October 4, 2000
I am so dolled up today. Birthday kasi ni 'Kuya' Jimmy today. My parents always tell me to call him Kuya but matigas ang ulo ko, I never call him Kuya. Why will you call your future husband, Kuya? It's awkward, right?
May gaganaping party ngayon sa bahay nila and yes, I am invited. Hihi. Sobrang tuwa ko nga nung pumunta siya sa bahay handing out the invitation to my Mom and saying that I must be there. Bawal daw kaming umabsent sa birthday party niya. Siyempre, pupunta ako... birthday kaya ng future husband ko yun.
"Anak, matagal ka pa ba?" narinig kong sabi ni Mama sa labas ng kuwarto ko habang ako naman ay di mapakali sa itsura ko.
"Hindi pa po Ma. Konti na lang po!" sagot ko rito habang kinakalikot ang buhok ko. Nasa harapan ko ang iba't ibang hair paraphernalias: may mga ipit, straightening iron at curling iron.
"Ano bang ginagawa mo? Ang tagal mo naman mag ayos! Late na tayo oh!" sigaw pa rin nito.
"Last 5 minutes po and I'm done na po. Promise!"
"Sige ha, 5 minutes! Kapag wala ka pa sa baba, iiwan na kita!"
"Yes po Ma! Promise!"
Nagmadali na ako sa pag-aayos ng buhok ko. Di ko kasi alam kung iipitan ko ba o ilulugay ko na lang. I always have this straight hair and some people are envious of it pero ako naman ay nabobore dito. Gusto ko ng kulot na buhok, ang ganda kasing tingnan.
"Jonnieeeeeee! Anong oras na! Male-late na tayoooo!" sigaw ng Mama ko mula sa ibaba ng bahay.
"Ito na poooo!" binitiwan ko na ang hawak hawak kong curling iron. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko at sinuklay ang mga ito bago bumaba sa salas.
------
"Woaaaaah" sabi ko habang pababa ako ng sasakyan namin. Ang laki kasi ng pinagbago ng bahay nina Jimmy. From a simple home, naging very bonggacious na bahay ito with so many adornments and very classy na interiors para sa birthday ng unico hijo ng mga ito.
"Hi, Jonnie." bati sa akin ni Tita. Nagbeso beso naman ang Mama ko pati na rin ito.
"Hi, Tita. Si ... Jimmy po?" tanong ko kay Tita habang hinahanap ng mga mata ko ang pakay ko.
"Ay kanina andiyan lang malapit sa pool kasama ang nga barkada niya e. Tignan mo na lang dun."
"Okay po Tita. Thank you po." naglakad na ako papunta sa tinuro ni Tita na pwesto. Doon, nakita ko sina Jimmy kasama ang barkada nito pati na rin si Elah, ang current girlfriend nito. Maganda ito saka maputi na may straight na buhok pero nakakulot ang dulo, nagmomodel na nga daw ito base sa narinig ko noon sa kaklase ko. Lagi kasi itong panlaban ng school namin sa mga beauty contest at lagi namang may panalo itong naiuuwi. Kung hindi title holder, di pwedeng wala ito sa pwesto.
"Ahm, hi Jimmy." sabi ko sabay abot ng regalo ko rito. It is a personalized handkerchief and shirt with initials na J&J -- stands for Jimmy and Jonnie. Nakuha ko ang idea na ito kay May, ganun daw kasi ang regalo nito sa boyfriend nito noong nagbirthday ito. Ginaya ko naman kasi nga feelingera ako e. Hahahhaha 😂
"Maraming salamat, Jonnie. Pero di ba sabi ko sa'yo Kuya Jimmy dapat ang tawag mo sa akin?" sabi nito habang ginulo gulo ang buhok ko.
"Ano ba? Huwag mo ngang guluhin ang buhok ko!" sabi ko habang nakanguso.
