Samantala.
Pagod na si Issay sa mga nangyari kaya gusto muna nya itong kalimutan pansamantala.
Marami pa syang kailangan unahing isipin gaya ng padating na anibersaryo ng kompanya.
Ito ang unang beses na magdiriwang ang kompanya na wala si Luis at sya ang namumuno.
Maraming mata ang nakatingin sa kanya ngayon, sa loob at labas ng kompanya.
"Sino ba yang bagong namumuno sa LuiBel Company?"
"Kaya ba nyang pamunuan ang kompanya?"
"E, ano kung sya ang totoong mayari ng kompanya! Alam naman ng lahat na ang mga PerdigoƱez ang nasa likod ng LuiBel!"
"Ngayong wala na si Luis, pano pa susulong ang kompanya?"
"Sayang ang mga pinaghirapan ni Luis mauuwi lang sa wala!"
Batid lahat ni Issay ang panghuhusga ng mga tao sa kanya pero hindi nya ito dinaramdam dahil totoo naman ang lahat ng sinasabi nila. Baguhan lang sya at wala pang napapatunayan sa napakalaking mundo ng business.
Kaya sya nagsusumikap para patunayan sa kanila at higit sa lahat, sa sarili nya, na kaya nyang maging isang magaling na pinuno.
Pero paano nya magagawa ito kung laging nililimitahan ni Anthon ang bawat kilos nya. Para syang isang ibon na ikinadena ang mga paa at hindi magawang makalipad ng mataas. Gusto nyang makawala ..... hindi na sya makahinga.
Ahhh..! Si Anthon!
Kailangan na nilang magusap ng masinsinan ni Anthon.
Pero wag muna ngayon.
Sa ngayon ang kailangan nyang pagtuunan ng pansin ay ang padating na anibersaryo ng kompanya. Saka na nya iisipin ang ibang problema.
At dahil ayaw na muna nyang umuwi at problemahin si Anthon, kaya naisipan nyang duon magpahatid kay Belen.
Belen: "Anong ginagawa mo dito?"
Nagtatakang tanong nya.
Issay: " Binibisita ka!"
Belen: "Ba't magkasama kayo ni Kuya Garry at inihatid ka pa dito?"
At ikinuwento nito ang tungkol kay Emily at ang pagpupumilit ni Garry na ihatid ito.
Belen: "E, ano ngang ginagawa mo dito sa bahay ni Kuya Luis? Bakit ka dito nagpahatid at hindi sa opisina?"
Issay: "E, kasi Ate, sampung araw na lang wala pa tayong natatapos at lahat ng pinaghandaan natin ay kailangan natin simulan sa umpisa tapos hindi ka pa pwedeng pumunta sa opisina dahil sa kalagayan mo kaya naisipan kong dalhin na lang ang opisina dito! Hehe! Pwede po ba?"
Nginitian nya ito pagkatapos.
Tinitigan ni Belen si Issay ng matagal. Paulit ulit na nirerewind sa isip ang sinabi nito. Inaalam kung may nakatago bang ibang dahilan kaya sya narito.
Sa itsura ni Issay kita ang sobrang pagod at puyat nito. Hindi rin maitatago na tila may dinaramdam ito kaya hindi nya maiwasan na maghihinala.
Pero aaminin nyang nagustuhan nya ang suhestiyon ni Issay.
'Hmmm... ilang beses nya kaya prinaktis ang sinabi nya?'
Belen: "Okey sige maganda nga yan. Ipapahanda ko na ang isang silid para gamitin natin na pansamantalang opisina!"
"Tapos tatawagan ko si Edmund at si Tess na magreport muna dito!"
"At ikaw, umakyat ka sa taas at matulog ka habang inaantay natin sila!"
Issay: "Opo 'Nay!"
Sabay takbo nito sa taas.
*****
Sa opisina.
"Ms. Tess, andito po si Sir Anthon!"
Boses iyon ni Ms. Onse ang pansamantalang assistant ni Tess.
Tess: "Sige papasukin mo!"
Anthon: "Magandang araw Ms. Tess!"
Buong ngiti nitong bati.
Maaliwalas na ang mukha nito na tila isang anghel. Wala ng bahid ng galit o inis.
Tess: "Sir Anthon, kamusta po? Bakit po kayo nadalaw?"
Anthon: "Hinahanap ko kasi si Issay, sosorpresahin ko sana!"
Tess: "Ay Sir, wala po si Mam Isabel nagpunta po sa Tagaytay at baka tumuloy iyon ng Batangas pagkatapos!"
Anthon: "Ha? Bakit?"
Tess: "Nagkaproblema po kasi sa venue dahil sa nangyaring pagsabog kailangan daw nilang magsara ng isang buwan!"
"Kaya eto aligaga kami ngayon! Si Mam Isabel nasa south naghahanap si Edmund sa norte!"
Anthon: "Ganun ba? Mga hanggang kelan sya dun?"
Tess: "Naku! Hindi ko po tiyak Sir Anthon! Sa isang linggo na po ang anibersaryo kaya kailangan na po namin makahanap ng venue sa lalong madaling panahon! Tapos nagkakaproblema pa po kami sa mga guest dahil sa nangyari kaya eto nagsisimula ulit kami sa umpisa!"
Anthon: "Hindi nya ito nabanggit sa akin!"
Ang totoo nabanggit ito ni Issay sa kanya makailang beses na lalo na kahapon ng sunduin nya kahapon at piliting sumama sa San Mateo pero hindi nya pinakikinggan ang paliwanag ni Issay. Ang tanging nasa isip nya ay mailayo ito.
Tess: "Baka po nakalimutan Sir sa dami ng dapat gawin! Naospital pa si Madam at pinagbawalan ng duktor nya na mapagod at ma stress, kaya kulang na kulang kami ngayon!"
Anthon: "Ganun ba, masyado pala kayong busy! Buti pa maiwan na kita at nakakaabala na ata ako!"
Tess: "Pasensya na po Sir!"
Tumayo na si Anthon pero ng humakbang na sya sa pinto ng tumunog ang telepono kaya nag dahan dahan ito sa paglakad.
Tess: "Hello!"
Sige po Madam dadalhin ko po ang lahat ng kailangan at pupunta na ko dyan!"
"Ms. Onse, ikaw na muna ang bahala dito! Pag may problema tawagan mo na lang ako! Kailangan kong magpunta sa bahay ni Madam!"
Pagdating ni Tess sa bahay, nagulat si Issay ng kasama nito ang taong ayaw muna nyang makita.
Si Anthon.
Issay: "Anong ginagawa mo dito?"