Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 121 - Lovers Quarrel

Chapter 121 - Lovers Quarrel

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong kaagad ni Issay ng makita si Anthon na kasama ni Tess.

Walang nagawa si Tess kanina ng magprisinta si Anthon na ihatid sya sa bahay ni Belen.

Hindi sinagot ni Anthon si Issay at dumiretso ito kay Belen.

Anthon: "Madam kamusta po? Nabalitaan ko kay Ms. Tess na naospital daw po kayo! Kaya ng malaman kong papunta sya dito sumabay na po ako para madalaw ko na rin kayo!"

Mahinahon nitong paliwanag.

Belen: "Okey na ako Anthon, kailangan ko lang daw ng mahabang pahinga! Salamat sa paghatid mo kay Tess!"

Habang nagsasalita, pinakikiramdaman nya ang kilos ng dalawa.

'Lovers quarrel?'

Hmmm...

Anthon: "Madam, gusto ko po sanang makausap ng sarilinan si Issay!"

Sabay hawak sa siko ni Issay na kinainis naman ng huli.

Pilit na kumawala sa pagkakahawak ni Anthon si Issay at ng makawala bigla ito humakbang palayo sa kanya.

Issay: "Hindi!"

"Hindi ko pa kayang makipagusap sa'yo ngayon, Anthon!"

"Pasensya na pero .... marami pa kaming dapat tapusin kaya maiwan na kita!"

Hindi na nito inantay na sumagot si Anthon, bigla itong tumalikod at iniwan sila.

Susundan na sana sya ni Anthon pero pinigilan sya ni Belen.

Belen: "Pasensya na Anthon pero naghahabol kami sa oras. Sampung araw na lang anibersaryo na! Hindi mo naman siguro gugustuhin na mapahiya at mapagtawanan si Issay dahil hindi natuloy ang selebrasyon?"

"Kaya kung pwede sana umuwi ka na para makapagsimula na kami!"

Anthon: "Hindi ko naman kayo iistorbohin Madam! Pangako!"

Belen: "Pasensya na Anthon pero hindi kita mapapayagan!

"Mang Roger paki hatid nga sa labas si Anthon!"

Pakisara na rin ng pinto pag labas!"

Wala ng nagawa si Anthon kung hindi sumunod.

Nang wala na sa paningin nila si Anthon..

Belen: "Bakit mo kasi sinama dito?"

Tess: "Pasensya na Madam, nagpupumilit po e!

Saka hindi ko naman alam na...."

"Ano po bang nangyayari Madam?"

Belen: "Hindi ko rin alam kaya wag mo akong tanungin!

Pero nakita mo naman ang kilos nila diba? Mukhang may LQ ang dalawa!"

Tess: "Ano pong gagawin natin, tatanungin po ba natin si Ms. Isabel, Madam?"

Belen: "Haaay! Hayaan na muna natin at marami tayong dapat tapusin! Magsasalita naman yan pag oras na!"

Sa labas.

Inis na inis si Anthon.

Nagkaroon na sya ng pagkakataon pero hindi pa rin nya nagawang maisama si Issay.

At yung ginawang aksyon ni Issay kanina ng hawakan nya ito....

'Bakit sya humakbang palayo sa akin? Ayaw mo na ba sa akin, mahal ko?'

Kumirot ang puso nya ng maisip ito.

"Hindi! Hindi ako papayag na mawala ka sa akin!"

"Kailang makaisip ako ng paraan para makuha kitang muli!"

Nasa loob sya ng sasakyan sa labas ng bahay ni Belen, nagaantay ng pagkakataon makapasok muli.

Pero isang oras pa lang syang naka tambay duon may lumapit ng gwardiya at pinaalis sya.

Isang itong exclusive subdivision at hindi sya pwedeng basta tumambay kung wala syang property duon. Marahil may nagsumbong sa guwardya.

Kaya walang nagawa si Anthon kung hindi lumabas ng subdivision at manatili sa malayo. Ang mahalaga alam na nya kung nasaan si Issay.