"Ang cute mo." rinig kong sabi nito sabay ipit sa mga nguso ko. Narinig ko na lang na nagtawanan ang mga barkada nito maliban kay Elah na nakataas ang mga kilay habang nakatingin sa akin.
Pake ko naman sa'yo. Moment namin to haha.
"Alam kong cute ako pero di mo ko mapipilit na tawagin kang Kuya. Ayaw ko."
"Pero mas matanda ako sa'yo. Kaya kailangan mo kong tawagin na Kuya."
"Basta. Ayaw ko."
"Anyway, ano nga pala tong regalo mo?" sabi nito habang akmang bubuksan ang regalong bigay ko sa kanya.
"Huwag muna! Mamaya na lang! Kapag mag-isa ka na lang hehe .." sabi ko sabay pigil sa mga kamay nito.
"Ahmm, Jimmy.." nahinto ang 'moment' naming dalawa ni Jinny ng marinig naming nagsalita si Elah.
Bad trip naman oh.
"Yes, Babe? Bakit?"
Umangkla ang mga kamay ni Elah sa braso ni Jimmy habang tila naglalambing rito.
"Babe, nagugutom na ako. Kuha mo naman ako ng food. Pretty please?"
Pretty please? panggagaya ko rito. Sa utak nga lang. Hehe. Arte kala mo naman maganda. Well, maganda naman talaga siya, bitter lang ako ngayon. Kaagaw ko e.
Umalis na nga si Jimmy para kumuha ng pagkain at naging way ito para kausapin ako ni Elah. She looked at me from head to toe na parang ineestimate ako.
"You know Jonnie, I don't like you."
Nagulat ako sa sinabi niya. Although ramdam ko naman na hindi niya talaga ako gusto nagulat pa din ako na sinabi niya yun sa harapan ko mismo. Tiningnan ko siya ng hindi kumukurap. Mabait ako but when it comes to Jimmy, lumalabas ang tapang ko. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.
"The feeling is mutual, ATE Elah." I emphasized the word ATE para kahit paano may paggalang pa rin. Hehe.
Ito naman ang nabigla sa sinabi ko. Akala siguro nito ay tatahimik lang ako at hahayaan lang ito sa mga sinasabi nito. No way, Jose.
"Sabi ko na nga ba at kunwari lang ang pagbabait baitan mo lalo na pag nasa harap ni Jimmy e. You're maybe young but I know that you are such a wicked witch!"
"Well, ATE Elah, I am not a witch, alam ko lang kung paano lumaban kapag hindi na tama ang trato sa akin. Ikaw ang unang nagsabi sa akin na ayaw mo sa akin. Alangan namang gustuhin kita e ayaw mo nga sa akin di ba?" Mahaba kong sabi rito.
Kitang kita ko sa mga mata nito ang galit sa akin. Ako naman ay nakangiti lang para mas winner ako. Tama nga ito, I maybe young but I am a witch, at times. Thanks to her.
"Okay, what do we have here!"
Napatigil kaming dalawa nang marinig naming dalawa ang boses ni Jimmy. Kahit ayaw naming dalawa, sinalubong namin ito na para bang magkasundong magkasundo kaming dalawa.
Hawak hawak sa dalawang kamay nito ang dalawang plato ng pagkain, inabot nito ang isang plato kay Elah at nagulat naman ako ng ibigay niya sa akin ang isa pa.
"Sa-a-lamat, Jimmy." Sabi ko rito.
"Thanks Babe. You are really the best." Sabi naman ni Elah sabay halik sa labi ni Jimmy habang nakatingin ang mata sa akin.
Impakta talaga nasa isip ko.
"Hey, Babe stop. Maraming tao..." pigil ni Jimmy kay Elah. Tinigilan ni Elah ang paghalik rito pero nanatili pa ding nakaangkla ang mga bisig nito sa bewang ni Jimmy. Parang ahas e.
"Walang anuman , Jonnie." sabi ni Jimmy ng humarap na ito sa akin, "Are you enjoying the party?" Pagpapatuloy nito.
