[ City of the Free, Freedonia Nation. ]
Ohh wahh~
*Gulp*
Kapansin-pansin ang dalawang player na nag to-toma sa loob ng isang Tavern, isang sikat na tambayan ng mga High Level Players at NPC (Non-playable Characters) alike. Dinadagsa ito ng karamihan, lalo na ang mga nobles at richkid na players na magarbo kung gumasta.
Tulad ng pangalan ng Nation na ito, 'Freedonia', racism free at peace loving ang Main City nito na kilala sa bansag na 'City of the Free'. Kahit anomang lahi o tribo ay masayang nag iinuman at bulyawan sa loob ng Tavern na parang magkakaiban. Bawal ang anumang uri ng labanan o PK (Player Kill) sa loob ng teritoryo ng Freedonia. Kung may alitan, lalo na sa magka-ibang Race, ceasefire muna kung ayaw mong malintikan sa [Knights Order] ng Empire.
Satisfy ang isang Human Race [Holy Knight Raider] na si Rondal sa pag laklak ng isang basong alak. Nabigla ito sa kalidad ng inumin, tamang-tama lang ang sarap at pait ng [Brax Beer] na dumaloy sa kanyang lalamunan.
Sinong nag aakala na isa lamang itong Virtual Game? Kaya ang laki ng pasasalamat ng mga lasengero sa Revolutionary Game na'to! Walwalan to da max!
[Status Ailments Applied - Intoxicated]
=Evasion decreased 5%
=Accuracy decreased 5%
=Magic Def decreased 5%
=Physical Def decreased 5%
=Attack boost 10%
Kasunod nito ang paglabas ng isang semi-transparent System Notification box na nag pre-presenta ng mga [Status Ailments] na may negative effects na makakasama sa kanyang Avatar. Lumulutang ito sa harapan ni Rondal na parang hologram na puno ng mga mensahe ngunit tila bang hindi niya ito nakikita. Patuloy parin siya sa kanyang pag laklak ng alak.
Nag painum siya ngayon kasama ang kanyang apprentice na si Gibel para sa isang special celebration. Napaka good mood niya ngayon, kaya punong-puno ng mamahaling pagkain ang naka handa sa lamesa. Nakakabit din sa mukha ang ngiting tagumpay ni Rondal na hanggang tenga ang haba.
Habang si Gibel naman ay tahimik lamang na nakikinig. May himala bang nagaganap? Di niya maiwasang magtaka sa inasal ng kanyang Master. Actually, si Rondal ay kaibigan niya in Real Life pero Master niya ito sa loob ng laro dahil sa benefits ng 'Master- Apprentice' Functions ng Game. Alam ni Gibel kung gaano ka kuripot ang kaibigan niyang ito. Katunayan, ay siya pa nga laging gumagastos para sa daily necessities nila dito sa laro. Pero ngayon ay nanlilibre... tsaka sa mamahaling Tavern pa? Edi Wow?
Dahil dito ay mas naging curious si Gibel, "Hoy Rondal, sumagot ka ng matino. Pumuti naba ang uwak? Anong nakain mo't nanlibre ka?"
"Hmmp! Anong alam mo? Chill ka lang ma friend!" Rebuttal ni Rondal.
"Pero seriously, dito pa talaga sa High Class Tavern ng City of the Free..." Suspisyosong titig ni Gibel kay Rondal na panay parin sa pag inum.
"Parekoy, this is my day hehe.. may maganda kasi akong balita!" Uminom muna si Rondal ng isa pang basong beer bago naging seryoso ang mukha nito na parang isang calm water.
Bago ang lahat, ini-scan muna ni Rondal ang paligid ng Tavern. Sinigurado niyang walang makakarinig sa ibubunyag niyang sekreto dahil magdudulot ito ng destruction sa kanya. Lumapit siya kay Gibel para bumulong.
"Gibel, kilala mo ba ang Mythical Darksmith?" Mahinang boses ang umingaw-ngaw sa tenga ni Gibel.
