Masama ang loob ni Madam Zhen pagpasok ng silid ni Issay.
Issay: "Ano pong nangyari sa inyo, Madam Zhen?"
Madam Zhen: "Hmp!"
Para itong batang nagtatampo.
Issay: "Bakit po? Saka bakit ... parang galing po kayo sa pagiyak?"
Madam Zhen: "Bakit ganyang ka Issay?" Ba't hindi mo sinabi sa akin?"
Issay: "Ano po ba iyon?"
Madam Zhen: "Ang tungkol kay Fe!
Kaibigan ko din naman sya at naging close na din kami kaya bakit hindi mo man lang ako sinabihan?"
Naiiyak na ito.
Issay: "Ano po ang tungkol kay Mama Fe?"
Nagaalalang tanong nito.
Madam Zhen: "Huwag ka ng mag maang maangan dyan! Kung hindi ko pa nakita si Joel kanina at kinamusta si Fe hindi ko pa malalaman!"
Issay: "Ano pong nangyari kay Mama Fe?"
Madam Zhen: "Huwag mo na nga akong lokohin dyan! Andito ka sa ospital alangan naman hindi mo alam na andito rin sya!"
Dismayadong sabi nito.
Pero wala talagang alam si Issay sa nangyari kay Mama Fe at napipikon na sya kay Madam Zhen dahil nakakaramdam na sya ng takot sa sinasabi nito.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Vanessa. Nagtataka ito sa itsura ng nadatanan.
Issay: "Vanessa, tapatin mo nga ako? Anong nangyari kay Mama Fe?"
Natakot si Vanessa, halatang galit ang kaibigan. Bihira nitong tawagin sya sa pangalan nya.
At ngayon hindi nya alam kung paano sasagutin ang kaibigan. Napatingin ito kay Madam Zhen, nagtatanong ang mga mata.
Madam Zhen: "Hindi nya alam?Sorry, hindi ko alam na wala syang alam!"
Issay: "Hindi nyo ba ako sasagutin?"
Nagulat ang mga ito sa biglang taas ng boses ni Issay.
Nakonsensya si Madam Zhen sa tabil ng bibig nya.
Nang hindi sya sinasagot, bumangon si Issay.
Sa nadinig nya kay Madam Zhen, natitiyak nyang narito rin sa ospital si Mama Fe pero kung bakit, yun ang kailangan nyang malaman.
Vanessa: "Sis, saan ka pupunta?"
Issay: "Kung ayaw nyo akong sagutin, ako ang hahanap ng sagot!"
At kinuha nito ang swero saka nagsimulang maglakad patungong pinto.
Vanessa: "Sis, hindi ka pa magaling, hindi mo pa kaya! Ano ba? Makinig ka nga!"
Issay: "Huwag mo akong pigilan! Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari kay Mama Fe!"
Hinarangan sya ni Vanessa at Madam Zhen at pinigilan.
Madam Zhen: "Sabihin mo na kasi, bakit ba inililihim nyo sa kanya? Kahit anong gawin nyo malalaman at malalaman din nya!"
Issay: "Madam Zhen, ano po ba talagang nangyari kaya Mama Fe?"
Nakikiusap na ang tinig nito. Naiiyak.
Natatakot syang isipin na baka may nangyaring masama dito at may kinalalaman ito sa kanya.
Issay: "Sabihin nyo na sa akin, pakiusap!"
Vanessa: "Sis, hindi namin masabi sa'yo dahil baka ma stress ka, makasama sa'yo!"
Issay: "Sa tingin mo ba sa ngayon hindi ako naiistress!"
Naiinis na ito sa kaibigan.
Pero nagdadalawang isip pa rin si Vanessa na sabihin sa kanya dahil baka mangyari na naman yung nangyari nung isang araw.
Hindi na makatagal si Madam Zhen kay Vanessa. Alam nya ang ugali ni Issay, hindi ito titigil hanggat hindi nito nalalaman ang buong pangyayari.
Madam Zhen: "Nasa ICU sya!"
Tiningnan sya ng matalim ni Vanessa.
Issay: "Bakit?... paano...? Dahil ba sa akin?"
Hindi sya sinagot ng kaibigan at wala din naman alam si Madam Zhen sa buong kwento.
Tumayo si Issay.
Vanessa: "Saan ka pupunta?"
Issay: "Sa ICU!"
Vanessa: "Sis, huminahon ka? Baka hindi pa pwede sa yong gumalaw!"
Issay: "Subukan mo akong pigilan!"
Vanessa: "Sis, isipin mo naman ang sarili mo! Baka bumuka ang sugat mo, lalabas ka na bukas!"
Issay: "Pwes, nasa sa'yo yan kung gusto mo akong tulungan makarating doon o hindi!"
At lumakad na ito palabas ng silid papuntang elevator pero pagdating nya sa elevator nanghihina na sya kaya napatigil sya.
Humahangos ang dalawa ng makitang muntik na itong mawalan ng balanse.
Vanessa: "Sinabi ko naman sayo mahina ka pa e!"
Pero hindi pa rin ito sumuko, humakbang pa rin ito papalapit sa elevator.
Alam ni Vanessa na wala syang magagawa sa katigasan ng ulo ng kaibigan kaya naghanap ito ng wheelchair.
Nakahanap ito sa nurse station. Inupo nila si Issay at dinala nila sa ICU.
Sa ICU, nadatnan nila doon si Gene at Joel na nagulat sa pagdating nila.
Sinubukan silang pigilan ng mga nurse doon pero sinuway sila ni Gene.
Gene: "Pamilya sila, huwag nyo silang pigilan!"
Nang makalapit si Issay kay Mama Fe, hindi na nya napigilan ang nararamdaman. Inakap nya ito at humagulgol sa pagiyak.
Issay: "Patawad Mama Fe! Patawad!"
Iniwan nila si Issay sa loob para makausap si Mama Fe pero ang tanging nasabi nito ay patawad at umiyak na ng umiyak.
Pagbalik ng silid ni Issay, malungkot pa rin ito at tumutulo pa rin ang luha.
Vanessa: "Sis, ano ba? Tumigil ka na sa pagiyak!
Ito ang dahilan kaya ayaw kong sabihin sa'yo! Alam kong sisihin mo ang sarili mo sa nangyari pero wala kang kasalanan!"
Joel: "Ate Issay, huwag kang magaalala, sabi ng duktor malaki na raw ang pinagbago ng Mama."
Nakangiti nitong sabi kay Issay.
Kahit na maliit lang na porsyento ang binigay ng duktor at wala talagang kasiguruhan, pinanghawakan nya iyon! Buo pa rin ang pag asa nyang gagaling ang ina.
Pagkasabi ni Joel, naiiyak si Issay at inakap nya ito ng mahigpit.
Ang hindi nila alam pagalis ni Issay sa ICU, may nangyari kay Mama Fe.
Gumalaw ang daliri nito at makailang minuto pa nagmulat ng mata.