Chapter 6 - Chapter 6

Naiwan ako dito sa labas ng venue ng kasal na feeling puzzled. Kahit ayoko mang masyadong isipin ang pinagsasasabi ni Jimmy kanina, I can't help it. Hindi pwede 'to, Jonnie. Be strong! If you let him intrude your peaceful mind, magkakandaloko loko na naman ang buhay mo, remember that!

"Good morning Ma'am! Bakit di ka pa nakabihis?" tanong sa akin ng wedding coordinator.

"Ah kasi mahirap magcommute na nakadress e." sagot ko naman rito.

"Ganon po ba, pero Ma'am di naman kayo nagcommute. Kasabay ninyo yung guwapong wedding singer din di ba?" sabi naman nito sa akin na parang kinikilig pa ata.

"Wala, nagkataon lang yun. Sige, una na ko ha. San nga pala ako pwedeng magbihis dito, Miss?"

"Akyat po kayo sa 3rd floor Ma'am, room 305. Andun po lahat ng guests na babae. Doon na po kayo magbihis."

"Okay, sige. Salamat."

Hmmmm... room 305.. Ayun! sabi ko sa sarili ko habang binabagtas ang hallway ng events center na ito. Infairness, maayos naman ang place. Pagkatapat ko sa pinto ng room 305, napansin kong maraming naghihintay sa may hallway. Yung iba nagseselfie tapos sa isang part ng hallway, ginaganap naman yung pictorial nung ibang abay. Kumatok na ako sa pinto at laking gulat ko ng makita kong si Jimmy ang nagbukas.

"Yes, Jonnie?" Tanong nito sa akin.

Luminga linga ako sa loob para siguraduhin sana na kahit si Nanay e nasa loob para di ako masyadong mailang. Kaso at the end, wala si Nanay. Sad life.

"Ahm, hinahanap ko kasi si Nanay para makapagbihis na ako ng damit para mamaya."

"Ganun ba? Wala siya rito e. Saka hindi mo talaga siya makikita dito kasi nasa room 306 siya." sabi nito sabay turo sa katabing kuwarto.

"Okay, salamat." sabi ko at dumiretso na ako sa room na itinuro nito.

Nakakainis naman yung Wedding coordinator, mali sinabi sa aking place. Hay, hayaan na nga lang.

"And you may now kiss the bride..." narinig kong sabi ng Pari na nagkasal kina Lee at Michelle. Kitang kita sa mga mata nito ang saya na nararamdaman nilang dalawa ng matapos ang wedding kiss ng mga ito. Napuno naman ng palakpakan ang simbahan tanda na masaya ang mga ito sa bagong kasal at kahit aminin ko man o hindi, nagdulot iyon ng kasiyahan at lungkot sa puso ko.

Kailan ko kaya mararanasan yan? tanong ko sa sarili ko. Naguumpisa na naman ang kadramahan ko sa buhay at hindi ko nagugustuhan iyon. Unti-unti akong naglakad palabas ng simbahan para umuwi na. Hahanapin ko lang si Nanay para magpaalam at uuwi na ako after. Di na siguro ako pupunta ng reception. Baka lalo akong magself pity e.

"Saan ka pupunta?" narinig kong sabi ng nasa likuran ko. Hindi ko na kailangang lumingon pa para alamin kung sino iyon dahil kilalang kilala ko na kung sino ang may-ari ng boses na iyon.

"Uuwi na. Tapos na naman ang papel ko dito" sagot ko sa kanya habang hinahanap ng mga mata ko kung nasan si Nanay.

"Huwag ka ngang malikot diyan, nahihilo ako e." sabi nito sa akin sabay akbay sa akin.

"Bitiwan mo nga ako." Angil ko rito.

"Ayoko."

"Pwede ba, huwag mong pag-initin ang ulo ko?" sabi ko ritong pabulong. Palabas na kasi ang bagong kasal at ayoko namang gumawa ng eksena dito dahil maraming makakapansin.

Paano ba ako makakaalis dito?

"Huwag ka na kasing umalis. Isusumbong kita kay Tita bahala ka." Sabi nito na nag pout pa ng lips.

I look at him with amazement. Di ako makapaniwalang may ganun siyang attitude.