"Ahmmm..." Napaisip si Gibel, parang pamilyar nga sa kanya ang title na yan.
"Myhical Darksmith... Ahmm... Yung sikat na pervert? Mukhang pera, greedy bastard at magnanakaw ng last hit at etc. Siya ba? Ou, kilala ko... tingin ko sikat siya, Baket?" Kaswal na sagot ni Gibel kay Rondal at kumuha ng Fried Rainbow Beast Chicken sa lamesa. Ayaw niyang magpahuli kay Rondal lalo na't baka siya ang magbabayad rito.
"Tsk. Tignan mo nga sarili mo, kaya ka di lumalakas dahil puro ka chismis! Kayong mga newbie ang alam nyo lang ay mga negative comments ng ibang players," Napa shake ng ulo si Rondal sa impression ni Gibel tungkol sa iniidulo niyang Mythical Darksmith.
"Haays. Dahil baguhan ka lang, syempre ang maririnig mo ay mga di kaaya-ayang comments ng mga inggiterong mga players. Well anyway, hindi kita masisi. Di mo ba alam na siya ang allegedly pinakamalakas sa buong mundo?" Dagdag ni Rondal na parang Nanay na sobrang proud sa kanyang anak.
"Weh di nga!? Ba't wala siya sa listahan ng World Ranker?" Biglang singit ni Gibel.
"Stop! Patapusin mo muna ako! Ang misteryosong Darksmith na ito ay kilala sa pag-gawa ng SSS+ Rated Items ng walang kahirap-hirap. Kaya rin niyang mag Rank Upgrade ng mga Artifacts at Aspect Gears with 100% Chance Rate ng Option Stats at skills. Sa madaling salita lahat ng obra niya ay Godly Treasures! Walang Katulad sa buong mundo!" Tila ba hingal na hingal si Rondal sa pag latag ng kakayahan ng kanyang idol.
Sariwa pa sa isipan ni Rondal kung pano nagkagulo at nagulantang ang buong server nang unang lumabas ang kauna-unahang Rated SSS+ weapon na gawa ng Mythical Darksmith.
Pumasok sa magulong digmaan ang buong mundo ng Virtual World. Nag trigger ito ng World Event q
Quest kung saan lahat ng mga players ay maglaban laban para sa mga Rated SSS+ items. Ang event na ito ay kilala sa tawag na 'Godly Empyrean War'. Nagkaroon ng Clan Wars at Continental Wars dahil sa agawan, marami ring nawasak at na-disband dahil dito. Nagdulot rin ito ng rise and fall ng mga kingdoms at empires sa mga continent na bumago sa kasalukuyan.
Sa tuwing naalala ni Rondal ang mga ito, di niya maiwasan maging excited at lumakas pintig ng kanyang puso. Sariwa pa sa kanyang isipan ang mala-alamat na journey ng Mythical Darksmith.
"Meh.. Di naman halata na ultimate fan boy ka ng Darksmith na yan, bias!" Disgust na tingin ni Gibel sa kaibigan niyang si Rondal.
"Nag craft lang ng Godly Items malakas na? Lol, kaya pala wala siya sa Top Rank dahil umaasa lang siya mga gawa niyang items. Ganyang mga players ay NEVER EVER aangat sa rankings. Maski siguro sa E-Sports, elimination Round palang ay lagatak na," Dagdag ni Gibel, Hindi niya alam kung anong meron sa Darksmith na hinahangaan ng tropa niyang si Rondal. Baka chika bebe tong darksmith nato? Hmmmm...
Biglang napatayo at triggered si Rondal sa narinig.
*Pak*
Lagatak ng palad sa lamesa at muntik na itong mawasak, buti nalang de kalidad ang pag gawa rito kundi ay nagka pira-piraso na ang mga ito dahil isang high level player si Rondal. Sinasamba ni Rondal na parang diyos ang Darksmith, pagkatapos ay babastusin lang at sa kanya pang harapan? Para siyang nasampal sa mukha!