"Oo naman kaso maraming sawa..." sagot kong pabulong.
"Ha? Anong sawa?" Tanong nito sa akin.
"Wala, nagbibiro lang ako. Joke yun tawa ka. Hahahaha" sabi ko sabay tawa ng malakas. Lakas makatanga lang. Di niya ba nakikita yung sawa? Ayan oh, sobrang makalingkis.
Biglang namatay ang mga ilaw at tumutok ang spotlight sa stage na kinaroroonan ng mga magulang ni Jimmy. Napakagandang tingnan ang mga ito dahil kitang kita mo na masaya ang mga ito sa bawat isa.
"Good evening, ako'y nagpapasalamat sa pagpunta ninyo sa birthday ng nag iisa kong anak na si Jimmy." Paninimula ng Daddy ni Jimmy, " My son here is now a grown up man and I an so proud that he grown he up so well. Always remember that I and your mom love you so much, happy birthday ulit anak," pagtatapos nito.
Napuno ng palakpakan ang garden at nagkanya kanyang bati na ang mga bisita kay Jimmy. Hindi ko maiwasang hindi lalong humanga sa kanya habang pinapanood ko itong makipag-usap sa mga bisita. Napaka gentleman nito at napakabait pa nito...and have I told you na magaling itong kumanta? Isa iyon sa mga reasons kung bakit ko siya nagustuhan, ang napakagwapong boses nito.
Well, para naman sa akin halos lahat ng bagay sa kanya gwapo e. Hihi ...
Naputol ang pagmumuni muni ko ng may marinig akong palo ng drums. Napatingin ako sa stage at nakita kong nagsa-sound check na ang mga kabanda ni Jimmy sa St. Ives College. The band is collectively known as "The Crimson Fire". Kumpleto sila sa stage: si Jake, ang gitarista, si Calixto ang bassist, si Elixxir ang lead vocals, si Dragunov ang keyboardist and si Jimmy, ang drummer. Lahat sila ay magaganda ang boses saka lahat mga gwapo kaya it's an added point.
"Good evening , ladies and gentlemen. We are The Crimson Fire and gusto lang po naming batiin ang aming gwapong gwapong drummer, si Jimmy and bilang regalo po namin sa inyo, we are going to entertain you tonight, is that okay with you?" Sabi ni Elixxir sabay mwestra sa mga bisita.
"Yes!" Sabay namang sabi ng mga bisita ni Jimmy. Tumutok na ang spotlight sa mga ito habang tumitipa ang mga daliri ni Dragunov sa keyboard nito. They are now playing Enrique Iglesia's "Hero" na sikat na sikat ngayon. Ang galing ng pagkakakanta ni Elixxir sa kanta nito pero siyempre, loyal ako sa mahal ko hihi ..
They played numerous songs, may bago, may pamparty and yeah, may mga pang romantic songs. Ang galing galing nila and it is not a surprise na sikat sila sa school. May ilan na ding kumukuha sa kanilang managers pero ang sabi nila, it is just their hobby. Wala silang balak na pumasok sa music industry as their work.
"Yung birthday boy naman!" dinig kong sigaw ng isang kaklase nila na bisita din sa birthday party ni Jimmy.
Nakita kong umiling-iling si Jimmy sa request ng bisita. Siguro nahihiya kasi kumakanta pa nga naman si Elixxir.
Ang humble talaga. nasa isip ko.
Natapos ng kumanta si Elixxir at humingi ito ng tubig sa dumaang waiter. Pawis na pawis na ito at himala na hindi pa ito namamaos. Andami kaya niyang kinanta. Anyway, nakatutok pa rin ang paningin ko kay Jimmy, kitang kita sa mukha nito na naieenjoy nito ang ginagawa.
And I love it that I am seeing him happy.
"Alam ninyo guys, medyo namamaos na ako e," sabi ni Elixxir. "Maybe it's time na yung birthday boy naman ang kumanta, don't you think?" pagpapatuloy nito habang nakangising nakatingin kay Jimmy.