Kinabukasan sinubukan ulit ni Anthon na pumasok sa loob ng subdivision pero hindi na sya pinayagan ng guwardya.

Bilin daw ng mayari ng bahay.

Ayaw daw tumanggap sa ngayon ng bisita dahil may tinatapos sila at hindi pwedeng maistorbo.

Nagpupuyos sa galit si Anthon dahil wala syang magawa. Ito ang bagay na kinainis nya sa lahat ang maramdaman na "useless" sya. Nasasaktan ang pagkalalaki nya.

Kailangan nyang makagawa ng magandang plano para sa susunod hindi na makakatanggi na sumama si Issay sa kanya.

*****

"Tiyaaa!"

Sigaw ni Edmund pag pasok sa sala.

Edmund: "Sige Anthon maupo ka muna, hahanapin ko si Tiya Belen!"

Nadinig ng isang kasambahay ang sigaw ni Edmund kaya lumapit ito agad sa kanya pero nagulat ito ng makitang kasama nito si Anthon.

'Nakupo! Pano ko sasabihin kay Sir Edmund na bawal pumasok ang taong yan dito?'

Napansin ni Edmund ang reaksyon ng kasambahay ng makita si Anthon. Nagtaka ito.

Edmund: "Daisy, si Tiya Belen nasaan?"

Daisy: "Uhmm,... Sir ano po, nasa taas po!"

Sagot nito kay Edmund pero hindi inaalis ang tingin kay Anthon.

Edmund: "Sya si Anthon, andito sya para bisitahin ang Tiya!"

Paliwanag nito sa kasambahay dahil tila wala itong tiwala sa bisita.

Kararating lang ni Edmund galing pampangga at hindi pa nya alam na andito rin sila Tess at Issay sa bahay.

Nakita sya ni Anthon malapit sa gate ng subdivision kaya nilapitan nya ito at sinabing naruon sya para dalawin si Belen dahil nabalitaan nyang naospital.

Edmund: "Sandali lang Anthon, aakyatin ko lang si Tiya para malamang andito ka!"

Anthon: "Teka Edmund, sasama na ako sa taas para hindi na bumaba si Madam! Baka makasama pa sa kanya!"

Napatigil si Edmund sa pag akyat.

Edmund: "Pasensya na Anthon pero hindi ka pwedeng umakyat!"

Anthon: "Ha? Bakit?"

Edmund: "Una bisita ka, pangalawa lalaki ka!

Hindi tumatanggap ng bisita sa taas si Tiya lalo na at isang lalaki!"

Paliwanag nito.

Nataranta si Anthon.

'Anong gagawin ko para makalapit kay Issay?'

Belen: "Iho, bakit ba ang ingay mo? Sino ba yang kausap mo?"

Nagulat ito ng makita si Anthon sa ibaba ng hagdan.

Belen: "Akala ko naintindihan mo ako ng sabihin ko sa'yo kahapon na ayaw ko munang tumanggap ng bisita?"

Nagtaka si Edmund.

Edmund: "Nagpunta ka na dito kahapon?"

Anthon: "Pakiusap Madam, kailangan ko lang talagang makausap si Issay!"

Belen: "Hindi ka gustong harapin ni Issay kaya makakaalis ka na!"

Edmund: "Nagdahilan ka lang na gusto mong dalawin ang Tiya?"

Dismayado ang tinig nito.

Pero wala ng pakialam si Anthon. Humakbang na ito pakyat upang puntahan si Issay.

Nakaka dalawang baitang pa lang ito ng maramdaman nyang may humawak sa balikat nya at hinila sya palabas ng bahay.

Edmund: "Sinabi ko sa 'yong bawal ka sa taas diba!"

"Simula ngayon hindi ka na pwedeng pumasok sa bahay na ito! Hindi dito welcome ang mga bisita na hindi marunong rumespeto sa batas ng pamamahay na ito!"