Dinumihan ng kanyang kaibigan ang prestihiyosong pangalan ng kanyang lodi.
"Sir, umayos ka!" Sigaw ng isang NPC (Non Playable Character) na isang Waiter sa 'di kalayuan. Galit na galit ang mga titig nito na parang sinaksak si Rondal ng isang daang espada sa kanyang katawan. Naglalabas ng intense Killing Aura ang Waiter na diretsong naka target kay Rondal na siya namang tumindig ang balahibo. Kahit si Rondal ay di basta papalag sa nakakatakot na Waiter na'to. Napakalayo ng agwat ng kanilang kapangyarihan! Para lamang isang basang kuneho si Rondal na tinititigan ng leon.
Legit ngang prestihiyoso ang Tavern na ito. Pati mga Waiters ay di basta-basta!
Nanliit si Rondal at napalunok ng tigang na laway sa takot.
Kinalma bigla ni Rondal ang kanyang sarili at humingi ng paumanhin sa NPC Waiter habang naka ngiti ng pilit at kinakayi ang kanyang ulo. Sa lakas ng aura na pinapalabas ng Waiter ay paniguradong isang pitik lamang ay tiyak na mag mi-meet-up si Rondal at ang puong maykapal. Pagkatapos, itinuloy ni Rondal ng mahinahon ang kwento sa kaibigan niyang tanga.
"Anong sinasabi mong mahina? at tsaka hindi makaka angat? Tse! wag mo igaya ang Darksmith sa pipitsuging mga Rankers sa listahan ng mga gago," Napatawa si Rondal at piniling i-ignore nalang ang pagiging ignorante ng tropa niya.
"Hindi lang siya isang Darksmith kundi isa rin siyang Godly Tamer! Tama isa siyang Beast Tamer! Lahat ng mga Battle Pets niya ay puro Ranks SSS+. Mula sa mga Dragon, Phoenix kahit mga Summon Angel ay meron siya.
Alam mo bang sa isang kindat lamang niya ay kaya niyang pumatay ng isang level 500 player? Nung naka tulog nga siya sa kanyang paglalakbay habang nakasakay sa isang Floodwing Dragon ay aksidenteng na ihulog niya ang kanyang Godly Hammer. Nahulog ito sa isang City ng Beastkin Continent, alam moba kung anong nangyari?"
"Ano?" tanong ni Gibel na halatang di naniniwala kay Rondal at nag go with the flow na lamang.
Gayon paman ay nagpatuloy parin si Rondal, "Nung bumagsak ito sa City ay napulbos at nawala ang buong city sa mapa! Walang natira!
Pero ito ang mas malala, nangyari ito sa isang Triple S Rank Raid sa Ruins ng Elfkin Continent. Nung napa 'achoo' dahil sa alikabok ang Darksmith ay na wipe out lahat ng mga monster! Pati boss hindi nakaligtas!"
What the... Speechless si Gibel sa boasting ni Rondal, sikretong napa shake nalang siya ng ulo. Talagang isa kang dakilang Fanboi ng Darksmith, Rondal!
"Teka teka, ano ba talagang magandang balita na sinasabi mo? Wag ng magpa ligoy ligoy pa, may pasok pa ako bukas at mag la-logout ng maaga!!" Inip na sabi ni Gibel. Kailangan matigil na ang walang saysay na sinasabi ni Rondal.
"Ay.. sorry haha. Diko kasi maiwasan na madala sa Greatness ng Darksmith! Ganito kase yon... naka kuha ako ng slot reservations sa pag papagawa ko ng bagong customised weapon."