Ang cute este nakakatakot pala. Parang timang.

"Tigilan mo nga yan. Di bagay sa'yo. Saka tanggalin mo na yang mga braso mo pwede ba?"

"Sige, pero di ka muna aalis ha? Saka okay lang kahit di bagay sa akin basta bagay tayong dalawa, okay na sa akin." sabi nito sa akin na may halong pagpapacute.

"Eeew, ikaw ba talaga yan, Jimmy?" di talaga ako makapaniwala sa inaakto nito e.

Naputol ang pag-uusap namin nung huminto ang bagong kasal sa aming dalawa. Niyakap ako ni Michelle and nakipag fist bump naman si Lee kay Jimmy.

"Thank you very much, Jonnie. Both of you made our wedding more memorable." Sabi sa akin ni Michelle habang hawak-hawak ang mga kamay ko.

"Naku, wala yun. Thank you din at pinagkatiwalaan ninyo ako."

"Babe, halika na?" narinig kong aya ni Lee sa asawa nito.

Tumango ito pero bago umalis ang mga ito ay nagsalita muna ito. "Jonnie, remember what we had talked about last time? Listen to your heart, it will make you happy. Believe me." Pagkatapos niyon ay nagpunta na ang mga ito pati na rin ang mga guests sa kabilang part ng wedding hall para naman sa reception. Naiwan naman akong nakatigagal habang pinaprocess ang sinabi nito.

Listen to my heart? It will make me happy? As I remember, ginawa ko yun and what had I got? A bruising heart...and ego. I will never feel that again. Not in this lifetime.

"Halika na?" aya sa akin ni Jimmy.

Hindi ko napigilang bumuntung-hininga. "Okay, di na ako aalis pero pwede ba huwag mo na akong hawakan? Hindi naman ako imbalido."

"Sige, pero bakit ba mainit na naman ang ulo mo sa akin? Napansin ko mula ng dumating ako dito sa Pilipinas, lagi na lang mainit ang ulo mo sa akin." tanong nito sa akin habang kitang-kita ko ang emosyon sa mukha nito. Is it hurt? Pero bakit? Parang baligtad ata.

Feeling ko nag-init ang ulo ko at dumaloy lahat dugo ko papunta rito. Wow, ang galing! Totoo talaga, tinatanong niya ako kung bakit ako galit sa kanya? Nakalimutan niya ba talaga ang ginawa niya sa akin?

"Seryoso, tinatanong mo talaga kung bakit?" sabi ko rito. Grabe naman.

"Oo, tinatanong kita and I am dying to know what the answer is. Bakit nga ba, Jonnie?"

"Pwes, mamatay ka sa kakaisip. I will not give you the pleasure of freeing yourself from the guilt. Tandaan mo yan. And if you can excuse me, pupunta na ako sa reception." Sabi ko sabay alis habang naiwan naman ito na gulong-gulo sa sinabi ko.

-----------

"San ka galing nak?" Bungad na tanong sa akin ni Nanay ng makita ako sa reception hall. Halos mawalan ako ng hininga sa confrontation scene namin ni Jimmy. Di kasi ako makapaniwala na napaka clueless nito sa atraso nito sa akin.

" Diyan lang po sa tabi tabi Nanay. Nagpahangin lang po." Sagot ko rito.

"Osya, tabi ka na lang sa akin. Doon tayo." Giya nito sa akin patungo sa isang table na malapit sa stage. Nakita kong nakaupo doon ang partido nina Michelle at Lee habang napatitig naman ako sa isang lalaking nasa dulong parte ng table. He looks familiar, sabi ko sa sarili ko. Akmang lalapitan ko na ito ng humarap ito sa direksyon ko.

"Jonnie?"

"Elixxir?"

Sabay naming tawag sa isa't isa. Pagkatapos noon ay parang may sariling isip na nagyakap sila, di naman sila close dati pero they are still acquaintances anyway.

"Kamusta? Laki mo na ah." Sabi nito sa akin. Napatawa naman ako sa sinabi niya na 'lumaki' na ako.

"Paanong paglaki ba? Yung height or weight?" sagot ko rito na medyo natatawa pa rin.

