Chapter 10 - Chapter 10

"Gising na Baby ..."

Iminulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses nito. Para akong tinatawag ng mga anghel. Heaven.

"Saan na tayo?" Tanong ko rito.

"Andito tayo sa condo na may unit ako. Ibababa ko lang yung gamit ko then kakain tayo. Halika na."

Lumabas si Jimmy sa kotse nito at akmang susundan ko na rin siya ng sumenyas ito na huwag muna akong lumabas. Nagtataka man ako ay sinunod ko ito. Iyon pala ay pagbubuksan lang ako ng pinto nito.

Taray. Gentleman. Hehe..

Magkahawak kaming umakyat sa unit nito at dineadma ko muna ang pangungulit ng utak ko na may mali sa ginagawa ko. Mali dahil hindi ko pa naman alam kung ano na ba kaming dalawa pero eto kami ngayon, magkahawak kamay at nakapagkiss na kami ng dalawang beses na.

His condo unit seems so manly. Napakaminimalist lang din ng design nito, may isang kama pero kumpleto sa gamit. May 54 inches na tv at may complete entertainment system.

"What do you think about it?" Dinig kong tanong sa akin.

"Maganda. Lalaking lalaki pero malinis tignan."

"So, I think you like it. Very good." Sabi nito sabay tumango tango.

Napansin kong may balcony ang unit nito at kitang kita mula sa bintana ang papalubog na araw, dahil sa nanghahalinang ganda ng tanawing iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili kong lumabas sa balcony nito.

Hindi ko napigilang mapaawang ang mga labi ko ng makita ko ang sunset na iyon. Nag-aagaw ang liwanag at dilim na habang papalubog ang araw ay kitang kita naman ang ganda ng Bulkang Taal.

"Woooow.. Ang ganda." Buong paghangang sabi ko. Naramdaman kong may pares ng mga kamay na yumakap sa bewang ko, nagulat man ako ay hinayaan ko na lang itong yakapin ako.

Ipinatong ni Jimmy ang mukha nito sa balikat ko at alam kong nag adjust ito dahil malaki ang agwat ng height namin.

"Tama ka, Baby. Ang ganda nga, pero mas maganda ka." Bulong nito sa mga tenga ko na nagpablush sa akin. Lumipas ang mga sandali at tuluyan ng lumubog ang araw pero nananatili pa rin kaming magkayakap. Naputol ang moment naming dalawa ng may marinig kaming tunog.

Blok..blok..

Napapikit ako ng dahil sa hiya. Sa sobrang pagdama sa moment na ito nakalimutan kong di pa pala ako kumakain. Mag aala sais na ng gabi pero almusal pa lang ang nakakain ko. Narinig kong natawa ito na lalong nagpadagdag sa hiya ko.

"Is that you, Baby?" Tanong nito sa akin.

"Hindi ah! Baka ikaw!" Tanggi ko sa sinabi nito.

"Ikaw yun e. Hehe. Anyway, mag aala sais na din pala. Kaya siguro gutom ka na. Anong oras ba huling kain mo?"

"Ahm, 9 oclock..."

"Ano? 9 oclock? E magsisix na ah!"

"Busy kasi kanina sa school e. Nakalimutan ko ng mag lunch."

"Ay naku hindi pwede yan, Baby. You need to eat a lot. Kaya siguro nangangayayat ka e. Halika kain na tayo. Mapapagod ka pa mamaya." Sabi nito sabay hila sa akin palabas ng unit nito.

--

"Koren restaurant?" Nanlalaking matang tanong ko ng dumating kami sa kakainan namin.

Tumango ito at kinausap ang waitress na in charge sa queueing, buti na nga lang at kahit Sabado ngayon ay di masyadong maraming tao. Nakapasok naman kami agad at nakahanap ng table na may magandang view ng Taal Volcano. Napakaromantic ng ambiance.

"Bakit Korean food?" Tanong ko.

"Kasi di ka pa kumakain. Unli dito kaya makakakain ka ng marami hehe."

"Bakit di na lang sa Mang Inasal? Unli din naman doon."