Feeling pround si Rondal, dahil isa siya sa mga maswerteng napili. Halos buong mundo ang nag aasam sa obra ng Darksmith kaya ang laki ng pasasalamat niya sa diyos nang siya ay nakatanggap ng invitation galing mismo sa idol niya. Para sa pirasong Legendary Item, handang mag invest si Rondal ng kahit anumang halaga. Binuhos niya lahat rito ang buo niyang income, bahay at ari-arian, pati misis ay isinanla para lamang sa once in a lifetime opportunity.
This a Jockpot! Sigaw ng kanyang puso. Lalo na't lahat ng mga Players na may Items na gawa ng Darksmith ay umangat sa World Rankings.
Soon... Isa na ako sa Worlds Strongest!
"Wag mong sabihing..." Ngayon ay nanlaki ang mata ni Gibel. This is a big deal indeed!
"Yep, si Master Darksmith ang gagawa ng Weapon ko! Haha! Aangat na ako sa World Rank at wala na makakapigil sa akin wahaha! It's my time to shine!" Napatawa si Rondal ng malakas! Ito na ang pagkakataon niya na makilala ng Buong Mundo.
Sa sobrang kasikatan ng VRMMORPG, kahit mga Celebrity ay naglalaro ng larong ito at hindi lahat sa kanila ay sikat. Tanging mga malalakas lang sumisikat! Wala na ang mga tradisyonal games tulad ng mga mobile at PC games. Kung gusto mong sumikat at yumaman? Maglaro ka ng World Combat Continent at sakupin ang buong mundo!
Super excited si Rondal habang iniisip ang mga ito, di na siya makapag hintay na ma-feature sa isang Magazine, Website Blog at maging laman ng mga balita sa TV at content sa Tuktok at MeTube.
Woahh... Tinawag na niyang 'master' ang Darksmith... Napa-Facepalm nalang si Gibel sa kabulastugan ni Rondal.
"Pero seryoso, pag nagkatotoo to... Kung ganon, may kaibigan na akong future celebrity!? Wahaha-" Naputol ang tawa ni Gibel ng makitang wala na si Rondal sa kanyang inuupuan.
"Rondal? Holly shi-" Di pa natapos ang cursing ni Gibel nang biglang binigay ng Waiter ang listahan ng kanilang babayarin.
"Rondal!!!!!!!!!!"
***โข***
Sa di kalayuan, may isang Player na naka Hood na nagmamasid. May kasama itong mga Slime na nakikikain sa taas ng lamesa. Tahimik lamang sila na nakikinig sa bulyaw ng dalawang player sa kabilang mesa.
Ang Player na naka Hoody na ito ay balot na balot ng Cape ang buong nitong katawan na parang gawa sa basahan. Tila bang ayaw nitong malaman ng iba ang tunay niyang identity. Nakatago ang bibig gamit ang isang mask at tanging mga mata lamang ang makikita rito.
Napa ngiwi nalang sa narinig na 'Joke of the year' ang Player na naka Hood at sabay sabing, "Napaka OA naman ng Rondal... Napa achoo lang, wipe out mga kalaban tsaka pati boss? WTF haha! Urghhh" Muntik pa siyang nabilaukan sa kanyang kinain.
"Bawal tawa pag kain ka! Bawal din sinungaling Master Anvart. Hulihin ng [Knights Order] mga sinungaling! Sige ka!" Tinatakot ng Slime si Anvart, ang Player na naka Hood. Para itong nanay na pinapagalitan ang anak.
Hmmm napaisip ako... Saan kaya galing ang chismis na'to? Pero yung part kung saan nahulog yung Hammer ko. Oh syet! Sa tuwing naalala ko to ba't parang sumasakit ulo ko? Sigh. Nine Milyon Gold ko!!
Salamat sa letseng babaeng gorilla na si Azaliet ay ilang buwan rin akong naghirap bago makabangon. Binigyan ba naman ako ng Mandra Medicine na pampatulog. Fuck! Dahil dun nakabayad tuloy ako ng Compensation sa City lord!