"Loko loko. Anyway, halika, tabi na tyo." Sabi nito sa akin.

Nang akmang paupo na ako ay nakita kong papunta sa pwesto namin si Jimmy at hindi mapaliwanag ang facial expression nito.

Dineadma ko ang paglapit niya sa table namin na para ba siyang isang hangin lamang. Paki ko ba.

"Elixxir! Pare, kamusta?" bati ni Jimmy kay Elixxir saka umupo sa tabi ko. So ang set up is, Elixxir-Ako-Jimmy.

"Okay lang naman Pre. Kumusta sa Korea? Kpopper ka na ba? Haha" biro naman ni Elixxir dito.

"Hahaha, baliw! Siyempre hindi! Di ko kaya ang pagtetraining ng mga Kpop stars. Saka di na ako bagay sa mga ganung bagay. Ikaw? Balita ko nasa music industry ka na daw? Sikat na daw ang banda mo e."

"Naku hindi naman, sinuwerte lang. Musika talaga ang nasa puso ko e." sagot naman nito.

Nahihilo na ako sa kanilang dalawa. Lipat na lang kaya ako ng bangko? Nahihiya ako sa kanila e. Akmang tatayo ako at lilipat sana ng bangko ng pigilan ni Elixxir ang braso ko. Napatingin ako sa kanya at di ko napigilang mapatawa. Ewan ko ba.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Elixxir.

"Lilipat ng bangko? Nahihilo ko sa inyong dalawa e." sagot ko rito at di man lang tumitingin kay Jimmy.

"Okay, palit na tayo ng bangko." rinig kong sabi ni Jimmy sa tabi ko at bigla akong pinuwesto sa dating upuan nito. Bale ang nangyari, magkatabi ngayon si Elixxir at Jimmy habang si Jimmy naman ang nasa kaliwa ko. Hindi na ako nakatutol pa ng paupuin ako ni Jimmy sa upuan nito kasi napapagod na ako. Feeling ko super drained ang energy ko ngayong araw na ito.

"Okay, ladies and gents, may I have your attention please? Gagawin na po natin ang pinakahihintay na event sa bawat kasalan... ang paghahagis ng bouquet ng bride at garter naman ng groom! Pero bago iyan, kakausapin muna natin ang bride," sabi ng wedding host habang naglalakad ito patungo sa bride. "Okay, Ms. Michelle, bago natin ihagis sa mga single ladies out there ang iyong mahiwagang bouquet, may sasabihin ba kayo para sa makakakuha?" pagpapatuloy niyo sabay abot ng mic kay Michelle.

"Okay, first of all nais kong magpasalamat kasi pumunta kayo and sa makakakuha ngmahiwaga kong bouquet, I just want you to know na I hope na totoo ang chismis about it. Anyway, for single ladies out there, I want you to know my belief in love: I believe that in love, sometimes you have to neglect whatever your mind tells you what is right. As long as na wala kang sinasaktang tao, okay lang na magmahal. Huwag kang matakot magmahal at masaktan kasi kapag hinayaan mong matakot ka sa bagay na iyon, mahihirapan kang maramdaman ang saya ng pag-ibig. The pain is all worth it Listen to your heart. Thank you." Mahabang litanya nito at iniabot pabalik ang mic sa host.

Nagkumpol kumpol na ang mga singles sa harap ni Michelle at wala talaga akong balak na sumali pa. Hindi ko alam kung ako ang sinasabihan ni Michelle sa speech nito kanina pero aminin ko man o hindi, nasapul ako doon.

"Bakit di ka sumali?" Sabi ni Elixxir sa tabi ko.

"Ayoko. Di ko type yang mga ganyan hehe."

"Ang KJ mo naman. Minsan lang naman yan saka katuwaan lang naman yan, not unless na seseryosohin mo."

Dahil sa sinabi nito, naisip ko na lang na sumunod na lang rito. Tama naman ito, nasa sa akin naman kung seseryosohin ko o hindi ang 'chismis' tungkol sa bouquet. Saka bakit ko ba pinoproblema yun e baka nga hindi ako ang makasalo nun.

"Okay, ready?" sabi ni Michelle habang akma na nitong ihahagis ang bouquet.

