Pagkaraan ng isang linggong pananatili sa ospital, pinayagan na rin syang umuwi ni Dr. Bing.
Issay: "Haaay salamat maka kapag pahinga na rin ako! Na mi-miss ko na ang kama ko!"
Tumaas ang kilay ni Vanessa.
Vanessa: "Sis, ala ka naman ginagawa dito sa ospital kundi mahiga, hindi ba pahinga yun?"
Issay: "Paano mo masasabi yun kung maya't maya may pumapasok dito para check in ako?"
Vanessa: "Kunsabagay, ako nga rin hindi makadiretso ng tulog!"
Issay: "Daan muna tayo kay Mama Fe bago umuwi! Balita ko wala na sya sa ICU, nilipat na daw sa kwarto!"
Vanessa: "Okey sige basta naka wheelchair ka! At huwag kang pasaway!"
Pagkatapos nilang dalawin si Mama Fe umuwi na ang mga ito sa apartment. Masayang masaya silang nagpaplano na ng mga gagawin habang nasa bahay si Issay at nagpapa galing.
Ngunit pagdating sa apartment may bisita pala silang nagaantay.
Nadismaya si Issay.
Issay: "Naman Enzo, kauuwi ko lang galing ng ospital! Alam mo naman ang pinagdaanan ko diba... Hindi ba pwedeng taympers muna sa mga ganap? Ala pa akong energy!"
Enzo: "Pasensya na Issay, hindi ko mapigilan si Nelda e!"
Nelda: "Hindi ikaw ang pinunta namin dito, kundi ang anak kong si Nicole!"
Mataray nitong sagot.
Enzo: "Nelda, ano ba?"
Suway nito sa asawa.
Issay: "Sa pagkakaalam ko sa akin nakatira ang anak nyong si Nicole, kaya may karapatan akong makialam!"
Enzo: "Pasensya na Issay! Pwede ba namin makita si Nicole?"
Issay: "Tara sa loob tayo magusap!"
Nakaramdam na sya ng pagod at tila nauupos kaya inaya na nya ang mga ito sa loob.
Hindi nya maintindihan kung bakit sya sobrang hina ng mga nagdaang araw na parang kay tagal bumalik ng lakas nya.
Vanessa: "Issay, maupo ka muna at ako ng tatawag kay Nicole!"
Inakay nito ang kaibigan sa sofa at pinaupo na rin ang magasawa.
Issay: "Huwag mo ng tawagan at baka maistorbo lang ang bata. Sandali lang naman ang training nun kaya malamang padating na rin yun!"
Nagtataka si Enzo, hindi nya alam ang tungkol sa training ni Nicole.
Enzo: "Saan nagte training si Nicole at para saan yung training?"
Issay: "Sa school, malapit lang dito! Nag qualified sya bilang homeschool teacher pero mas minabuti nyang dumaan na rin sa training para mas mahasa daw sya!"
Nelda: "Akala ko nagaaral sya? Diba sabi mo?"
Tanong nito sa asawa.
Hindi nito masagot ang asawa kaya tumingin sya kay Issay.
Issay: "Oo may plano syang ipagpatuloy ang pagaaral nya habang nagtuturo sya!"
"Gusto nya yun ginagawa nya at mukhang nageenjoy sya pag may bago syang natutunan. Aaminin kong magaling sya sa ginagawa nya!"
Hindi makapaniwala si Enzo sa malaking pagbabago ni Nicole.
Nagaalala naman si Nelda sa pagbabagong iyon.
Maya maya dumating na rin si Nicole at nagulat ito ng makita ang mga magulang pag pasok ng pinto.
Nicole: "Ma?..Pa?"
Pero dumiretso ito kay Issay at Vanessa para magmano.
Nasanay na ito na sa tuwing darating at aalis na nagmano.
Nicole: "Ma, Pa anong ginagawa nyo rito?"
Issay: "Ehem!"
Kinabahan si Nicole ng madinig si Issay, tyak nyang may ikinagalit itong ginawa nya.
Issay: "Magmano ka kaya muna sa kanila!"
Sabay palo kay Nicole.
Agad na lumapit ito sa mga magulang at kinuha ang kamay nila at nagmano.
Sanay na sya sa pagiging strikto ni Issay, hindi nya ito kinokontra dahil alam na nyang hindi sya nito ipapahamak.