Nawalan tuloy ng ganang kumain ang si Anvart nang maalala niya ang isa sa mga masalimuot niyang experience. Nine milyon Gold Coins lang naman ang binayad niya sa StoneHill city bilang kabayaran sa damage ng kanyang kapabayaan. Tatakas pa sana siya noon, kaso mismo ang City Lord ng Beastkin Continent na si Zanib ang nagbigay ng complaint.
Pero ganon paman ay di niya maiwasan mapa ngiti. Ni-reminisce ng Player na naka Hood ang mga adventures nung nagsisimula palang siya sa laro.
"Ang layo na pala ng aking nalakbay," Sabi niya sa kanyang sarili with sense of accomplishment.
Sa larong Virtual Game ay Endless ang possibilities. Isa na rito ay ang mga lugar at wonders na tanging sa Virtual Game lang matatagpuan. Simula sa maliliit at fluppy monster na ma iinlove ka sa sobrang cute hanggang sa mga higanteng halimaw na tanging sa movies lang makikita ay nakatira sa mundo ng Virtual Game. Isa na rito ang mga Dragon, Giants, Kraken at marami pang iba.
Marami-rami na rin siyang nakilalang players sa buong panig ng mundo at naging kaibigan. Nakasama niya ang mga ito sa sakit at tawa, sa hirap at ginhawa. Sila ang dahilan kung bakit na hook siya sa larong ito at sila rin ang naging partner in crime niya sa mga Raids, Clan War, Guild Quest, Continental War, Territorial War, Event quest, PK (Player Kill) at etc. Syempre di rin mabilang ang mga naging kalaban niya ingame. Minsan ang hidwaan sa loob ng laro ay nadadala sa realidad.
Now to think if it.. "Pano nga ba ako nagsimula? hmm?"
"Master! Dito na si Lilley, Takas tayo Master!" Biglang pumasok ang mga natarantang boses ng mga Slime sa tenga ni Anvart. Sabay sabay silang nagsasalita at na nagbabala.
Tsk. Kahit kailan ay diko talaga matatakasan si Lilley. Sigh.
Ilang sigundo lang ay biglang may bilog na anino na lumabas sa kanyang harapan. Kasunod nito, ang bilog na anino ay nag anyong tao at biglang nag pop out ang isang babae. Para itong isang ninja na bigla nalang dumadating.
Bumungad sa harapan ni Anvart ang isang babae na sobrang puti, may malaki at makikinang na mga mata na parang mga bituin sa kalangitan. May maganda itong bilugan na mukha at namumula na pisngi at may matutulis na tenga kung saan naka sablay ang kanyang blond short hair. Naka suot ito ng Maid outfit na parang isang Cosplayer. Sa ibabaw ng outfit na ito ay ang makinang na mga special metal na nag sisilbing depensa. Meron din itong armas na nakasabit sa likod, dalawang Battle Axes na kasing tangkad ng tao ang haba. Ang babaeng ito ay si Lilley, isa sa mga Battle Maids na under sa pamumuno ni Anvart.
"My lord, hinahanap kana po ni Miss Azaliet, uwi kana daw po, di na siya galit." Nag bow ito at punong puno ng respeto. Kitang kita ang pamumula ng pisngi nito.
Uwi my ass! Mawawalan ako ng tino sa pag-iisip pag uuwi ako! Hinagpis ni Anvart.
"Hays, di mo ba nakikita na kinakain pa ako? Tsaka ba't naging errand girl ka ni Azaliet, diba ako ang Boss mo?"
"Tama! Master Anvart lang Boss, wala na iba. Tsaka kain pa Master, wala ka galang kay Master! Hmp," Sabi ng slime habang nalilisik ang mga mata nito. Nice my Slime, yan pagalitan mo yang si Lilley!
Nanlaki ang mga mata ni Lilley at sa di malamang dahilan ay imbis na magimbal ito, lalo itong naging excited sa narinig. Para bang ina-anticipate niya ang pangyayaring ito.