"May allergy ako sa manok, remember? Ay ang gara mo naman, Baby. Akala ko alam mo na lahat sa akin pero nakalimutan mo tapos ako alam kong mahilig kang kumain ng Korean food kaya dito tayo kumain e." sabi nito sa akin.

Naputol ang pag-uusap namin ng dumating na ang inorder naming pagkain. May kalbi, may japchae, may bulgogi, odeng, kimchi, Jjajjamyeon at iba pang side dishes. Halos maglaway ako sa mga pagkaing nasa harapan ko at sinimulan ng kumain. Marami-rami na rin akong nakakain ng mapansin kong di pa kumakain si Jimmy.

"Bakit di ka pa kumakain?"

"Pinapanood pa kita e."

"Weh. Kumain ka na diyan, for sure gutom ka na rin dahil nagmaneho ka kanina. Saka stop staring please. Naiilang ako e." sabi ko rito sabay gawa ng lettuce wrap para rito.

"O, nganga." sabi ko rito sabay subo rito ng lettuce wrap. Napaubo naman ito dahil medyo napalaki ata ang nagawa ko. Hehe.

"I am sorry. Napalaki ata gawa ko. Basta kumain ka na din. Wag ka magpakabayani."

"Sige, kakain na ako. Pero gawan mo ulit ako ng lettuce wrap." Sabi nito sa akin sabay nganga. Nakita kong pinagtitinginan na kami ng ibang customers, yung iba mukang kinikilig sa aming dalawa at may iba namang medyo naiinis na.

Hmmp! Mga bitter naisip ko.

Natapos ang dinner namin na halos hindi na ako makalakad sa sobrang busog. I tried my best na magpaka dalagang Filipina pero pinapagalitan ako ni Jimmy. Kumain lang daw ako ng kumain at ayaw niyang nagugutom ako. We also talked a lot of things habang kumakain kami, from politics, what happened to the both of us, yung banda nito sa Korea--anything. Sa dami ng pinagusapan namin, may isang tanong sa isipan ko na hindi ko matanong tanong. Hindi ko matanong dahil natatakot akong hindi ko magustuhan ang sagot.

"Baby..?"

"Yes, Jimmy."

"Are you okay? Bakit biglang naging malungkot ka?" Tanong nito sabay hinawakan ang pisngi ko.

"Y-e-e-s-s I'm okay. Don't mind me. Napagod lang siguro ako."

Kinuha ng isang kamay nito ang kamay ko habang ang isa namang kamay nito ay nasa manibela. It feels good na hawak nito ang kamay ko, but when he gave it a kiss, I felt million strands of electricity rushed through my veins, giving me a tingling sensation that only he can give.

"Pagod ka na ba talaga? Gusto mo sa condo na tayo matulog?"

"Pero...." nag-aalintana kong sagot.

"Kung sina Tito at Tita ang piniproblema mo, tatawagan ko sila. I am sure papayag ang mga yun. Believe me."

Ginawa nga nito ang sinabi and to my amazement, pumayag nga ang mga magulang ko. Ni kahit konting pagtutol, wala akong narinig.

"Grabe, binebenta na nila ako." sabi ko.

"Kabenta benta ka na kasi Baby." may himig pagbibirong sabi nito.

"Ah ganon. Pwes bumalik ka sa condo mo mag-isa!"

"Ito naman! Binibiro ka lang e. Bati na tayo."

"Okay."

Nang nakabalik na kami ng condo ay pinagpahinga lang niya ako ng konti at tinanong kung gusto kong maligo. Of course, sumagot ako ng oo dahil sa totoo lang, kanina pa ako lagkit na lagkit sa katawan ko.

"Baby, ligo ka na. Nakahanda na yung heater for you."

"Ahm, Jimmy..."

"Yes, Baby?"

"Wala akong extrang damit na dala pala. Ayoko namang mag-ulit ng damit. Ang baho ko na e. Pwede bang bababa lang ako sa convenience store sa baba? Baka may mabili akong damit."