Pero hindi ang magasawa.
Nagulat sila ikinikos nito. Maamo at masunurin sya sa harapan ni Issay.
Hindi ito ikinatuwa ni Nelda. Nakaramdam sya ng selos at inis kay Issay, lalo na ng mas pinili ni Nicole na tumabi dito imbis na sa kanya.
'Hindi man lang ba nya ako na miss?'
Nelda: "Nicole, kunin mo na ang mga damit mo, uuwi na tayo!"
Nicole: "Po?!"
Dumikit ito ng husto kay Issay na tila humihingi ng saklolo.
Nelda: "Hindi ako makakapayag na manatili ka sa poder ng babaeng yan!"
Nicole: "Pero Ma, mas gusto ko dito kay Ate Isabel! Dito nagagawa ko ang gusto ko at naka kapag desisyon ako para sa sarili ko!"
Nelda: "Bakit anak ibinibigay ko rin naman ang gusto mo at hindi kita pinagmamalupitan kahit kailan!"
Nicole: "Hindi Ma! Kinokotrol mo ang buhay ko, hindi mo ako hinahayaang magdesisyon at hindi mo gusto na lumaki ako dahil hanggang ngayon ang tingin mo sa akin tatlong taon pa rin! Nasasakal na ako Ma! Kaya pakiusap hayaan mo na ako kung saan ako masaya!"
Nelda: "Bakit hindi mo na ba ko mahal? Ako ang Mama mo hindi ang babaeng yan!"
Galit itong tinuro si Issay.
Issay: "Teka sandali lang!"
"Hindi ko naman pinipilit tumira dito yang anak mo. Kung gusto nyang umalis makakaalis sya! Malaya syang gawin ang gusto nya, malaki na yan!"
"Saka magkaliwanagan tayo, hindi ko inaangkin yang anak mo na nuknukan ng pasaway!"
Nicole: "Ate Isabel, pangako magpapakabait na ko wag mo lang akong pasamahin sa kanila!"
Nelda: "Nicole! Ano ba? Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka pabalik sa amin!"
Nicole: "Hindi! Hindi na ko bata Ma! Meron na akong buhay dito na maganda at masaya... Kaya utang na loob Mama huwag mo naman akong pigilan na maging masaya!"
Umiiyak na ito.
Enzo: "Hindi anak, hindi ka namin pipigilan sa kaligayahan mo!"
Nelda: "Enzo!"
Enzo: "Tumigil ka na Nelda! Nagdesisyon na ang anak mo!"
Nelda: "At anong gusto mo, hayaan na lang natin ang anak natin sa babaeng yan?!"
Enzo: "May sariling ng buhay ang anak natin, tama sya hindi na sya bata at mas mapapanatag ako kung narito sya kay Issay kesa sa walang tumitingin sa kanya! Mas mapapabuti sya dito!"
"Pakiusap Nelda, hayaan mo na ang anak natin!"
Napaisip si Nelda sa sinabi ng asawa. Aminado syang nagseselos sya sa atensyon ibinibigay ng anak kay Issay pero nangako sya sa asawa bago sila nagpunta dito na hindi nila panghihimasukan at igagalang nya ang desisyon ng anak.
Nelda: "Sige papayag ako pero may kundisyon ako!"
Nicole: "Ano po yun?"
Kinabahan sya sa kundisyon kahit hindi pa nya nadidinig.
Nelda: "Una papayag ako kung ipapangako mo Nicole na tatawagan mo ako para kahit paano ay alam ko ang nangyayari sa'yo! Akong Mama mo kaya wag mo akong tratuhin na parang ibang tao na hindi mo man lang makamusta!"
Nicole: "Pangako po Ma!"
Nelda: "Pangalawa gusto ko na madalaw ka dito!"
Nicole: "Opo Ma!"
Issay: "Huwag kang magaalala Nelda sisiguraduhin kong tatawagan ka ng mga anak mo araw araw, at pwede mo rin syang dalawin at matulog dito!
Hindi ako mahigpit sa kanila basta wag lang silang maguuwi ng lalaki dito sa bahay!"
Nelda: "Sila? .... Ibig mo bang sabihin kilala mo din ang panganay kong si Nadine?"