Oops! w-wait~
"Oh my lord, pag pasensyahan napo ninyo ang aking kabastusan at walang galang, di ko po balak na esturbuhin ang iyong pag kain, my lord!"
"Wahh.. Wa-wait! Ba't ka nag huhubad!? Pati ba't napaka erotic? Mag saplot ka uy!"
Naghubad si Lilley sa kanyang harapan. Medyo namumula pa ang pisngi nito tila bang nahihiya kunwari.
Bigla may naramdamang life threatening force si Anvart na naka target sa kanya!
Oh shit. Hindi na'to maganda..
Napatingin agad siya sa paligid. Nakita niya ang mga diring-diri na mga titig ng mga ibang Players at NPC. Lalong lalo na ang mga babaeng Players na umaapaw ang hostility, naglabas sila ng kanilang mga armas para paslangin ang nakakadiring nilalang sa kanilang harapan.
My god! Kung nakakapatay ang titig, patay na ako on the spot!
"My Lord, parushan mo na ako please!! Paluin nyo na po ako!" Nagmamakaawa si Lilley at ipinuwesto ang pwet nito sa harapan n iAnvart. Malugod niyang tatanggapin ang parusang ito lalo na't galing sa kanyang pinakamamahal na boss.
"Nahihibang kana syet!" Tumayo bigla si Anvart, "Bahala ka dyan!"
<
Nagulat lahat ng mga Player at NPC sa loob ng Tavern dahil sa bigla niyang pagkawala sa upuuan. Kailangan niyang matakasan ang Pervert maid na si Lilley. Ngayon, nasa taas na siya ng Tavern at naka lutang sa himpapapwid, salamat sa bago niyang crafted na Customised Boots ay malaya siyang nakakalipad kahit walang flying mount or flying gears. Ito ay ang Selluca Boots, sa madaling salita, boots na may mga pakpak.
Take note, ako pa lang ang unang nakakagawa nito sa buong laro! As always, proud na proud si Anvart sa kanyang mga Crafted Items.
First priority, kailangan kong makalayo rito! Tarantang sigaw ni Anvart sa kanyang sarili.
Biglaan, naging isang shooting star ang iniwang bakas ng kanyang paglipad. Lumipad siya na kasing bilis ng sound at patungo sa malayong lugar. Any will do, basta makalayo lang ako!
Gusto lamang ni Anvart ng katahimikan at Timeout sa Adventures at worldly matters. Ilang taon narin siyang naglalaro ng World Combat Continent Online at halos araw-araw ay ginugugul niya ang kanyang sarili sa pag level up at pag hanap ng mga paraan para kumita ng pera sa loob ng Virtual Game. Ngayon na medyo stable na ang lahat, gusto niya munang mag relax at maging stress free.
Teka... Maibalik ko lang... "Pano nga ba ako nag simula?"
Pero bago pang malunod muli sa kanyang isipan ay ginambala siyang muli ng isang malakas na boses sa di kalayuan. Tumindig balahibo niya sa batok. Awit!
"Master hintayin moko! Wala na akong damit pang-ibaba, please punish me na!" Boses ng Battle Maid na humahabol sa paglipad niya!
Oh god! Tantanan nyo muna ako! PLEASE!?
~Itutuloy ang adventure ni Roan/Anvart.
Author's note:
Minsan magtataka kayo dahil may nabago sa past chapter dahil pinapalitan ko ito. Baguhan lang po ako sa pagsusulat kaya maaaring magkaroon ng ilang mga pagbabago tuwing binabasa nyo ang mga chapter. Ine-edit ko ang ilang bahagi nito kung sa tingin ko kailangan talaga palitan.
Your votes and comments matter very much to me, because these will serve as inspiration and motivation to go on. Please continue on supporting this series, and consider this as a reward for spending all my time and effort para lang matapos ito. And if you have suggestions, reactions, etcetera, kindly leave a comment. They will be highly appreciated.
Thank you!