Sandali itong nag-isip at biglang binuksan ang cabinet nito. Maya maya ay may inabot itong tshirt at boxers nito. Buti na lang at nakaugalian ko ng magdala ng underwear lagi sa bag ko kaya wala na akong problema. Kinuha ko ang tshirt at boxers nito at dumiretso na sa banyo.

Napasarap ang paliligo ko dahil siguro may heater ang shower nito. Sa bawat dantay ng tubig sa katawan ko ay parang unti-unting nababawasan ang pagod na nararamdaman ko.

"Baby, okay ka lang ba diyan?" Narinig kong tawag sa akin ni Jimmy sa labas.

"Yes! Wait lang patapos na ako!" Nagmadali na ako sa pagbabanlaw at sinimulan na ang pagbibihis ng namalayan kong wala pala akong dalang tuwalya sa loob. My gosh!

"Ahm, Jimmy?" tawag ko rito.

"Yes, Baby?"

"Pwede bang makisuyo? Pwede bang ... paabot ng tuwalya?"

"What? Wala kang tuwalya diyan? Baby namaaaan... O ito o abutin mo." Sabi nito habang inaabot ang tuwalya sa akin. Buti na nga lang at nakatalikod ito kung hindi, malamang makita nito ang di dapat makita nito. Nang matapos na akong makapagbihis ay namoblema na naman ako dahil napakaluwag ng tshirt na binigay nito sa akin. Nagmistulang dress ang binigay nito, buti na nga lang at nagbigay ito ng boxers, medyo maluwag nga lang din.

Nahihiya man ay lumabas na ako ng banyo at nang makita ako nito ay kitang kita ko kung paano ito napalunok. Nakita ko rin kung paano gumalaw galaw ang Adam's apple nito tanda na may nararamdaman itong pang censored. I am not a teenager anymore kaya alam ko ang mga ganung bagay.

"Ahm, Jimmy medyo malaki yung damit mo noh? Nagmukhang dress sa akin hehe."

Napansin kong hindi pa rin tumitinag ito sa pagkakatingin sa akin kaya pinitik ko ang ilong nito para makabalik sa reyalidad.

"Aray! Why did you that?"

"Bakit ka kasi nakatulala diyan? Parang nakakita ka ng multo!"

"Actually, hindi multo. But a goddess. A very seductive goddess."

It's my turn to be quiet this time. Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako sanay sa mga bigla biglang sinasabi nito na nagbibigay sa akin ng heart attack. He always makes a way para matameme ako.

"Stop staring. Matutulog na nga ako." sabi ko sabay kuha ng dalawang unan sa kama nito at hinila ang sofa bed sa gilid ng unit nito.

"Hey, what are you doing?

"Matutulog. Bakit?"

"Alam kong matutulog ka. What I mean is, bakit diyan ka matutulog?"

"Siyempre bisita mo ako dito. Sa'yong bahay to kaya dapat sa kama ka nakahiga."

Nakita kong naihilamos nito ang kamay sa mukha nito at parang hindi macomprehend ang reason ko. He looked at me and said, "Do you think I can do that to you? Ako na lang diyan, doon ka sa kama."

Nanatili akong nakahiga sa kama at di pinansin ang sinabi nito pero ...

"Ay! Ano ba bitawan mo ako!" Binuhat ako ni Jimmy at inihiga sa kama nito. Nagpumiglas ako rito pero di ako binitawan nito hanggat di ako nakakahiga. Tinigilan ko ang pagpupumiglas at hinayaan na lang ito.

Maya maya, naramdaman kong nakayakap na ito sa akin.

"Uy, anong ginagawa mo? Akala ko ba sa sofa bed ka matutulog?" Naramdaman kong bumuntung hininga ito sabay sabing, "Just let me hug you like this even for 5 minutes then babalik na ako sa sofa, promise."

Sinunod ko ang hiling nito at hinayaan itong yakapin ako ng ganun. His arms feel like home and tonight, I made up my mind. I will listen to my heart.

"Good night, Baby."

"Good night too, Baby."

And we seal the night with a kiss.

---