Napuno ng tilian ang reception hall ng may makasalo na ng bouquet. Laking gulat ko kasi, oo, ako ang nakasalo ng bouquet na yun.

Napuno ng 'congratulations' ang paligid at marami namang nangbubuyo sa akin na ako ang susunod na ikakasal. Which I already expected na sasabihin sa akin kasi iyon nga ang tsismis ng bouquet.

"Ayan, may nakasalo na! Ang isusunod naman natin ay ang garter. Tinatawagan po natin si Mr. Lee, ang groom para po tawagin ang mga single men natin ngayon dito." Sabi ng wedding hosts.

Lumapit si Lee sa hosts at tinawag nga ang mga single men doon kabilang na sina Elixxir at Jimmy. Jimmy doesn't seem mind at all habang si Elixxir ay tatawa tawa sa nagaganap. Maya maya, narinig ang palakpakan dahil ang nakakuha ng garter ay si Jimmy.

"Tinatawagan po natin ang nakakuha po ng bouquet at pumunta po rito sa harapan. Hinihintay na po kayo ng Prince Charming ninyo!" Tawag ng host a akin sa harapan.

Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng makakuha ng garter ay si Jimmy pa? May namumuong mga pawis sa noo ko at nagsisimula na ring manakit ng tiyan ko. Di maganda ito naisip ko.

Nagdadalawang isip pa rin ako ng sunduin na ako ni Michelle sa kinauupuan ko. Kitang kita sa mga labi at mata niya ang tinatagong pang-aasar sa akin.

"Halika na," sabi nito, "huwag ka ngang KJ diyan, punta na tayo doon.

Wala na akong choice kundi tumango na lang at sumama rito sa harapan. Though I hate the situation I am in now, ayoko namang cause of delay ng mga ito. Hinatid ako ni Michelle sa harapan at ang damuhong Jimmy, ayun, ang ganda ng ngiti. Nakakabadtrip.

"Okay po, Ma'am and Sir, siguro naman po ay pamilyar na kayo sa magaganap ano?" Tanong sa kanila ng host.

Tumango kaming pareho ni Jimmy pero ang totoo di ako sure. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta ng wedding e. Pinaupo ako ng host sa bangko katapat nito at ipinataas nito ang laylayan ng suot kong dress.

Kinabahan ako sa alam kong mangyayari, this can't be real, sabi ko sa sarili ko. Naramdaman kong dumukwang sa akin si Jimmyband whispered on my ears the words, "are you ready?"

Napalunok ako ng matindi pero ito na ito e, wala ng atrasan.

Sinimulan ng ipasok ni Jimmy sa paa ko ang garter at habang pataas ito ng pataas ay may nararamdaman akong di ko maipaliwanag. Parang unti-unting nagiging mainit ang pakiramdam ko. Pinagpapawisan na naman ako and I can  feel that my hands are trembling, kung para saan, ayoko ng alamin pa. Napakainit ng mga kamay niyang tumatama sa hita ko, feeling ko bawat dantay nun sa hita ko ay nagdudulot ng kung ano sa isipan ko.

Stop it Jonnie. Di ka manyak!

Ang nakakatorture na oras ay natapos din. Maririnig ang palakpakan at nang tingnan ko ang mga mukha ng mga ito, kitang kita ang kasiyahan ng mga ito sa napanood.

Habang ako ito, di halos makahinga sa nangyari.

Tinignan ko si Jimmy na nasa harapan ko ngayon. Nakita ko ang kasiyahan nito, ang mata nitong parang kay saya at pati na rin ang mga labi nitong parang nang-aakit.

Wait. Nang-aakit? Maghulus dili ka Jonnie, nagiging manyak ka na dahil kay Jimmy! Not right!

Inismiran ko si Jimmy at napaatras ako kasi bigla siyang dumukwang at may sinabi sa tenga ko.

"I am sorry sa gagawin ko." Sabi niya. Naguluhan naman ako kaya tinignan ko siyang muli pero mali pala ang ginawa ko kasi pagkatinging pagkatingin ko sa mga mata nito, isang halik sa labi ang naramdaman ko.

---

To be continued ....