Naexcite naman ako sa narinig ko. Jimmy will sing! My gosh, my puso, diyan ka lang ha. 'Wag kang tatalon! Hahahaha!
"Go Babe!" sigaw naman ni ATE Elah sa tabi ko. Di ko namalayan na katabi ko na pala siya.
Agaw eksena naman oh.
Tumayo si Jimmy mula sa pagkakaupo sa drums set. Ibinigay ni Elixxir ang mic rito at tatawa tawa habang may binubulong kay Jimmy. Sinuntok naman ni Jimmy ang balikat ni Elixxir na lalong nagpatawa rito.
"Ahmm... bago ko po pasakitin ang ulo ninyo sa boses ko, gusto ko sanang magpasalamat muna kasi pumunta kayo sa birthday celebration ko. Grabe, di ko inaasahan na ganito pala kalaking birthday celebration ang ibibigay ninyo sa akin, Mom and Dad. Thank you so much. I love you both. To my friends, thank you ulit at kain lang kayo diyan ha. Unli daw yan! Hahahaha! Anyway, this song I am going to sing is very special in my heart. "
Napahawak ako sa tapat ng puso ko ng marinig kong 'special in his heart' daw yung kakantahin nito. Ano kaya yun? Sana alam ko para makasabay ako.
Nakita kong lumaki naman ang ngiti ng bruhang katabi ko. Oo nga naman, ako ngang may gusto kay Jimmy nagpifeeling, lalo na siguro ang girlfriend nito di ba? Nalungkot akong bigla sa naisip ko. Hayssss... Naputol ang pagsiself pity ko ng marinig ko ang intro ng kanta ni Stephen Speaks na "Out of my league."
My gosh, alam ko ito! Favorite ko ito!
It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes
And she plays with me sittin there slacked jaw
And nothing to say
I look at Jimmy's face habang kinakanta niya ang verse ng kanta. I can't help but to think that he is too handsome habang kumakanta. It makes me feel that I am that girl on the lyrics.
Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Yes she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once againIt's a masterful melody
When she calls out my name to me
As the world spins around her
She laughs, rolls her eyes
And I feel like I'm fallin but it's no surprise
Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause it's frightening to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land
Yes she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again
Nang matapos ni Jimmy ang kanta, I don't know if namamalikmata lang ako pero nakita kong sa akin siya tumingin uttering the words, "for you". Namalayan ko na lang na nakaakyat na ng stage si ATE Elah and giving Jimmy a kiss on the lips.
________________
"Ate! Ateeeee! Huyyy!"
"Ano baaaa?!" sabi ko sa kung sinumang Pontio Pilato na binubwisit ang masarap kong pagtulog.
Minsan ko lang maranasan ito, please lang.
"Ate, gising ka na! Malelate ka na o!" sabi ni Biboy, bunso kong kapatid.
"Nakakabadtrip naman oh! Bakit ba?!" asik ko na dito.
"Ate, malelate ka na! Di ba ngayon ka kakanta ng kasal?"
"Ano bang sinasa--! Shooot! Anong oras na?!" tanong ko rito sabay bangon sa kama ko.
My gosh! Ngayon nga pala yung kasal! Hala sige! Tulog pa!
"Kanina pa nga kita ginigising kasi e. Tulog mantika ka kasi." pang-aasar pa nito.
"Oo na nga di ba? Okay, salamaaaat bunso. Gets? Lumayas ka na dito, maliligo na ako." pagpapalayas ko rito.
"Okay."
Naging ligong militar na ang ginawa ko when I realized that I am so freaking late sa wedding. Sa mismong venue na lang ako magbibihis na pangkanta niya. Mahirap magcommute ng naka formal dress.
Bakit ko pa kasi napanaginipan ulit yun e. Basta talaga si Jimmy ang involve, nasisira ang maayos na sistema ko! Kailangan di na sila magkita pa ulit. After this wedding, tandaan mo Jonnie, di ka na makikipagkita kay Jimmy! Kesehodang magtago ka sa Mount Everest, okay?! Aja!
