na umuulan nga naman.

Sinabi niya iyon kay Joseph. Umiling ito.

" motor ang dala niya. Kung ako ay hindi yon kakain ng isang oras para makauwi dahil alam kong may naghihintay sa akin."

Tumahimik lang si Yen. At muling bumalik sa higaan. Hindi siya makatulog. Nag aalala siya.

Ala una ng madaling araw nang marinig niyang lumabas si Jonathan sa kwarto nito at may kasusap sa telepono

" anong oras na, maaga ka pa bukas. Yung asawa mo ay naghihintay gawain ba ng matinong lalaki yan? anu ba naman?!!"

Narinig niyang sabi ni Joseph.

Nang marinig niyang pumasok ito ay siya naman ang nagdial ng number ni Jason.

Hindi na ito makontak. Pinatay ang telepono. May ginagawang kababalaghan ang kanyang Jason. Hindi niya alam kung ano, pero malakas ang kanyang kutob.

Dahil sa isiping iyon ay hindi na siya nakatulog. Sobra ang kanyang pag aalala. Iniisip niya na baka basang basa ito mg ulan. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Madaling araw ay darating ang kanyang mga magulang. Kailangan niya itong sunduin. Pero papano siya susundo kung ganitong wala siyang tulog at pagod? Nakaramdam na siya ng konting inis.

alas tres nang madaling araw itong nakauwi. Si Jonathan ay gising at halata ang inis sa mukha nito. Sinalubong ni Yen si Jason at nayakap. Sa sobrang pag aalala. Kinapa niya ang suot nito.

" hindi ka basa?"

" hindi."

Napansin ni Yen ang kakaibang kislap sa mga mata nito. Halatang masaya ito at tila ba napakasigla kumpara nang bago ito umalis. Pumasok si Yen sa kwarto. Pero imbes na sumunod ito ay nagtagal ito sa labas ng bahay. Sinilip ito ni Yen at nakita niyang meron pa rin itong kausap sa phone. Binalewala na lamang niya iyon. Kinalma ang sarili. Nang pumasok ito ay kinausap niya tungkol sa pagsundo nito sa kanyang mga magulang.

Sumang ayon naman ito. Hindi na raw siya matutulog baka hindi daw siya magising. Ibinigay niya kay Jason ang cellphone number ng kanyang ama. Subalit hindi daw niya ito makokontak at wala na daw siyang load. Kaya nag suggest si Yen na cellphone na lamang niya ang gamitin ni Jason. Dahil sa mga oras na iyon ay walang bukas na tindahan para makapag paload at abala pa sa kanila ang pagpapaload. Kasama ni Jason si Joseph sa pagsundo.

Kitang kita ni Yen ang pag aalangan ni Jason nang isuggest niya na magpalit muna sila ng phone. Ahad nitong dinampot ang cellphone nito na nakapatong lang sa may T.V at sandali itong lumabas.

Naisip ni Yen na siguro ay nagbura ito ng convo o kung anupaman. May kabang bumundol sa kanyang dibdib pero binalewala niyang muli ang iniisip. Ilang sandali lamang ay inabot nito ang cellphone sa kanya. Binigay naman ni Yen ang phone niya. Tru messenger sila mag uusap para ma-update siya nito. si Jason naman ang tatawag sa kanyang ama. Para malaman kung nasaan na ito.

Nabuhayan si Yen ng pagdududa kay Jason sa kauna-unahang pagkakataon.