"Anak?" dinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko.
Binuksan ko ng bahagya ang pinto, "Bakit po, Ma?" tanong ko rito.
"May naghihintay sa'yo sa baba. Hahatid ka na daw niya sa venue."
Napaisip ako sandali, baka si Bernard.
"Sige po MA, sandali lang po kamo at bababa na din po ako."
Tinapos ko na ang pagme-make up sa mukha ko at nahihiya akong paghintayin si Bernard sa baba.
"Bernard!" tawag ko rito pagbaba ko. Wala kasing tao sa salas. Dumiretso ako sa kusina at nakita kong may nakatalikod na lalaki habang nakikipag-usap kay Mama. Nakaharap naman si MAma sa direksyon ko.
Niyakap ko ang lalaking nakatalikod, "Bern, parang nagbago ka ng pabango..." sabi ko habang sinisinghot singhot ito. Nakaugalian niya na kasing amoy-amoyin ito.
Halos mapamura ako sa isip ko ng humarap na sa akin ang lalaking inamoy-amoy ko.
Of all people, bakit si Jimmy pa?!
Mabilis akong humiwalay rito and I swear, I know I am bloody red blush right now.
"A-a-anong ginagawa mo dito?" tanong ko rito habang nagpapakastrong mode.
"Sinusundo ka." sagot naman nito.
"Bakit?"
"E pareho lang naman tayo ng pupuntahan e. Kaya pumunta na ako dito. Saka ininvite din naman ako ni Tita na bisitahin siya so, here I am."
"Mauna ka na. Di ko kailangan ng ride. I can manage." sagot ko rito habang nakataas ang mga kilay.
Naramdaman ko na lang na may bumatok sa akin. "Aray naman, MA!" sabi ko kay Mama habang hawak hawak ang ulo kong binatukan nito.
"ANg arte mo! Sinundo ka na nga dito mag-iinarte ka pa! Aba, Jonnie.. di tayo mayaman ha. Ayusin mo yang sarili mo!" sabi nito sa akin habang nakatutok sa akin ang siyanse na pamprito.
Balak pa ata akong paluin ng siyanse.
Wala na akong nasabi, pumayag na lang akong sumabay kay Jimmy kahit na nga labag sa loob ko. Kesa naman mabatukan ako ulit di ba?
Wala kaming kibuan habang nasa biyahe. Umakto na lang akong nagtutulog tulogan. Naiilang kasi ako sa tingin ni Jimmy. Nahuhuli ko kasi siyang tinititigan ako sa dashboard mirror.
"We're here." dinig kong sabi nito sabay patay sa makina ng kotse nito. Akma na sana akong lalabas ng pigilan ako ng mga kamay nito.
"What?" I asked him irritatedly.
"Do you always do that?" he asked.
"Do what?"
"That. Hugging someone else." sagot nito.
"Of course not! Akala ko kasi si Bernard ka kaya nayakap kita. Huwag ka ngang feeling diyan!" sabi ko rito habang pilit tinatanggal ang mga kamay nito.
Masakit ah.
"So, you are always hugging him?" he asked habang nakakunot ang noo nito.
Problema nito?
"I think I do not owe you an explanation, Mister. Mind your own business okay?" sagot ko rito sabay tanggal sa kamay kong hawak hawak nito.
"Well Miss, remember this. YOU ARE MY BUSINESS. Get it?" sabi nito sabay pisil nito sa pisngi ko.
"Aray ko! Lumabas ka na nga!" sigaw ko rito. Lumabas naman ito at pinagbuksan pa ako ng pinto. Matapos akong pagbuksan nito ng pinto at palabasin ako, dumiretso na ito sa loob ng events center at iniwan ako dito sa labas, puzzled.
Tama ba ang narinig ko? I AM HIS BUSINESS? Anong ibig sabihin nun?
------